Share

Kabanata 4

Author: El Celery
last update Last Updated: 2020-07-31 02:23:18

Chapter 4: Entering Mort Ville

Mga 15 minutes palang ang lumilipas ay may napakinig agad akong katok galing sa bintana ng kwarto ko. Ano ba 'yan! Istorbo na naman 'tong si Zack! Inis kong binuksan ang bintana at nakahalukipkip ako nang humarap sa kaniya. Gulo-gulo na naman ang buhok nito at nakangiwi siyang tumingin sa akin.

"Naiwan ko ulit ID ko pakuha naman."

"Bakit ka ba diyan dumadaan sa bintana ko? Wala naman si Dad ah! So, puwede ka namang dumaan sa main doo-"

Napabuntong hininga naman si Zack at inis akong tiningnan. "I-aabot lang 'yung ID napakadami na agad sinabi."

Lumapit siya sa may lamesa ko at doon niya kinuha 'yung ID niya. Pinasadahan muna ako nito ng tingin. "Hindi ka pa rin sasama sa'kin?"

Agad naman akong umiling sa katanungan niya.

"Bahala ka diyan sa buhay mo. Babush!"

inis niyang pagpapaalam at handa na naman itong tumalon pababa sa bintana ko.

Ha? Anong babush?

Tumalon na siya at safe naman siyang nakababa na parang wala lang ito sa kaniya. Tiningnan ko muna ang aking suot. Isang itim na pantalon at puting long sleeves sa pang-itaas. Inilugay ko muna ang aking buhok at agad akong umupo sa may bintana. Kanina ko pang pinag-iisipan kung sasama ba ako kay Zack pero napakadami kong katanungan na gusto kong malaman kaya susundan ko siya.

Nakapikit ako nang itinuon ko na ang mga kamay ko. First time kong tatalon na ganitong kataas. Agad akong nag-sign of the cross dahil natatakot ako. Lord ayoko pang mamatay. Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa gilid ng bintana at dirediretso akong nahulog sa damuhan. Nagpagulong-gulong ako doon at tiniis ko ang sakit na naramdaman dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.

"Bakit naman 'pag tatalon si Zack parang ang dali-dali lang"

naiiyak kong sabi sa sarili. Nagtago agad ako sa puno nang makita ko si Zack na may kausap sa kanyang cellphone.

"Pakyu ka, Keif! Oo mga tarantado kayo. Pagtakpan n'yo nalang ako mamaya ha? Feeling ko talaga malelate ako. May LBM ako pre. Gege, gago!!"

Napahawak ako sa bibig ko sa pagkabigla nang marinig ko ang mga salitang binitiwan ni Zack. Puro siya bad words! 'Pag talaga narinig siya ng iba malalagot siya! Tumingin si Zack sa paligid niya at inilagay sa bulsa ang kanyang cellphone. Tinanggal niya ang kanyang jacket at naglagay ito ng shades sa kaniyang mata.

Adik ba siya? Ang lamig-lamig tapos wala namang tirik ng araw tapos nagshades?

Nagsimula na siyang maglakad dirediretso. Wala na akong marinig na ingay sa paligid. Kahit mga sasakyan ay wala. Kumanan si Zack kung saan puro puno ang nandoon at medyo magubat ang lugar. Nagulat ako nang pinagpagan niya ang bakal sa kanyang paanan at bigla niya itong itinaas. May munting liwanag akong nakita dito habang pumapasok siya sa loob noon at agad din itong isinara.

Mga ilang segundo lang ay agad kong binuksan ang bakal. Sinusundan ko ang liwanag na nakikita ko. Bakit ganito? Unti-unting umiinit ang panahon at nasisilaw ako sa liwanag habang sinusundan ko ito.

Lumabas ako sa isang- cabinet?! Agad kong isinara ang cabinet at tiningnan ko ang paligid kung saan kulay asul halos lahat ng gamit. Nakita ko ang mga litrato na nakasabit sa dingding. Nakangiti nang malaki si Zack pati na rin ang mga kasama niya sa litrato na siguro ay mga kaibigan niya. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit din at nanlaki ang mata ko sa nakita.

10:00 am?!

Bakit 10:00 am dito kung gabing-gabi na sa ordinary city?! Magdadalawang-isip sana akong lumabas sa kwarto ni Zack dahil ang alam ko ay puro kriminal ang mga tao dito pero lumabas pa rin ako dahil sa kuryusidad.

"Alam mo ba yung crush ko-"

"Tol! Bili tayo."

"Waaaah omg!"

"Hindi pa ako nabibigyan niyan!"

"Tapos ano nangyariiii?!"

Napatakip ako sa aking tenga dahil sa ingay ng paligid. Hindi ako sanay sa ingay na nililikha ng mga tao dito. Ibang-iba sa Ordinary City. Malaking pagkakaiba. Kunot noo kong tiningnan ang paligid dahil napakaliwanag at napakainit sa lugar na 'to. Kasabay pa ang pagkwekwentuhan ng mga tao sa paligid. Unti-unting lumalaglag ang mga pawis mula sa aking noo.

Hindi ganito ang ineexpect ko sa Mort Ville. Ang akala ko ay puro abandoned buildings at puro kaharasan lang ang alam nila. Pero bakit ganito? Puro mga masasayang mukha ang nakikita ko kasabay ang mga malalakas na tugtog mula sa ibang gusali.

"Hi, ate! Bili na po kayo ng bulaklak sampung piso lang po."

Napatingin ako sa batang may dala-dalang sampaguita. Matambok ang pisngi nito at kitang-kita ko ang mga dumi sa kanyang mukha at damit. Kumuha ako ng pera mula sa aking bulsa at binigyan siya ng 100.

"Ate, wala po akong panukli" nakapout na sabi ng bata sa akin. Hindi ko siya makausap dahil isa sa mga batas ng Ordinary City, 'wag kang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala dahil baka mauwi ito sa pag-aaway o hindi pagkakaintindihan. Maliban nalang kung kailangang-kailangan o kilala mo na siya.

"Ate? Pipi po ba ikaw?" nalulungkot na sabi ng batang lalaki sa akin. Ibinalik niya agad sa akin ang 100 at nginitian ako. "Sige, ate. Iyo na 'yang bulaklak. Wala po talaga ako panukli eh."

Aalis na sana siya habang nakatungo pero agad ko itong tinawag.

"Bata!"

Masaya namang bumalik ang bata sa akin. Wala naman ako sa Ordinary City kaya siguro naman puwede akong lumabag sa batas namin? Nginitian ko 'yung bata at binigay ko muli sa kaniya 'yung 100.

"Pambili mo pagkain. Ingat ka, bata! Salamat sa bulaklak."

Umalis na ako sa pwesto ko. Namamangha ako sa nakikita kong mga teenagers na sumasayaw sa isang park. Nakapwesto sila sa harapan ng fountain at kitang-kita ko ang kagalingan nila sa pagsasayaw. Ibang klase. Sa school namin, tanging mga traditional dance lang ang pinapakita sa amin. Wala sa kaalaman namin na may ganyan palang sayaw. Sinarado ko ang mata ko at pinapakinggan ang ingay na napapakinig ko sa paligid.

Napangiti ako unti-unti dahil ang sarap palang pakinggan ang mga halakhak ng mga tao at ang mga maiingay na musika. Mali lahat ng inakala namin tungkol sa Mort Ville. Napakasaya ng mga tao dito na hindi naman nagagawa ng Ordinary City dahil puro pag-aaral at trabaho ang inaatupag nilang lahat.

Napakinig ko ang isang malakas na busina ng motor galing sa aking likuran. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pakikiramdam sa paligid.

"Kung magpapakamatay ka, huwag mo akong idamay. Move now."

Mabilis akong napamulat dahil sa narinig kong boses ng lalaki. Napatingin ako sa likuran ko at may lalaki doong nakangisi na nakablack shirt. Hawak-hawak niya ang helmet niya. Medyo malapit ito sa akin at kitang-kita ko ang mala-anghel niyang mukha.

Brown eyes na medyo singkit ang mata, may maputing balat, matangkad, kulay itim na buhok namedyo gulo-gulo at napakaganda ng kaniyang porma.

"Alam kong gwapo ako. Huwag mo masyadong ipahalata. Close your mouth baka pasukan ng langaw. Move now, miss. Late na late na ako."

Uso ba dito ang salitang humble?

Related chapters

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 5

    Chapter 5: Keifer ReicherNgumisi ito sa akin bago niya nilagay muli ang helmet sa ulo niya. Ang gwapo sana kung hindi lang mayabang.Agad niyang pinaharurot ang kanyang motor papasok sa isang gate.

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 6

    Chapter 6: Reporting Mort Ville"Bilisan mo nga kumilos! Bagal mo baka tayo mahuli dito."Napatingin naman ako kay Zack na nakakunot na ang ulo habang naglalakad papunta

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 7

    Chapter 7: Dale Martinez"So, paano mo nakuha 'yung number niya? Omg naniniwala na akong mahaba 'yung hair mo!"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 8

    "Pasensya ka na kay Cara ha? Sadyang maldita lang talaga 'yon. And ayaw niyang may iba na nakikisama sa grupo naming lima." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Keifer."Grupo n'yo?"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 9

    Chapter 9: Training"Good news, Zaylee!"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 10

    Chapter 10: Zade Jordin"Alam mo, Zack. Matagal ko na talagang iniisip. Ano ba talaga ang trabaho ni Dad?"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 11

    Chapter 11: Simula"Shh shut the fuck up, Zaylee! Ang ingay mo." Inis na sabi ni Zack habang patago kaming pumapasok sa bahay namin sa Ordinary City.

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 12

    Chapter 12: First Day"Ano ba talagang meron? Bakit parang may alam kayong tatlo?" Kunot noo kong tanong sa tatlo kong kasama. Nandito kami ngayon sa isang bakanteng silid ng eskwelahan. Parang kinaladkad nga lang ako ng mga 'to para raw magtago doon sa mga taong nasa labas.

    Last Updated : 2020-07-31

Latest chapter

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 42

    Chapter 42: Lola Cattalina"Zaylee, gumising ka!"Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko."Thank God! You're now awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon."Lola Cattalina."Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobra

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 41

    Chapter 41: Forgotten Memories"Are you ready?"Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko."I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 40

    Chapter 40: Fear of Truth"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa a

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 39

    Chapter 39: Why Am I Alone?Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikitang magkakasama na kami ng mga itinuring kong mga kaibigan. Natapos na rin ang mga kasinungalingan at babalik na kami sa aming mga tunay na buhay. Ang inakala kong wala nang katapusan na pagpapahirap ay posible pala na maging maayos na ang lahat.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 38

    Chapter 38: Almost ThereZAYLEE"Hindi ka mahilig sa matamis, Zaylee 'di ba? Natandaan ko lang no'ng nasa Ordinary City tayo, puro gulay at prutas ang kinakain mo, eh."

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 37

    Chapter 37: Execution of the PlanVRAKE"Are you all nervous?"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 36

    Chapter 36: Make Him PayVRAKELooking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin.He's nuts.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 35

    Chapter 35: NewspaperZAYLEE"Sobrang boring na talaga rito. Every day, we're just waiting for our food na hinahanda nila sa 'tin to eat, then after that, we'll sleep, and have some chika. Tipong nauubusan na nga tayo ng topic dahil wala na tayong magawa kung hindi 'yon. Tapos panibagong araw, gano'n p

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 34

    Chapter 34: The Truth Outside The LaboratoryVRAKE"Kailan ba gigising 'yan?"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status