Share

Kabanata 5

Author: El Celery
last update Last Updated: 2020-07-31 02:24:01

Chapter 5: Keifer Reicher

Ngumisi ito sa akin bago niya nilagay muli ang helmet sa ulo niya. Ang gwapo sana kung hindi lang mayabang. Agad niyang pinaharurot ang kanyang motor papasok sa isang gate.

Napatingin ako sa pinakataas na gate na may nakalagay na Mort Ville High. Napakaganda ng pagkakagawa sa gate at halata mong isa itong mamahaling eskwelahan. Bago ako tumalikod, naalala ko ang school na pinapasukan ni Zack.

Hindi ako nagkakamaling Mort Ville High 'yon. Mabilis akong pumunta sa gate para pumasok pero humarang sa'kin ang guard na may malaking tiyan at makapal ang bigote.

"ID please."

Umiling ako dito bilang sagot kaya naman kumunot ang kanyang noo. "No ID. No Entry" sabi niya sa akin habang tinuturo pa sa akin 'yung sign sa kanyang gilid. Makapagsalita na kaya?

"Kuya, papasukin n'yo na po ako. Kakausapin ko lang 'yung kapatid ko."

Agad naman itong nag-cross arms at lalo pang umiling-iling. "P'wede ka na umalis, nagkaklase na ang mga estudyante kaya huwag kang makigulo."

"Kuya guard, wazzupp? Agang-aga mainit na ulo n'yo. Chillax ka muna."

Napatingin ako sa lalaking may suot na kulay itim na sumbrero na nasa unahan ko. Napakunot naman ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Anong wazap at chilaks? Anong klaseng language 'yon?

Tinanggal niya ang sumbrero niya. Hindi ko maipagkakaila na may hitsura rin siya. Kulay brown ang kanyang buhok na ayos na ayos at kitang-kita mo ang pagka jolly sa personality niya. "Eh kasi itong babaeng nakatayo sa unahan natin, namimilit na pumasok kahit 'di naman taga dito sa eskwelahan."

Nakakunot naman ang noo niyang tumingin sa akin na para bang kilala niya ako. Medyo nilapit niya ang kan'yang mukha kaya naman napalayo ako dito.

"You know what? Parang namumukhaan talaga kita."

Namumukhaan? Pumupunta rin ba siyang Ordinary City at nagpapanggap? Hala! Baka malaman nila na taga doon ako. Tapos mababalita nina Dad. Agad ko namang tinakluban ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.

"Kuya Guard! Pinsan ko 'yan. Ikaw naman! Papasukin mo na 'yan at mag-eenroll 'yan dito."

Mukha namang nakumbinsi 'yung guard kaya agad niya akong pinapasok. Napatingin naman ako sa lalaking tumulong sa akin na agad akong kinindatan.

"I'm Keifer Reicher. Keif nalang. Pero p'wede namang future husband."

Mabilis ko namang tinanggap ang kamay niya. Namamangha akong tumingin sa kanya. Isa ba siyang manghuhula? Paano niya nalamang kami ang magkakatuluyan?

"Paano mo nalamang tayo ang magkakatuluyan in the future?"

Napakunot naman ang noo niya na parang na weiweirduhan sa akin. Kinamot niya ang batok niya at napangiti nalang nang bahagya. "Hehe joke lang 'yon." Sinabayan niya ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ko ang paligid ng school.

Ang ganda naman dito. Ang lawak ng field kung saan may sinisipa 'yung ibang estudyante na bola. Tapos 'yung iba naman ay may hawak na- kutsilyo?! Hinahagis nila 'yon sa isang board at kailangan nilang matamaan 'yung gitna. 'Yung kabila naman ay may hawak na baril. What? Baril?!

"Kanina pa tayong naglalakad pero hindi ka pa nagpapakilala sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga sinadya mo dito." Mabilis naman akong tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

"I'm Zaylee Jordin. Hinahanap ko 'yung kapatid ko."

Napatango naman si Keif at nginitian ako pero maya-maya pa ay nanlaki ang mata niya at binalikan ako ng tingin. "The fuck? Isa kang Jordin?!"

"Bro!"

Napatingin kami ni Keif sa may likuran ko at doon ko nakita si Zack na kinakawayan si Keif. Pinasadahan ako ng tingin nito na halatang nagtataka kung bakit ako nandito ngayon.

"Bro! Si Zaylee nga pala, pinsan ko."

Napatingin naman ako kay Keif dahil sa sinabi niya. Talagang pinanindigan niya na pinsan ko siya? Inabot ni Zack 'yung kamay niya sa akin kaya agad ko itong tinanggap. "Nicholas. So, pinsan mo pala si Keif?"

Dahan-dahan naman akong tumango dito habang nilalakihan siya ng mata. Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Keif 'yung kamay ko.

"Bro! Kain lang kami ha!" Hinihingal ako dahil sa mabilis na pagtakbo namin ni Keif. Hindi ko malaman kung anong problema niya at para siyang natataranta. Napatigil kami sa isang malaking cafeteria.

Tiningnan ko ang paligid nito na may halong pagkamangha. Napakadaming pagkain ang pagpipilian at iilan lang ang estudyanteng bumibili dahil puro laptop at phones ang hawak nila.

Umupo na si Keif sa isang table na pang dalawahang tao. Mabilis naman akong umupo sa unahan niya at nakangiti ko lang siyang tiningnan habang siya ay nanlalaki ang mata at pawis na pawis.

"So, ikaw nga si Zaylee Jordin? Ang babaeng anak ni Ysidro Jordin?" bulong sa akin ni Keif kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Paanong kilala niya ang ama ko?!

"Bakit mo kilala si Dad? At paano mo nalamang taga ordinary city ako? Please. Kahit anong mangyari, kahit kaibigan mo ang anak ng tita ng kapatid ng ama ko, 'wag mong sabihing pumunta ako sa Mort Ville."

"Wait, anak ng tita ng ano? Ahm nevermind. Don't worry, 'di ko sasabihin ang nalalaman ko. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ka nandito? Ibig sabihin, 'yung kapatid na sinasabi mo, ay dito nag-aaral sa Mort Ville?"

Mukhang stress na stress na siya sa nalalaman niya at sumubsob nalang siya sa aming table. "Sa pagkaka-alam ko, kayong magkapatid ay kambal pero fraternal twins kayo kaya hindi kayo magkamukha."

"Hindi, wala dito ang kapatid ko. Palusot ko lang 'yon kanina. Nasa ordinary city ang kapatid ko."

Ayokong madamay si Zack sa kagagahan ko kaya pagtatakpan ko ulit siya. Alam kong maganda ang samahan ni Zack pati ni Keif kitang-kita ko palang kanina nung nagkita sila. Halata mong matalik na magkaibigan sila.

"Pero nagtataka ako, paano mo nalaman ang daluyan papunta sa Mort Ville? Kami lang na nasa High Section ang nakakaalam ng daluyan."

Napatungo ako. Paano nalang kung may masamang balak pala 'tong nasa harapan ko? Isa siya sa High Section ng Mort Ville High at wala akong ka-ideideya kung ano ba ang maaari nilang gawin. Naluluha ako dahil natatakot ako. Sa simpleng pagpapakilala ko, nalaman na niya agad.

Agad siyang naglabas ng itim na panyo at binigay niya ito sa akin. "Hindi na muna kita tatanungin. Promise, tayo lang ang makakaalam nito. Pahiran mo na 'yang luha mo. Feel free to go back dito sa Mort Ville. Pero I suggest, kung magpapakilala ka, palitan mo ang last name mo. Zaylee Reicher is better para akalain talaga nilang pinsan kita."

Napatango ako sa sinabi niya. Napakadami pang sikreto ang hindi ko pa nalalaman. Mabuti nalang ay nagawa kong pumunta dito sa Mort Ville para kahit papaano ay nalinawan ako sa mga bagay-bagay.

Gawa-gawa lang ng mga namamahala sa Ordinary City na ang Mort Ville ay puno ng krimen at kaharasan.

"Babalik ako dito. Madami pa akong kailangang malaman. Help me, Keif. Gusto kong mabuksan ang mata ko sa katotohanan."

Napangiti naman si Keifer sa sinabi ko. Ginulo-gulo niya ang buhok ko at nag-thumbs up sa akin. "Bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Wala ka pang tulog. Pagbalik mo doon, ay paniguradong mga isa o dalawang oras lang ang tulog mo."

Mabuti nalang talaga at si Keif ang napagsabihan ko. Baka 'pag sa iba, sabihin niya ito sa lahat.

"Vrake!"

Napatingin ako sa lalaking may hawak ng tray. Siya 'yung lalaking mayabang na naka-motor kanina. Umupo ito sa tabihan ni Keif habang nakasimangot ito.

"Keif naman, bakit ka nagdala ng yaya dito?"

Agad namang binatukan ni Keif 'yung Vrake na mayabang na 'yon. "Ulol! Pinsan ko 'yan pre. Ganda talaga ng lahi namin 'no?"

Inirapan lamang ito ni Vrake. "Una na ako Keif. Thanks nga pala" nakangiti kong pagpapaalam dito. Kumaway pa sa akin si Keif para magpaalam pero 'yung katabi niya naman ay nagmemake face at ginagaya 'yung pagsasalita ko.

"Ene ne eke Keif. Thenks nge pele."

Bwiset! Hindi naman talaga akoganon magsalita! Ang sama niya sa'kin. Masyado siyang OA!

Related chapters

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 6

    Chapter 6: Reporting Mort Ville"Bilisan mo nga kumilos! Bagal mo baka tayo mahuli dito."Napatingin naman ako kay Zack na nakakunot na ang ulo habang naglalakad papunta

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 7

    Chapter 7: Dale Martinez"So, paano mo nakuha 'yung number niya? Omg naniniwala na akong mahaba 'yung hair mo!"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 8

    "Pasensya ka na kay Cara ha? Sadyang maldita lang talaga 'yon. And ayaw niyang may iba na nakikisama sa grupo naming lima." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Keifer."Grupo n'yo?"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 9

    Chapter 9: Training"Good news, Zaylee!"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 10

    Chapter 10: Zade Jordin"Alam mo, Zack. Matagal ko na talagang iniisip. Ano ba talaga ang trabaho ni Dad?"

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 11

    Chapter 11: Simula"Shh shut the fuck up, Zaylee! Ang ingay mo." Inis na sabi ni Zack habang patago kaming pumapasok sa bahay namin sa Ordinary City.

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 12

    Chapter 12: First Day"Ano ba talagang meron? Bakit parang may alam kayong tatlo?" Kunot noo kong tanong sa tatlo kong kasama. Nandito kami ngayon sa isang bakanteng silid ng eskwelahan. Parang kinaladkad nga lang ako ng mga 'to para raw magtago doon sa mga taong nasa labas.

    Last Updated : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 13

    Chapter 13: High Section"Kinilig ka naman? Lul! Mukha mo! Akala mo naman, mukha ka kayang yaya. Asa ka pa! 'Yung room mo nga pala, kumaliwa ka tapos may makikita kang High Section sa dulo. Malaki 'yung sign na 'yon kaya makikita mo agad. Ikaw na bahala pumunta don."

    Last Updated : 2020-08-02

Latest chapter

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 42

    Chapter 42: Lola Cattalina"Zaylee, gumising ka!"Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko."Thank God! You're now awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon."Lola Cattalina."Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobra

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 41

    Chapter 41: Forgotten Memories"Are you ready?"Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko."I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 40

    Chapter 40: Fear of Truth"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa a

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 39

    Chapter 39: Why Am I Alone?Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikitang magkakasama na kami ng mga itinuring kong mga kaibigan. Natapos na rin ang mga kasinungalingan at babalik na kami sa aming mga tunay na buhay. Ang inakala kong wala nang katapusan na pagpapahirap ay posible pala na maging maayos na ang lahat.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 38

    Chapter 38: Almost ThereZAYLEE"Hindi ka mahilig sa matamis, Zaylee 'di ba? Natandaan ko lang no'ng nasa Ordinary City tayo, puro gulay at prutas ang kinakain mo, eh."

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 37

    Chapter 37: Execution of the PlanVRAKE"Are you all nervous?"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 36

    Chapter 36: Make Him PayVRAKELooking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin.He's nuts.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 35

    Chapter 35: NewspaperZAYLEE"Sobrang boring na talaga rito. Every day, we're just waiting for our food na hinahanda nila sa 'tin to eat, then after that, we'll sleep, and have some chika. Tipong nauubusan na nga tayo ng topic dahil wala na tayong magawa kung hindi 'yon. Tapos panibagong araw, gano'n p

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 34

    Chapter 34: The Truth Outside The LaboratoryVRAKE"Kailan ba gigising 'yan?"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status