Share

Mort Ville (Tagalog)
Mort Ville (Tagalog)
Author: El Celery

Kabanata 1

Author: El Celery
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1: Simula

"Okay, class. Dismiss." Simpleng sabi ng aming Physics teacher nang marinig namin ang malakas na bell na naghuhudyat na oras na para sa aming uwian. Simpleng inayos niya ang kanyang mga gamit at muling tumingin sa aming lahat na may ngiti sa kaniyang pulang labi.

"Goodbye and thank you, Mrs. Gonzales."

Lahat kami ay tumayo upang magpaalam sa aming guro maliban sa isang lalaki na may hinihigaang unan sa kanyang desk. Napailing ako nang makita ko itong nagmulat ng mata at humikab.

"Mr. Jordin. Wala ka bang balak na batiin ako upang magpaalam?" nakangiting sabi ni Mrs. Gonzales habang inaayos niya ang kaniyang salamin sa mata. Naghikab siya muli at tinatamad na tumayo. Walang emosyon siyang tumingin sa aming guro.

"Goodbye and thank you." mahinahong sabi niya kaya naman kaming lahat ay naghanda na ng gamit para makauwi na sa mga sarili naming mga bahay.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas, tumayo ako sa harapan ng lalaking sinita ni Mrs. Gonzales at sinamaan siya ng tingin. Tumingin-tingin naman ako sa paligid. Mabuti naman at wala na ang mga tao sa room.

Muli ko siyang tiningnan na may kunot sa aking noo. Mayroon itong kulay brown na mata na mas ikinabagay sa buhok niyang ganoon din ang kulay. Matangos din ang ilong nito at may kaputian ang kaniyang balat.

"Hi, sis! Miss mo agad ang bro mo?"

Nakapamewang ko naman siyang tiningnan at kinuha ko ang unan na dinala niya galing sa sofa namin sa bahay.

"Talagang nagdala ka pa dito ng unan, Zack? Nandito tayo sa eskwelahan para mag-aral. Hindi para matulog!"

Nakanguso niya lang akong tiningnan na parang wala lang ang sinasabi ko sa kanya. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at kinuha ang backpack na nakasabit sa upuan ng unahan niya.

"Ayan ka na naman sa kakadakdak mo. Zaylee, quiet ka nalang ha? Wala kasi talaga akong tulog."

Aalis na sana siya pero hinila ko ang bag niya dahilan ng pagkakahulog ng mga gamit niya doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nahulog na gamit niya. Mga maliliit na kutsilyo at isang baril ang nahulog sa bag niya.

Agad niya itong pinulot na wala man lang halong kaba sa kaniyang mukha. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa mga armas na nahulog.

"B-bakit mo dala 'yan?" nauutal kong tanong sa kakambal ko.

"It's not my fault kung hinila mo 'yung bag ko at nahulog 'yan. Matagal ko na namang sinasabi sa'yo na huwag mo na ako pakialaman 'di ba? Mind your own business. Niyaya na kita dati pero lagi mo nalang pinapamukha sa akin na isa akong kriminal kaya ako nararapat doon. At isa ka namang inosente na puro sunod sa ama natin kaya nararapat ka rito sa syudad na 'to." mahinahong sabi niya pero nakikita mo ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.

"Zack."

Hindi na niya ako muling nilingon. Nakita ko na lamang sa bintana ang pag-alis niya gamit ang itim na motor na paboritong-paborito niyang gamitin kaysa sa mga sasakyan na mamahalin na bigay sa kanya ni Dad.

"Ms. Zaylee, kailangan n'yo na pong umuwi. Uuwi po ang inyong ama mamayang gabi." Magalang na sabi ni Mang Rico. Isa sa mga driver namin na pinagkakatiwalaan ng pamilyang Jordin.

Tumango nalang ako dito bilang tugon. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad palabas. Napakatahimik ng building at wala man lang kaguluhan na nangyayari. Walang nag-aaway o magkakaibigang nagkwekwentuhan.

May ibang estudyante akong nakakasalubong ngunit hindi sila nagpapansinan at dala-dala lang nila ang mga gamit nila na may lamang mga mabibigat na libro.

Napabuntong-hininga ako dahil sa labing walong taon na pananatili ko sa mundong ito, wala pa akong nagiging kaibigan o kahit kaaway man lang. Parang araw-araw nalang akong nakaharap sa libro, nanonood lang ng pelikula, kumain at pakikinig sa mga musika ang routine ko.

"Ms. Zaylee, nandito na po tayo."

Tinanggal ko ang earphones na nakalagay sa magkabila kong tenga. Nakita ko ang mamahaling itim na kotse ang nakapark sa bahay namin. Nandito na pala si Dad.

Napailing na lamang ako nang maisip kong wala nga pala si Zack kaya paniguradong magtatanong si Dad about sa kanya.

"Good evening, anak. Nakakain ka na ba?" nakangiting tanong ni Dad sa akin habang inaayos niya ang kaniyang necktie. Halata mong pagod siya ngayon dahil sa kaiyang trabaho sa isang malaking kumpanya.

"Busog pa po ako, Dad. Punta na po ako sa taas. Mag-aaral po ako para sa darating na exam namin."

Napakunot naman ang noo niya habang tinitingnan ang tabihan ko. Binaba niya ang itim na bag na nilalagyan ng mga papel para sa kanyang trabaho. Lumunok ito at tiningnan ang wrist watch na nasa kaliwang kamay niya.

"Mag-aalasais na ah? Bakit wala pa ang iyong kakambal?" nagtatakang tanong ni Dad kaya naman agad akong nagpalusot.

"Nagpapaturo po siya sa kaibigan niya ng Math. Alam n'yo naman pong tamad si Zack sa pag-aaral."

Napatango naman si Dad sa aking palusot kahit alam ko namang hindi siya ganon kakumbinsido sa dahilan ko. Umakyat na lamang ako sa kwarto ko at inilapag ang mga mabibigat kong dala.

Lumakad ako papunta sa bintana. Nakangiti kong binuksan ang bintana habang humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin kaya't lumipad ang kulay itim at mahaba kong buhok.

Napakatahimik ng paligid at kitang-kita sa bintana ko ang magandang tanawin kung saan makikita mo ang palubog na araw.

"Pst."

Napatingin ako sa baba at nakita ko doon ang aking kakambal na umaakyat para makarating siya dito sa taas. Nanlaki naman ang mata ko nang nagawa niyang akyatin ang aming bahay papunta sa tatlong palapag kung saan nandon ang kwarto ko.

"Pakiabot naman nung ID ko, Zaylee." nakangiti niyang sabi sa akin habang nakaupo sa may bintana ko.

Gulo-gulo ang buhok ni Zack at nakaturo ito sa table kung saan may ID nga siya doon. "Pinagtakpan na nga kita kay Dad tapos uutusan mo pa ako?"

Nakita ko naman ang pagkalungkot ng mukha niya. Nakokonsensya ako. Wala naman akong magawa kundi kunin ang ID niya sa table. Pero bago ko ito ibigay ay nagulat ako sa nakasulat dito.

Valle, Nicholas Troy D.

Pinagmasdan ko pa lalo ang ID nito at nakalagay pa sa lace nito ay Mort Ville High. Hindi ako nagkakamali na kay Zack ito dahil mukha niya ang nakalagay dito.

Ibig sabihin ba nito ay nag-iiba siya ng pangalan sa Mort Ville? Siya si Nicholas sa City B at siya si Zack sa City A? At isa pa, may eskwelahan din doo-

"Akin na nga 'yan. Curious ka? Edi sumama ka sa'kin." Nakangisi niyang sabi habang pinapaikot-ikot niya ang ID sa harapan ko. Agad naman akong umiling sa sinabi niya.

Ayoko pumunta sa Mort Ville. Delikado ang mga tao don dahil puro sila kriminal. Masasama ang mga nandoon at maaaring mapahamak ako sa lugar na 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakapunta doon ang kapatid ko. 'Pag nalaman ito ni Dad, malamang sobrang magagalit ito kay Zack.

"Come on, sis. 'Di ka magsisisi. Promise! Hindi mo alam kung gaano ka magsasaya doon."

"Umalis ka na nga! 'Wag mo akong idamay sa mga kahibangan mo!"

Natawa naman si Zack sa sinabi ko. Nagulat ako nang naglabas siya ng isang maliit na kutsilyo kaya agad akong lumayo habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa takot. "Tingnan mo nga. Simpleng kutsilyo natatakot ka. Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ng iba dahil hindi mo alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari sa syudad."

Nagulat ako nang tumalon si Zack pababa na wala man lang sugat o sakit na natamo. Paano niya nagawang tumalon pababa sa tatlong palapag?! Pero sa bagay ang cool tingnan. Try ko kaya?

Tinanggal ko ang medyas ko at umupo sa may bintana. Lalong lumakas ang ihip ng hangin. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng bintana tulad ng ginawa ni Zack kanina at ready na akong tumalon nang biglang nagbukas ang pinto ng aking kwarto. Napahawak sa bibig si Dad habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Nako! baka akalain niya na nagpapakamatay ako?

"What are you doing?"

Umiling naman ako kay Dad at agad na bumaba sa kinauupuan ko. "Wala, Dad. Nagpapahangin lang." Mahinang sabi ko habang nakasulyap sa may labas ng bintana at nakita ko ang likod ni Zack na unti-unting lumalayo dahil sa kanyang pagtakbo.

Mag-iingat ka, Zack.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Aq din may twins. Kaso llaki
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 2

    Chapter 2: Kia PerezInayos ko ang buhok kong nakaharang sa mukha ko bago kunin ang bag ko sa aking tagiliran. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin habang inaayos ang collar ng puti kong uniporme.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 3

    Chapter 3: Join Zack?"Zaylee. Tayo 'yung naatasan para sa reporting about Mort Ville. Ako nalang mag-search tapos ikaw nalang mag-speech ha? Thanks."

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 4

    Chapter 4: Entering Mort VilleMga 15 minutes palang ang lumilipas ay may napakinig agad akong katok galing sa bintana ng kwarto ko.Ano ba 'yan! Istorbo na naman 'tong si Zack!Inis kong binuksan ang bintana at nakahalukipkip ako nang humarap sa kaniya. Gulo-gulo na naman ang buhok nito at nakangiwi siyang tumingin sa akin.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 5

    Chapter 5: Keifer ReicherNgumisi ito sa akin bago niya nilagay muli ang helmet sa ulo niya. Ang gwapo sana kung hindi lang mayabang.Agad niyang pinaharurot ang kanyang motor papasok sa isang gate.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 6

    Chapter 6: Reporting Mort Ville"Bilisan mo nga kumilos! Bagal mo baka tayo mahuli dito."Napatingin naman ako kay Zack na nakakunot na ang ulo habang naglalakad papunta

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 7

    Chapter 7: Dale Martinez"So, paano mo nakuha 'yung number niya? Omg naniniwala na akong mahaba 'yung hair mo!"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 8

    "Pasensya ka na kay Cara ha? Sadyang maldita lang talaga 'yon. And ayaw niyang may iba na nakikisama sa grupo naming lima." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Keifer."Grupo n'yo?"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 9

    Chapter 9: Training"Good news, Zaylee!"

Latest chapter

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 42

    Chapter 42: Lola Cattalina"Zaylee, gumising ka!"Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko."Thank God! You're now awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon."Lola Cattalina."Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobra

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 41

    Chapter 41: Forgotten Memories"Are you ready?"Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko."I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 40

    Chapter 40: Fear of Truth"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa a

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 39

    Chapter 39: Why Am I Alone?Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikitang magkakasama na kami ng mga itinuring kong mga kaibigan. Natapos na rin ang mga kasinungalingan at babalik na kami sa aming mga tunay na buhay. Ang inakala kong wala nang katapusan na pagpapahirap ay posible pala na maging maayos na ang lahat.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 38

    Chapter 38: Almost ThereZAYLEE"Hindi ka mahilig sa matamis, Zaylee 'di ba? Natandaan ko lang no'ng nasa Ordinary City tayo, puro gulay at prutas ang kinakain mo, eh."

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 37

    Chapter 37: Execution of the PlanVRAKE"Are you all nervous?"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 36

    Chapter 36: Make Him PayVRAKELooking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin.He's nuts.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 35

    Chapter 35: NewspaperZAYLEE"Sobrang boring na talaga rito. Every day, we're just waiting for our food na hinahanda nila sa 'tin to eat, then after that, we'll sleep, and have some chika. Tipong nauubusan na nga tayo ng topic dahil wala na tayong magawa kung hindi 'yon. Tapos panibagong araw, gano'n p

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 34

    Chapter 34: The Truth Outside The LaboratoryVRAKE"Kailan ba gigising 'yan?"

DMCA.com Protection Status