"Laine?!"
Marahan siyang ngumiti kay Tiara at humarap kay Gideon. Bahagya siyang yumuko. "Salamat sa paghatid, Professor."
Nanatiling nakatitig sa kaniya si Gideon at maya-maya pa'y tumango. "Are you sure you don't want to visit the clinic?"
Umiling siya. "I'm fine. Wala namang sugat saka... I don't want to see Nurse Julie."
"Julie..." Tumango si Gideon. "I understand. I'll better go." Sumulyap pa ito sa tatlong kaibigan niya bago tumalikod at naglakad palayo.
Bumuntong-hinga siya. Of course, naintindihan ni Gideon. Hindi naman siguro manhid 'yon para hindi malamang not in good terms sila ni Nurse Julie.
"Laine! Laine? Did you jump on a cliff? Or dive in a muddy pod? Laine naman, you look so pathetic!" sabi ni Tiara.
Umiling siya. Wala siya sa mood para makipagkuwentuhan sa tatlo. Isa pa, gusto niyang tawagan si Gideon. Alam niyang may naiisip i
"Take this."Napatingin siya sa inabot ni Gideon at nangunot ang noo niya. "What's that for?""I don't want you to starve yourself. Pinatanggal ko ang dormitory and other facilities fee sa scholarship grant. Kailangan mong bayaran ang ibang pasilidad pati na ang canteen. Gamitin mo 'yan."Tinanggap niya ang credit card at isinuksok sa bulsa ng pants. Umibis siya ng sasakyan at naglakad sa unahan ng hood ng Navarra. Tumingala siya sa bahay ni Gideon na nagliliwanag sa dilim. Narinig niya ang pagbukas-sara ng driver's door at naramdaman niya itong tumayo sa gilid niya."I'm back," bulong ni Jewel."Let's get inside." Naunang humakbang papasok sa gate si Gideon.Humabol siya at hinawakan ang sleeve ng polo nito. "H-Hey."Lumingon ang lalaki sa kaniya. "What is it?"Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. "I want to say thank you."Inabot
Nilapat niya ang hintuturo sa mga labi para patahimikin si Dalya. Nakagat niya ang labi at sinenyasan itong tumakbo papasok sa kuwarto niya."Kailangan mong gumising ng alas-kuwatro bukas. Hindi mo naman gustong mawalan ng tuluyan ang Municipal scholarship, hindi ba? Jewel? Jewel nakikinig ka ba?"Bumaling siya ulit kay Gideon at mabilis na tumango. "Of course, I'm listening. Hindi naman ako bingi." Hilaw siyang tumawa.Naningkit ang mga mata ni Gideon sa kaniya. "Namumutla ka. May sakit ka ba?""Wala! Wala... ano ka ba! Nag-alala ka naman agad," natatawa niyang saad. Pasimple niyang pinahid ang namuong pawis sa noo. "Okay, are you done? I need to go back to my room. You know... magchi-chitchat pa kami ng friends ko."Nangunot ang noo ni Gideon. "Akala ko ba pinutol mo na ang pagkakaibigan niyo?"Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. "Of course, puputulin ko pa. You know..
Ngumuso siya. "I'm tired."Mabilis niyang binuksan ang tarangkahan at naglakad papasok sa main entrance ng bahay. Nakasunod lang sa kaniya si Gideon na panay ang tanong sa kaniya."Can you stop asking?" pagod niyang turan at nilingon ito. "I said I'm tired. There's nothing wrong with being tired, right?""Not after you've made a scene with Elise.""So what?" Tumaas ang kilay niya. "So what if that friend of yours is stealing your time? So what if that Professor Elise is hugging you more like a bestfriend? As if I care, Hernandez.""That's what I'm asking, Jewel. Hindi mo dapat sinaboy ang wine sa mukha ni Elise. You're being scandalous.""Am I?" Umismid siya at nangunot ang noo. "She made a scene first. Pinahiya niya ako, Gideon. Don't tell me na wala ka pa ring pakialam kung mapahiya ako? Ako na asawa mo?"Natigilan ito. Nanin
Nakakapanibago nga. Hindi siya sanay na pumasok sa UDM campus gate sa regular school day. Namulatan niya kasi sa halos dalawang taon na sa dormitoryo magbihis ng uniporme.Pero, hindi na masama. At least, hindi sila magtatagpo ng maaga ni Sheena. Hindi nga lang siya sigurado na walang Sheena na mararatnan sa College of Engineering. Nasa iisang departamento lang kasi sila. Ang mas inaalala niya, siguradong magkikita sila ni Simoen.Bakit ba kasi ka-block niya ito? Hindi ba pwedeng mag-shift ito ng kurso sa susunod na semester? Hindi kasi siya magsi-shift. Gusto niya ang BSABE. Pinaghirapan pa nga niyang makuha ang Municipal Scholarship para mag-enrol sa naturang kurso."Miss!"At para sa kaalaman - "Aww! Aray ko!"Umawang ang bibig niya habang dahan-dahang hinawakan ang braso. Nakagat niya ang labi at sinamaan ng tingin ang isang volleyball player na tumatakbo papunta sa gawi niya. Huminga siya nang malalim at tumingala para hindi maluh
Hindi niya inaasahang makita si Gabbi habang papasok siya sa Education building. Napahinto rin ito nang makita siya, pagkuwan ay nilampasan siya. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali, kung bakit iniiwasan siya nito. Pero baka... na-text na ni Hazel si Gabbi tungkol sa sinabi niya kaninang lunch break.Naging isang linya ang labi niya. Hindi siya nakalapit kay Gideon kanina dahil wala ito sa classroom nito. At naalala niyang may klase siya kaninang ala-una, kaya hindi na siya nag-atubiling hanapin ang asawa.Nonetheless, nagpatuloy siya sa paghakbang papasok ng building. Kasunod niya ang buong B1 at mataas ang kompiyansa niya dahil wala si Simoen.In-excuse ito ng Coach bago pa mag-lunch break. At kaya pala wala si Joseph dahil dumiretso na ito sa gym. Bukas ay aalis ang buong varsity para sa isang two weeks intercampus competition sa Cebu City.Ilang oras ang hinintay niya bago natapos ang klase sa subject na 'yon. Pasado alas-cinco
Ang pangalan ng babaeng nakatitig sa kaniya ay Tiara Reina Selestales. Isang anak ng Kapitan ng Dayhagon. Maganda. At naging kaibigan niya... dati. Pero ngayon, nakatingin ito sa kaniya na para bang wala silang pinagsamahan. Ang mas masaklap, nakatayo sa gilid nito si Sheena, na nakangisi sa kaniya."Tiara, can we talk?" aniya.Umiling-iling si Sheena. "Mangubat, she's not Tiara anymore. She's Reina. Don't you know that?""I'm not talking to you," pabalang niyang saad kay Sheena. Sumeryoso siya at tumitig kay Tiara. "I know what you've done two years ago. That's why I'm here.""Hazel texted me. I know you already cut your ties with her. That's good," sabi ni Tiara.Pagak siyang natawa. "I know it do good to you. You're first to cut ties, wasn't you? Or was it Gabbi?"Umirap si Tiara. "Why do you care? Just keep your distance away from me and we're good, Jewel L
"Alam mo ba kung anong nilabag mo sa rules and regulation ng UDM?" Kumurap-kurap pa siya at tumango-tango. "You're right, Reina. You have stole a good and marvelous portrait from the nephew of the campus director. A two weeks suspension plus a good community service from the Discipline Committee. And we don't know kung may ipapadagdag si Mr. Saavedra sa punishment mo, knowing that malakas kaya siya sa office, right?"Pinagpawisan si Tiara. Maya-maya pa'y natawa na naman. "Well, I don't have the painting. You have it!"Tumango siya at ngumiti. "Right. Because you gave it to Mr. Tang. So, basically, he owned it now? But then you, Reina..." Natawa siya. "You don't have the permission to get it! Nor having the right to take it away from this University!""You **** ***tch!"Umirap siya. "Don't curse me. You're the one who made it to yourself. So, now, can we talk the reason why you did it?"
Hindi niya sinabi kay Gideon ang nangyari sa Domesticated Forest. Tinago niya rin ang recording pen at hindi pinaalam sa opisina ng Guidance, sa pagbabakasakaling walang lalabas na sikreto. Pero hindi rin pala.Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kaniya. Nagbulong-bulongan. May ibang sumisilip sa phone at panaka-nakang tumitingin sa gawi niya. May kakaiba sa Unibersidad."May asawa na raw, Pre.""Sayang. Liligawan ko sana."Napatingin siya sa dalawang lalaki. Bumilis ang lakad ng mga ito. Dumiretso siya."Hindi na 'yan virgin, girl.""Naku, magwawala si Simoen Saavedra 'pag nalaman niya 'to.""The good thing is... wala siya ngayon.""Right, girl."Lumunok siya at mabilis na pumasok sa Engineering building. May ilang napapatingin sa kaniya pero kalaunan ay bumabal
(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo."Jewel!" tawag ng kung sino.Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso."Nasa'n si John Drail?" tanong niya.Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya."Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya.Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya."Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel.Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late."Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan."Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara.Nagkibit-balikat siya. "He should be.""Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi.Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nak
"Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin."Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance."Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker.Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon."Sir, saan ho?""Sa Munisipyo.""Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir."Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Mun
Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan.But not in Gideon's case.Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan.Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all.Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito."Hey, Gideon!"Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU.Ngumiti siya. "Good morning, Julie."Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?""Pupunt
Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo."Gusto mo bang kumain?" tanong niya.Umiling si Gideon. "Just eat."Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testam
Warning: Language.~Jewel is curious. There is something in her heart that urges her to read the Bible. Lumunok siya at pinahid ang pinagpawisang kamay.Katatapos lang ng preaching at nandoon si Gideon sa gilid ng mataas na platform ng public audi. Kausap nito si Angela at Sean. Mukhang napaliwanag na nito sa babae ang binintang niya rito kanina.Tumingin siya sa labas ng public audi. Tumama na ang sinag ng araw sa mga puno. Alas-tres na siguro ng hapon."Jewel."Napatingin siya sa tumawag. Si Gideon. Nasa tabi nito sina Angela at Sean.Nagulat siya nang humakbang palapit si Angela sa kaniya at yumakap. Gulat siyang nagpalipat-lipat ng tingin kina Sean at Gideon."I'm glad to know you," bulong ni Angela sa kaniya.Kumurap siya. Namalayan na lang niyang yumakap na siya pabalik kay Angela. May ngiting sumilay sa mga
Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Minulat kayong lahat sa mundong ito na puno ng bitag. Sa bawat binabasang porno-grapiya at erotica ay isang hakbang papuntang impyerno. Sapagkat sa bawat istoryang binabasa mo, dahan-dahan kang hinihila palugmok sa kasalanan hanggang sa hindi mo na kayang bitawan at magpapakalulong ka na nang husto sa putik na minamahal mo nang husto!" Napalunok na naman si Jewel. "Galatians 5:19-21, Now the works of the flesh are evident, which are: adul-tery, forni-cation, uncleanliness, lewdness, idolatry, sorcery, hatred, contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, dissensions, heresies, Envy, murder, drunkenness, revelries, and the like; of which I tell you beforehand, just as I also told you in time past, that those who practice such things will not inherit the kingdom of God. Sobrang linaw. Hindi makakaakyat sa langit ang sinumang gumagawa ng mga ganiyang bagay. Dahil gusto ng Diyos na maging banal
Una, sex outside marriage o sa ibang salita ay forni-cation. Ito ay ang paggawa niyon nang hindi kayo kasal. Kahit magkasintahan kayo o kaya engage, hindi kayo dapat pumapasok sa ganitong uri ng relasyon dahil malaking kasalanan ang paggawa ng bagay na dapat ay para lang sa dalawang taong ikinasal na. Bawal na bawal 'yan sa Bibliya! Yes, I am afraid that when I come again, God will humble me in your presence. And I will be grieved because many of you have not given up your old sins. You have not repented of your impurity, sexual immorality, and eagerness for lustful pleasure. (2 Corinthians 12:21) Pangalawa, pakikipagtalik sa kaparehong kasarian o homosexuality!" Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay isang nakakasukang gawain na hindi niyo dapat ginagawa o tinatangkilik! What happened to you? Why do you love to see, read, and proclaim homosexuality?" Huminga nang malalim ang Pastor. "Do you know the story of Sodom and