Emily’s POVDapat masaya ako. Dapat kampante na ako.Nandito ako kasama si Ethan, ang ex-boyfriend kong minahal ko noon, ang taong dapat ay makapagpapanumbalik ng dating ako. Pero habang naglalakad kami pauwi, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko—parang sinisiguradong hindi na ako makakawala.Parang hindi pagmamahal, kundi pagpigil.Tahimik akong sumabay sa kaniya habang tinatahak namin ang sidewalk. Ang lamig ng hangin, pero pakiramdam ko mas malamig ang puso ko."Emily," basag ni Ethan sa katahimikan. Napahinto ako at tumingin sa kaniya."Hmm?"Tiningnan niya ako ng matagal bago siya nagsalita. "Alam kong hindi mo pa ako lubusang matanggap ulit."Nagbuntong-hininga ako. "Hindi naman sa ganun, Ethan. Kailangan ko lang ng oras."Pero alam kong kasinungalingan 'yon. Hindi oras ang kailangan ko. Kundi sagot.Kailangan kong malaman kung bakit hindi mawala sa isip ko ang mga mata ni Marco kanina—ang sakit sa ekspresyon niya, ang para bang gusto niyang lumapit pero alam niyang hindi na pwed
Emily’s POVHabang nakaupo ako sa sofa, patuloy pa rin ang pag-iisip ko tungkol kay Marco at sa lahat ng nangyari. Gabi na, ngunit ang puso ko ay hindi pa rin mapakali. Walang tigil ang tumatakbo sa isip ko—ang mga salitang binitiwan ko sa kanya, ang mga tingin niyang puno ng sakit at pagdududa, at ang pangako ni Ethan na hindi niya ako iiwan. Pero kahit anong gawin ko, ang pangalan ni Marco ay patuloy na umiikot sa aking isip, hindi ko kayang palampasin ang lahat ng iyon.Nasa gitna ng mga gulong iyon ang isang hindi inaasahang tawag.Ring. Ring.Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Luna na tumatawag sa aking phone. Inisip ko agad na baka may kailangan siyang tulong, kaya’t mabilis ko itong sinagot.“Luna, kumusta?” tanong ko, ngunit kahit ako, ramdam ko ang kaba sa boses ko.“Emily...,” mabilis na sabi ni Luna, at parang may kaba sa boses nito. “May nangyari kay Marco...”Na para bang isang malupit na suntok sa aking dibdib, nag-igting ang puso ko. “Ano'ng nangyari?!” tanong ko,
Emily's POVIsang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang aksidente kay Marco. Isang linggo ng walang balita, walang kahit anong komunikasyon. Hindi ko siya narinig. Hindi ko narinig mula sa pamilya ni Marco, hindi ko narinig mula sa mga kaibigan niya. Walang nagbigay ng kahit anong update. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya, kung anong nangyari sa kanya, kung natulungan ba siya. Hanggang ngayon, ang alaala ng mga huling sandali namin—lahat ng sakit, ang mga salitang binitiwan ko—nasa isip ko pa rin.Sana... sana ay hindi siya sumuko. Pero bakit ganito? Kung buhay siya, bakit wala man lang akong naririnig? Ang sakit na maghintay nang walang kasiguraduhan. Kung nasa hospital siya, bakit hindi ko pa siya makita?Hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko.Nasa opisina ako ng araw na iyon, nakaupo sa aking mesa, tinitingnan ang mga reports, ngunit walang kahit anong pumasok sa aking isipan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang puso ko ay nag-aalburuto ng mga tanong, at a
Emily's POVHindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital. Ang mga paa ko ay parang may sariling buhay, habang ang aking isip ay puno ng alalahanin, ng mga tanong na walang sagot. Nang makarating ako sa pasilyo ng ward kung saan naroon si Marco, parang ang bawat hakbang ko ay tila pinapigilan ng bigat ng kanyang pagkawala. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ito, na wala na siya.Pagdating ko sa silid, ang unang naramdaman ko ay ang katahimikan na bumalot sa paligid ko. Ang silid na kung saan si Marco ay nakahiga, naka-bundle ng mga medikal na kagamitan, at puno ng sakit. Ngunit ngayon, ang lahat ng iyon ay naglaho.Ang mga nurse na abala sa pag-aayos ng kanyang higaan ay nagbigay ng mga malungkot na tingin sa akin nang pumasok ako. Ang mga labi ko ay nanlumo, hindi makapagsalita, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Wala na si Marco. Wala na siyang nakaabot dito.Isang nurse ang lumapit sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng awa. "Miss," aniya, "patawad po, wala na p
Emily’s POVIsang buwan na ang lumipas mula nang mawala si Marco ng parang bula, at parang ang mundo ko’y nagpatuloy lang, ngunit walang buhay. Ang mga araw ay dumaan, pero hindi ko alam kung paano ko tinanggap ang lahat ng ito. Parang ang lahat ng nakaraan, ang lahat ng pangako, ang lahat ng pagmamahal—lahat iyon ay naglaho sa isang iglap, tulad ng mga ulap na tinangay ng hangin.Ang ospital, ang pagkakabasag ng mga plano, ang sakit na dulot ng pagkawala niya—lahat iyon ay pabalik-balik sa isip ko, araw-araw. Habang ako'y nagpapatuloy sa araw-araw, pilit kong inaayos ang sarili ko. Pero paano ko magpapatuloy kung ang puso ko'y tuluyan nang nawalan ng direksyon?Hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko kayang tanggalin ang mga alaala niya sa bawat sulok ng buhay ko. Sa kabila ng galit, sa kabila ng pagkadurog ng puso ko, hindi ko maiwasang maghanap ng kahit anong bakas ng kanyang presensiya. Kung titignan ko ang bawat detalye, kung ididikit ko ang aking mga mata sa bawat bagay na naiw
Emily's POVHabang nakaupo ako sa silid ng clinic, pakiramdam ko ay ang bigat ng bawat hakbang ko, parang ang buong mundo ay nababalot ng kadiliman. Hindi ko matanggap ang mga nararamdaman ko, ang mga tanong na patuloy na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko kayang tanggapin. Ang ama ng anak ko ang naging dahilan kung bakit ako maagang naulila kay Papa.Ang puso ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ang sakit ng katawan ko, ng mga emosyon ko, ang lahat ay parang bumangga at nagkabasag-basag. Hindi ko kayang isipin na may kaugnayan ang anak ko kay Marco, sa lalaking nagbigay ng sakit pamilya ko. Na siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang ama ko. Hindi ko matanggap ang lahat ng ito.Hinawakan ko ang tiyan ko, parang may kakaibang init na dumaan mula sa aking mga palad. Ang sakit, hindi lang pisikal kung 'di emosyonal. Parang may matinding pagkasuklam na nararamdaman sa mga salitang “anak ni Marco.” Saan ako pupunta mula rito? Kung ito nga ang mangyari, kung sakali, anong klas
Emily's POVHindi ko kayang tanggapin na wala akong balita mula kay Marco. Isang buwan na ang lumipas mula nang nalaman kong buntis ako—isang buwan na tila walang katapusan. Ako ay nagsisisi at ang puso ko ay puno ng mga saloobin na hindi ko na kayang isalaysay. Gabi-gabi, naiisip ko ang lahat ng mga salitang binitiwan ko sa kanya, ang mga galit na hindi ko kayang kontrolin, ang mga sakit na pinatong ko sa kanya. Lahat ng iyon, kasabay ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Kung may pagkakataon lang na bumalik ang lahat, kung may paraan lang na maibalik ang mga sandaling iyon.Gusto kong magpatawad, ngunit ang mga salitang binitiwan ko—ang mga salitang sinadyang ipinukol ko sa kanya na nagdulot ng sakit—ay tila gumugugol sa aking kaluluwa. Bawat gabi, habang nakahiga ako at ang mga anino ng nakaraan ay nagbabalik, halos maramdaman ko ang mga hinagpis na dulot ng sariling mga desisyon ko. Nagbalik sa aking isipan ang lahat ng masakit na salitang binitiwan ko, pati na ang mga pag-aa
Emily’s POV Fiv years later... "Mommy, gusto ko po 'yung may dinosaur!" Masiglang itinuro ni Frost ang isang school bag na may printed na malaking T-Rex. Napangiti ako habang tinitingnan ang anak ko. Sa edad na limang taon, punong-puno siya ng energy at pagkasabik sa kahit anong bago. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, nasa sinapupunan ko pa siya, at ngayon, heto na siya—maliksi, masayahin, at matalino. "Okay, baby. Kunin na natin 'yan," sagot ko, kinuha ang bag sa shelf at inilagay sa cart. Patuloy akong naglakad sa loob ng mall, namimili ng iba pang gamit ni Frost. Isa itong ordinaryong araw para sa amin—isang araw na puno ng ingay at excitement ng anak kong likas na makulit. Isang araw na akala ko ay magiging simple lang… pero nagkamali ako. Dahil isang iglap lang, biglang bumagal ang paligid ko. Parang lumabo ang tunog ng mall. Ang mga tao, naging malalabong anino. Ang mundo ko, unti-unting huminto. Sa gitna ng lahat ng ito, may isang pigura na biglang lumutang
Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng buhay namin ni Marco at Frost. Pero kahit anong pilit kong itago ang pag-aalala, alam kong hindi pa tapos ang lahat. Lalo na nang malaman kong umalis na ng bansa si Serenity. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot.Alam kong hindi siya susuko nang ganoon lang.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, pinili kong ituon ang sarili ko sa pamilya namin.Isang gabi, habang nagpapahinga kami ni Marco sa kwarto…“Emily…”Napalingon ako sa kanya. Katatapos lang naming ihatid si Frost sa kwarto niya, at ngayon ay kami na lang dalawa ang natira sa master's bedroom.May seryoso siyang ekspresyon sa mukha, halatang may bumabagabag sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya. “What’s wrong?”Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Kinausap ako ni Morgan kanina. May sinabi siya tungkol kay Serenity.”Napakunot ang noo ko. “Anong sinabi niya?”Tila nag-alinlangan si Marco bago nagsalita. “Baka hindi pa siya tapos
Emily's POV Matapos umalis ni Serenity, nanatili akong nakaupo sa sofa, ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, kaba, o takot sa kung ano pang kayang gawin ng babaeng iyon. Isa lang ang sigurado ako—hindi pa siya tapos.“Emily.”Napatingin ako kay Marco na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko, at sa kabila ng galit sa mga mata niya kanina, ngayon ay puno ito ng pag-aalala.“You okay?” tanong niya, mas mahina ang boses.Tumango ako, pilit na ngumiti. “I’m fine.”Pero alam kong hindi siya kumbinsido. “Are you sure?”Muli akong tumango, pero this time, pinilit kong itago ang kaba sa puso ko. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Sapat na sa akin na alam kong pinagtanggol niya ako.Biglang bumukas ang isang pinto.“Mommy?”Napalingon kami ni Marco sa direksyon ng boses. Si Frost. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, kinakagat ang ibabang labi, kita sa mukha niya ang pag-aalalang hindi niya
Emily's POVKinabukasan, nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan. Agad akong bumangon, sinilip si Frost na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko, at mabilis na lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nakita kong si Marco ang nagbukas ng pinto—at bumungad sa amin si Morgan."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marco, bakas sa boses niya ang gulat at pagtataka.Mukhang hindi maganda ang balita dahil seryoso ang mukha ni Morgan. "Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Serenity."Napakunot ang noo ko. "Ano na naman ang ginawa niya?"Pumasok si Morgan at agad naming isinara ang pinto. Pinaupo namin siya sa sala, at hindi ko maiwasang kabahan sa magiging sagot niya."Nagbanta siya," diretso niyang sabi. "Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Napalunok ako. "At ano ang gusto niya?""Ikaw, Marco," sagot ni Morgan. "Gagawin niya ang lahat para makuha ka pabalik. At kapag hindi siya nagtagumpay…" Natigilan siya sandali, bago tumingin sa akin. "...si Emily ang pagbab