"S-STORM," bulalas ni Judith nang nasa sasakyan na sila ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ng lalaki kaya mas bumangon ang guilt sa kanyang dibdib. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang kanyang sarili kung bakit nag-react siya ng ganoon. Basta sobrang takot ang kanynag naramdaman habang humahakbang ito palapit sa kanya.
Silang dalawa lang kasi sa loob ng library nito kaya naisip niya na wala siyang magiging laban kung sakaling may gawin itong masama sa kanya. Sa kaisipang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng takot kaya ninais niyang matakasan ito agad.
Sa kaisipang nagtitili siya habang palapit si Dr. Storm sa kanya, parang gusto niyang lumubog sa sobrang kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi naisip niya na maaari siya nitong halayin o patayin.
Propesyunal at guwapo si Dr. Storm Davis kaya tiyak niyang hindi nito kakailanganing manghalay. Saka, bakit naman siya nito hahalayin gayung inaalok nga siya nito ng kasal? Tingin din niya, wala naman kakayahan si Dr. Storm na kumitil ng buhay. Hindi man niya ito gaanong kakilala pero pakiramdam niya ay safe siya kapag nasa paligid ito.
"Hey," bulalas ni Storm.
Sa pagkakataong iyon ay hindi n apagkairita ang maaaninag sa boses ni Dr. Storm kundi pag-aalala kaya bahagyang kumalmante nag kanyang pakiramdam.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong nito.
Oh, pakiramdam niya'y may dambuhalang kamay na humaplos sa kanyang puso.
"I don't know," wika niya.
"Hindi mo alam?"
Tumango siya. Tiyak niyang masyadong napapantastikuhan si Dr. Storm sa kanyang sinabi. "Talaga lang may ganitong pagkakataon na nakakaramdam ako ng takot kapag…kapag para akong dagang nasusukol," wika niyang nalilito rin. Talaga kasing para siyang na-trapped sa kung saan at wala siyang malabasan.
"Lagi mo bang nararamdaman iyan?"
"Kapag may lalaking lumalapit sa akin tapos kaming dalawa lang," nahagilap niyang sabihin. Pagkaraan ay napapikit siya nang maalala niyang isang lalaking hinarang siya at pilit na nakipagkilala sa kanya. Kinukuha nito ang kanyang cellphone number.
"Judith…"
Bigla siyang napapitlag sa tawag ni Dr. Storm. Medyo pabigla iyon kaya napahawak siya sa kanyang dibdib. Sa tapat ng kanyang puso.
"Okay lang naman ako. Huwag mo akong alalahanin," nahagilap niyang sabihin. Sa palagay niya'y hindi na niya kailangang ikuwento rito na kaya na kaya walang lalaki na lumalapit sa kanya ay dahil nabalitaan ang nangyari sa lalaking tinaguriang campus crush. Nabugbog ito dahil sumigaw siya nang sumigaw na para bang hina-harass.
Dahil nga nasa labas na sila ng eskwelahan at malapit lang naman ang bahay nila, agad siyang nasaloklolohan ng mga tambay na naroroon. Nabugbog ito. Nasira ang kaguwapuhan nito dahil nabali ang ilong at natanggal ang isang ngipin. Mabuti na lang at hindi nagdemanda ang pamilya nito. May testigo naman kasing hina-harass siya nito.
"Sorry…"
"Saan?"
"Natakot kita kanina."
"Nag-over react lang ako," sabi niya. Ewan niya kung bakit nagiging OA siya kapag may lalaking lumalapit sa kanya gayung gustung-gusto naman niyang makatagpo ng two in one. Prince Charming at knight in shining armour.
Lahat ng babae ay gustong makatagpo ng guwapong lalaki pero siyempre mas gusto niya iyong mayaman para magawa siyang maiahon sa kahirapan. Bigla siyang natigilan ng rumehistro sa kanyang utak na bukod sa guwapo si Storm, mayaman din ito.
"Iyon lang?" Tanong nitong ewan kung naniniwala sa kanya o pinagdududahan ang kanyang sinabi.
"Yes," wika niya kahit hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang isagot.
HINDI man alam ni Storm kung anong eksaktong nangyari kay Judith, tiyak niyang mayroon itong trauma kung ang pagbabasehan ay ang reaction nito.
Nabiktima ba ito ng…? Hindi na niya nagawa pang ituloy ang iniisip dahil kung mapapatotohanan niya nag kanyang hinala ay baka makapatay siya.
Marahas na paghinga ang kanyang pinawalan. Hanggang sa maaari ay ayaw niyang kumawala sa kanyang sistema ang masamang bahagi ng kanyang pagkatao dahil tiyak na makakagawa siya ng hindi nararapat.
Teka, bakit ba masyado siyang concern? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Mabilis gumana ang kanyang utak kaya agad niyang nasagot ang sariling katanungan. Dahil siya ang rason kaya bumabalik ang trauma nito?
Iyon lang? Kunwa'y tanong ng isa pang bahagi ng kanyang isipan.
Dahil si Judith Dimaculangan ay magiging asawa ko, mariin niyang sabi sa kanyang sarili pero bigla siyang natigilan. Magpapanggap lang naman sila ni Judith sa harapan ng kanyang Lola Anastacia. Hindi sila totoong ikakasal.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit bumigat ang kanyang dibdib.
"Good Noon, brother."
Masyadong okupado ni Judith ang kanyang isipan kaya hindi niya napansin na mayroon palang ibang tao sa kanyang opisina. Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang ma-realize niyang ang kanyang 'buwisita' ay si Jiwan, ang kapatid niya sa ina.
Noong bata siya ay gusto niyang magkaroon ng kapatid pero kahit nangyari iyon, hindi siya naging masaya. Half brother lang naman niya si Jiwan at isang Indian ang ama nito.
Dahil sa kataksilan ng kanyang ina ay maaga siyang nawalan ng ama. Kaya kahit sabihin ng lola niya na walang kasalanan si Jiwan, hindi pa rin dahilan iyon para matanggal niya ang nakababayang kapatid.
"Evening na actually."
Bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Good PM."
Pinigilan niya ang sarili mapikon. "Bakit nandito ka?"
"Gusto ko kasing saksihan ang pagpapakasal mo," wika nitong parang nang-iinis.
"Damn," buwisit niyang sabi. Kung ang Lola Anastacia niya ay madali niyang mapapaikot, tiyak niyang hindi si Jiwan.
"Wala ka talagang girlfriend, ano?" Nang-iinis na sabi nito sa kanya.
"She's my fiancee."
Lumapad ang ngiti nito sa kanya. "Alam mo ba ang dahilan kaya ako nandito?" Tanong nito.
Kahit na sa India ito nanirahan ng pagkatagal-tagal na panahon, diretso pa rin ito managalok. Ibig sabihin nu'n, matiyaga itong naturuan ng kanyang ina. Sa kaisipang iyon ay hindi niya napigilan ang mainis. Kapag kailangan niya ito ay palagi itong absent.
Hindi siya nagtanong pero sinagot siya nito. "Para masiguro kong hindi mo kami maloloko."
Hindi siya nakakibo. Ni hindi niya makuhang magalit. Paano kasi niya gagawin iyon kung iyon talaga ang plano niya – ang lokohin nag kanyang Lola Anastacia.
"So, kailan namin makikilala ang iyong fiancee?" Untag ni Jiwan.
Kahit ngiting-ngiti sa kanya si Jiwan ng mga sandaling iyon, hindi pa rin niya magawang masiyahan sa pagmumukha nito. Carbon copy ito ng ama nitong Indiyano. Kaya, kapag nakikita niya ito'y naiisip niyang ito ang dahilan kaya namatay ang kanyang ama.
"Sa Sabado," mabilis niyang sabi. Ang gusto kaai niya'y may maisagot siya sa kanyang half brother.
"Tamang-tama, birthday ko," wika nito.
"Damn," wika niya. Lalo siyang na-badtrip nnag makita niyang ngiting-ngiti si Jiwan na parang sinasabing tagumpay ang plano nito. Ibig kasing sabihin nu'n, mapupuwersa siyang sumalo rito. Kaya, mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Hindi naman kasi ang tipo niya ang nagbabawi ng salita. anumang sabihin niya'y kanyang pinaninindigan.
"ANAK…"Biglang natigilan si Judith sa paraan ng pagtawag sa kanya ng Tatay Samuel niya. Ewan niya pero parang nanayo ang balahibo. Bigla ring nanginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara. Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa gutom. Hindi muna kasi siya kumain hanggang di siya nakakasigurado na nagawa na ang test sa kanyang Tatay Samuel ngunit ngayon, parang bigla siyang nawalan ng gana. Sa pagkakatitig nga niya sa pagkain ay parang may alaalang pumapasok sa kanyang utak na nagdudulot ng sobrang kaba sa kanya. "Judith…" tawag ulit ng kanyang Tatay Samuel. "Po," bigla niyang sabi."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi utangera niya, hindi siya naglilihim dito. Iyon nga lang, hindi nia pwedeng sabihin sa kanyang Tatay Samuel na kinilabutan siya ng tawagin saan itong 'anak'. Tiyak niyang magdaramdam ito sa kanya. Baka isipin pa ng stepfather niya na hindi niya talaga ito tanggap bilang pang
"KAILANGAN kita," wika ni Dr. Storm. Sa ilang saglit tuloy ay napakurap-kurap si Judith. Para kasing may naaaninag siyang paghihirap sa boses nito. Para tuloy gusto niyang isipin na patay na patay ito sa kanya kaya ganoon ang salita nito. Huwag kang mangarap, inis niyang sabi sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Alam na alam kasi niyang gagamitin lang siya nito para lokohin ang lola nito. Kahit utangera siya, hindi naman niya gustong manloko ng tao kaya nga lang kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang kondisyon ni Storm para mabayaran niya ang kanyang mga utang sa ospital na iyon. "Lolokohin na natin ang lola mo?" Sarkastikong tanong niya rito. Sa tingin niya ay na-offend ito sa kanyang sinabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya. Ngunit, hindi siya nagpatinag dito. "Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Lolokohin mo naman talaga ang lola mo dahil kailangan nating magpanggap kahit hindi naman tayo magkarelasyon." "Kalimutan mong isang kasunduan lang ang lahat," sabi nito sa ha
MALAPIT na ang Sabado kaya nagpasya si Judith na magpunta ng mall para bumili ng maisusuot sa paghaharap nila ng lola ni Storm. Sa tingin niya kasi ay wala man lang plano si Storm na dalhin man lamang siya sa boutique o kaya ay ipa-parlor bago man lang sila magharap ng Lola Anastacia nito. Kunsabagay, bakit naman mag-e-effort ng ganoon si Storm kung hindi naman nito layunin na magustuhan siya ng lola nito? Sa kaisipang iyon ay napabunghininga siya nang pagkalalim-lalim. Eh, 'yun ba ang gusto mo? Tanong niya sa sarili. Maaari ngang hindi naman sila nagmamahalan ni Storm pero ayaw naman niyang basta-basta na lang siya aayawan ng isang tao. Siyempre, makabubuti rin kung gagawin niya ang lahat para magustuhan siya ng Lola Anastacia ni Storm. Pero, paano kung wala naman siyang ideya sa gusto o ayaw nito? "Oh my God," gilalas niyang sabi. May isa kasing matandang babae na nagtatangkang tumawid.. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalangan kaya hindi na niya nakuhang makapag-isip pa. Tu
MALAKI talaga ang nagagawa ng pera sa buhay ng tao, naisip ni Judith sabay pakawala nang malalim na buntunghininga. Kung hindi kasi dahil kay Dr. Storm ay siguradong hindi agad makakahagilap ng puso ang kanyang Tatay Samuel. Kaya, masasabi niyang malaki talaga ang utang na loob na dapat niyang tanawin dito. Dahil doon, nagdesisyon siyang sundin na lang ang bawat sabihin nito sa kanya. Kung mali ang ipinapagawa nito sa kanya, hindi ba niya iyon iintindihin. Kung kakasangkapanin man siya nito sa panloloko sa sarili nitong kapamilya, hihingi na lang siya ng tawad kay Lord. Sana lang ay maunawaan siya ni God tutal hindi naman ito mapanghusga. Talaga lang kailangan niyang ilaban ang buhay ng kinikilala niyang ama. Kahit naman kasi anong pangungutang ang gagawin niya ay hindi siya makakabuo ng limang daang libong piso. Kung may magpapautang man sa kanya, siguradong tutubuan siya ng sobrang laking interes. Samantalang kay Storm ay hindi niya kailangang magbayad. Ang kailangan lang niyang
SHIT! bulalas ni Jiwan sabay balikwas nang bangon. Hindi kasi maalis sa utak niya ang babaeng iyon. Para iyong paste na nakadikit na sa kanyang isipan. Kunsabagay, napakaganda naman kasi talaga nito kaya talagang hindi kataka-taka kung bakit di ito basta basta mawala sa kanyang isipan. Kahit pa sabihing dalawang araw na ang nakakaraan. Tapos, lagi rin itong laman ng kanyang panaginip. In love ba siya? Sa katanungan niyang iyon sa kanyang sarili bigla siyang napahagalpak ng tawa. Hindi ang isang Jiwan Singh ang iibig. Ewan nga lang niya kung bakit hanggang sa kasalukuyan, hindi nawawala sa isipan niya ang maganda nitong mukha. Marami na siyang babaeng nakita at naikama pero kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganito sa isang babae. Namura na naman niya ang kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makilala pa niya ito. Pwede pa naman, ah, wika niya sa sarili nang maalala niyang hinatid nga pala niya sa Magaling Hospital ang babaeng kumuha ng kanyang interes. Kung
KUNG hindi lang napigilan ni Storm ang kanyang sarili, sinugod na niya ng suntok si Jiwan. Napakalagkit naman kasi ng tingin nito kay Judith at nanggigigil siya roon. "Judith is my fiancee," buong diing sabi niya kay Jiwan. Bakasaling sa pamamagitan noon ay ay tumatak iyon sa isip ng kanyang half brother. "Ay talaga," sarkastikong sabi ni Jiwan. Obvious na hindi ito naniniwala. Tumalim tuloy ang mga mata niya rito kaya naman niyakap niya ang beywang ni Judith. Gusto niyang makasigurado na walang makakaagaw nito sa kanya. Sa klase ng tingin ni Jiwan sa kanyang si Judith ay tiyak niyang interesado ito rito at hindi niya iyon mapapayagan. Judith is mine, buong diin pa niyang sabi sa sarili at iyon ang gusto niyang ipabatid kay Jiwan. "Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi pero nais kong makilala ng aking Lola Anastacia ang aking fiancee, si Judith Dimaculangan," buong pagmamalaki niyang sabi. "Kilala kita," sabi ng kanyang lola kay Judith. Bigla tuloy siyang kinabahan. G
KUNG nagawang maagaw ng tatay ni Jiwan ang kanyang ina, hinding-hindi papayag si Storm na maagaw ni Jiwan si Judith sa kanya. Matapos nilang umalis sa mansyon ng kanyang Lola Anastacia, dumiretso sila sa kaibigang judge ng kanyang ama at nagkataon ding ninong niya. Gusto sana niyang naroroon ang kanyang Lola Anastacia sa kanyang kasal pero nangangamba siyang walang kasalan na magaganap kung malalaman iyon ni Jiwan. At hindi siya papayag na mahadlangan ng sinuman, lalo na ang kapatid niyang kinabubuwisitan niya. Kahit na madalas itong tumatawag para mangamusta, hindi siya nagtitiwala na maganda ang intensyon nito. "Done?" Tanong niya kay Judith. Mayroon kasing pina-fill up sa kanila para sa kasalang iyon. Inabot sa kanya ni Judith ang na fill up an nito. "Akala ko ba hindi naman tayo ikakasal?" Naguguluhang tanong sa kanya ni Judith habang hinihintay ang magkakasal sa kanila. Kita niya ang pagkalito sa maganda nitong mukha. "Change of plans,"mariin niyang sabi. "Dahil dun kay Ji
"PASENSIYA na po kayo kung nagpakasal kami ng biglaan ni Judith. Ayaw ko na ho kasing magkaroon pa ng hadlang sa aming pagmamahalan."Agad lumipad ang tingin ni Judith kay Storm. Hindi niya kasi akalain na napakagaling pala nitong artista. Sila, nagmamahalan?"Ang importante sa akin kasal na kayo at kahit mawala ako sa muñdong ito, alam kong may titingin at mag-aalaga na kay Judith. Huwag na huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong hilahin ko ang paa mo at isama ka sa ilalim ng hukay.""Huwag nga kayong magsalita ng ganyan," mariin niyang sabi rito. May kilabot kasi siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kanyang stepfather. Pagkaraan ng ilang sandali, si Storm naman ang kanyang binalingan. "Okay na ang Tatay Samuel ko, hindi ba?"Wari'y naramdaman ni Storm ang kanyang takot kaya hinagilap muna nito ang kanyang palad bago nagsalita. "Kailangan lang niya ng sapat na pahinga.""Kaya, maaari n'yo muna akong iwanan para makapagpahinga ako ng husto," anitong pilit ngumiti sa kanila ni Storm.S
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka
BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a
ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya