"ANAK…"
Biglang natigilan si Judith sa paraan ng pagtawag sa kanya ng Tatay Samuel niya. Ewan niya pero parang nanayo ang balahibo. Bigla ring nanginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara.
Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa gutom. Hindi muna kasi siya kumain hanggang di siya nakakasigurado na nagawa na ang test sa kanyang Tatay Samuel ngunit ngayon, parang bigla siyang nawalan ng gana. Sa pagkakatitig nga niya sa pagkain ay parang may alaalang pumapasok sa kanyang utak na nagdudulot ng sobrang kaba sa kanya.
"Judith…" tawag ulit ng kanyang Tatay Samuel.
"Po," bigla niyang sabi.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi utangera niya, hindi siya naglilihim dito. Iyon nga lang, hindi nia pwedeng sabihin sa kanyang Tatay Samuel na kinilabutan siya ng tawagin saan itong 'anak'. Tiyak niyang magdaramdam ito sa kanya. Baka isipin pa ng stepfather niya na hindi niya talaga ito tanggap bilang pangalawang ama dahil hindi totoo iyon. Mas gusto nga niyang ito na lang ang tunay niyang ama.
"M-mainit po kasi," nahagilap niyang sabihin.
"Paanong iinit eh naka-aircon itong kuwarto na kinuha mo. Ang lamig-lamig nga," wika nito na nakakunot ang noo.
Dahil sa kasunduan nila ni Storm ay nailipat na sa private room ang kanyang ama. Dapat nga ay sa Sweet room pa ito ilalagay kung hindi lang siya kumontra. Hindi nga niya alam kung anong eksplanasyon ang kanyang gagawin dahil magagawa niya itong ipaopera tapos nasa magandang kuwarto rin sila. Mayroon ding tv at ref.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Marahang tanong nito.
Kung maaari lang sana, 'wala po' ang isasagot niya rito pero tiyak niyang hindi ito maniniwala.
Psychology Graduate ito kaya alam nito kung may inililihim siya base lang sa paggalaw ng kanyang mga mata o sa pakagat-kagat ng kanyang labi.
"Ayoko na magpaopera." Biglang sabi nito. Marahas na pagbuntunghininga pa ang pinawalan nito pagkaraan. Sa tono nga ng pananalita nito, parang sinasabi na seryoso ito sa sinabi.
Hindi niya inaasahan na lalabas ang mga katagang iyon sa bibig nito kaya talagang ikinabigla niya iyon. "Naka-schedule na po ang inyong operasyon."
"Wala akong pakialam," mariing sabi nito habang nakatingin sa kanya.
"Akala ko ba, hindi ninyo ako iiwan?" Nagdaramdam na tanong ng kanyang Tatay Samuel. Kung tatanggi kasi itong magpaopera, talagang hindi na niya ito mapipilit pa. Masama naman kasi rito ang maging emosyonal. Maaapektuhan ang puso nito kaya napilitan na lang siyang magdrama.
Sanay na sanay naman siya sa makabagbag damdaming dialogue dahil kapag uutang siya ay kailangan niyang ilabas ang pagiging best actress niya. Kapag hindi kasi niya gagawin iyon, kakalam ang sikmura nila ng kanyang Tatay Samuel.
"Iiwan kita dahil susunduin ako ni Kamatayan."
Kailanman ay hindi gugustuhin na marinig ang mga salitang iyon, hindi rin kasi niya napigilang i-imagine na nasa loob na ito ng kabaong. "Hindi mangyayari iyon kung magpapaopera kayo."
"Ayoko na kasing mahirapan ka pa."
"Mas mahihirapan ako kung ganyan kayo."
"Ayokong magkautang-utang ka pa."
"Wala akong utang."
"Saan ka kukuha ng pambayad sa ospital kung hindi ka mangungutang?"
Mabilis nag pagsagot niya. "Kay Dr. Storm."
"At anong kapalit?" Nagdududang tanong ng kanyang Tatay Samuel.
"Ang pakasalan ko siya," mabilis niyang sabi. Sa palagay niya, kung babagalan niya ang pagsasalita'y hindi niya iyon masasabi.
"Very good," wika ng kanyang Tatay Samuel sabay palakpak.
Gilalas siyang napatingin sa kanyang Tatay Samuel. Hindi niya kasi talaga inaasahan ang reaction nito na tuwang-tuwa pa. Ang inaasahan niya kasi ay magagalit ito o magtataka man lang.
"Sige, magpapa-opera na ako," excited pang sabi nito.
"WHAT?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Storm. Wala naman kasi talaga sa plano noyang ipaalam pa sa ibang tao 'pagpapanggap' nila ni Judith. Nakasisiguro naman kasi siyang hindi ito magugustuhan ng kanyang Lola Anastacia.
Tulad ng ibang babae.
Kahit sabihing gustung-gusto ng Lola Anastacia niya na magkainteres siya sa babae, ibig pa rin nitong ang makita niya ay ang perpektong babae.
"Kailangan daw ay maikasal tayo sa lalong madaling panahon," mabilis nitong sabi na para bang hindi humihinga habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Why?" Gulat niyang bulalas.
"Para raw makasiguro ang Tatay Samuel na kahit mawala siya sa mundo ay magiging okay ako."
"Napakabait ng tatay mo," aniyang hindi mapigilang bigkasin ng buong diin ang bawat kataga.
"Step father ko lang siya "
"Alam ko?"
"Alam mo?" Nalilitong tanong nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Judith sa pagkagulat. Ngunit kahit ganoon ang ekspresyon nito ay napakaganda pa rin nito.
"Kailangan kong alamin lahat sa'yo."
"Kunsabagay, pati nga mga utang ko ay nalaman mo."
"Kaya sigurado akong hindi ka magugustuhan ng Lola Anastacia." Nakangiti siya ng saabihin iyon pero alam niyang hindi siya nasisiyahan dahil nakita niya ang di maipaliwanag na disappointment sa mukha ni Judith.
"WALANG kasalang magaganap?" Gulat na tanong ni Judith. Hindi man niya mahal si Storm, sobra pa rin siyang nakaramdam ng disappointment ng mga sandaling iyon. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung nakumbinse na niya ang sarili na isang araw ay magiging mag-asawa sila.
"Bakit, gusto mo na ba talaga akong maging asawa?" Matabang nitong tanong.
"Ayokong mademanda ng Bitch of contract," wika niya sabay tutop sa kanyang bibig. Sigurado kasi siyang may mali sa kanyang sinabi dahil natawa si Storm sa kanya.
"Breach of contract," sabi nito pagkaraan.
"Nakalagay sa kontrata na pinirmahan natin na kailangan kong magpakasal sa'yo kapalit ng pagbayad mo sa lahat ng kailangan ni Tatay Samuel at pagbayad mo sa lahat ng utang ko," aniyang nalilito rin.
"Gustung-gusto mong makasal sa akin, ano?" Sarkastikong tanong nito sa kanya.
Bigla tuloy siyang natigilan. Dama kasi niyang may ibig sabihin ang salita ni Storm. Kung sabagay hindi naman kataka taka kung iniisip nitong pera ang dahilan kaya madali siya nitong napapayag.
"Kasi nga iyon ang kasunduan natin."
"Really?" Buong kaseryosohang bulalas pa nito sa kanya.
"Ipanalangin mo na magustuhan ka ng lola."
"Hindi ako magugustuhan ng lola mo dahil mahirap lang ako," matabang niyang sabi rito.
"Damn!" Bulalas nito.
"Wag mo nga ako ma-damn damn diyan," mataray niyang sabi dito. "Hindi porque langit at lupa ang pagitan natin pwede mo akong murahin."
"Hindi kita minumura," defensive niyang sabi.
"Hindi na ba mura ang damn?" Sarkastiko niyang sabi, sabay halukipkip
"KAILANGAN kita," wika ni Dr. Storm. Sa ilang saglit tuloy ay napakurap-kurap si Judith. Para kasing may naaaninag siyang paghihirap sa boses nito. Para tuloy gusto niyang isipin na patay na patay ito sa kanya kaya ganoon ang salita nito. Huwag kang mangarap, inis niyang sabi sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Alam na alam kasi niyang gagamitin lang siya nito para lokohin ang lola nito. Kahit utangera siya, hindi naman niya gustong manloko ng tao kaya nga lang kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang kondisyon ni Storm para mabayaran niya ang kanyang mga utang sa ospital na iyon. "Lolokohin na natin ang lola mo?" Sarkastikong tanong niya rito. Sa tingin niya ay na-offend ito sa kanyang sinabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya. Ngunit, hindi siya nagpatinag dito. "Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Lolokohin mo naman talaga ang lola mo dahil kailangan nating magpanggap kahit hindi naman tayo magkarelasyon." "Kalimutan mong isang kasunduan lang ang lahat," sabi nito sa ha
MALAPIT na ang Sabado kaya nagpasya si Judith na magpunta ng mall para bumili ng maisusuot sa paghaharap nila ng lola ni Storm. Sa tingin niya kasi ay wala man lang plano si Storm na dalhin man lamang siya sa boutique o kaya ay ipa-parlor bago man lang sila magharap ng Lola Anastacia nito. Kunsabagay, bakit naman mag-e-effort ng ganoon si Storm kung hindi naman nito layunin na magustuhan siya ng lola nito? Sa kaisipang iyon ay napabunghininga siya nang pagkalalim-lalim. Eh, 'yun ba ang gusto mo? Tanong niya sa sarili. Maaari ngang hindi naman sila nagmamahalan ni Storm pero ayaw naman niyang basta-basta na lang siya aayawan ng isang tao. Siyempre, makabubuti rin kung gagawin niya ang lahat para magustuhan siya ng Lola Anastacia ni Storm. Pero, paano kung wala naman siyang ideya sa gusto o ayaw nito? "Oh my God," gilalas niyang sabi. May isa kasing matandang babae na nagtatangkang tumawid.. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalangan kaya hindi na niya nakuhang makapag-isip pa. Tu
MALAKI talaga ang nagagawa ng pera sa buhay ng tao, naisip ni Judith sabay pakawala nang malalim na buntunghininga. Kung hindi kasi dahil kay Dr. Storm ay siguradong hindi agad makakahagilap ng puso ang kanyang Tatay Samuel. Kaya, masasabi niyang malaki talaga ang utang na loob na dapat niyang tanawin dito. Dahil doon, nagdesisyon siyang sundin na lang ang bawat sabihin nito sa kanya. Kung mali ang ipinapagawa nito sa kanya, hindi ba niya iyon iintindihin. Kung kakasangkapanin man siya nito sa panloloko sa sarili nitong kapamilya, hihingi na lang siya ng tawad kay Lord. Sana lang ay maunawaan siya ni God tutal hindi naman ito mapanghusga. Talaga lang kailangan niyang ilaban ang buhay ng kinikilala niyang ama. Kahit naman kasi anong pangungutang ang gagawin niya ay hindi siya makakabuo ng limang daang libong piso. Kung may magpapautang man sa kanya, siguradong tutubuan siya ng sobrang laking interes. Samantalang kay Storm ay hindi niya kailangang magbayad. Ang kailangan lang niyang
SHIT! bulalas ni Jiwan sabay balikwas nang bangon. Hindi kasi maalis sa utak niya ang babaeng iyon. Para iyong paste na nakadikit na sa kanyang isipan. Kunsabagay, napakaganda naman kasi talaga nito kaya talagang hindi kataka-taka kung bakit di ito basta basta mawala sa kanyang isipan. Kahit pa sabihing dalawang araw na ang nakakaraan. Tapos, lagi rin itong laman ng kanyang panaginip. In love ba siya? Sa katanungan niyang iyon sa kanyang sarili bigla siyang napahagalpak ng tawa. Hindi ang isang Jiwan Singh ang iibig. Ewan nga lang niya kung bakit hanggang sa kasalukuyan, hindi nawawala sa isipan niya ang maganda nitong mukha. Marami na siyang babaeng nakita at naikama pero kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganito sa isang babae. Namura na naman niya ang kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makilala pa niya ito. Pwede pa naman, ah, wika niya sa sarili nang maalala niyang hinatid nga pala niya sa Magaling Hospital ang babaeng kumuha ng kanyang interes. Kung
KUNG hindi lang napigilan ni Storm ang kanyang sarili, sinugod na niya ng suntok si Jiwan. Napakalagkit naman kasi ng tingin nito kay Judith at nanggigigil siya roon. "Judith is my fiancee," buong diing sabi niya kay Jiwan. Bakasaling sa pamamagitan noon ay ay tumatak iyon sa isip ng kanyang half brother. "Ay talaga," sarkastikong sabi ni Jiwan. Obvious na hindi ito naniniwala. Tumalim tuloy ang mga mata niya rito kaya naman niyakap niya ang beywang ni Judith. Gusto niyang makasigurado na walang makakaagaw nito sa kanya. Sa klase ng tingin ni Jiwan sa kanyang si Judith ay tiyak niyang interesado ito rito at hindi niya iyon mapapayagan. Judith is mine, buong diin pa niyang sabi sa sarili at iyon ang gusto niyang ipabatid kay Jiwan. "Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi pero nais kong makilala ng aking Lola Anastacia ang aking fiancee, si Judith Dimaculangan," buong pagmamalaki niyang sabi. "Kilala kita," sabi ng kanyang lola kay Judith. Bigla tuloy siyang kinabahan. G
KUNG nagawang maagaw ng tatay ni Jiwan ang kanyang ina, hinding-hindi papayag si Storm na maagaw ni Jiwan si Judith sa kanya. Matapos nilang umalis sa mansyon ng kanyang Lola Anastacia, dumiretso sila sa kaibigang judge ng kanyang ama at nagkataon ding ninong niya. Gusto sana niyang naroroon ang kanyang Lola Anastacia sa kanyang kasal pero nangangamba siyang walang kasalan na magaganap kung malalaman iyon ni Jiwan. At hindi siya papayag na mahadlangan ng sinuman, lalo na ang kapatid niyang kinabubuwisitan niya. Kahit na madalas itong tumatawag para mangamusta, hindi siya nagtitiwala na maganda ang intensyon nito. "Done?" Tanong niya kay Judith. Mayroon kasing pina-fill up sa kanila para sa kasalang iyon. Inabot sa kanya ni Judith ang na fill up an nito. "Akala ko ba hindi naman tayo ikakasal?" Naguguluhang tanong sa kanya ni Judith habang hinihintay ang magkakasal sa kanila. Kita niya ang pagkalito sa maganda nitong mukha. "Change of plans,"mariin niyang sabi. "Dahil dun kay Ji
"PASENSIYA na po kayo kung nagpakasal kami ng biglaan ni Judith. Ayaw ko na ho kasing magkaroon pa ng hadlang sa aming pagmamahalan."Agad lumipad ang tingin ni Judith kay Storm. Hindi niya kasi akalain na napakagaling pala nitong artista. Sila, nagmamahalan?"Ang importante sa akin kasal na kayo at kahit mawala ako sa muñdong ito, alam kong may titingin at mag-aalaga na kay Judith. Huwag na huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong hilahin ko ang paa mo at isama ka sa ilalim ng hukay.""Huwag nga kayong magsalita ng ganyan," mariin niyang sabi rito. May kilabot kasi siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kanyang stepfather. Pagkaraan ng ilang sandali, si Storm naman ang kanyang binalingan. "Okay na ang Tatay Samuel ko, hindi ba?"Wari'y naramdaman ni Storm ang kanyang takot kaya hinagilap muna nito ang kanyang palad bago nagsalita. "Kailangan lang niya ng sapat na pahinga.""Kaya, maaari n'yo muna akong iwanan para makapagpahinga ako ng husto," anitong pilit ngumiti sa kanila ni Storm.S
"RELAX ka na," wika ni Judith. Medyo dumukwang pa siya para maabot ang braso ni Storm at mahimas-himas. Sa palagay niya kasi'y makakatulong iyon para mawala ang sobrang pagkairita nito. "Habang kaya ko pang magpigil umalis ka na sa harapan ko dahil baka maibalibag kitang palabas ng restaurant ito, babae ka!" Wika ni Storm sa babaeng biglang namutla. Matalim ba matalim naman kasi ang tingin dito ng kanyang asawa. "Get out!"Kahit maling-mali ang ginawa ng babae, nakaramdam pa rin siya ng awa rito. Ngunit, hindi naman niya iyon maibulalas dahil baka akalain pa ni Storm na ipinagtatanggol niya iyong babae gayung siya ang pinrotektahan nito. "Tapos ka na ba?" "Hindi pa, ah," mabilis niyang sabi. "Ikaw, hindi ka pa rin tapos.""Nawalan na ako ng gana." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ang dami daming nagugutom tapos ikaw hindi nagpapahalaga sa mga biyayang nasa iyo. Kumain ka diyan," inis niyang sabi pero bigla siyang natigilan. Para kasing feel na feel niya ang pagiging misis ni Storm
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka
BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a
ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya