KUNG hindi lang napigilan ni Storm ang kanyang sarili, sinugod na niya ng suntok si Jiwan. Napakalagkit naman kasi ng tingin nito kay Judith at nanggigigil siya roon. "Judith is my fiancee," buong diing sabi niya kay Jiwan. Bakasaling sa pamamagitan noon ay ay tumatak iyon sa isip ng kanyang half brother. "Ay talaga," sarkastikong sabi ni Jiwan. Obvious na hindi ito naniniwala. Tumalim tuloy ang mga mata niya rito kaya naman niyakap niya ang beywang ni Judith. Gusto niyang makasigurado na walang makakaagaw nito sa kanya. Sa klase ng tingin ni Jiwan sa kanyang si Judith ay tiyak niyang interesado ito rito at hindi niya iyon mapapayagan. Judith is mine, buong diin pa niyang sabi sa sarili at iyon ang gusto niyang ipabatid kay Jiwan. "Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi pero nais kong makilala ng aking Lola Anastacia ang aking fiancee, si Judith Dimaculangan," buong pagmamalaki niyang sabi. "Kilala kita," sabi ng kanyang lola kay Judith. Bigla tuloy siyang kinabahan. G
KUNG nagawang maagaw ng tatay ni Jiwan ang kanyang ina, hinding-hindi papayag si Storm na maagaw ni Jiwan si Judith sa kanya. Matapos nilang umalis sa mansyon ng kanyang Lola Anastacia, dumiretso sila sa kaibigang judge ng kanyang ama at nagkataon ding ninong niya. Gusto sana niyang naroroon ang kanyang Lola Anastacia sa kanyang kasal pero nangangamba siyang walang kasalan na magaganap kung malalaman iyon ni Jiwan. At hindi siya papayag na mahadlangan ng sinuman, lalo na ang kapatid niyang kinabubuwisitan niya. Kahit na madalas itong tumatawag para mangamusta, hindi siya nagtitiwala na maganda ang intensyon nito. "Done?" Tanong niya kay Judith. Mayroon kasing pina-fill up sa kanila para sa kasalang iyon. Inabot sa kanya ni Judith ang na fill up an nito. "Akala ko ba hindi naman tayo ikakasal?" Naguguluhang tanong sa kanya ni Judith habang hinihintay ang magkakasal sa kanila. Kita niya ang pagkalito sa maganda nitong mukha. "Change of plans,"mariin niyang sabi. "Dahil dun kay Ji
"PASENSIYA na po kayo kung nagpakasal kami ng biglaan ni Judith. Ayaw ko na ho kasing magkaroon pa ng hadlang sa aming pagmamahalan."Agad lumipad ang tingin ni Judith kay Storm. Hindi niya kasi akalain na napakagaling pala nitong artista. Sila, nagmamahalan?"Ang importante sa akin kasal na kayo at kahit mawala ako sa muñdong ito, alam kong may titingin at mag-aalaga na kay Judith. Huwag na huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong hilahin ko ang paa mo at isama ka sa ilalim ng hukay.""Huwag nga kayong magsalita ng ganyan," mariin niyang sabi rito. May kilabot kasi siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kanyang stepfather. Pagkaraan ng ilang sandali, si Storm naman ang kanyang binalingan. "Okay na ang Tatay Samuel ko, hindi ba?"Wari'y naramdaman ni Storm ang kanyang takot kaya hinagilap muna nito ang kanyang palad bago nagsalita. "Kailangan lang niya ng sapat na pahinga.""Kaya, maaari n'yo muna akong iwanan para makapagpahinga ako ng husto," anitong pilit ngumiti sa kanila ni Storm.S
"RELAX ka na," wika ni Judith. Medyo dumukwang pa siya para maabot ang braso ni Storm at mahimas-himas. Sa palagay niya kasi'y makakatulong iyon para mawala ang sobrang pagkairita nito. "Habang kaya ko pang magpigil umalis ka na sa harapan ko dahil baka maibalibag kitang palabas ng restaurant ito, babae ka!" Wika ni Storm sa babaeng biglang namutla. Matalim ba matalim naman kasi ang tingin dito ng kanyang asawa. "Get out!"Kahit maling-mali ang ginawa ng babae, nakaramdam pa rin siya ng awa rito. Ngunit, hindi naman niya iyon maibulalas dahil baka akalain pa ni Storm na ipinagtatanggol niya iyong babae gayung siya ang pinrotektahan nito. "Tapos ka na ba?" "Hindi pa, ah," mabilis niyang sabi. "Ikaw, hindi ka pa rin tapos.""Nawalan na ako ng gana." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ang dami daming nagugutom tapos ikaw hindi nagpapahalaga sa mga biyayang nasa iyo. Kumain ka diyan," inis niyang sabi pero bigla siyang natigilan. Para kasing feel na feel niya ang pagiging misis ni Storm
MANGHANG-mangha si Judith nang pumasok na siya sa kanyang kuwarto. Ang unang nabungaran niyan niya ay ang kamang mas malaki pa sa kingsize bed. Pakiwari niya ay magkakasya ang limang tao roon at dahil masosolo niya iyon ay maaari pa siyang magpa-tumbling-tumbling tapos may higante pang tv kaya't nakakasiguro siyang malinaw na niyang mapapanood ang paborito niyang Turkish actor. "Nagustuhan mo ba?" Excited na tanong ng boses na kilalang-kilala na ng puso niya. Gilalas siyang napalingon kay Storm nang makita niyang nagtatanggal ito ng necktie.Buong pagtataka siyang nilingon ni Storm. "Yes, wifey?"Nang ngumiti sa kanya si Storm, napalunok siya. Para kasi iyong chocolate. Masyadong matamis. "Akala ko ba kuwarto ko ito?" Nauutal niyang tanong. Lalong lumapad ang ngiti nito sa kanya. "Yes.""Eh, bakit nandito ka rin?" Nagtatakang tanong niya. Napalunok tuloy siya ng kung ilang ulit dahil ang pumasok sa isipan niya kapag nanatili sila sa iisang silid ay may posibilidad na may mangyari s
MAAGANG nagising si Judith kaya't nagpasya siyang bumangon. Iyon ang unang umaga ng pagsasama nila ni Storm kaya gusto niyang pagsilbihan ito. "Good morning po," bati niya kay Manang Sonia na ayon kay Storm ay siyang nag-alaga rito. Sa halip na tumugon agad, hinagod muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ala-sais inihahanda ang almusal. Gutom ka na ba?" "Naku, hindi po. Gusto ko po sanang ako ang magluto," nahagilap niyang sabihin. Medyo nautal pa siya dahil parang lagi siya nitong sinusuri. "Marunong ka bang magluto?" Gilalas na tanong nito. Hindi niya napigilan ang mapangiti. "The best po akong magluto ng scramble egg with sibuyas and kamatis, tinapang bangus, hotdog, bacon at siyempre fried rice," buong kayabangan niyang sabi. "O siya sige, ikaw ang magluto para sa asawa mo pero dito lang ako. Babantayan ko ang pagluluto mo," pormal nitong sabi. Tantiya niya'y nasa limampung taong gulang na ito. "Mayroon po ba kayong pamilya?" Buong kuryosidad niyang tanong. Siyempr
"KAMUSTA ang buhay may-asawa?" Tanong ng kanyang Tatay Samuel.Ayaw na sana ni Judith na sabihin sa kanyang stepfather ang inis na nararamdaman niya sa lalaking pinakasalan pero alam niyang nahahalata na nito ang kanyang damdamin. Kanina pa kasi siya nakasimangot at nanghahaba ang nguso. "May ikukuwento ka ba sa akin?" Tanong pa nito. "Nakakainis," wika niya saka sinabi sa kanyang ama-amahan ang pagkawala bigla ng gana ni Storm nu'ng kumakain sila. "Imposible namang hindi siya nasarapan sa luto mo."Lalong nanghaba ang kanyang nguso. "Alam kong dahilan niya.""Ano?" Taka nitong tanong. "Takot na baka magayuma ko siya," naiinis pa rin niyang sabi tapos ikinuwento rin niya sa kanyang Tatay Samuel ang narinig niyang usapan nina Storm at ni Manang Sonia. Lalo tuloy siyang nanggigil. "Anong akala niya sa akin, mangkukulam?"Ang inaasahan niya'y magmumura ang kanyang Tatay Samuel dahil sa galit kaya't laking pagtataka niya ng bigla itong humagalpak nang tawa. Napatanga at napanganga siy
"NAGUGUTOM ako," hindi napigilang sabihin ni Judith pagkaraan ng ilang sandali. Dama kasi niya ang pagkulonng kanyang tiyan. Napangiwi siya nang maalala niyang dalawang pagsubo lang ang kanyang nagawa kaninang almusal. Sarap na sarap kasi siyang pinagmamasdan si Storm habang kumakain kaya agad niyang napansin ang pagkawala ng gana nito. Pakiramdam tuloy niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa, ng mga oras na iyon. "Kumain tayo," mabilis na sabi ni Storm. "Talaga?""Magpa-deliver tayo. Saan mo gusto?"Napangiti siya sa pagtatanong nito. Pakiramdam niya kasi'y pinahahalagahan siya nito. Gaya ng isang Prince Charming sa kanyang Prinsesa. "Bakit naman kailangang magpa-deliver pa tayo kung pwede namang sa canteen na lang tayo kumain?" Pagkaraan bigla siyang natigilan. "Sorry. Hindi nga pala pwede.""Bakit hindi pwede?" Takang tanong nito."Wala namang nakakaalam na kasal tayo –""Di ipaalam natin," putol ni Storm sa sasabihin niya.Hindi niya inasahan na ang mga salitang iyon ang l
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka
BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a
ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya