Home / Romance / Mister ng Utangera ang Mafia King / Chapter 1 Ang Kabayaran ng Utang ni Judith

Share

Mister ng Utangera ang Mafia King
Mister ng Utangera ang Mafia King
Author: Maria Angela Gonzales

Chapter 1 Ang Kabayaran ng Utang ni Judith

last update Huling Na-update: 2022-09-16 20:28:38

"PAKASALAN mo ako," walang kagatul-gatol na sabi ng Director ng Magaling Hospital na si Storm Davis, pagkaupong pagkaupo niya sa harap ng lamesa nito. Kung hindi lang siguro matibay ang kanyang mga tuhod, siguradong natumba na siya sa sinabi ng lalaki. Para naman kasi itong granadang pinasabog sa kanyang harapan. Hindi niya inasahan na lalabas sa bibig nito ang mga salitang iyon kaya napanganga siya. Para tuloy gusto niyang i welcome ang mga langaw na mag-landing sa kanyang bunganga. 

Siya nga pala si Judith Dimaculangan, 23 years old pa lang siya pero sandamakmak na ang problema na kanyang dinadala. Ewan nga lang niya kung talaga nga bang may kinalaman ang petsa ng kanyang birthday. Sabi kasi ng isang manghuhula, ang taong otso raw ay puro paghihirap. August 8 ang kanyang kaarawan kaya kung talagang maraming paghihirap ang mga Taong Otso ay doble-doble iyon sa kanya dahil ika-walong buwan din ang Agosto. 

"Bukas na bukas din ipakikilala kita sa lola ko," buong diin pa nitong sabi sa kanya. Parang wala itong pakialam kung pumayag siya o hindi dahil ang importante lang masabi nito sa kanya ang plano nito. 

"Ano?" Tanong na naman niya. Ang totoo, maraming katanungan ang pumapasok sa isipan niya ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawang ibulalas. Hindi kasi niya tiyak kung seryoso ito sa sinasabi pero matiim na matiim naman ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang sinasabi na wala sa bokabularyo nito ang pagbibiro. 

"Malinaw ko namang sinabi sa'yo, hindi ba? Magpapakasal tayo," mabagal na mabagal ang pagkakasabi nito dahil gusto nitong ipaunawa sa kanya ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig. "Kaya, kailangan mong makilala ang lola ko at ang buong angkan ko."

Narinig naman niya nang malinaw ang sinabi ni Storm Davis  pero hindi niya magawang paniwalaan ang narinig. Kahit naman kasi nangangarap siyang magkaroon ng Prince Charming ayaw pa rin niyang umasa na si Storm Davis ang sinasabi dati ng manghuhula na nagpapabago ng buhay niya. 

Si Manang Elvira ang pinakamahusay na manghuhula sa kanila sa Brgy. Tatalon, siyempre, nag iisa lang naman ito, na manghuhula sa kanilang lugar. At naniniwala siya sa sinasabi nito. Hindi dahil sa tumpak lagi ang mga hula nito sa kanya kundi dahil sa mabait ito sa kanya at sa kanyang ama. Ito nga ang nagpayo sa kanya na dalhin na sa ospital ang kanyang ama. 

Hindi ko siya type! Sigaw ng isip niya nang bigla na namang pumasok sa isip niya si Storm Davis . Ayaw na ayaw niya sa lalaking masungit at sobrang seryoso.

Ngunit, dahil titig na titig siya sa mukha ng lalaki kaya na-realize niya kung gaano ito kaguwapo. Tiyak din niyang hindi purong Pinoy ang nananalaytay sa ugat nito. Kung hindi siya nagkakamali ay may lahi itong Turkish. Mestiso kasi ito, green ang mata kaya kung tititigan niya ito ng husto ay tiyak niyang maaakit siya, matangos din ang ilong nito at manipis ang mapupulang mga labi. Kahit nga hindi ito ngumingiti, alam niyang mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin nito. Naalala tuloy niya sa katauhan nito si 'Serkan Borat'. Hindi lang dahil sa kamukha nito ang Turkish actor na si Kerem Bursin kundi dahil parang hindi ito ang tipo ng tao na may kakayahang makapagbigay ng pag-ibig. 

"At bakit?" Inis niyang tanong dito maya-maya. Para siyang biglang nagka-amnesia at nakalimutan ang plano niya kaninang maging mabait sa harap nito dahil talagang kailangan niya ang tulong nito. Bawat araw ay tumataas ang hospital bill at kailangan pang maoperahan ang kanyang Tatay Samuel. Paano ba naman kasi, kung magsabi ito ng pakakasalan siya kung para lang itong nagu order ng hamburger sa isang fastfood. Hah, ano bang akala nito sa kasal, isang laro? 

"Hindi naman tayo magkarelasyon para magpakasal," mataray niyang sabi rito. Siyempre, kung magpapakasal siya doon sa taong mahal niya. Ipinilig niya ang ulo niya aa kaisipang iyon, may katanungan kasing biglang sumaksak sa kanyang isipan, paano kung tumibok ang puso niya sa pobreng lalaki?

No way! Kailangan ang magiging asawa niya ay hindi lang guwapo, mayaman din. 

Gaya ni  Dr. Storm Davis ? Nanunudyong tanong niya sa sarili. 

"Malaki ang utang mo sa ospital ko," mariing sabi nito sa kanya. Matalim na matalim din ang tingin nito sa kanya. 

Siyempre, kahit gusto naman niyang mangatwiran dito at sabihing magbabayad naman siya'y hindi niya magawa. Talaga naman kasing may utang siya at hindi niya alam kung paano siya makakabayad. 

Malamang, sa pangungutang na naman. Napabuntunghininga siya nang maisip niyang kaliwa't kanan ang kanyang mga utang. Pati nga ang five-six pinatulan na niya kahit malaki ang tubo. Kung hindi kasi siya kakapit sa patalim ay mamamatay silang dilat ng kanyang ama. 

Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan nang maalala niyang asawa ng yumao niyang ina ang kanyang Tatay Samuel pero hindi niya ito tunay na ama. Anak na siya ng kanyang ina nang pakasalan ito ng kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi nagsama ng sampung taon ang mga magulang niya'y hindi naman ikinasal ang mga ito. Labing tatlong taon na niyang kasama ang kanyang Tatay Samuel na talagang itinuring siyang tunay na anak dahil hindi siya nito pinabayaan at ibinigay ang lahat ng kailangan niya kaya hindi niya ito ipagpapalit kahit sa tunay niyang ama. 

"Hindi mo ako madadaan sa iyak mo," inis na sabi ni Storm Davis. 

Siya, umiiyak? Maang niyang tanong bago niya inilagay ang kamay sa pisngi at talagang ikinagulat niyang malaman na tigmak na pala ng luha. Ewan niya kung bakit ganoon ang reaksyon niya kapag pumapasok sa isipan niya ang tunay na ama gayung hindi na niya ito halos maalala. 

"Pakakasalan mo ako dahil may utang ako rito?" Napapantastikuhang tanong niya pagkaraan. 

"Kailangan ko ng asawa na hindi magugustuhan ng Lola Anastacia ko," mariing sabi nito. Wari'y gusto nitong itaktak sa utak niya ang bawat katagang binitiwan nito. 

Para siyang binigyan ng mag-asawang sampal sa sinabi nito. Sinasabi ba ni Storm Davis na wala siyang kuwentang tao kaya't hindi magugustuhan ng Lola Anastacia nito? Ibig sana niyang magalit dahil parang iniinsulto siya nito pero pagkaraan ng ilang sandali ay napabuntunghininga siya. Talaga naman kasing imposible siyang magustuhan ng sinumang galing isang alta sosyedad. 

Wala naman kasi siyang diplomang maipagmamalaki. Second year college sa kursong AB Masscommunication lang ang kanyang inabot. Namatay kasi ang kanyang ina kaya nagpasya siyang huminto na sa pag-aaral. Ilang buwan din kasing natulala ang kanyang ama-amahan. Masyado nitong mahal ang kanyang ina kaya nahirapan itong tanggapin ang nangyari. Kungsabagay nga talaga naman kasing mahirap tanggapin ang pagkamatay ng kanyang ina lalo na't hit and run. Hindi na rin kasi nila nalaman kung sino ang nakasagasa sa kanyang ina. 

"Alam mo naman palang hindi ako magugustuhan ng lola mo, bakit ako pang pakakasalan mo?" Inis niyang tanong dito. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sa inis niya kasi ay nakalimutan niya kung sino nga ba si Storm Davis , isang surgeon at may ari ng hospital na iyon. 

"Dahil kailangan ko ng girlfriend na ipapakilala sa lola ko at mas kailangan mo ako dahil kailangang maoperahan ang ama mo sa lalong madaling panahon para sa kanyang heart transplant." Buong kaseryosohang sabi ni Dr. Storm habang matiim na matiim na nakatingin sa kanya. 

"Kapag hindi ako pumayag?" Naitanong niya. 

"Kapag hindi mo ako pinakasalan, papaalisin ko kayong mag-ama sa ospital na ito," wika nitong punung-puno ng galit ang boses. Ngunit, pagkaraan ang ilang sandali ay may pananakot na siyang naaaninag sa boses nito. "Paano maooperahan ang ama mo?"

"Ang sama mo naman," hindi makapaniwalang bulalas niya. Talaga kasing hindi niya inasahan ang sinabi nito dahil alam niyang maraming natutulungan ang Magaling Hospital. 

"Wala akong pakialam sa anuman ang tingin mo sa akin, basta ang gusto ko maangkin ka," wika nitong buong tiim na nakatingin sa kanya kaya dumagundong ang kabog ng kanyang dibdib. 

Sa tingin niya ay wala itong ipinagkaiba sa mga taong obsessed sa kanyang kagandahan at kaseksihan. Tulad ng ibang mga lalaki na kanyang itinataboy. 

Tanging ang Tatay Samuel lang niya ang lalaking kanyang pinagkakatiwalaan. Ewan niya kung bakit. Siguro dahil kahit hindi ito ang tunay niyang ama ay ito naman ang sumuporta at nagmahal sa kanya ng labis. 

"Hindi mo ako madadaan sa iyak mo," inis na sabi ni Storm Davis. 

Siya, umiiyak? Maang niyang tanong bago niya inilagay ang kanyang kamay sa pisngi at talagang ikinagulat niyang tigmak na naman siya ng luha. Ewan niya kung bakit ganoon ang nagiging reaksyon niya kapag pumapasok sa isipan niya ang tunay na ama gayung hindi na nga niya ito halos maalala. 

"Pakakasalan mo ako  dahil may utang ako rito?" Napapantastikuhan niyang tanong pagkaraan. 

"Yes," mariin nitong sabi. 

Pakiwari niya tuloy ay bigla itong  nagkaroon ng sungay. 

Naging demonyo? Tanong niya sa sarili. Yes, dahil walang anghel na basta na lamang magpapaalis ng taong nangangailangan. Ibig sana niyang isipin na nagbibiro lamang si Dr. Storm pero seryosong-seryoso ang mukha nito. Ewan nga lang niya kung saan ito mas seryoso, ang pakasalan siya o ang paalisin silang mag-ama sa ospital na iyon kapag hindi nasunod ang gusto nito. 

Muli, nasabi niya sa sariling, mukhang demonyo talaga. 

A handsome devil, wika naman ng mga mata niyang parang humanga pang lalo sa kakisigan ni Dr. Storm.  

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Probinsyanang manunulat
Wowww kaabang abang.. Napakandang Story ... missA.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 2 Ang mga Utang ni Judith

    PAG-IBIG lang ang dapat na maging dahilan kaya magpapakasal ang dalawang tao ngunit hindi naman niya gugustuhin na hindi matuloy ang operasyon ng ama-amahan. Mahal na mahal niya ang kanyang Tatay Samuel. Kinakailangan nitong sumailalim sa heart transplant para madugtungan pa ang buhay nito. Ngunit, dapat ba niyang isuko ang pangarap niyang iyon? Hindi dapat! Buong diin niyang sabi sa sarili ngunit, paano naman ang kanyang Tatay Samuel?Ewan ba naman kasi niya kung bakit sa dinami-dami ng kabayaran, ang pagpapakasal pa ang naisip ni Dr. Storm na maging kapalit gayung pwede naman siyang pautangin na lamang nito ng bonggang-bongga. Tutal, babayaran naman niya ito, kahit gaano kalaki ang tubo. Ewan lang niya kung paano siya makakabayad gayung wala naman siyang regular na trabaho. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Minsan pinangarap rin niyang maging reporter. Nais kasi niyang maghatid ng balita at siyempre gusto niyang makita ang sarili sa telebisyon. Maaari pa rin namang

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 3 No choice na si Judith

    "SIGURO naman ngayon ay tatanggapin mo na ang kasal na inaalok ko?" mahinahong tanong sa kanya ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ni Judith sabay iling. Ngunit siyempre, hindi iyon ang sagot niya kay Storm Divis. "Wala naman akong ibang pagpipilian pa, hindi ba?""Wala na talaga."Muli ay napabuntunghininga siya. Bigla na naman kasi niyang naalala kung ano ba ang nangyari. "Next week pa ang due date ko, ah," mataray niyang sabi. Kahit naman hindi siya nakasisiguro kung magkakapera na siya next week, hindi pa rin dahilan iyon para magpasindak siya."Gusto ni Boss makasisigurado siya na magbabayad ka," wika ng lalaking nasa kaliwa. Kahit na mata lang ang nakikita niya ritong nakalitaw, hindi naman nito magawang ipagkaila ang palaging pagtingin nito kay Storm Davis. "Magkano ba utang niya?" tanong naman bigla ni Storm. Hindi man ubod lakas ang boses nito ay nagmistulan namang babagyo ng mga sandaling iyon. Napakariin kasi ng pagbitaw nito sa bawat kataga. "Bakit ba tinatanong mo

    Huling Na-update : 2022-09-16
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 4 Ang Pagbabago ni Judith Dimaculangan

    "S-STORM," bulalas ni Judith nang nasa sasakyan na sila ni Dr. Storm. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ng lalaki kaya mas bumangon ang guilt sa kanyang dibdib. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang kanyang sarili kung bakit nag-react siya ng ganoon. Basta sobrang takot ang kanynag naramdaman habang humahakbang ito palapit sa kanya. Silang dalawa lang kasi sa loob ng library nito kaya naisip niya na wala siyang magiging laban kung sakaling may gawin itong masama sa kanya. Sa kaisipang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng takot kaya ninais niyang matakasan ito agad. Sa kaisipang nagtitili siya habang palapit si Dr. Storm sa kanya, parang gusto niyang lumubog sa sobrang kahihiyan. Kung bakit ba naman kasi naisip niya na maaari siya nitong halayin o patayin. Propesyunal at guwapo si Dr. Storm Davis kaya tiyak niyang hindi nito kakailanganing manghalay. Saka, bakit naman siya nito hahalayin gayung inaalok nga siya nito ng kasal? Tingin din niya, wala naman kakayahan si Dr.

    Huling Na-update : 2022-09-26
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 5 Ang Gusto ni Tatay Samuel

    "ANAK…"Biglang natigilan si Judith sa paraan ng pagtawag sa kanya ng Tatay Samuel niya. Ewan niya pero parang nanayo ang balahibo. Bigla ring nanginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara. Gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa gutom. Hindi muna kasi siya kumain hanggang di siya nakakasigurado na nagawa na ang test sa kanyang Tatay Samuel ngunit ngayon, parang bigla siyang nawalan ng gana. Sa pagkakatitig nga niya sa pagkain ay parang may alaalang pumapasok sa kanyang utak na nagdudulot ng sobrang kaba sa kanya. "Judith…" tawag ulit ng kanyang Tatay Samuel. "Po," bigla niyang sabi."Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw sana niyang magsinungaling sa kanyang Tatay Samuel. Kahit naman kasi utangera niya, hindi siya naglilihim dito. Iyon nga lang, hindi nia pwedeng sabihin sa kanyang Tatay Samuel na kinilabutan siya ng tawagin saan itong 'anak'. Tiyak niyang magdaramdam ito sa kanya. Baka isipin pa ng stepfather niya na hindi niya talaga ito tanggap bilang pang

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 6 Ang Deal nina Storm at Judith

    "KAILANGAN kita," wika ni Dr. Storm. Sa ilang saglit tuloy ay napakurap-kurap si Judith. Para kasing may naaaninag siyang paghihirap sa boses nito. Para tuloy gusto niyang isipin na patay na patay ito sa kanya kaya ganoon ang salita nito. Huwag kang mangarap, inis niyang sabi sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Alam na alam kasi niyang gagamitin lang siya nito para lokohin ang lola nito. Kahit utangera siya, hindi naman niya gustong manloko ng tao kaya nga lang kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang kondisyon ni Storm para mabayaran niya ang kanyang mga utang sa ospital na iyon. "Lolokohin na natin ang lola mo?" Sarkastikong tanong niya rito. Sa tingin niya ay na-offend ito sa kanyang sinabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya. Ngunit, hindi siya nagpatinag dito. "Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Lolokohin mo naman talaga ang lola mo dahil kailangan nating magpanggap kahit hindi naman tayo magkarelasyon." "Kalimutan mong isang kasunduan lang ang lahat," sabi nito sa ha

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 7 Ang Ideal Man ni Judith

    MALAPIT na ang Sabado kaya nagpasya si Judith na magpunta ng mall para bumili ng maisusuot sa paghaharap nila ng lola ni Storm. Sa tingin niya kasi ay wala man lang plano si Storm na dalhin man lamang siya sa boutique o kaya ay ipa-parlor bago man lang sila magharap ng Lola Anastacia nito. Kunsabagay, bakit naman mag-e-effort ng ganoon si Storm kung hindi naman nito layunin na magustuhan siya ng lola nito? Sa kaisipang iyon ay napabunghininga siya nang pagkalalim-lalim. Eh, 'yun ba ang gusto mo? Tanong niya sa sarili. Maaari ngang hindi naman sila nagmamahalan ni Storm pero ayaw naman niyang basta-basta na lang siya aayawan ng isang tao. Siyempre, makabubuti rin kung gagawin niya ang lahat para magustuhan siya ng Lola Anastacia ni Storm. Pero, paano kung wala naman siyang ideya sa gusto o ayaw nito? "Oh my God," gilalas niyang sabi. May isa kasing matandang babae na nagtatangkang tumawid.. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalangan kaya hindi na niya nakuhang makapag-isip pa. Tu

    Huling Na-update : 2022-10-06
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 8 Ang Pag-iibang anyo ni Judith

    MALAKI talaga ang nagagawa ng pera sa buhay ng tao, naisip ni Judith sabay pakawala nang malalim na buntunghininga. Kung hindi kasi dahil kay Dr. Storm ay siguradong hindi agad makakahagilap ng puso ang kanyang Tatay Samuel. Kaya, masasabi niyang malaki talaga ang utang na loob na dapat niyang tanawin dito. Dahil doon, nagdesisyon siyang sundin na lang ang bawat sabihin nito sa kanya. Kung mali ang ipinapagawa nito sa kanya, hindi ba niya iyon iintindihin. Kung kakasangkapanin man siya nito sa panloloko sa sarili nitong kapamilya, hihingi na lang siya ng tawad kay Lord. Sana lang ay maunawaan siya ni God tutal hindi naman ito mapanghusga. Talaga lang kailangan niyang ilaban ang buhay ng kinikilala niyang ama. Kahit naman kasi anong pangungutang ang gagawin niya ay hindi siya makakabuo ng limang daang libong piso. Kung may magpapautang man sa kanya, siguradong tutubuan siya ng sobrang laking interes. Samantalang kay Storm ay hindi niya kailangang magbayad. Ang kailangan lang niyang

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 9 Ang Muling Pagtatagpo nina Judith at Jiwan

    SHIT! bulalas ni Jiwan sabay balikwas nang bangon. Hindi kasi maalis sa utak niya ang babaeng iyon. Para iyong paste na nakadikit na sa kanyang isipan. Kunsabagay, napakaganda naman kasi talaga nito kaya talagang hindi kataka-taka kung bakit di ito basta basta mawala sa kanyang isipan. Kahit pa sabihing dalawang araw na ang nakakaraan. Tapos, lagi rin itong laman ng kanyang panaginip. In love ba siya? Sa katanungan niyang iyon sa kanyang sarili bigla siyang napahagalpak ng tawa. Hindi ang isang Jiwan Singh ang iibig. Ewan nga lang niya kung bakit hanggang sa kasalukuyan, hindi nawawala sa isipan niya ang maganda nitong mukha. Marami na siyang babaeng nakita at naikama pero kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganito sa isang babae. Namura na naman niya ang kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makilala pa niya ito. Pwede pa naman, ah, wika niya sa sarili nang maalala niyang hinatid nga pala niya sa Magaling Hospital ang babaeng kumuha ng kanyang interes. Kung

    Huling Na-update : 2022-10-12

Pinakabagong kabanata

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 42 Matapos ang Pag-amin ni Judith

    NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 41 Ang Pagsasama nina Storm at Judith

    MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 40 Ang Pag-Iisa nina Judith at Storm

    "ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 39 Ang Tunay na Paglalapit nina Storm at Judith

    "THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 38 Sina Judith at Storm

    MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 37 Ang mga Plano ni Storm

    PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 36 Ang Damdamin 

    BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 35 Ang Tagumpay ni Judith

    ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang

  • Mister ng Utangera ang Mafia King   Chapter 34 - Ang Solusyon ni Judith

    ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya

DMCA.com Protection Status