Share

Mistakenly Married to a Billionaire
Mistakenly Married to a Billionaire
Author: Xitah

Chapter 1

Author: Xitah
last update Last Updated: 2022-10-28 08:53:54

PAGKA-GRADUATE ni Katrina Gonzales sa kursong Caregiver ay kaagad niyang tinanggap ang offer sa kaniya bilang isang Bridal gown model. Ayaw man niyang ma-expose ang kaseksihan at angking kagandahan niya ngunit kinailangan niya ng malaki-laking kita para maging tuloy-tuloy ang gamutan sa papa niyang si Amado na naka-dialysis dahil sa malalang sakit na diabetes.

High school pa lang siya nang mamatay ang mama niya dahil sa sakit sa puso. Bente anyos na siya sa kasalukuyan at walang kapaguran na hinaharap ang kaliwa't kanang pagpa-flash ng mga camera lights para makuhaan siya ng mga magagandang pose para sa brochures.

Nobyo niya ang may-ari ng Bridal Gown and Accessories, si Darwin Hudson, at ito ang gusto ng kaniyang papa na pakasalan niya dahil sigurado na ang kinabukasan niya rito. Ngunit ilang ulit niyang ipinaglalaban na wala siyang nararamdaman sa binata. Napilitan siyang tanggapin ang pag-ibig nito magmula nang lumala ang sakit ng kaniyang ama at tuluyan nang hindi nakapagtrabaho.

Naisanla na ang malawak na lupain nila sa Iba, Zambales pati ang bahay nila dahil malaki na ang nagastos nila sa ospital. Malaki na rin ang utang nila kay Darwin. Patuloy ang pagsisikap niya na kumita para may pambayad sa lumalaking bill nila. Pinipilit na siya ng papa niya na pakasalan si Darwin ngunit gulong-gulo pa ang isip niya.

Malalim ang iniisip niya habang nakaupo sa mahabang bench na nasa labas ng ICU. Naaalala na naman niya ang madalas na bukambibig ng papa niya na kapag hindi siya magpapakasal kay Darwin ay mas pipiliin na lamang nito ang mamatay na. Kaya ay pinag-aaralan niyang mahalin ang nobyo para sa papa niya.

"Kat, ready ka na ba? Nakapagpaalam ka na ba sa papa mo?" tawag-pansin sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Darren, ang transgender designer at make-up artist niya.

Malungkot na tumango siya. Naintindihan naman siya ng kaibigan. Araw-araw kasi niyang binibisita ang kanyang papa bago at pagkatapos ng trabaho niya. Naka-schedule siya para sa isang pictorial kung saan isusuot niya ang pinakamagara at pinakamahal na gown pati ang mga accessories. Likas na balingkinitan ang hubog ng katawan niya at tangkad para akmaan ng iba't ibang desenyo ng mga gown.

Tahimik lang siya na sumama kay Darren papunta sa studio. Lulan na sila ng puting Toyota Innova. Alas sais pa lang ng umaga ay nasa trabaho na siya at nakahanda na rin ang isusuot niya. Inayusan na siya ni Darren hanggang sa maisuot ang gown.

Hindi man ito mahaba at malapad katulad ng ibang mga gown ngunit ang kalidad ng tela nito ay maganda at yari pa sa England. Pati ang mga palamuti ay gawa sa tunay na perlas. Nang maisuot niya ito ay maiimahe ang anyo ng isang napakagandang sirena at ang laylayan ng gown ay ang nagsisilbing buntot. Mga perlas din ang suot niyang mga palamuti na lalong nagpatingkad sa kagandahan niya. Humubog ang ganap na hugis ng kanyang katawan na hindi palalagpasing titigan na sino mang kalalakihan.

Suot ang apat na pulgadang taas ng puting wedding shoes ay rumampa siya papunta sa puting bridal car dahil gaganapin ang pictorial sa labas ng Manila Cathedral. Magiging pabalat iyon sa bagong brochure na ilathala ng kompanya.

"Okay, pose! Smile at tingala nang kaunti. Hawakan nang maayos ang boquet. Ayusin ang pagkakahawak sa pinto ng car," mga direksiyon ng bihasang photographer na masunurin naman niyang ginagawa.

Sanay na siya na inuumpukan ng mga manonood ang pictorials nila. Wala si Darwin dahil busy ito sa kaliwa't kanang meeting sa mga kliyente. May modelong lalaki din siyang kapares sa pictorials. Nasa labas lang sila ng simbahan at nataon pa na may gaganaping kasalan sa loob ngunit wala na silang pakialam doon.

Todo ang postura niya at iba't ibang posisyon habang sunud-sunod na kumikislap ang ilaw ng kamera. Nanonood lang si Darren na tuwang-tuwa sa kaniya. Nang papatapos na at nagkaniya-kaniya na ng pinagkakaabalahan ang mga kasama niya ay naisipan muna niyang maghanap ng restroom habang suot pa ang gown.

Saktong papasok siya sa maluwang na bakuran ng simbahan ay bigla siyang may nakitang lalaki na nakamotorsiklo, may kaitiman, chubby at mabalbas. Huminto ito sa gilid kung saan malapit ang sasakyan nila. May dala-dala itong maliit na notebook at nakasiksik ang ballpen sa bulsa ng dilaw na polo nito.

Mabilis na nagtago siya nang mapansin na tila may hinahanap ito at nagtanung-tanong sa mga kasama niya. Napagtanungan pa si Darren kaya nabalisa siya lalo na at kilala niya ito. Nasundan siya nito dahil maniningil na ng five-six na inutang niya noong nagipit siya.

"Ang talas talaga ng pang-amoy ng bombay na 'yan! Magpa-pass pa naman ako ng hulog ngayon," bulalas niya habang nakakubli sa likod ng pader.

Hindi pa rin ito umaalis kaya lalo siyang nababalisa. Nilibot ang paningin para makahanap ng ibang matataguan lalo na at mahahalata siya sa suot niya. Gumagala na rin ang paningin ng bombay para hanapin siya. Nang akmang pag-alis niya sa kinatataguan ay nakita na siya nito.

"Hey Katkat!" tawag ng bombay sa kaniya. "Ikaw takas na naman? Ako singil, ikaw bayad!" paghahabol na sigaw nito kaya kumaripas siya ng pagtakbo kahit hirap na hirap siya sa high heeled shoes niya. 

Siksikan ang mga tao malapit sa bungad ng pintuan ng simbahan ngunit nakipagsiksikan siya hanggang sa makapasok. Nasa kalagitnaan na siya ng pulang karpet. Natigilan ang lahat ng mga naroon.

Hingal na hingal niyang sinuyod ng tingin ang mga taong nakatuon lahat ng tingin sa kaniya. Hanggang sa tumulos ang tingin niya sa nakatayong lalaki, matangkad, naka-black tuxedo  and slacks at sigurado siya na groom iyon na naghihintay ng bride.

Ngunit nakita niyang balisang-balisa ito at panay ang sipat sa relong nasa braso. Napakaguwapo pa rin nito kahit walang ngiti na bumabakas sa mukha. Halatang inip na inip sa paghihintay. Naririnig din niya ang mga bulong-bulungan ng mga tao.

"Bakit wala pa ang bride?" tanong na narinig niya.

"Siya na ba iyan?" tanong ng isang matandang babae na nasipat niya ng tingin.

"Hindi po 'yan!" sagot ng apo na katabi nito.

"E bakit nandito iyan kung hindi siya?" tanong ng ale paglingon niya sa kanan.

"Ewan! Pero hindi siya ang bride," sagot ng katabi ng ale.

"Isang oras na naghihintay ang groom, wala pa ang bride. Ano ba iyan?" angal ng nakasimangot na babae.

"Anong nangyayari?" tanong rin ng isa pa.

Naririndi siya sa samu't saring ingay na pumailanlang sa loob ng simbahan. Nanlapot ang mga pawis niya sa mga nangyayari. Sumentro ang tingin niya sa guwapong tsinitong groom na hindi mapakali sa kasisilip sa mamahaling relo nito. Napakagarbo ng ayos ng simbahan. 

"Nasaan na ang pakakasalan mo, apo?! Hindi na ako makapaghintay!" biglang pangingibabaw na sigaw, mabilis niyang tinapunan ng tingin.

Isang matandang babae na may gintong mga palamuti sa katawan, halatang mamahalin ang kasuotan. Pati ang nakaduduling nitong pamaypay ay halos paliparin na sa sobrang inip. Natingnan ito ng groom at nasundan din niya ng tingin.

"Enrico! Bakit wala pa ang bride mo?! Kahit sino diyan sa tabi-tabi hilain mo na, kahit sino pakasalan mo na! Mahalaga magkaapo ako agad sa tuhod!" pagsisigaw ng matandang babae na mabilis na naman niyang binalingan ng tingin. Takang-taka siya sa mga nangyayari.

Hindi niya inaasahang mapalingon sa kaniya ang groom. Napaatras siya lalo na nang ma-hook ang paningin niya sa maaliwalas na mukha nito. Napalunok siya habang takang-taka ito na napatingin sa kaniya kahit may kalayuan pa siya rito. Nang maalala niya ang pagkakasuot niya ng wedding gown ay dali-dali siyang tumalikod at tumakbo ngunit mabilis siya nitong hinabol hanggang sa sumabit ang kamay nito sa braso niya.

"Miss sandali!" pigil nito sa kaniya.

"Bitiwan mo ako! N-Nagkamali lang ako ng pagpasok dito! Uuwi na ako!" balisang tanggi niya, pilit alisin ang kamay nito sa braso niya.

"Teka lang!" pigil nito. 

Hindi siya binitiwan nito bagkus ay hinila pa siya nito palapit sa altar.

Nag-umapaw na ang malalakas na boses ng mga tao at kung anu-anong mga bulungan ng mga ito. Napatayo ang mga magulang ng groom at hindi na niya ito napansin. Takang-taka ang mga ito sa mga pangyayari.

"Bakit iba ang dumating?" kunot-noong tanong ng ina ng groom.

"Akala ko ba'y si Joyce ang pakakasalan ni 'Rico?" hindi makapaniwalang tanong ng singkit na ama nito.

"Manahimik nga kayong mag-asawa! Kung walang Joyce, eh de wala! Wala akong pakialam basta't maikasal ang apo ko ngayong araw na ito, tapos!" puno ng awtoridad na bulalas ng matandang babae na nagpatigalgal sa mag-asawa.

Litung-lito siya kung ano ang gagawin. Napasubo pa yata siya dahil sa pagtakas niya sa utang.

Related chapters

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 2

    INIS na inis na hinarap ni Katrina ang groom nang magtapat na sila sa altar."Anong kalokohan ito? Pilikula ba 'to o teleserye? Bakit mo ako hinila papunta dito? Nagkamali lang ako ng pinasok. Uuwi na nga ako eh!" bulalas niya.Akmang tatalikod siya ay muling kumalawit ang kamay nito sa braso niya. Bigla tuloy napalitan ng inis ang paghanga niya sa kaguwapuhan nito. "Pakiusap, huwag mo akong ipahiya. Hindi ko alam ang magagawa ng lola ko kapag binigo ko siya. May sakit siya sa puso at nagtatangka siyang magpakamatay kapag bibiguin ko siya sa araw na 'to," pagmamakaawa nito. Pairap niyang hinarap ang groom."Anong pakialam ko sa lola mo? Ni hindi nga kita kilala, tapos basta na lang akong pakakasal sa iyo? Ano'ng tingin mo sa akin, pick-up bride? Nasaan ba ang pariwara mong bride at hindi ka sinipot?!" singhal niya.Nangibabaw ang tinig niya sa buong simbahan hanggang sa lumapit ang matandang babae na nasundan ng dalawang makikisig na bodyguard. Gigil na gigil ang kamay nitong ipinap

    Last Updated : 2022-10-28
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 3

    KUMUSOT ang mukha ni Katrina nang maramdaman ang pangingirot ng kanyang ulo dahil naparami ang nainom niyang alak. Dahan-dahang iminumulat ang mga mata hanggang sa mapuna na nakahiga siya sa malambot na kama. Dagling napabalikwas siya nang mapansin na nasa ibang kuwarto siya. Maluwang ang silid, mamahalin ang mga kagamitan, at naramdaman niya ang lamig mula sa buga ng aircon.Hilong-hilo pa siya ngunit pinilit niyang bumangon. Panay ang pagkisap niya ng mga mata para labanan ang pagkakahilo niya. Humapuhap ng makakapitan hanggang sa mapahawak siya sa gilid ng isang lamesa. May bahagyang kadiliman ang silid. May natatanaw siyang maliit na reflectorized clock at napagtanto na alas-tres na ngunit hindi sigurado kung hapon o madaling araw."Nasaan na ba ako?" tanong niya sa sarili habang naglakad-lakad kung saan para hanapin ang pinto.May sariling banyo, library, veranda at mini-living area ang kuwarto kaya nalula siya kung saan siya tutungo. Nawala sa loob niya kung ano ang nangyari bag

    Last Updated : 2022-10-28
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 4

    SINUNOD na lamang ni Katrina ang naging suhistiyon ni Enrico para makapag-adjust siya. Tuwing aalis siya sa mansyon ay tatanggalin niya ang singsing para magiging single siya sa mata ng mga tao. Hindi na niya inilihim kay Darren ang lahat, naunawaan naman siya nito at patuloy na sinusuportahan. Ngunit hindi niya maiwasang mabalisa kapag magkasama sila ni Darwin o kaya ay lumalabas para mag-date. Madalas pa namang bukambibig ng nobyo ang planong pagpapakasal nila.Hindi man nagmamadali ang nobyo dahil tatlong taon pa naman ang hihintayin nila para matuloy na ang kasal nila. Ngunit habang kasama niya ito ay lalong sumisikip ang mundo niya. Wala ring kamalay-malay ang papa niya sa totoong situwasyon niya dahil pinapaniwala pa rin niya ito na maayos ang relasyon nila ng nobyo niya.Araw-araw din kung dumalaw sa papa niya ang Tita Lorna niya, kapatid ng mama niya na naging kasintahan na ng kaniyang papa. Kapag hindi siya makararating sa ospital ay ito ang dumadalaw. Ngunit hindi naiwasang

    Last Updated : 2022-10-28
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 5

    KINAUMAGAHAN ay sinuri muna ni Katrina ang kalagayan ni Enrico at napansin na wala na itong lagnat. Tulog pa ito nang ilapag niya sa ibabaw ng libro ang singsing saka siya nagpaalam kay Estela dahil papasok siya sa trabaho. Ayaw na sana siyang pagtrabahuin ng matanda ngunit nakiusap siya na huwag pakialaman ang karapatan niya para magtrabaho bilang isang modelo at naikuwento na rin niya ang tungkol sa kaniyang papa.Binibigyan siya ng sariling sasakyan ngunit tinanggihan niya. Tiniis na lamang niya ang hiya na abalahin araw-araw si Darren para ihatid-sundo siya nito at siya na lamang ang sumasagot sa panggasolina.Pagdating sa studio, tulad ng dati ay hindi niya pinagsasawaan ang kabilaang flash ng mga camera lights para makuhaan siya ng magagandang photo shots. Saktong pagkatapos ng pictorial ay dumating si Darwin at niyaya siya nito para mag-lunch sa mamahaling restaurant.Hindi na nakasama si Darren dahil date naman nilang magnobyo. Ngunit pilit niyang hindi ipahalata ang hindi niy

    Last Updated : 2022-10-28
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 6

    MATAPOS ang hapunan. Nauna na si Katrina sa kuwarto nila ni Enrico. Hinayaan na muna niyang mag-usap ang maglola. Hindi rin naman siya maka-relate sa usapang negosyo ng dalawa. Mukhang masinsinang usapan kasi.Kahit halos isang buwan na siyang nakatira sa mansiyon ay hindi pa niya nalibot ang kabuuan niyon. Sa kuwarto pa lang ni Enrico ay lulang-lula na siya. Daig pa ang isang buong bahay na kompleto ang amenities. Maluwang pa kaysa sa kabuuan ng apartment niya ang banyo. Bathtub pa lang ay parang mini swimming pool na ang laki. Napaligiran ng mga salamin. Kitang-kita ang kabuuan ng repleksiyon niya.Pero hindi muna niya ini-imagine na makakasama niya si Enrico sa pagbabad sa tub. Kahit asawa na niya sa papel si Enrico ay kailangan pa rin niyang kilalanin nang husto ang estrangherong asawa. "Grabe namang kuwarto ito. Kawawa ang tagalinis dito. Mabuti na lang hindi balahurang tao ang nakatira rito," wika niyang mag-isa habang iginagala ang kabuuan ng banyo. Katatapos lang niyang mag

    Last Updated : 2022-11-04
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 7

    WALANG choice si Katrina kung hindi ay sumabay kay Enrico dahil hindi siya masusundo ni Darren. Naka-day off ang best friend niya at may mahalagang lakad kasama ang pamilya. Gusto man niyang mag-commute pero napakalayo ng tatakbuhin ng metro, mapagastos siya nang malaki. Nilunok muna niya ang pride kaysa makahalata si Darwin kung a-absent siya. Sinabi pa naman ng nobyo na magkikita sila sa kompanya nito. Magkatabi sila ni Enrico sa likuran habang maingat na minamaneho ng driver-bodyguard nito ang sasakyan. Ilang na ilang na naman siyang kausapin ito lalo na at hindi naging maganda ang ending nila kagabi. Pero si Enrico ay kalmado at parang hindi nito pinansin ang ginawa niya. "Do you want me to fetch you after your work?" presenta nito.Maagap na umiling siya."Hindi na. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. May date kami ni Darwin. Ikaw na lang ang magpaliwanag kay Lola Estela." Sa labas siya nakasulyap habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan."I don't know if you stil

    Last Updated : 2022-11-04
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 8

    "HINDI talaga ako nagkakamali. Kamukha ng Joyce na iyon ang nagbigay sa akin ng kuwentas. Kung siya man iyon, hindi puwedeng magkros ang landas namin. Hindi niya dapat malaman na ako ang kapalit niya noong araw ng kasal nila ni Enrico," anas ni Katrina sa hangin habang patuloy na iniisip ang nakausap ni Enrico sa kabilang linya.Papalayo na siya sa sasakyan matapos siyang ibaba malapit sa Manila Cathedral. Doon kasi sa labas niyon maghihintay si Jamal. Hindi na niya nilingon pa ang sinasakyan ni Enrico. Nakiusap siya na iwanan na siya roon dahil malapit na lang naman doon ang kompanya ni Darwin. Ibinilin na rin niya kay Enrico na huwag na siyang sunduin o magpakita dahil uuwi siyang mag-isa sa mansyon. Umiiwas na rin siya at baka may makakita sa kanila."Ay utot ng balbas sarado!" Gulat na gulat na napatalon siya.Bigla kasing bumusina sa gawing likuran niya ang motorsiklong dahan-dahan na bumubuntot sa kaniya.Kaybilis na nagsalubong ang mga kilay niya at sumimangot na huminto sa ha

    Last Updated : 2022-11-07
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 9

    MUNTIK nang makita si Katrina ni Darwin kung nagdiri-diretso siya sa paglabas ng sasakyan ni Enrico. Mabuti na lamang at umalis ang lulang sasakyan ni Darwin. Pagkalabas niya ng kotse ay sinenyasan niya kaagad si Enrico na umalis na. Nasa loob na siya ng ospital nang maisipan niyang tawagan si Darwin at sinabing hindi muna siya makapapasok sa trabaho. Kailangan man siya sa kompanya ni Darwin ngunit pinagbigyan naman siya. Pinaalala na lamang sa kaniya na matutuloy ang dinner date nila ng nobyo. "Mabuti at dumating ka, Anak! Nasa operating room ang papa mo," malungkot na batid ng Tita Lorna niya sa kaniya.Sinalubong siya nito sa hallway. Talagang inabangan siya nito."Operating room po? Bakit doon po siya dinala?" balisang tanong niya.Umingay ang mga yabag niya dahil sa kamamadali niyang madako ang kinaroroonan ng papa niya. Sinabayan siya ni Lorna sa paglalakad. "Oo. Kailangan na raw kasing tanggalin ang isang paa ng papa mo dahil lumala at lumalaki na ang sugat. Baka raw kumalat

    Last Updated : 2022-11-08

Latest chapter

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 29

    WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 28

    NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 27

    NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 26

    "ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 25

    HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 24

    KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 23

    "SIGE na po, Tita! Kahit ngayon lang. Pupunta kasi si Darwin diyan. Sabihin mo na lang po na bumalik na po ako sa apartment dahil antok na antok at pagod ako. Sabihin mo na rin po na kagagaling ko lang diyan. Kailangan ko ng rest, please!" pakiusap ni Katrina sa Tita Lorna niya.Tinawagan niya kaagad ito matapos basahin ang mensahe ni Darwin. "O siya-siya! Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" usisa pa ni Lorna na kausap niya sa kabilang linya."Um, sa... sa sasakyan po ni Darren. Pauwi na ako ng apartment. Ayaw ko muna ng istorbo, magpapahinga lang po ako."Panibagong kasinungalingan na naman ang nanulas sa bibig niya. Pinanindigan na niya kaysa mabuking siya. Nagkaintindihan na sila roon ng tita niya. Hindi pa niya ni-reply-an si Darwin. Ini-off muna niya ang cellphone upang hindi siya matawagan nito at isiping nakatulog siya. Ibinilin naman niya sa tita niya na kapag tumawag si Darwin ay ipaliwanag na lamang nito.Balisang ibinalik niya sa sling bag ang cellphone. Malamig ang centralized

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 22

    HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya. Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya. "W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito. Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya. "Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya. "S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital.""Pumasok na siya sa elevator."Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos. "Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya. Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 21

    "IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal

DMCA.com Protection Status