Share

Chapter 4

Author: Xitah
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

SINUNOD na lamang ni Katrina ang naging suhistiyon ni Enrico para makapag-adjust siya. Tuwing aalis siya sa mansyon ay tatanggalin niya ang singsing para magiging single siya sa mata ng mga tao. 

Hindi na niya inilihim kay Darren ang lahat, naunawaan naman siya nito at patuloy na sinusuportahan. Ngunit hindi niya maiwasang mabalisa kapag magkasama sila ni Darwin o kaya ay lumalabas para mag-date. Madalas pa namang bukambibig ng nobyo ang planong pagpapakasal nila.

Hindi man nagmamadali ang nobyo dahil tatlong taon pa naman ang hihintayin nila para matuloy na ang kasal nila. Ngunit habang kasama niya ito ay lalong sumisikip ang mundo niya. Wala ring kamalay-malay ang papa niya sa totoong situwasyon niya dahil pinapaniwala pa rin niya ito na maayos ang relasyon nila ng nobyo niya.

Araw-araw din kung dumalaw sa papa niya ang Tita Lorna niya, kapatid ng mama niya na naging kasintahan na ng kaniyang papa. Kapag hindi siya makararating sa ospital ay ito ang dumadalaw. Ngunit hindi naiwasang punahin nito ang madalas niyang hindi pag-uwi kung gabi sa apartment na inuupahan niya dahil dumadaan ito sa kaniya bago uuwi sa bahay na kasalukuyan nilang tinitirahan.

Umuupa lang kasi siya ng apartment sa Malate at malapit sa trabaho niya para hindi siya mahirapan sa biyahe. Ngunit ang totoo ay tinutulungan siya ni Darren na ihatid sa mansyon ng Bushin Family sa Makati kung saan pansamantala niyang pinanindigan ang pagiging asawa kay Enrico alang-alang sa Lola Estela nito.

Hindi na rin niya tinanggihan ang pamimilit ni Estela na bigyan siya ng monthly allowance bilang maybahay ng apo nito. Gipit na gipit pa rin siya kaya nagagamit niya ang pera para idagdag sa pambayad sa lumalaking bill nila sa ospital.

Madalas din niyang tanggihan ang nobyo sa pag-aalok nito ng tulong dahil ayaw niyang bumigat ang utang na loob niya rito lalo na at hindi siya sigurado kung talaga bang matutuhan niya itong mahalin at baka masaktan lang niya nang sobra. Kaya ay iniigihan na lamang niya ang pagmomodelo para wala itong maisusumbat sa kanya.

Pagdating niya sa mansyon ay agad sumalubong sa kaniya ang masayang si Estela at agad na yumakap sa kaniya. Todo ito kung makaasekaso sa kanya at ayaw na ayaw nito na pinapatrabaho siya ng kahit anong gawain sa mansyon.

"Hija, halika! May ipinaluto akong masarap na hapunan para sa iyo. Mamaya pa ang uwi ni Rico kaya mauna ka nang kumain para magiging malusog ka. Dapat maging handa ang katawan mo nang sa ganoon ay magsisilang ka ng malusog na sanggol at hihirangin na Fifth successor of Bushin Family. Naku, matutuwa ang mga kaluluwa ng mga kaninunuan ni Rico kapag malalaman nilang may susunod na sa yapak nila," tuwang-tuwa na saad ni Estela habang magiliw na iginigiya siya sa napakaluwang na dining area.

Walang mapagtaguan ang panlulumo niya na pilit idaan sa matatabang na mga ngiti habang pinagbibigyan ang matanda. Sumusunod na lamang siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya makita ang mga magulang ni Enrico sa paligid.

Inisip niya na baka abala ang mga ito sa trabaho o sadyang napakalaki lang ng masyon para hindi niya makita ang mga ito. Puro mga katiwala at mga guwardya lang ang nakikita niyang pakalat-kalat sa loob at labas ng masyon.

"Lola, saan po ba nagtatrabaho si Rico?" tanong niya tungkol sa trabaho ni Enrico. 

Halos isang linggo na niyang nakakasama si Enrico ngunit ngayon lang niya naisipang itanong at kay Estela pa. Sabay silang kumakain.

"Nakatutuwa ka naman, hija. Bakit hindi siya ang tinanong mo? Pero sige, ako na lang ang magsasabi. BFP officer si Rico at kasalukuyan siyang nag-aaral ng Chemical Engineering dahil siya na ang susunod na mamamahala ng apat na Pharmaceutical Factory namin sa Taiwan kapag magreretiro na ang daddy niya. Kaya nga hindi na ako makapaghintay na makita ang apo ko sa tuhod na magiging successor din ng Bushin Family," nakangiting paliwanag ni Estela.

Kahit papaano ay naging magaan ang loob niya sa matanda at mas marami pa silang oras para magkuwentuhan kaysa kay Enrico.

"Kaya po pala madalas ko siyang nakikita sa library ng kuwarto niya, este namin po pala," aniya at muntik pang madulas baka mapaisip ang matanda dahil ang alam nito ay magkatabi sila kung matulog ni Enrico.

Ginawa na kasi ni Enrico na tulugan ang library at naglatag na roon ng higaan at siya naman ay sa kama natutulog.

"Ay oo! Matalinong bata si Rico, subsob sa pag-aaral at paborito niya ang math lalo na ang Algebra at Chemistry. Kaya nga hangang-hanga ako sa kaniya. Sigurado akong matalino din ang magiging anak ninyo," wika naman ni Estela na nagpatabang ng mukha niya ngunit hindi na nagpahalata.

 

DALAWANG linggo nang umuuwi si Katrina sa mansyon tuwing gabi pagkagaling niya sa trabaho at ospital. Madalas naman na pagod si Enrico kapag umuuwi at minsan naaabutan na lang niya na nakakatulog na ito sa library kahit hindi pa nakakapaghapunan. Nais niya itong kausapin kung kumusta na ang paglalakad nito ng annulment nila. 

Muli ay nadatnan na naman niya ito sa library, tulog na tulog habang nakapamaluktot na single bed na nilatag nito sa sahig, yakap-yakap pa ang Chemistry book. Dahan-dahan niyang nilapitan at napaluhod para maibaba ang katawan, gigisingin niya ito.

Ngunit akmang hahawakan na niya ang balikat nito ay umagaw sa pansin niya ang pagliwanag ng screen sa cellphone nito na nakalapag sa ibabaw ng isang libro. Napasulyap lang siya sa pangalan ng caller na uma-appear sa screen. Si Joyce ang tumatawag ngunit naka-silent mode ito. 

Hinayaan na lang niya hanggang sa tumigil. Saka niya itinuloy ang paghawak sa balikat nito at marahang inuga para magising ito ngunit narinig lang niya ang mahinang pag-ingos nito. 

"Rico, gumising ka. Hindi ka pa nakakapaghapunan. Ilang gabi ka nang nagpapalipas ng gutom. Masama ang magutuman lalo na nag-aaral ka pa. Pati si lola nagtatanong na sa akin kung bakit hindi ka na dumidiritso sa kusina pagkauwi mo. Kumain ka muna," panggigising niya habang patuloy na inuuga ang balikat nito.

Lalo siyang tinalikuran nito. Bahagya siyang nainis sa ipinakita nito. Nang akmang bibitawan na niya ang pagkakahawak niya sa balikat nito ay saka lang niya napuna ang mainit na singaw ng katawan nito. Muli niyang sinalat ng palad ang balikat nito, suot lang nito ay sandong puti. Sinalat niya pati ang braso at noo nito saka naramdaman ang tumataas na temperatura nito.

"May lagnat ka? Bakit hindi ka nagsasalita?" bulalas niya at nag-alala siya rito.

Dali-dali siyang tumayo at kumuha ng kumot. Kinumutan muna niya ito dahil napansin niya ang pamamaluktot nito at siguradong giniginaw ito. Hininaan niya ang lamig ng air-con saka kumuha ng maliit na palanggana na may tubig at bimpo. Hindi na siya nag-abala ng kung sino para tulungan siyang asekasuhin ito. 

"May nararamdaman ka na pala bakit hindi mo sinasabi? Paano ko malalaman kung nangingisay ka na pala diyan kung di ka magsasalita?" mga pag-aalala niya habang banayad na pinupunasan ang katawan nito.

Napapansin niya ang namumula nitong mukha marahil ay dahil sa lagnat nito. Patuloy niyang pinupunasan hanggang sa bumaba nang kaunti ang pag-aapoy nito sa lagnat. Alas onse na ng gabi ngunit nag-abala siyang tumungo sa ground floor, sa kusina. Nasa third floor pa kasi ang kuwarto nila. Nagpatulong siya kay Vivian, ang trenta anyos na kusinera, para ipaghanda ng mainit na soup para kay Enrico.

Tumulong na rin siyang maghanda ng ilang pagkain na ihahain niya para sa asawa. Hindi niya inaasahan na magising ng ganoong oras si Estela at naabutan sila ni Vivian sa kusina.

"Hija? Bakit gabing-gabi na naghahanda ka pa ng iluluto? At bakit ikaw ang gumagawa niyan?" mga alala ng matanda na bahagya pa niyang ikinagulat nang matagpuan niya ito na nasa tabi na niya habang abala siya sa pagsangkutsa ng mixed veges.

"Kayo po pala, lola. May lagnat po kasi si Rico kaya nagpatulong ako kay Manang Vivian na ipaghanda siya ng mainit na sopas," malumanay na tugon niya.

"Ang apo ko talaga, kapag may dinaramdam hindi talaga nagsasalita. Mabuti na lang at ikaw ang napangasawa niya, maalalahanin na maasekaso pa. Palibhasa'y sa akin na siya lumaki kaya hindi naging malapit ang loob niya sa mga magulang niya at wala siyang napagsasabihan ng mga problema niya kun'di ako lang. Pero nakapagtataka na halos dalawang linggo na siyang hindi nakakapagkuwento ng kahit ano sa akin. Siguro nga dahil sa iyo na siya nagkukuwento, tama ba?" saad ng matanda na hindi niya alam kung tatango ba siya o hindi. Dinaan na lamang niya sa mga ngiti ngunit kahit siya ay napapaisip din sa biglang pagiging tahimik ni Enrico.

Kaagad din naman na nagpaalam ang matanda para bumalik muli ito sa kuwarto nito. Tinulungan na siya ni Vivian na maihatid sa taas ang mga nailutong pagkain. Mabuti na lang at may elevator ang bahay kaya hindi siya gaanong nahirapan.

"Maraming salamat po, Manang!" pangiting wika niya matapos siyang ihatid ni Vivian at kaagad naman itong umalis.

Inayos muna niya ang mini-table at nilapag ang mga pagkain saka nilapitan si Enrico at muling ginising dahil nakatulog ulit ito.

"Bumangon ka muna at kumain. Kailangang malamanan ang sikmura mo bago ka iinom ng gamot," malumanay na pagpapabangon niya rito. Nagising ito.

Naging masunurin naman ito at dahan-dahang bumangon. Inilapit niya ang pagkain. Napapansin niya na nananamlay ito at walang balak galawin ang pagkain kaya siya na ang kumilos para subuan ito. Labis ang pag-aalala niya kaya hindi niya matiis na hindi ito asekasuhin. 

"Ayaw ko man usisain kung anong nangyayari sa iyo dahil wala naman talaga akong pakialam sa iyo at wala ka ring pakialam sa akin dahil ginagawa lang natin ito para sa lola mo. Pero hindi na maganda ang pagpapalipas mo ng gutom. Kaya pilitin mong malamanan ang sikmura mo," mahinahon na saad niya habang sinusubuan ito.

Tahimik lang ito na tinatanggap ang pagsusubo niya ng sopas, hindi niya pinapansin ang pagkakasulyap nito sa mukha niya. Nahihiwagaan pa rin siya sa pananahimik nito.

"Ano ba kasi ang problema mo at bigla ka na lang nawalan ng ganang kumain? Sabi ni lola, nitong taon ka na ga-graduate sa pagiging engineer. Hindi man ako interesadong makinig pero hindi nauubusan ng kuwento ang lola mo tungkol sa iyo. Dapat magpalakas ka para hindi ka mahirapang pagsabay-sabayin ang trabaho mo. Kumain ka pa," aniya, nakikinig lang ito sa mga sinasabi niya habang patuloy niyang sinusubuan.

"Oo nga pala, may tumatawag kanina sa phone mo, Joyce yata, 'yon ang nakita ko sa screen. Hindi naman kita magising dahil..." pagkaumid niya nang bigla nitong agawin ang kutsarang hawak niya pati ang bowl ng soup at itinuloy ang pagsubo hanggang sa maubos nito ngunit napatunganga na lang siya dahil tahimik pa rin ito.

Pagkaubos ay dumampot pa ng ilang pagkain na tila ginutom ng isang buwan. Manghang napatulala siya sa ikinilos nito. Napapangisi siya at saglit pa itong natigilan nang mapansin siya.

"Kumain ka lang. Ako ang nagluto niyan, nagustuhan mo ba?" pag-iiba na lang niya sa usapan. Hindi muna ito kumibo at naging abala sa pagkain.

Hinayaan muna niya ito na makatapos sa pagkain at naghanap siya ng paracetamol na ipapainom niya rito para lubusang gumaling. Nang makahanap ay iniabot niya rito at masunurin naman nitong tinanggap at ininom.

Iniligpit muna niya ang mga pinagkainan nito. Saka na siya nagpaalam na bumalik na sa kama at makapagpahinga. Subalit hindi kaagad siya nakatulog dahil sa hindi mawaring nararamdaman. Ayaw man niyang guluhin ang isip niya kung bakit bigla na lamang gumagaan ang loob niya kay Enrico. Alam niyang may mali, nalilito siya.

Kaugnay na kabanata

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 5

    KINAUMAGAHAN ay sinuri muna ni Katrina ang kalagayan ni Enrico at napansin na wala na itong lagnat. Tulog pa ito nang ilapag niya sa ibabaw ng libro ang singsing saka siya nagpaalam kay Estela dahil papasok siya sa trabaho. Ayaw na sana siyang pagtrabahuin ng matanda ngunit nakiusap siya na huwag pakialaman ang karapatan niya para magtrabaho bilang isang modelo at naikuwento na rin niya ang tungkol sa kaniyang papa.Binibigyan siya ng sariling sasakyan ngunit tinanggihan niya. Tiniis na lamang niya ang hiya na abalahin araw-araw si Darren para ihatid-sundo siya nito at siya na lamang ang sumasagot sa panggasolina.Pagdating sa studio, tulad ng dati ay hindi niya pinagsasawaan ang kabilaang flash ng mga camera lights para makuhaan siya ng magagandang photo shots. Saktong pagkatapos ng pictorial ay dumating si Darwin at niyaya siya nito para mag-lunch sa mamahaling restaurant.Hindi na nakasama si Darren dahil date naman nilang magnobyo. Ngunit pilit niyang hindi ipahalata ang hindi niy

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 6

    MATAPOS ang hapunan. Nauna na si Katrina sa kuwarto nila ni Enrico. Hinayaan na muna niyang mag-usap ang maglola. Hindi rin naman siya maka-relate sa usapang negosyo ng dalawa. Mukhang masinsinang usapan kasi.Kahit halos isang buwan na siyang nakatira sa mansiyon ay hindi pa niya nalibot ang kabuuan niyon. Sa kuwarto pa lang ni Enrico ay lulang-lula na siya. Daig pa ang isang buong bahay na kompleto ang amenities. Maluwang pa kaysa sa kabuuan ng apartment niya ang banyo. Bathtub pa lang ay parang mini swimming pool na ang laki. Napaligiran ng mga salamin. Kitang-kita ang kabuuan ng repleksiyon niya.Pero hindi muna niya ini-imagine na makakasama niya si Enrico sa pagbabad sa tub. Kahit asawa na niya sa papel si Enrico ay kailangan pa rin niyang kilalanin nang husto ang estrangherong asawa. "Grabe namang kuwarto ito. Kawawa ang tagalinis dito. Mabuti na lang hindi balahurang tao ang nakatira rito," wika niyang mag-isa habang iginagala ang kabuuan ng banyo. Katatapos lang niyang mag

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 7

    WALANG choice si Katrina kung hindi ay sumabay kay Enrico dahil hindi siya masusundo ni Darren. Naka-day off ang best friend niya at may mahalagang lakad kasama ang pamilya. Gusto man niyang mag-commute pero napakalayo ng tatakbuhin ng metro, mapagastos siya nang malaki. Nilunok muna niya ang pride kaysa makahalata si Darwin kung a-absent siya. Sinabi pa naman ng nobyo na magkikita sila sa kompanya nito. Magkatabi sila ni Enrico sa likuran habang maingat na minamaneho ng driver-bodyguard nito ang sasakyan. Ilang na ilang na naman siyang kausapin ito lalo na at hindi naging maganda ang ending nila kagabi. Pero si Enrico ay kalmado at parang hindi nito pinansin ang ginawa niya. "Do you want me to fetch you after your work?" presenta nito.Maagap na umiling siya."Hindi na. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. May date kami ni Darwin. Ikaw na lang ang magpaliwanag kay Lola Estela." Sa labas siya nakasulyap habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan."I don't know if you stil

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 8

    "HINDI talaga ako nagkakamali. Kamukha ng Joyce na iyon ang nagbigay sa akin ng kuwentas. Kung siya man iyon, hindi puwedeng magkros ang landas namin. Hindi niya dapat malaman na ako ang kapalit niya noong araw ng kasal nila ni Enrico," anas ni Katrina sa hangin habang patuloy na iniisip ang nakausap ni Enrico sa kabilang linya.Papalayo na siya sa sasakyan matapos siyang ibaba malapit sa Manila Cathedral. Doon kasi sa labas niyon maghihintay si Jamal. Hindi na niya nilingon pa ang sinasakyan ni Enrico. Nakiusap siya na iwanan na siya roon dahil malapit na lang naman doon ang kompanya ni Darwin. Ibinilin na rin niya kay Enrico na huwag na siyang sunduin o magpakita dahil uuwi siyang mag-isa sa mansyon. Umiiwas na rin siya at baka may makakita sa kanila."Ay utot ng balbas sarado!" Gulat na gulat na napatalon siya.Bigla kasing bumusina sa gawing likuran niya ang motorsiklong dahan-dahan na bumubuntot sa kaniya.Kaybilis na nagsalubong ang mga kilay niya at sumimangot na huminto sa ha

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 9

    MUNTIK nang makita si Katrina ni Darwin kung nagdiri-diretso siya sa paglabas ng sasakyan ni Enrico. Mabuti na lamang at umalis ang lulang sasakyan ni Darwin. Pagkalabas niya ng kotse ay sinenyasan niya kaagad si Enrico na umalis na. Nasa loob na siya ng ospital nang maisipan niyang tawagan si Darwin at sinabing hindi muna siya makapapasok sa trabaho. Kailangan man siya sa kompanya ni Darwin ngunit pinagbigyan naman siya. Pinaalala na lamang sa kaniya na matutuloy ang dinner date nila ng nobyo. "Mabuti at dumating ka, Anak! Nasa operating room ang papa mo," malungkot na batid ng Tita Lorna niya sa kaniya.Sinalubong siya nito sa hallway. Talagang inabangan siya nito."Operating room po? Bakit doon po siya dinala?" balisang tanong niya.Umingay ang mga yabag niya dahil sa kamamadali niyang madako ang kinaroroonan ng papa niya. Sinabayan siya ni Lorna sa paglalakad. "Oo. Kailangan na raw kasing tanggalin ang isang paa ng papa mo dahil lumala at lumalaki na ang sugat. Baka raw kumalat

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 10

    MAGHAPON na nanatili sa hospital si Katrina dahil nais niyang makasama ang papa niya. Nahintay naman niya ang pagkamalay nito matapos ang ilang oras na operasyon. Hindi man niya ipinahahalata ngunit nasasaktan siya tuwing mamasdan niya ang naputol na paa ng papa niya.Habang abala ang Tita Lorna niya sa pag-aayos ng mga gamit sa silid na iyon ay kausap naman niya ang papa niya. Masaya ito dahil naglaan siya ng mahabang oras upang magkasama sila. "Hindi ba naabala ang trabaho mo dahil sa pagpunta mo rito, Anak?" Mahina ang tinig ni Amado. "Hindi naman po, Pa. Nagpaalam naman ako nang maayos kay Darwin. Alam naman niya na kailangan ninyo ako ngayon." Hawak niya ang kamay nito."Nagkausap kami ni Darwin bago ako ipinasok sa operating room. Nangako siya na sasagutin niya ang bayad sa operasyon ko. Napakabuti niyang tao, anak. Hindi ako magdadalawang-isip na ipagkatiwala ka sa kaniya. Masyado namang matagal ang tatlong taon kung hihintayin n'yo. Bakit hindi pa ngayong taon kayo magpakasa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 11

    "OH! I recognized you!"Lalong kinabahan si Katrina dahil sa nasambit ng babaeng katabi niya sa harap ng salamin. Lumikot ang mga mata niya upang iiwas ang pagkakatingin niya rito. Pinangangambahan niya ang susunod na sasabihin nito. Ngunit nagtaka siya nang maglahad ito ng palad."It's nice to meet a model like you!" tuwang saad nito. Alanganin pa sana niyang tanggapin ang kamay nito ngunit ito na ang kusang humawak at nakipagkamay sa kaniya. Wala sa loob na napangiti siya."Thank you!" "Anyway, my name is Joyce Mendez."Inaasahan na niya ang pagpapakilala nito."Katrina Gonzales!"Nagkalas ang mga kamay nila. Panay ang ngiti nito sa kaniya. "You know what? Na-recognize kita when I saw you with Mr. Hudson. Ikaw pala ang model na nasa magazines ng sikat na kompanya ng wedding gown and accessories niya. I remembered the moment na namimili ako ng gown para sa kasal ko. Ini-imagine ko na sana kasing-seksi at ganda mo ako kapag suot ko ang gown na minumodel mo," kuwento nito. Nakahing

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 12

    HINDI inaasahan ni Katrina na babalik si Darwin. Pinatago muna niya si Enrico sa ilalim ng kama bago niya binuksan ang pinto. "I'm sorry, sweetie! Nakatulog ka na ba? Nakalimutan ko kasing sabihin kanina at mas maganda kung personal. Um, nagre-request kasi sina Mom and Dad na pumunta ka sa family gathering bukas ng gabi. Bonding na rin bago sila bibiyahe papuntang Germany. Okay lang ba sa iyo?" Surpresa para kay Katrina ang sinabi ni Darwin. Wala sa loob niyang tumango at ngumiti. "N-No problem! Oo, p-punta ako.""Okay. Isasabay na kita right after your work tomorrow. Iyon lang naman ang nakalimutan kong sabihin. Sige, aalis na ako. Paginga ka na. Bye!" Kumintal pa ito ng halik sa noo niya. Hindi na niya nabawi ang pag-sang-ayon niya. Pinalipas muna niya ang ilang minuto saka tinawag na lumabas si Enrico. Tiyak siyang narinig nito lahat ng usapan nila ni Darwin. Nangusot ang mukha nito nang makalabas sa masikip na ilalim ng kama niya. Napatingin kaagad siya rito. Seryosong napau

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 29

    WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 28

    NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 27

    NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 26

    "ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 25

    HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 24

    KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 23

    "SIGE na po, Tita! Kahit ngayon lang. Pupunta kasi si Darwin diyan. Sabihin mo na lang po na bumalik na po ako sa apartment dahil antok na antok at pagod ako. Sabihin mo na rin po na kagagaling ko lang diyan. Kailangan ko ng rest, please!" pakiusap ni Katrina sa Tita Lorna niya.Tinawagan niya kaagad ito matapos basahin ang mensahe ni Darwin. "O siya-siya! Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" usisa pa ni Lorna na kausap niya sa kabilang linya."Um, sa... sa sasakyan po ni Darren. Pauwi na ako ng apartment. Ayaw ko muna ng istorbo, magpapahinga lang po ako."Panibagong kasinungalingan na naman ang nanulas sa bibig niya. Pinanindigan na niya kaysa mabuking siya. Nagkaintindihan na sila roon ng tita niya. Hindi pa niya ni-reply-an si Darwin. Ini-off muna niya ang cellphone upang hindi siya matawagan nito at isiping nakatulog siya. Ibinilin naman niya sa tita niya na kapag tumawag si Darwin ay ipaliwanag na lamang nito.Balisang ibinalik niya sa sling bag ang cellphone. Malamig ang centralized

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 22

    HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya. Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya. "W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito. Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya. "Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya. "S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital.""Pumasok na siya sa elevator."Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos. "Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya. Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi

  • Mistakenly Married to a Billionaire    Chapter 21

    "IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal

DMCA.com Protection Status