KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi
HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang
"ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka
NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo
NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n
WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam
PAGKA-GRADUATE ni Katrina Gonzales sa kursong Caregiver ay kaagad niyang tinanggap ang offer sa kaniya bilang isang Bridal gown model. Ayaw man niyang ma-expose ang kaseksihan at angking kagandahan niya ngunit kinailangan niya ng malaki-laking kita para maging tuloy-tuloy ang gamutan sa papa niyang si Amado na naka-dialysis dahil sa malalang sakit na diabetes.High school pa lang siya nang mamatay ang mama niya dahil sa sakit sa puso. Bente anyos na siya sa kasalukuyan at walang kapaguran na hinaharap ang kaliwa't kanang pagpa-flash ng mga camera lights para makuhaan siya ng mga magagandang pose para sa brochures.Nobyo niya ang may-ari ng Bridal Gown and Accessories, si Darwin Hudson, at ito ang gusto ng kaniyang papa na pakasalan niya dahil sigurado na ang kinabukasan niya rito. Ngunit ilang ulit niyang ipinaglalaban na wala siyang nararamdaman sa binata. Napilitan siyang tanggapin ang pag-ibig nito magmula nang lumala ang sakit ng kaniyang ama at tuluyan nang hindi nakapagtrabaho.
INIS na inis na hinarap ni Katrina ang groom nang magtapat na sila sa altar."Anong kalokohan ito? Pilikula ba 'to o teleserye? Bakit mo ako hinila papunta dito? Nagkamali lang ako ng pinasok. Uuwi na nga ako eh!" bulalas niya.Akmang tatalikod siya ay muling kumalawit ang kamay nito sa braso niya. Bigla tuloy napalitan ng inis ang paghanga niya sa kaguwapuhan nito. "Pakiusap, huwag mo akong ipahiya. Hindi ko alam ang magagawa ng lola ko kapag binigo ko siya. May sakit siya sa puso at nagtatangka siyang magpakamatay kapag bibiguin ko siya sa araw na 'to," pagmamakaawa nito. Pairap niyang hinarap ang groom."Anong pakialam ko sa lola mo? Ni hindi nga kita kilala, tapos basta na lang akong pakakasal sa iyo? Ano'ng tingin mo sa akin, pick-up bride? Nasaan ba ang pariwara mong bride at hindi ka sinipot?!" singhal niya.Nangibabaw ang tinig niya sa buong simbahan hanggang sa lumapit ang matandang babae na nasundan ng dalawang makikisig na bodyguard. Gigil na gigil ang kamay nitong ipinap
WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam
NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n
NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo
"ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka
HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang
KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi
"SIGE na po, Tita! Kahit ngayon lang. Pupunta kasi si Darwin diyan. Sabihin mo na lang po na bumalik na po ako sa apartment dahil antok na antok at pagod ako. Sabihin mo na rin po na kagagaling ko lang diyan. Kailangan ko ng rest, please!" pakiusap ni Katrina sa Tita Lorna niya.Tinawagan niya kaagad ito matapos basahin ang mensahe ni Darwin. "O siya-siya! Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" usisa pa ni Lorna na kausap niya sa kabilang linya."Um, sa... sa sasakyan po ni Darren. Pauwi na ako ng apartment. Ayaw ko muna ng istorbo, magpapahinga lang po ako."Panibagong kasinungalingan na naman ang nanulas sa bibig niya. Pinanindigan na niya kaysa mabuking siya. Nagkaintindihan na sila roon ng tita niya. Hindi pa niya ni-reply-an si Darwin. Ini-off muna niya ang cellphone upang hindi siya matawagan nito at isiping nakatulog siya. Ibinilin naman niya sa tita niya na kapag tumawag si Darwin ay ipaliwanag na lamang nito.Balisang ibinalik niya sa sling bag ang cellphone. Malamig ang centralized
HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya. Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya. "W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito. Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya. "Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya. "S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital.""Pumasok na siya sa elevator."Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos. "Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya. Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi
"IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal