Tumayo si Andy. Naiinis siya sa sarili dahil habang nasa conference siya kanina ay si Catherine ang naiisip niya. Kahapon ngang napadaan siya sa department store ay puros mga pambatang kagamitan ang naiisip niyang bilhin. Two weeks na siya dito sa Amerika at wala siyang ginawa kundi ang magtrabaho. Ni hindi nga niya naisipang mag-good time man lamang. Maski siya ay naninibago sa kanyang sarili ngayon. Sobrang inspired siya lalo pa at naiisip niyang magkakanak na siya. Gusto niyang maging responsible parent. At ipinapangako niyang bubusugin niya ng pagmamahal ang magiging anak nila ni Catherine. Ngayon pa lang ay di na siya makapaghintay na umuwi. Kung dati ay mas gusto niya ang buhay sa Amerika, ngayon ay parang hinihila na ang mga paa niyang makabalik ng Pilipinas. Kung hindi nga lamang kinakailangan niyang asikasuhin ang itinatag nilang business sa partner niyang Amerikano ay hindi siya magpupunta dito sa Amerika.
BAHAGYANG napaatras si Cathy nang makita si Andy. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. Bakit mas lalo pa itong gumuwapo sa paningin niya? Napansin niyang ni ayaw man lang nitong tumingin sa kanya. As if may nakakahawa siyang sakit na dapat iwasan. Hindi rin niya ito pinansin kahit naiilang siyang nasa bahay siya ng mga ito and yet nag-iiwasan sila. Ni hindi man lang ba nito kukumustahin ang lagay niya? Baka nakalimutan na nitong ito ang ama ng batang dinadala niya? Nagngingitngit siya sa inis. “Uy, bakit ganyan kayo sa isa’t-isa as if walang namagitan sa inyo?” Bulong ni Anthony sa kanya nang mapansin ang mga kilos nila, “Daig nyo pa ang strangers kung magturingan ah.” Napaismid siya, “Bakit ako ang tinatanong mo? Yang kakambal moa ng tanungin mo. Dumating at dumating siya sa Amerika, ni hindi man lang nagpaparamdam. Ni hindi man lang naisipang kumustahin iyong tiyan ko,” sabi niyang di na napigilan ang hinanakit na nararamdama
PAKIRAMDAM ni Alexa ay gumuho ang buong building ng mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Parang nandidiring bumangon siya at lumayo kay Andy. “Catherine?” Halos paanas lamang na sambit niya habang nakatingin ditto. “Alexa, I did not mean it. . .I mean. . .” “Ako ang katalik mo pero ang babaeng iyon ang nasa isip mo?” Napasinghap siya, naninikip ang dibdib niya sa sobrang galit na nararamdaman, nilapitan niya si Andy at makailang beses niya itong sinampal, “Hayup ka! Hayup ka! Ginagamit mo lang talaga ako,” hindi na makapagtimpi pang sabi niya. Nakatayo lang si Andy. Hinahayaan lang nitong sampalin niya. Siguro’y dahil alam nitong deserve nito ang lahat ng physical na sakit na ipinalalasap niya rito. Ngunit wala yong katumbas sa sakit ng kaloobang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nagpupuyos siya sag alit. “Kailan ka pa nainlab sa babaeng
BAWAT katagang binitiwan ni Andy ay parang isang matalas na bagay na gumuhit sa dibdib ni Catherine. Ang sakit marinig mismo kay Andy na hindi na ito makapaghintay pa na maging malaya. Nilingon nito si Mak, “Huwag kang mag-alala, aasikasuhin ko na sa lalong madaling panahon ang annulment namin para saiyong-saiyo na sya!” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas ng bahay. Tumayo si Mak, “Kung magsalita ka, parang isang basahan lang si Catherine ah!” Galit na sigaw nito kay Andy ngunit tila hindi na iyon narinig pa ni Andy. Hindi niya napigilan ang kanyang pag-iyak. Niyakap siya ni Mak. “Bakit kailangan ko pa siyang makilala, ha Mak? Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin sya? At bakit dinagdagan ko pa ang problema ko, malaking problema na nga iyong sitwasyon ko, nagpabuntis pa ako sa kanya. Ang tanga-tanga ko talaga, Mak. Napakatanga ko!” “Cathy,” pinunasan ni Mak ang mga luha niya, “Stop crying. Makakasama sa bata ang sobrang s
KINUMUTAN ni Justin si Alexa. Awang-awa siya rito habang pinagmamasdan ito. Mas lalo lamang naragdagan ang inis niya kay Andy. Bakit kinailangan pa nitong gamitin si Alexa para pasakitan siya? Makakatikim sa kanya ang lalaking iyon. Hindi niya palalampasin ang katarantaduhang ito ng lalaking iyon. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Masyadong malaki na ang atraso nito sa kanya. Kailangan na nilang magtuos ng lalaking iyon! Tinawag niya ang kasambahay ni Alexa, “Aalis na ako. Pakitingnan na lang po sya, Manang. Baka mamaya, magising at lumabas ng bahay. Tawagan nyo na lang ako kung may problema.” “Oho Sir.” Umalis na siya. Muli niyang tinawagan si Andy ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya kaya naisipan niyang tawagan ang kakambal nito. “San si Andy?” “Hello? Hindi porke’t kakambal ko sya eh alam ko kung nasan sya ‘no? Pangalawa
NAGULAT si Catherine nang biglang sumulpot si Andy sa kusina habang nagkakape siya. Para siyang teen ager na nahuli ng kanyang crush sa lakas ng pintig ng puso niya. Bakit ba napakaguwapo ng lalaking ito? Kahit nakakainis ang ugali ay di niya maiwasang hindi mapatitig sa kakisigan nito. Ngunit nang marealize ang ginagawa ay kaagad niyang itinuon ang pansin sa kinakain na pandesal. Nilingon ni Andy ang maid na busy rin sa pag-aalmusal, “Manang Terry, pwede po bang dun na lang kayo sa garden mag-breakfast, may pag-uusapan lang po kami ni Cathy.” Request niya sa matanda na kaagad namang binitbit palabas ang kape at pandesal nito.“I’m sorry, hindi ko maibibigay ang annulment na hinihingi mo dahil sa kondisyon ni Papa sa ngayon.” Panimula ni Andy sa kanya.Bigla siyang napaangat ng mukha. “Anong nangyari kay Pa. . .sa Papa mo?” Nag-aalalang tanong niya sa lalaki. Napakabait sa kanya ng Papa ni Andy at ayaw niyang may mangyaring masama ditto. Besides,
TAHIMIK sina Andy at Catherine sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan patungo sa ospital. Pareho silang nagpapakiramdaman. Ngunit maya-maya ay binasag ni Andy ang katahimikan. “Kailan ka ulit magpapacheck up?” “May schedule ako sa Friday.” Tipid na sagot ni Catherine. “Sasamahan kita.” Gulat na nilingon niya si Andy, “Talaga?” halos paanas lang na sagot niya, “Hindi naman na kailangan. Kaya ko namang. . .” “I said sasamahan kita. Pati ba naman ito kailangan pa nating pagtalunan?” Tila naiinis na tanong ni Andy sa kanya, “Gagawin ko ‘yan bilang obligasyon ko sa bata. No more, no less!” Hindi na siya umimik pa dahil baka kung ano pang masabi niya, masamain na naman nito. Ewan ba niya kung bakit palaging mainit ang dugo sa kanya ng lalaking ito. Wala siyang matandaang ipinilit niya ang sarili dito. Iyong nangyari sa kanila nuon, pareho nilang ginusto iyon. Oo lasing silang par
NATIGILAN sa pagsasalita si Catherine nang mapansing tila nahihirapan na namang huminga ang ama ni Andy. Napatakbo siya sa labas, “Andy, iyong papa mo. . “ natatarantang sabi niya sa lalaki, pumasok ito sa loob ng kuwarto, nagmamadali niyang pinuntahan ang nurse sa counter, “Hindi makahinga iyong pasyente sa room 202. . .” Tumawag ng doctor ang isang nurse habang tumakbo naman sa room 202 ang ilang nurse na nakatambay duon. Nanlalamig ang kanyang mga talampakan dahil naalala na naman niya ang mommy niya. May phobia na talaga siya sa ospital. Pakiramdam niya ay nanunumbalik ang mga eksena nuong bata pa siya sa tuwing dinadala nila sa emergency ang Mommy niya. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. “Cathy?” Nilingon niya si Andy. Iginiya siya nito paupo. “Mabuti pa ihahatid na kitang pauwi. Baka makasama sa baby ang stress mo,” nag-aalalang sabi nito, pinahid nito ang mga luha niya. Maya-m
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka