TAHIMIK sina Andy at Catherine sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan patungo sa ospital. Pareho silang nagpapakiramdaman. Ngunit maya-maya ay binasag ni Andy ang katahimikan. “Kailan ka ulit magpapacheck up?” “May schedule ako sa Friday.” Tipid na sagot ni Catherine. “Sasamahan kita.” Gulat na nilingon niya si Andy, “Talaga?” halos paanas lang na sagot niya, “Hindi naman na kailangan. Kaya ko namang. . .” “I said sasamahan kita. Pati ba naman ito kailangan pa nating pagtalunan?” Tila naiinis na tanong ni Andy sa kanya, “Gagawin ko ‘yan bilang obligasyon ko sa bata. No more, no less!” Hindi na siya umimik pa dahil baka kung ano pang masabi niya, masamain na naman nito. Ewan ba niya kung bakit palaging mainit ang dugo sa kanya ng lalaking ito. Wala siyang matandaang ipinilit niya ang sarili dito. Iyong nangyari sa kanila nuon, pareho nilang ginusto iyon. Oo lasing silang par
NATIGILAN sa pagsasalita si Catherine nang mapansing tila nahihirapan na namang huminga ang ama ni Andy. Napatakbo siya sa labas, “Andy, iyong papa mo. . “ natatarantang sabi niya sa lalaki, pumasok ito sa loob ng kuwarto, nagmamadali niyang pinuntahan ang nurse sa counter, “Hindi makahinga iyong pasyente sa room 202. . .” Tumawag ng doctor ang isang nurse habang tumakbo naman sa room 202 ang ilang nurse na nakatambay duon. Nanlalamig ang kanyang mga talampakan dahil naalala na naman niya ang mommy niya. May phobia na talaga siya sa ospital. Pakiramdam niya ay nanunumbalik ang mga eksena nuong bata pa siya sa tuwing dinadala nila sa emergency ang Mommy niya. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. “Cathy?” Nilingon niya si Andy. Iginiya siya nito paupo. “Mabuti pa ihahatid na kitang pauwi. Baka makasama sa baby ang stress mo,” nag-aalalang sabi nito, pinahid nito ang mga luha niya. Maya-m
MAINIT ang ulo ni Andy nang maupo siya sa gilid ng kama. Wala na siyang planong ipaalam pa kay Catherine ang tunay niyang nararamdaman. Kahit na kailan ay hindi naman siya nito pinagkatiwalaan. Hah, at pinag-isipan pa siya ng ganun? Ano bang pagkakakilala nito sa kanya? Bigla niyang naisip si Alexa. Napailing siya. Hindi rin pala ito nakatiis. Sinabi rin nito kay Catherine ang mga plano nito. At naniwala naman si Catherine na sya ang may pakana ng planong iyon ni Alexa? Masakit talaga sa ulo ang mga babae. Kaya hindi niya masisisi ang kanyang kakambal kung bakit allergic ito sa babae. Yamot na pumasok siya sa banyo, naghubad saka itinapat ang sarili sa shower. Maya-maya ay narinig niya ang cellphone niya na tumutunog. Nagmamadali siyang lumabas ng banyo sa pag-aakalang may kinalaman iyon sa Papa niya. Napahinga siya nang malalim nang makitang si Alexa ang tumatawag sa kanya. Hindi n asana niya iyon sasagut
“BAKIT mo ako ipinagpalit sa babaeng iyon?” Umiiyak na tanong ni Alexa habang pinagpapalo siya sa dibdib. Hindi siya makasagot. Sa totoo lang ay hindi rin kayang sagutin ang tanong na iyon dahil maging siya ay nagtatanong sa kanyang sarili kung bakit. “Mahal na mahal kita, Andy. Ginawa ko na ang lahat, tinanggap kita ng buong buo sa kabila ng mga kasalanan mo. Ano pa bang kailangan kong gawin?” Nagsusumamong sabi nito sa kanya, “Please Andy, tayo na lang ulit? Hindi kita kayang pakawalan. Kahit ano, gagawin ko, basta magbalikan na tayo. Mahal na mahal kita Andy. Hindi kita kayang pakawalan.” Awang-awa siya habang nakatingin sa dalaga. Nagulat siya nang lumuhod ito sa harapan niya, “Kahit once a week ka lang pumunta ditto. Promise, hindi na ako magdedemand ng kahit na ano. Once a week, masaya na ako. . .ganyan kita kamahal, Andy.” “Please Alexa,” sabi niyang pilit itong pinatayo, “Stop this. Hindi mo deserve ang
“MAINAM ngang tiyakin mo muna ang feeings mo para kay Cathy, Andy. Sinasabi ko ito saiyo bilang isang nakakatandang kapatid,” sabi ni Justin. “Kung hindi mo kayang ibigay iyong kasiguraduhan na ‘yan, huwag mo siyang paasahin!” Tumango siya. This time, alam niyang tama naman talaga si Justin. Muli siyang niyakap ni Justin. Parang gusto niyang manliit ng mga sandaling iyon. Ang dami niyang nasayang na panahon na dapat sana’y masaya silang nagba-bonding ni Justin sa halip na nag-aaway. “Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?” Tanong niya dito, “Pwede pa naman akong makabawi saiyo?” Natawa ito, “Oo naman.” Para siyang nabunutan ng isang tinik sa dibdib. Siguro kapag okay na ang pakiramdam ni Alexa ay kailangan rin niya itong kausapin ng maayos para humingi siya ng sorry dito sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya. “What’s going on?” Nagtatakang tanong ni Anthony nang maabutan sila nitong nagtatawanan, “Namamalikmata lang ba ako?” “Hindi ka namamalikmat
“OH, MAGANDA ‘yang kainin ng mga buntis!” Sabi ni Andy nang iabot sa kanya ang isang basket ng mga prutas. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nag-init ang ulo niya nang makakita siya ng manga sa fruit basket na iniabot nito. “Hindi mo ba alam na ayoko ng manga na galing saiyo?” Singhal niya rito. Ewan ba niya pero simula nang mag-away sila ni Andy tungkol sa bagoong ay ayaw na ayaw na niya ng manga at bagoong na galling dito. Bahagya itong napaatras, “Nung minsan lang gusto mo ng manga, di ba?” “Oo, pero hindi galing saiyo.” Kumunot ang nuo nito, “At sino naming gusto mong magbigay ng manga saiyo?” Asar na tanong nito. “Si Mak!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran. Asar na asar siya rito, ewan niya kung bakit. Basta namumula ang mukha niya sa tuwing makikita niya ito. Kahapon naman ay hindi pa. Pero nang magising siya kaninang umaga, naiinis na siyang bigla dito. Pinaglilih
HINDI ko papayagang basta na lamang maagaw sakin si Andy nang wala akong laban, alam ko, nalilito lang si Andy ngayon. Baka ginagawa lang ito ni Andy dahil sa bata. Pero kong ako pa rin ang mahal ni Andy, sabi ni Alexa habang hinihintay niyang sumagot sa telepono si Catherine. Kailangan nilang mag-usap, babae sa babae. “Hello?” Dinig niyang sabi nito sa kabilang linya, “Alexa?” Napahinga siya ng malalim, saka umayos ng upo, “Magkita tayo, sa coffee shop na pinagkitaan natin dati,” may authority sa tonong sabi niya rito. “Sorry, pero busy ako ngayon,” tila wala sa mood na sagot nito. Naiinis siya dahil hindi niya ito makuha sa paninindak na kagaya ng ibang mga babaeng nadidikit nuon kay Andy. Kung matapang siya, pakiramdam niya ay mas matapang sa kanya si Catherine at handa itong lumaban. Bagay na mas lalo niyang kinaiinisan dito. Masyado niya itong na-underestimate nuong una. Akala niya, dahil sa inosente nit
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Alexa. Nuon lamang siya nakatikim kay Andy ng gayon. Kahit na kailan ay hindi siya napagbubuhatan nito ng kamay kahit na kinakalmot, sinisipa niya ito. But this time, nagawa siyang sampalin ni Andy nang dahil lamang kay Catherine. Nanginginig ang kanyang buong katawan nang timngnan si Andy, “Sinaktan mo ako nang dahil lang sa babaeng iyon?” “Damn Alexa, huwag kang umakto na parang wala kang ginawang masama kay Catherine dahil kapag may nangyaring masama sa baby namin, hindi kita mapapatawad!” Galit na galit na sabi nifo sa kanya. “Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na it was an accident!” “Accident?” Tanong nito, hinawakan nito ang kanang braso niya, bahagya siyang napangiwi sa riin ng pagkakawakan nito, “Maraming witness nang itulak mo siya. Besides, kilalang-kilala na kita Alexa, don’t act as if you were innocent,” nanunumbat na sabi nito sa kanya, “Hindi ako mangingiming kasu
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka