ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Alexa. Nuon lamang siya nakatikim kay Andy ng gayon. Kahit na kailan ay hindi siya napagbubuhatan nito ng kamay kahit na kinakalmot, sinisipa niya ito. But this time, nagawa siyang sampalin ni Andy nang dahil lamang kay Catherine. Nanginginig ang kanyang buong katawan nang timngnan si Andy, “Sinaktan mo ako nang dahil lang sa babaeng iyon?” “Damn Alexa, huwag kang umakto na parang wala kang ginawang masama kay Catherine dahil kapag may nangyaring masama sa baby namin, hindi kita mapapatawad!” Galit na galit na sabi nifo sa kanya. “Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na it was an accident!” “Accident?” Tanong nito, hinawakan nito ang kanang braso niya, bahagya siyang napangiwi sa riin ng pagkakawakan nito, “Maraming witness nang itulak mo siya. Besides, kilalang-kilala na kita Alexa, don’t act as if you were innocent,” nanunumbat na sabi nito sa kanya, “Hindi ako mangingiming kasu
“CAN WE NOT TALK ABOUT IT now, Pa, Ma?” Request ni Andy sa mga magulang. Of course, ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa church wedding. Hindi nga ba at ang huling usap nila ni Alexa, sabi nito sa kanya na pagkapanganak niya, magpa-file na ito ng annulment at balak nitong kunin sa kanya ang baby? Pero hinding-hindi niya ibibigay sa mga ito ang anak niya. “Oo nga po, h’huwag nating pag-usapan ang tungkol sa church wedding dahil pagkapanganak ko, balak ko na pong mag-file ng annulment.” “Cathy?” Gulat na napatingin sa kanya ang tatlo. “Pasensya na po pero wala na akong pakialam kung. . .kung mawawalang lahat sa akin ang bahay at lupa. Siguro naman kaya ko ng buhayin itong bata. Besides, may naipon naman ako kahit na paano. Sapat na siguro iyon para makapagpatayo ng maliit na negosyo.” Umiwas siya ng tingin sa mga ito, “Ayoko na ng stress. Gusto kong magsimulang muli.” “Cathy, iha, pag-isipan mong mabuti ang sinasabi mong ýan
“MAK, THANK you,” sabi ni Cathy kay Mak nang dalhan siya nito ng isang box ng Hawaiian pizza. “Ano bang nangyari saiyo? Bakit ka ba naisugod dito sa ospital?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Pagod lang,” sagot niya. Hindi na niya syempre ikwekwento pa ditto ang nagging confrontation nila ni Alexa dahil alam niyang hindi nito papalampasin ang nangyari pagnagkataon. “Bakit kasi nagpapagod ka, di ba may katulong ka naman sa bahay? Saka nasan na ba iyong magaling mong asawa, bakit hinahayaan ka niyang mag-isa ditto?” “Mak, relax, okay naman na ako. . .” “Pagkapanganak mo, asikasuhin mo na ýang pagpafile mo ng annulment. Mag-apply tayo sa Canada, dun na lang tayo manirahan!” Sabi ni Mak na ikinagulat niya. Nagplaplano ito para sa kanya nang hindi niya alam? Hindi niya alam kung bakit kahit ilang beses na niyang inulit-ulit kay Mak na hanggang kaibigan lang ang nararamdaman niya para ditto ay paulit-ulit pa rin nitong ipinipi
“MANANG TERRY SINO po ba ang dumating?” Tanong ni Cathy sa katulong nang maulinigan ang pagbukas ng pinto. Kakatapos lang niyang palitan ng damit ang baby niya, inihiga niya ito sa kuna. “Andy?” Gulat na sabi niya, two months na simula nang makapanganak siya at ngayon lang ito nagpakita sa kanya. “Hi,” sabi nito sa kanya saka nilapitan ang baby nila, nakamasid lang siya rito habang hinihintay ang magiging reaction nito. “K-kamukha mo sya,” anito nang lingunin siya. “Sabi nga nila,” sagot niya, “Pero nakuha nya iyong lips mo at saka siguro iyong height mo kasi sabi ni Dra. mahaba raw siya. Tingnan mo iyong mga legs nya,” nagmamalaking sabi niya rito. Napangiti ito, “Mabuti naman kung sa height ko sya nagmana.” Anitong humarap sa kanya, tiningnan siya ng matiim, “Kumusta ka na?” Nagkibit siya ng balikat, “Ano ba sa palagay mo?” Halos paanas lang na sagot niya. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha, God, namiss ko
“ANDY. . .pasensya ka na kung nasira ko ang relasyon ninyo ni Alexa,” mangiyak ngiyak na sabi ni Catherine kay Andy. Alam niya kung gaano nito kamahal si Alexa at malamang ay siya ang sinisisi ngayon nito. Siya ang sumira sa relasyon ng dalawa. Kaya siguro ngayon lang ito nagpakita sa kanya. Marahil ay dinamdam ng labis ang break up with Alexa. “Pero pwede mo naman siyang balikan. Explain mo na tuloy na iyong pagpa-file natin ng annulment. Malaya na kayong magsama pagkatapos nito,” patuloy na sabi niya. Hindi umiimik si Andy. “Kung gusto mo kakausapin ko sya. Ayokong masira ang relastionship nyo. . .” “Pwede ba Cathy, pakinggan mo muna ako?” Waring naiiritang sabi nito sa kanya, natahimik siya. “Actually, ako ang nag-initiate ng break up,” panimula nito, mas lalo siyang nagulat. Alam niya kung gaano nito kamahal si Alexa kaya bakit ito makikipaghiwalay ditto? “Pero bakit?” “Narealize ko kasi I wa
“MARK ANDRIAN?” Tanong ni Dianne, “Isinunod mo sa pangalan ni Mak?” Gulat na sabi nito. Napatingn sa kanya si Andy, “Mark ang pangalan ni Mak at ni hindi mo man lang sinabi sa akin?” Inis na tanong nito. “Ha? Bakit parang kasalanan ko na naman eh kayong magkapatid ang nakaisip ng Mark?” Tanong ni Cathy dito. “Hindi mo sinabing Mark pala ang pangalan ng lalaking iyon!” Yamot na sagot nito sa kanya, “Andrian na lang ang ipapangalan natin sa bata!” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas. Nagkatinginan sila ni Dianne. “Ano na naming problema ng lalaking iyon? Kagabi excited pa siyang pangalanan ng Mark Andrian ang baby?” Napapailing na sabi niya habang sinusundan itio ng tingin. “Nagseselos siya talaga kay Mak,” nakangiting bulong sa kanya ni Dianne, “Hindi ba sabi mo break na sila ni Alexa? Baka na-fall in love na siya saiyo?” “Imposible ang sinasabi mong ‘yan. Ako ang huling babaeng magfo-fall in l
Hindi ako nanaginip lang, sabi ni Catherine sa sarili habang nakatingin sa natutulog na si Andy. Nangingilid ang kanyang mga luha habang tinititigan niya ito. Bahagya pa niyang hinaplos ang mukha nito. Alam niyang pagkatapos ng nangyari sa kanila, balik na naman sila sa dati. Ano pa bang inaasahan niya? Of course iyong namagitan sa kanila ay wala namang ibig sabihin kay Andy. Sex. No more. No less. Masakit, pero hindi naman niya pwedeng ipilit ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kanya. Namula ang mukha niya nang magmulat ito ng mga mata at mahuli siyang nakatitig dito. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Ngunit ang gulat niya nang kabigin siya nito at yakapin ng mahigpit. May iba na bang ibig sabihin ang gesture nito sakin? Cathy, huwag kang umasa. Alam mo naman ang mga lalaki, gagawin ang lahat, makaiskor lang! Paalala niya sa sarili habang napapalunok. Hindi na niya maalala kung nakail
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka