NILINGON NI MAK SI Catherine na sinundan pala siya sa palabas.
“I’m sorry. Alam kong naapektuhan ang friendship natin d-dahil hindi ninyo gusto ni Andy ang isa’t-isa, p-pero sana naman maintindihan mo na. . .na masaya ako kapag kasama ko siya. . .”
Kumunot ang nuo niya.
Umaamin ba ito sa kanya na may nararamdaman na ito para kay Andy?
Todo tanggi pa ito nuon sa kanya kaya may pag-asa pa siya kahit nararamdaman na niya nuon na may feelings ito sa lalaking iyon. Ngunit iyong tahasan nitong aaminin sa kanya na may pagtingin na ito kay Andy, mas masakit iyon.
Ang sakit-sakit.
HINDI maipaliwanag ni Catherine ang pakiramdam habang magkahinang ang kanilang mga labi ni Andy. Ang tanging alam lang niya, nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga buto ang hatid na kiliti dulot ng ginagawa nito. Kung nuong lasing siya ay hindi niya matandaan ang ganitong klaseng pakiramdam, ngayon ay nakatitiyak siyang hinding-hindi niya makakalimutan ang tila walang kasing sarap na nararamdaman niya habang naglilingkisan ang kanilang mga dila. Hindi naman siya marunong humalik pero gumagaling siya dahil magaling ang kahalikan niya. Para ngang ang tagal-tagal na nilang ginagawa ito dahil waring sanay na sanay na siya sa pakikipaghalikan dito. “Andy!!!!” Narinig nilang sigaw ng boses ng isang babaeng pamilayar na pamilyar sa kanya.&
NAPAISMID SI CATHERINE. Ordinary looking pala, and yet sinugod pa siya nito ditto sa bahay para lang balaan siya kay Andy? Ramdam niya ang pag iinit ng kanyang mga mata. Kung hindi ito dumating, saan kaya sila nakarating ni Andy? Parang nagsisikip ang dibdib niya nang maalala ang mga masasakit na sinabi ni Andy nang papiliin ito ni Alexa. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Iyong ginawa nitong paghalik sa kanya kanina, hindi niya alam kung para saan iyon pero tiyak niyang wala iyong kinalaman sa love. Hindi siya dapat na umasa. Malinaw naman ang sinabi nito kanina. Si Alexa ang mahal nito. Baka nalibugan lang ito kanina kaya bigla siy
“ANDY. . .gusto ko lang sabihin saiyo na, sensitive ang kondisyon ko ngayon, kaya hindi ako pwedeng mapagod,” Pagtatapat ni Catherine kay Andy.“Bakit, may sakit ka ba?”“Andy, ilang weeks na si Catherine na. . .” Bago pa maituloy ni Diane ang sasabihin ay pasimple na niya itong nakurot sa singit.Napakunot-nuo si Andy.“M-may arthritis ako, Andy. Sumasakit ang mga kasu-kasuan ko kaya hindi ako pwedeng mapagod. Kaya pwede ba, iyong mga pinagkainan mo, ikaw ang magliligpit. Iyong mga marumi mong damit, ikaw ang maglalaba, okay?” Bulalas niya rito.Ang lakas ng tawa ni Andy, as if nanunuod ito sa isang comedy bar.“Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?” Bulong ni Diane sa kanya.Pinandilatan lang niya ito ng mga mata. Hangga’t maari ay gusto niyang itago kay Andy ang tungkol sa pagdadalantao niya. Natatakot siya sa magiging reaction nito.
“IT’S FIX. Iniba ko na ang direksyon ng cctv sa hallway para di na malalaman pa ni Daddy kung magkasama ba tayo sa iisang kuwarto. From now on, dun na ko sa guest room matutulog,” pahayag ni Andy nang kumakain na sila ng hapunan. “Mabuti naman naisipan mo ‘yan,” kung kelan nabuntis mo na ko. Sumandok siyang muli ng kanin at ulam. Napangisi si Andy, “Para kang may ibang taong binubuhay dyan sa tiyan mo sa lakas mong kumain ah.” Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. “Pansin ko, mas malakas ka pang kumain ngayon kesa dati. Are you sure walang sawa dyan sa tiyan mo?”&n
NAGMAMADALING nagbihis si Andy nang marealize na alas-kuwatro na ng hapon. Shit, kailangan ko pa nga palang dumaan sa grocery. Wala na nga palang laman ang pantry nila. At ang bagoong. . . “San ka pupunta?” Takang tanong ni Alexa nang mapansing nagmamadali siyang nagbibihis. “Mag-go-grocery.” “Grocery? Para saan?” “Para sa bahay, saan pa!” Sagot niya habang nagsusuot ng medyas. “Kelan ka pa natutong mag-grocery? Saka hindi k aba ditto matutulog?”&n
NAPALUNOK si Catherine, waring nanunuot ang mga titig na iyon sa kanya ni Andy, “Buntis ka ba, Cathy?” “A-Andy?” Napatungo siya dahil parang napapaso na siya sa titig nito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Alam niyang hindi na niya maitatago pa ang katotohanan, “Andy. . .k-kuwan kasi. . .” Pero hindi pa niya nasisimulan ang sasabihin ay napasigaw na ito, “Shit!” Ramdam niya ang galit sa tinig nito. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sinasabi na nga ba niya at hindi nito magugustuhan ang kalagayan niya. God, baka mag-alsa balutan si Andy dahil alam na nitong buntis ako. “So, balak
“ANO ‘TO?” “Bagoong. Lahat ng brand ng bagoong binili ko. Hindi ko kasi alam kung ano iyong saktong brand na napaglilihian mo. Bumili rin ako ng manga.” Nakangiting sabi ni Andy kay Catherine. Napangiwi si Catherine nang makita ang napakaraming brand ng bagoong sa mesa, “Gusto mo bang magkasakit ako sa bato?” Masungit na sabi niya rito. “Pambihira. Pinaghirapan ko pang makipagsiksikan sa traffic para lang mabili ang mga ýan pagkatapos sa halip na matuwa ka, nagrereklamo ka pa!” “Hindi ko na ýan gusto. Strawberries ang gusto kong kainin ngayon, saka halo-halo na maraming leche flan.” “What?” Nanlalaki ang matang sabi nito, “Sumusobra ka na, Cathy. Feeling ko umaarte ka na ha?” “Pinagbibintangan mo ko?” OA ang naging reaction niya sa akusasyon na iyon ni Andy. “Anyway, di naman kita pinipilit na samahan akong kumain ng halo-halo. Tinawagan ko na si Mak, parating na sya.” “Tinawagan mo ang mokong na i
“SINADYA mo bang dun tayo maghalo-halo para sundan ang dalawang iyon?” Tanong ni Alexa kay Andy nang nasa loob na sila ng sasakyan. “Syempre hindi!” Mariing tanggi niya, “Bakit ko naman susundan ang dalawang iyon!” Nakangiting nilingon niya ang kasintahan, hinawakan pa niya ang isang hita nito, “Ano namang mapapala ko sa dalawang iyon kung susundan ko sila?” Tanong niya dito kahit pa ang totoo’y iyon rin ang itinatanong niya sa sarili niya.Ano nga bang napala niya?Bakit kailangan pa niyang sundan ang dalawang iyon?“Bakit parang ang lakas ng kutob ko na silang dalawa talaga ang sinadya natin dun at hindi iyong halo-halo?” Tila hindi kumbinsidong tanong ni Alexa sa kanya.“Love naman eh, lahat na lang pinagdududahan mo. Don’t tell me naiinsecure ka sa bubuwit na iyon? Pwede ba naman kitang ipagpalit sa bansot na iyon?” Tanong niya dito saka pilit na pili tang naging tawa, “Saka di ko type ang ugali nun. Hindi kami compatible. Naku, mamumulubi ako sa lakas kumain ng baba