“ANAKAN mo ako, Justin,” Hiling ni Alexa sa lalaki, pumaibabaw siya rito, “Gusto kong magkaroon ng anak para panagutan ako ni Andy!” Nagulat si Justin. “Gusto mong anakan kita para panagutan ka ni Andy?” Dismayadong tanong nito sa kanya, itinaboy siya nito saka nagmamadaling bumangon, “Mahal kita Alexa pero hindi ako ganyan katanga para magpagamit sa kalokohan mong ýan!” Yamot na sabi nito sa kanya. “Justin. . .” “Look, alam ko namang ginagamit mo lang ako para pagselosin mo si Andy. Okay na ako dun. Masaya na akong kahit na pano, nakakasama kita. But damn, para sa ganyang kalokohan, hindi ko na matatanggap yan. Kung magkaka-anak man tayo, sisiguraduhin kong hindi ko gagamitin ang bata para lang sa pansarili mong ambisyon. That’s too much, Alexa!” Galit na sabi nito sa kanya saka nagmamadali na itong umalis. Hindi niya inaasahang magagalit ng ganun sa kanya si Justin. Akala niya ay okay lang dito ang plano niy
GIGIL na gigil si Alexa dahil palaban si Catherine sa kanya. Bakit parang may ipinagmamalaki na ito ngayon? Sa ipinapakitang tapang sa kanya ni Alexa ay mas lalo lamang siyang nagiging pursigido na mabuntis siya ni Andy. Iniisip pa lamang niyang kasama ni Andy sa iisang bubong ang babaeng iyon ay samu’t sari na ang naiisip niya. Lalaki si Andy, guwapo at napakalakas ng appeal. Shit. Hindi ko matatanggap kapag may ginagawang milagro ang dalawang iyon! Kailangan kong bakuran ang aking si Andy pero paano ko gagawin iyon nang hindi ako nagmumukhang nahihibang nang husto sa lalaking iyon? Tinawagan niya si Justin. Alam niyang may sama pa rin ito ng loob sa kanya pero never naman siya nitong natiis kahit na ano pang kalokohan ang gawin niya. “Hello?” “Alexa,” Matabang na bati sa kanya ng lalaki. “Sorry kahapon. Stress lang ako kaya kung anu-ano ng nasasabi ko saiyo. Sana kalimutan mo na lang iyon. Anyway, tumawag a
“TUNGKOL saan ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tumayo si Andy at nilapitan si Alexa. Alam niyang magwawala ang kasintahan kapag nalaman nito ang tungkol sa lagay ni Catherine. Iginiya niya ito paupo. “Alexa, maupo ka muna, okay?” Sabi ni Andy sa nobya, kahit bukas ang air-con ay pinagpapawisan ang kili-kili niya. Kilalang-kilala na niya si Alexa. Ilang beses na niya itong nagkitang nagwala sa galit. Kaya hindi na siya magtataka kung mamaril man ito ngayon kapag nalaman nito ang nuon pa niya kinatatakutang sabihin dito. Sabagay, kahit naman yata sinong babae magagalit kapag nalamang nakabuntis ang nobyo nito. “Alexa, ganito kasi yon,” si Anthony, “May nangyaring nuon pa sana dapat nangyari!” Pinandilatan ni Andy ang kakambal, “Let me say it, okay?” Aniya dito. “Ano ba kasi iyon?” Inis nang tanong ni Alexa. “Buntis si Catherine,” Mahinang sabi ni Andy dito. Waring dumagundong sa tenga ni Ale
KITANG-KITA ni Andy nang sumalpok ang sasakyan ni Alexa sa papasok na trak. Napasigaw siya. “Shit!!!!” Ilang segundo rin siguro iyong hindi siya nakagalaw. “Alexa. . .” Nagkaroon ng commotion. Napasugod siya sa kinaroroonan nito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha, Damn, kahit sinong babae ay magagalit sa ginawa ko. Tinakbo niya si Alexa. Duguan ang katawan nito. Mas lalo siyang nataranta, tumawag kaagad siya ng ambulance pagkatapos ay tinawagan niya si Anthony para ipaalam ang nangyari kay Alexa. “Naaksidente si Alexa. . .” Umiiyak na sabi niya rito. “My God, anong nangyari?” Iyak lang siya ng iyak. Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulance. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Alexa.NAKALUGMOK si Andy sa isang sulok nang dumating sina Catherine at Anthony sa ospital kung saan dinala si Alex
Nagbubukas ng gate si Andy nang dumating si Justin. Pagkapasok na pagkapasok nito sa gate ay kaagad siya nitong sinuntok. Sa sobrang lakas niyon ay nawalan siya ng balance at natumba siya. “Ano ba talagang nasa utak mo, ha? Bakit hindi mo pa pakawalan si Alexa? Napapahamak lang siya nang dahil saiyo!” Galit na galit na sigaw sa kanya ni Justin. Sa lakas ng boses nito ay napalabas ng bahay si Catherine at kaagad na tumakbo palapit sa kanya. “Andy,” Sabi ni Catherine na inalalayan siya sa pagtayo ngunit mabilis niyang ipiniksi ang kamay nito, “Please Catherine, pumasok ka na sa loob. Huwag ka nang makigulo pa dito, okay?” Singhal niya rito. “Andy. . .” “Go!” Inis na utos niya ditto. Napilitan si Catherine na bumalik sa loob ng bahay. Madilim ang mukhang hinarap niya si Justin, “Ikaw, bakit hindi mo pa pakawalan si Alexa? Obvious namang kahit na anong gawin mo, ayaw nya saiyo!” Akmang suusntukin siyang muli ni Justin pero thi
“HUWAG kang masyadong magpapagod, misis. Ito iyong mga vitamins na kailangan mo.” Sabi ng babaeng doctor kay Catherine, iniabot nito ang reseta ng mga bitaminang kailangan niyang inumin. “Thank you po doc,” sabi niya ditto saka tumayo na para bumili ng mga bitaminang kailangan niya. Nag-grocery na rin siya. Maya-maya ay tinawagan siya ni Anthony. “Sister, baka hindi ako makauwi mamayang gabi, nagtatampo na sakin si Basti. Miss na raw nya ko. Alam mo na,” makahulugang sabi nito sa kanya. “Okay lang. Kaya ko namang mag-isa sa bahay.” “Baka mapagalitan ako ni Andy kapag nalaman niyang hindi ako dyan matutulog mamayang gabi.” “Don’t worry, hindi ko sasabihin sa kanya. Saka ano ba, wala ka namang obligasyon sakin ‘no! Sige na, mag-enjoy ka. Regards mo na lang ako kay Basti.” “Thank you sister. Baka kapag kailangan mo ko, tawag ka lang ha?” “Okay, thank you,” aniya dito. Malungkot na umuwi siya sa bah
“SI MR. J po, kaibigan ko. Nagkayayaan lang po kaming manuod ng sine. W-Wala pong malisya itong lakad namin. S-Saka fan nya po ako, kung di nyo po natatanong, sikat na author po si Mr. J” sunod-sunod na paliwanag ni Catherine sa harapan ng ama ni Andy. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya at kung bakit pakiramdam niya ay may ginawa siyang napakalaking kasalanan samantalang si Andy nga ang itong nakipag-date kasama ng Alexa na iyon! “You don’t have to explain iha. Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na ikakasira mo.” Dinig niyang mahinahong sabi ng Papa ni Andy. Nilingon nito si Mr. J na kausap ng Mama ni Andy at nagpapa-authograph at nagpapapicture pa dito, “Saka hindi yan ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap.” Kumunot ang nuo niya. “Alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ni Andy ang Alexa na iyon.” “Nagmamahalan po sila, Tito. . .” “Ilang ulit ko bang sasabihin saiyong Papa na ang it
ANG SAKIT-SAKIT sa dibdib ng mga salitang binibitiwan ni Andy. Ang saya-saya pa naman niyang makita ito ngayong gabi kaya di niya inaasahang kung anu-anong mga paratang ang bibitiwan nito. “Wala naman akong pakialam kung makipagdate ka kahit na kanino pa. Kahit kay Mr. A hanggang Mr. Z! Pero sana iniisip moa ng kapakanan ng batang nandyan sa sinapupunan mo. Dahil hindi mo lang yan anak, Cathy. O kailangan ko pang ipaalala saiyo na anak ko rin yang batang dinadala mo?” Singhal nito sa kanya. “Hindi mo ba muna tatanungin kung bakit ako ginabi at kung sinong kasama ko?” Yamot na tanong niya ditto. Natahimik ito. “Tinawagan ako ng Papa mo na ihahatid na lang daw nila akong pauwi since nagkasabay kami sa sinehan. Alangan naming tanggihan ko ang pagmamagandang loob ng parents mo. Pero bago umuwi, niyaya muna nila akong magdinner kami sa bahay nyo. Ipinagluto ako ng Mama mo! Nanduon rin sina Anthony at Basti! Napasarap ang kwentuhan nam