KITANG-KITA ni Andy nang sumalpok ang sasakyan ni Alexa sa papasok na trak. Napasigaw siya. “Shit!!!!” Ilang segundo rin siguro iyong hindi siya nakagalaw. “Alexa. . .” Nagkaroon ng commotion. Napasugod siya sa kinaroroonan nito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha, Damn, kahit sinong babae ay magagalit sa ginawa ko. Tinakbo niya si Alexa. Duguan ang katawan nito. Mas lalo siyang nataranta, tumawag kaagad siya ng ambulance pagkatapos ay tinawagan niya si Anthony para ipaalam ang nangyari kay Alexa. “Naaksidente si Alexa. . .” Umiiyak na sabi niya rito. “My God, anong nangyari?” Iyak lang siya ng iyak. Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulance. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Alexa.NAKALUGMOK si Andy sa isang sulok nang dumating sina Catherine at Anthony sa ospital kung saan dinala si Alex
Nagbubukas ng gate si Andy nang dumating si Justin. Pagkapasok na pagkapasok nito sa gate ay kaagad siya nitong sinuntok. Sa sobrang lakas niyon ay nawalan siya ng balance at natumba siya. “Ano ba talagang nasa utak mo, ha? Bakit hindi mo pa pakawalan si Alexa? Napapahamak lang siya nang dahil saiyo!” Galit na galit na sigaw sa kanya ni Justin. Sa lakas ng boses nito ay napalabas ng bahay si Catherine at kaagad na tumakbo palapit sa kanya. “Andy,” Sabi ni Catherine na inalalayan siya sa pagtayo ngunit mabilis niyang ipiniksi ang kamay nito, “Please Catherine, pumasok ka na sa loob. Huwag ka nang makigulo pa dito, okay?” Singhal niya rito. “Andy. . .” “Go!” Inis na utos niya ditto. Napilitan si Catherine na bumalik sa loob ng bahay. Madilim ang mukhang hinarap niya si Justin, “Ikaw, bakit hindi mo pa pakawalan si Alexa? Obvious namang kahit na anong gawin mo, ayaw nya saiyo!” Akmang suusntukin siyang muli ni Justin pero thi
“HUWAG kang masyadong magpapagod, misis. Ito iyong mga vitamins na kailangan mo.” Sabi ng babaeng doctor kay Catherine, iniabot nito ang reseta ng mga bitaminang kailangan niyang inumin. “Thank you po doc,” sabi niya ditto saka tumayo na para bumili ng mga bitaminang kailangan niya. Nag-grocery na rin siya. Maya-maya ay tinawagan siya ni Anthony. “Sister, baka hindi ako makauwi mamayang gabi, nagtatampo na sakin si Basti. Miss na raw nya ko. Alam mo na,” makahulugang sabi nito sa kanya. “Okay lang. Kaya ko namang mag-isa sa bahay.” “Baka mapagalitan ako ni Andy kapag nalaman niyang hindi ako dyan matutulog mamayang gabi.” “Don’t worry, hindi ko sasabihin sa kanya. Saka ano ba, wala ka namang obligasyon sakin ‘no! Sige na, mag-enjoy ka. Regards mo na lang ako kay Basti.” “Thank you sister. Baka kapag kailangan mo ko, tawag ka lang ha?” “Okay, thank you,” aniya dito. Malungkot na umuwi siya sa bah
“SI MR. J po, kaibigan ko. Nagkayayaan lang po kaming manuod ng sine. W-Wala pong malisya itong lakad namin. S-Saka fan nya po ako, kung di nyo po natatanong, sikat na author po si Mr. J” sunod-sunod na paliwanag ni Catherine sa harapan ng ama ni Andy. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya at kung bakit pakiramdam niya ay may ginawa siyang napakalaking kasalanan samantalang si Andy nga ang itong nakipag-date kasama ng Alexa na iyon! “You don’t have to explain iha. Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na ikakasira mo.” Dinig niyang mahinahong sabi ng Papa ni Andy. Nilingon nito si Mr. J na kausap ng Mama ni Andy at nagpapa-authograph at nagpapapicture pa dito, “Saka hindi yan ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap.” Kumunot ang nuo niya. “Alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ni Andy ang Alexa na iyon.” “Nagmamahalan po sila, Tito. . .” “Ilang ulit ko bang sasabihin saiyong Papa na ang it
ANG SAKIT-SAKIT sa dibdib ng mga salitang binibitiwan ni Andy. Ang saya-saya pa naman niyang makita ito ngayong gabi kaya di niya inaasahang kung anu-anong mga paratang ang bibitiwan nito. “Wala naman akong pakialam kung makipagdate ka kahit na kanino pa. Kahit kay Mr. A hanggang Mr. Z! Pero sana iniisip moa ng kapakanan ng batang nandyan sa sinapupunan mo. Dahil hindi mo lang yan anak, Cathy. O kailangan ko pang ipaalala saiyo na anak ko rin yang batang dinadala mo?” Singhal nito sa kanya. “Hindi mo ba muna tatanungin kung bakit ako ginabi at kung sinong kasama ko?” Yamot na tanong niya ditto. Natahimik ito. “Tinawagan ako ng Papa mo na ihahatid na lang daw nila akong pauwi since nagkasabay kami sa sinehan. Alangan naming tanggihan ko ang pagmamagandang loob ng parents mo. Pero bago umuwi, niyaya muna nila akong magdinner kami sa bahay nyo. Ipinagluto ako ng Mama mo! Nanduon rin sina Anthony at Basti! Napasarap ang kwentuhan nam
“N-NAIWAN mo sa may lamesa iyong susi ng kotse mo, baka masungkit ng magnanakaw,” sabi ni Cathy sa binata nang pagbuksan siya nito ng pinto. Parang allergic na madait man lang ang balat nito sa balat niya nang kunin nito sa kanya ang susi, “Thanks,” tipid na sabi nito saka mabilis na siyang pinagsarhan ng pinto. Wow, as if naman gagahasain ko sya, bubulong-bulong na sabi niya, pumasok na rin siya ng kuwarto. Naparami ang kinain niya kaya medyo sumakit ang tiyan niya. One month sa Amerika si Andy. One month itong mawawala. Paniguradong mamimiss na naman niya ito. Kuu, sa dinami-dami ba naman ng lalaki, bakit sa isang ito pa siya nainlab? Naalala niya ang mga labi nito. Ang mga halik nito. Para tuloy nag-init bigla ang katawan niya. Kung anu-anong kamunduhan ang naiisip niya. Sayang at lasing siya nang ibigay niya ang kanyang katawan. Kung pwede lang sanang ibalik iyong sandaling iyon. Hindi niya babaguhin na may nangya
GULAT NA NAPATINGIN si Catherine kay Mak. “Kung hindi pa nadulas si Britney, hindi ko pa malalaman.” Ikaw talaga Britney, pinangunahan mo na naman ako. Puputulan talaga kita ng dila pag nagkita tayo. “Huwag mong sabihing napilitan ka rin dyan kaya nangyari ‘yan?” Tila nunuot hanggang sa kanyang mga buto ang mga titig na ito, “Damn, Cathy, sumusobra ka na!” “Nalasing kasi kami k-kaya nakalimot kami sa isa’t-isa,” paliwanag niya ditto. “Nalasing? Nakipag-inuman ka sa lalaking iyon? Bakit ba hindi ka nag-iingat? God, Cathy, alam mo bang ginagawa mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya, “Nagpapaloko ka sa lalaking iyon, alam mo namang may girlfriend iyon, hindi ba? Ano na bang nangyayari saiyo?” Napatungo siya. “Pumapayag kang mapaglaruan ng lalaking iyon! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, ha?” Napaiyak siya. Totoo naman ang lahat ng sinasabi ni Mak. Hinahayaa
Tumayo si Andy. Naiinis siya sa sarili dahil habang nasa conference siya kanina ay si Catherine ang naiisip niya. Kahapon ngang napadaan siya sa department store ay puros mga pambatang kagamitan ang naiisip niyang bilhin. Two weeks na siya dito sa Amerika at wala siyang ginawa kundi ang magtrabaho. Ni hindi nga niya naisipang mag-good time man lamang. Maski siya ay naninibago sa kanyang sarili ngayon. Sobrang inspired siya lalo pa at naiisip niyang magkakanak na siya. Gusto niyang maging responsible parent. At ipinapangako niyang bubusugin niya ng pagmamahal ang magiging anak nila ni Catherine. Ngayon pa lang ay di na siya makapaghintay na umuwi. Kung dati ay mas gusto niya ang buhay sa Amerika, ngayon ay parang hinihila na ang mga paa niyang makabalik ng Pilipinas. Kung hindi nga lamang kinakailangan niyang asikasuhin ang itinatag nilang business sa partner niyang Amerikano ay hindi siya magpupunta dito sa Amerika.
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka