Share

Mistake Vs Lies
Mistake Vs Lies
Author: Rty

Chapter 1

Sinikap ni Hanna ang gumising ng maaga ng araw na iyon, dahil alam niya na iyon ang araw ng pagbabalik ni Dan mula sa isang business travel sa paris halos dalawang linggo rin kasi ang nakalipas mula ng ito ay umalis kaya hindi niya maipagkakaila sa kanyang sarili na nasasabik na ang kanyang mga mata na makita ang lalaking Ama ng Sanggol na nasakanyang sinapupunan na sa ngayon ay nasa limang buwan na. Bahagya pa niya itong hinaplos at napangiti pa siya ng maramdaman niya ang ilang beses na pagsipa at paggalaw nito na tila nararamdaman at nakikita ang kanyang ginagawang paghaplos dito. 

Hingal niyang tinapos ang paglilinis ng buong bahay na iyon tatlong silid at dalawang malawak na sala area at kitchen, Ayaw kasi ng Asawa niyang si Dan na magulo at maalikabok ang bahay ngunit hindi ito kumukuha ng kasambahay para makasama niya. Tanging labandera lamang pinapayagan nito na mamasukan sa kanila isang beses sa isang linggo kaya kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay siya parin ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay doon. 

Saglit muna siyang naupo at bahagyang itinaas ang kanyang dalawang paa upang panandaliang maibsan ang pagod sa paglilinis bago niya balak maligo at maglinis ng kanyang katawan ng hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya mula sa kanyang pagkakasandal sa malambot at mahabang sofa. Ilang saglit pay naalimpungatan nalamang siya sa sunod sunod na malakas na pagkatok sa pintong hindi nalalayo sa kanyang kinaroroonan. 

"Sandali nandiyan na,." Pilit at mahinang sagot pa niya habang bahagya pa siyang napalugod sa kanyang mga mata dala ng matinding antok, Ewan ba niya ngunit iyon ang epekto ng kanyang pagdadalang tao lagi siya nitong hinahatak sa pagtulog. 

Ngunit tila nawala ang kanyang antok ng pagbukas niya ay mabungaran niya ang matalim at nanlilisik na mga mata ni Dan na titig na titig sa kanya dahilan upang mabilis nanaman siyang makaramdam ng matinding takot at walang tigil na pagkabog ng kanyang dibdib.

"Dan i_kaw pala,.. ' aka_la ko kasi mamaya kapa uuwi kaya umidlip muna ako.. "  

Mabilis na sambit niya sa lalaki at pilit parin niyang inginiti ang kanyang mga labi kahit na ramdam niya ang tension sa anyo nito, kasabay pa noon ang napakahirap ipintang pagsasalubong ng makakapal na kilay nito.

Saglit na umawang ang manipis na labi nito kasabay ang pag iling iling ng ulo.

"At sinung niloloko mo..?!!!" Ha...!!" 

Kasabay noon ang mabilis na paghablot ng lalaki sa kanyang mahaba at nakalugay na buhok.  

"Ang sabihin mo,..' Nakipaglandian ka nanaman sa lalaki mo..!! " 

"Malandi ka...! " Sagot nitong mashinigpitan pa ang pagsabunot sa kanyang buhok. 

"Ahh..." Aray ko Dan,.. Bitawan mo ang buhok ko, wala akong ginawang masama.." Sambit niya habang pilit niyang kinakalas ang mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanyang buhok at kasabay noon ang mabilis na pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.. 

"Talaga ba, ha..?!! " bakit ang tagal tagal mong magbukas ng pinto,.. " Patuloy na pagtataas parin ng boses nito sa kanya at tila maghihiwalay sa kanyang ulo ang kanyang anit ng pakaladkad pa siyang hilahin ng lalaking si Dan patungo sa kanilang silid,.. Wala na siyang nagawa kundi ang humagulhol lalo pa, ng ibalibag siya nito at mabilis niyang maramdaman ang pagbangga ng kanyang tagiliran sa Kanto ng kanilang kama at dooy ramdam niya ang nakapanghihinang kirot na tila bumalot sa kanyang buong katawan.. 

"Wala akong ginagawang masama Dan.."

Nanghihinang sagot pa niya habang tuluyan nang bumagsak ang kanyang puwitan sa sahig at walang sigundong naramdaman niya ang mainit na likidong umaagos mula sa maselang bahagi ng kanyang katawan. 

"Aaah..!!" arAy ang sa-kit ng tiyan ko.."

"Wag mo akong dramahan,..!' Haliparot na babae..!!"  

"Alam ko' na nakipaglandian ka nanaman sa lalaki mo!! habang wala ako...!! " Mariin paring giit nito kahit na namimilipit na siya sa matinding pananakit nang kanyang tiyan.

Muli pa sana siya nitong hahaplutin ngunit na tigilan na lamang ito at taranta siyang binuhat mula sa sahig ng makita nito ang naguumpisang pagkalat ng mga likido ng dugo mula sa kanyang sinapupunan. 

"Ang baby natin,,,,.. Dan.." Huling wikang nabigkas niya bago pa siya tuluyan nawalan ng malay dala ng matinding pamimilipit ng kanyang tiyan.

"Mrs. Valdez,.. kamusta na po ang pakiramdam ninyo..?" Kaagad na boses na pumasok sa kanyang tenga ng bahagya niyang igalaw ang kanyang kamay. 

Maaliwalas na paligid at kulay puting mga kurtina ang bumungad sa kanyang mga mata ng bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata.. At kung Hindi siya nagkakamaliy nurse ang babaeng kanyang natatanaw mula sa kanyang kinahihigaan, ilang saglit pay nakangiti itong humarap papalapit sa kanya. 

"Nurse kamusta po ang baby ko..?" Tanging naisagot niya sa maamong anyo ng nurse na iyon. Wala na siyang pakiramdam sa kanyang nararamdaman ng sandaling iyon tanging ang nais lamang niyang malaman ay kung maayos ang kalagayan ng kanyang anak na nasakanyang sinapupunan. 

"Wag po kayong mag alala Mrs. Valdez' Okey lang po ang baby ninyo,.. Mabuti nalamang po at kaagad po kayong dinala dito ng inyong asawa at kaagad po namin kayo nabigyan ng pampakapit para sa baby ninyo.." Kaagad na wika nito na nagpaluwag sa kanyang dibdib. 

"Alalay nalang po sa pagkilos at sikapin po ninyong maging maingat sa mga gawaing bahay, at syempre ituloy po ninyo ang pagtake ng inyong mga vitamins." Patuloy pang advice nito sa kanya.

"Thank you po,.." Tanging sagot nalamang niya sa nurse na iyon at pilit niyang iginala ang kanyang paningin sa kwartong iyon. 

"Si Sir Dan po ba ang hinahanap ninyo..?" Umalis din po siya kaagad kanina pagkatapos niya kayong ihatid dito,. Ibinilin nalamang po niya na kapag nagising kayo ay sabihin na umattend siya sa isang importanteng meeting.. " Muling dugtong pa nito sa kanya na muling nagpasama ng kanyang loob, kaganu ba kaimportante ang meeting na iyon na kahit nasa piligro siya at ang kanilang anak ay Hindi nito magawa ang magalala sa kanila at tila wala na itong pakialam sa kalagayan niya maging sa kanilang magiging anak.. 

"Ibinilin din po ni Sir na kapag naging okey na kayo ay ipasusundo na lamang po niya kayo sa kanyang driver.." Dag Dag pang wika ng nurse sa kanya at pagkatapos ng winika nito ay nagpaalam na sa kanya upang lumipat sa ibang paseyente, at pagkaalis ng babae ay tuluyan ng nagunahan ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina pa niyang pinipigilang pumatak. Dahil masmasakit pa sa pananakit ng kanyang asawang si Dan ang katutuhanang tila wala na itong natitirang pagmamahal sa kanya maging sa batang nasa kanyang sinapupunan. Malayong malayo sa Dan na nakilala niya noon na punong puno ng panunuyo at pagmamahal sa kanya na ni halos Hindi nito hinahayaan na madapuan at makagat siya ng kahit anung insecto. Sumalit ngayon ay daig na nito ang mabangis na Leon na sa tuwing makikita siya ay nais na siya nitong pirapirasohin at bawian ng buhay. 

Ilang saglit pay napahinto siya sa kanyang paghikbi at dali dali niyang pinalis ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga pisngi ng kaagad niyang marinig ang isang pamilyar na boses sa kanyang pandinig,. At kasabay nooy nagumpisa nanaman ang pagkalabog ng kanyang dibdib. 

"Iwan mo muna kami nurse,. Gusto kung makausap ang asawa ko.." Kaagad na wika pa nito ng bumukas ang silid na iyon sa nurse na nasalikuran nito, na agad din naman sinunod ng nurse na kausap niya kanina lamang.. Habang Hindi niya mapigilan ang lalong pagbilis ng tibok ng kanyang dibdib lalo pa marinig niya ang mabilis na pagsara ng pinto ng silid na iyon. 

"Bukas nang umaga ay Ipasusundo kita kay Mang Victor at siya na ang maghahatid sa iyo sa bahay.." Pag uumpisang sambit nito sa kanya habang kapansin pansin ang pagiging mahinahon sa tema ng pananalita nito ngunit wala siyang anumang salitang balak ilabas sa kanyang mga labi takot siyang baka magumpisa nanamang uminit ang ulo nito at saktan nanaman siya sa ganoong sitwasyon. 

Maya mayay tumunog ang telepono nito na kaagad din naman nitong sinagot.

"Yes hello.." I'll call you later,...Okey.."

"By the way,.. I have to go' may kailangan akong kausapin,." Kasabay ng winika nito ay pagumpisa nitong paghakbang palabas ng silid na iyon, ni Hindi manlang nito kinamusta ang kalagayan ng kanilang anak sa kanyang sinapupunan bagay na muling nagpabigat ng kanyang kalooban. 

"Dahan dahan po kayo ma'am aalalayan ko kayo sa inyong pagbaba,. Kabilin bilinan ni Sir Dan iyon sa akin dahil kung hindi ay tiyak na mayayari ako.." Kaagad na turan pabirong wika ni Mang Victor ng akma siyang pababa sa sasakyan, at kaagad nga nitong inabot ang kanyang braso upang alalayan siya. 

Pagkababa niya ay kaagad namang sumalubong sa kanya ang isang may kaidaran nang babae na sa tingin niya ay nasa sengkwenta anyos na ito. 

Magandang araw po ma'am,.. Pinadala po ako ni Sir Dan Dito dati po akong kasambahay ng kanilang pamilya.

"Ay ou nga pala ma'am nakalimutan kung banggitin sa inyo si Aling Teta nga pala, dating kasambahay nila ng buhay pa ang mga magulang ni Sir Dan.." Kaagad na sabat ni Mang Victor upang ipakilala ang babaeng kanyang kaharap. 

"Ah ganoon po ba, sige po pumasok po muna tayo sa loob siguro naman po ay nabanggit na ako ni Dan sa inyo Aleng Teta.." Kaagad namang tumango at napangiti si Aleng Teta upang sang ayunan ang kanyang tinuran...

 "teka ma'am anu po pala ang gusto ninyong meryenda,. ipaghahanda ko po kayo. " kaagad na wika nito dahilan upang mapsisip siya dahil ang tutuo ay nakararamdaman na talaga siya ng matinding gutom halos bente kwarto oras na din kasing walang lamang ang kanyang sikmura.  

"Ah kahit sandwich nalang po at pineapple juice.. " 

Ewan ba niya ngunit simula ng siya ay nagdalang tao ay paburito na niya ang pineapple juice na noon namay ayaw na ayaw niya na umiinom nito. 

"Sige ma'am maupo muna kayo at ikukuha ko kayo." Mabilis at nakangiting tugon nito sa kanya at dali dali ng tinungo ang kusina upang ikuha siya ng meryenda. 

Pasado alas syete na ng gabi ng gabing iyon, at katulad kaninang tanghali ay tanging si Aleng Teta ulit ang kanyang kasabay maghapunan,. Sanay narin siya masmabuti nga ngayon at may kasabay na siya sa tuwing kakain, dahil kadalasan ay hindi din naman siya sinasabayan ni Dan sa oras ng pagkain. Madalas kasi late na ito kung umuwi at kung minsan naman ay kumain na ito sa labas bago umuwi ng bahay minsan naman ay sinasadya nito na balewalain ang kanyang ihinandang pagkain para dito. 

Matapos nila maghapunan ay naglinis na siya ng kanyang katawan at nagpahinga dahil iyon ang kabilin bilinan ng Dr. Niya ang magpahinga siya ng maaga at iwasan ang magpuyat, kaya naman ay hinayaan na niya na tuluyan siyang talunin ng antok at tuluyang mahimbing.   

Tanging sinag ng araw ang siyang gumising sa kanya ng lumusot iyon sa gilid ng kurtina,. Dali dali tuloy siyang napabangon sa kama ng tingnan niya ang maliit na orasang nakapatong sa ibabaw ng lamesita, Halos mag aalas otcho na pala ng umaga masyado yatang napahimbing ang kanyang tulog at maging ang pag uwi ng kanyang asawang si Dan ay hindi manlang niya naramdaman. 

"Good morning ma'am.." Kaagad na pagbati ni Aling Teta sa kanya. 

"Good morning din po,." Tipid na tugon din naman niya. 

"Si Dan po maagang umalis..?"

Dugtong niyang tanung dito habang ipinaghahanda siya nito ng kanyang almusal.

"Hindi pa po siya dumadating ma'am.." 

"Hindi po ba niya sinabi sa inyo na hindi siya nakakauwi kagabi..?" Pagbabalik na tanung ni Aleng Teta sa kanya, dahilan upang makaramdam nanaman siya ng matinding kirot sa kanyang dibdib dahil tila maslalong binabalewala na siya ng tuluyan ng asawa niyang si Dan, ni kahit isang tuldok na message ay wala siyang natatanggap mula sa lalaki. 

Ngunit anu paba ang magagawa niya kailangan niyang tanggapin at tiisin ang lahat ng iyon dahil kasalanan din naman niya iyon kung bakit tila naglahong parang bula ang pagmamahal nito sa kanya na nooy umaapaw at sobra sobra na tila walang katapusan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status