[Ice Queen Samson]
I'm Ice Queen Samson literal na ice queen dahil kina-iilagan ng lahat, 18 years old, a first-year college student in BS Architecture course.My great-grandpa owned this Samson University, na napunta sa grandpa ko. Aside from colleges, dito din ang junior and senior high.Today's my first, and I was on my way to class when a student abruptly bumped into me.My eyes narrowed as one corner of my lips rose sa lakas ng impact napa haplos ako sa braso kong nasaktan.Ouch!!!Sa lanyard ng ID niya nalaman kong first-year college din to, ibang course nga lang."S-sorry.." Pinagmasdan ko lang siya na natatarantang pinulot ang nagsilaglagan at kumalat sa sahig niyang gamit.Unang araw ko pa lang masisira ata agad wala pa man sa kalahati."Wala ka bang mata?!" May diing himutok ko.Sinusundan lang siya ng mga mata ko at sa likod ng utak ko sina-sabunutan ko na siya."Sorry," Muling sambit nitong nagtama ang mga mata namin sa pagtayo niya."This isn't a track and field. You are in the corridor, Miss Eyeglasses." May iritang saad ko.She's wearing a glass with a black frame, but I still managed to see her blue orbs that took my attention a speck, perhaps for having mixed blood, a foreigner pero di sapat yun para palagpasin ko ang nangyari."Again, sorry." Nakasimangot akong hindi pinansin ang sinabi niya saka padabog ang mga hakbang na umalis.What's the use of her sorry? The damage has been done—Mababalik ba nun ang nangyari.Ang tanga lang.. Nakakainis.. Sira agad ang mood ko.Pabagsak kong ibinaba ang bag ko ng makapasok ng room at makapili ng pwesto."Ang Ice Queen bad trip unang araw pa lang.." Banat agad ni Drei, one of my exes.Ewan ko ba kung bakit hanggang sa napili kong course sinusundan ako ng ulupong na to.If I know hindi pa siya nakaka-move on sa'ken.Naging kami nung junior high at last month lang nag break. Nahuli ko kasi siyang may ka sex sa condo niya.He's my long, serious relationship—lahat naman pero iba kasi yung i-ninvest ko sa kanya like higit kaysa sa mga past ko.Primarily 'cause I introduced him to Mom and my sister Izzy.Ang gago hindi na nakapag antay. Date to marry kasi ako at ibibigay ko lang yun sa taong pakakasalan ko.Yes.. I'm still a virgin! And I'm proud of that.Hindi ko pinansin ang sinabi ni Drei at bumalin lang ako sa bagong bili kong phone."Hey! Ice!" Heto na ang best friend kong si Rafa patakbo sa pwesto ko."Oh! Bakit ganyan ang mukha mo?" Inirapan ko kasi siya bago bumalik uli sa phone ko. Ang ingay kasi, nabubulabog ang mga veins ko.Pumuwesto ito sa tabing upuan at hinila yun palapit sa akin. Nagawa pang batukan si Drei.Deserved!Saksi si Rafa kung paano akong umiyak kay Drei. Hindi naman yun ang una at parang lahat naman ng naging ex ko iniyakan ko.O baka mababaw lang din talaga ang luha ko. I don't know. Most people here at Samson University find me intimidating, unapproachable, and cold-hearted.They come up with that impression without personally knowing me. So, pinanindigan ko na lang.Pagdating sa relationship nabibilang ako sa mga gustuhin pero hindi pinu-pursue.Saklap lang ng reality nuh? Kahit gaano ka pa kaganda, kalambing o kahit super ma-effort ka pa kapag ginusto talaga nilang magloko, all your exceptional qualities will be thrown to the trash. Just like that.Mga manloloko kasi ang mga animal. Sa ganda kong to talaga naman kahit panget talaga nakukuha pa ding magloko."What's wrong?" Tanong niya ulit pero wala ako sa mood kaya hindi pa din ako nagsalita.Sunod naman ang pagdating ng isa ko pang best friend pero lalaki. Pumuwesto naman ito sa kabila at gaya ni Rafa hinila din ang upuan.Nasa gitna tuloy ako ng dalawa. "Sinong umaway sa Ice Queen ko?" Akala mo nag aanunsyo lang sa lakas ng boses niya.Napatingin pa tuloy ang ibang student. Di ko lang din to pinansin dahil wala na talaga ako sa mood.Ewan ba. Ganito talaga ako kapag nainis magtutuloy tuloy na."Ice Queen!" Taas ang dalawang kamay na pumuwesto naman sa harap ko si Kera, another close friend of mine.Silang tatlo lang ang totoong nakakakilala sa'ken. Nasasabayan nila ako sa ugali ko at ganun din ako sa kanila."Today is the start of your penitence." Bungad nitong may pang aasar. Umikot lang ang mga eyeball ko. Lalo pa ata akong maiinis.Ako kasi ang natalo sa inuman kagabi sa bar nila. Ewan ko ba at first-time kong malasing.Malakas ang tolerance ko pagdating sa alak pero kahapon tila nawala yun.Iniisip ko nga baka may nilagay sila sa inumin ko para talaga matalo ako sa pustahan.Pero hindi pa naman ako totally talo. Nakagawian na namin every year ang larong yun."Fine.." Pagsisimula ko habang wala pa ang prof namin. "Alright!" Excited na banat ni Rafa.Nagmukha tuloy kaming may hidden agenda at nasa center pa ang kumpulan naming apat."So, anong gagawin ko??" May challenge/consequence kasi para sa unang nalasing kagabi.The whole fucking year wala akong choice kundi gawin ang isang mapag kasunduan nilang upshot para sa pagkatalo ko."Bisexual ka naman diba?" May pagtaas baba ng kilay na hayag ni Xander, ang guy best friend ko."So?" Tipid kong tugon, pinagkrus ang mga kamay at ganun din ang mga hita ko at sa kawalan ang naging tingin.Nakuha pang mag usap ng tatlo gamit ang mga mata nila na ikinakunot ng noo ko.Anong binabalak nilang ipagawa saken? Mga animal din ang mga to."We have our prey." Si Kera naman ang nagsalita."Don't worry, Ice. We know you can do it. Wala ka naman hindi kayang gawin diba?!" May paghahamong salita ni Rafa."Oh! c'mon guys, get to the point." Nauubusan ng pasensyang bwelta ko."There is this girl na kailangan mong..." Na kay Xander na ngayon ang focus ko."Ano? Who's the lucky girl?" Ayaw pa kasing sabihin agad. May pabitin effect pang nalalaman ang animal."Makikilala mo din siya. Wag kang atat." Dugtong ni Kera.Nagkaroon talaga sila ng oras makahanap ng mabibiktima? Ang gagaling ng mga animal na to."Her name is Avry Valeri Blossom-""At talagang may pangalan na agad. Huh." Putol ko kay Rafa na nagtaas baba ang kilay ko kasabay ng pag tango tango ng ulo ko."Of course kami pa ba. Actually sa bar lang din namin to napulot." Halos sabay nilang paliwanag."Anong kinalaman ng babaeng yun sa ipapagawa niyo sa'ken. Aber?!" Medyo high pitch na ko sa part na yun."You have to make her fall in love with you.." Sabay sabay na sila ngayon."Oh! Gosh! Wala na bang iba? Yun lang ba?" Lahat naman kasi nakukuha ko kaya malakas ang loob ko.Nabebend ko nga pati straight.Umiling iling si Xander. "See, I told you guys. Dapat nag isip tayo ng mas mahirap." Pag aalangan ni Rafa."Aha.. Wag magsalita ng tapos..." Napunta kay Kera ang mga atensyon namin. "..Valeri is different. Good luck sayo, Ice." May tunog pananakot nito."Why? Do you know her?" Usisa ni Xander."Not personally, pero nakikita ko siya sa village namin.""Nakikita lang nasabi mo agad na different?" Banat ni Rafa kay Kera.Tignan mo ang mga animal, sila na ang nag usap usap habang ako tahimik dahil naiinis pa din ako.Wala akong pakialam sa pinag uusapan nila dahil I'm 100% sure na hindi uubra sa ganda kong to ang Avry na yun. Kung sino man yun.Wala pang tumanggi sa isang Ice Queen. Isa pa paiibigin hindi naman jojowain ng matagal.Basic!Naalala ko nanaman ang babaeng nakabangga sa ganda ko.May araw din siya sa'ken—Hindi pa kami tapos.After ng dalawang subject namin hudyat na ng lunch kaya diretso ang tropa sa cafeteria."Xander...." Bulyaw ko rito na nasa kanan ko."What?!" Kasunod ng pagbigay ng bag ko sa kanya. Napatingin din ang dalawa pa naming kasama."I'll catch up." Sabi ko saka tumakbo papunta ng comfort room.Umihi lang naman ako.After ko ng cubicle at hugas ng kamay palabas na dapat ako matapos kong maitapon ang tissue na ginamit ko sa trash can.Napakunot ako habang slow mo sa paghakbang.Bakit ba siya nakayukong naglalakad? Like what the hell? Umiral ang kamal ditahan ko at sinadya kong hindi umiwas.Bumangga ng bahagya ang nakatungo niyang ulo sa dibdib ko."S-sorry..""It's you again.."Hinanap ko agad sila Kera ng makasunod ako ng cafeteria. Nakita ko naman sila agad dahil sa pagkaway ni Rafa. Palakad takbo akong lumapit at naupo sa tabi ni Kera. "Nag order na si Xander." Bungad ni Rafa. Napansin ko ang pagiging abala ni si Kera sa phone niya na kina-simangot ko.If I know ka chat nanaman niya ang cheater niyang boyfriend. Ewan ko ba at maraming tanga sa pag ibig dito sa earth. "Hoy! Kera!" Aba at wala pa ding lingon. Batuhin ko nga. "What??" Inis ang mukha nitong napaharap sa akin. "Don't tell me nagkabalikan nanaman kayo??" Himutok ko. Ayoko talaga sa lahat cheater. Never akong bumalik kapag ex ko na. "Let her be, Ice. You know her." Awat naman ni Rafa na nasa tapat ko. Umikot lang tuloy ang mga maganda kong eyeball. "What did I miss?" Nilapag ni Xander ang isang tray. Pinagkasya talaga ng animal ang lahat ng pagkaen naming apat. "Kera, as usual, being Kera." May pag irap ko sa gawi ng katabi ko. Tumango tango lang si Xander na tumabi na din kay Rafa. Al
"Maybe because right now, you are thinking how you gonna make her fall in love with you." May halong pagtawa ni Kera. "Are you ready to lose? Hmm, Miss Ice Queen?!" Dagdag pa nitong obvious na nang aasar. Kung di ko lang talaga siya kaibigan at mahal baka kanina ko pa to nasabunutan."I'm not gonna lose, and besides, it's too early for you to say that, Kera. I still have 364 days to accomplish my mission, you know." Confident kong balik sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mata. Nanahimik na ang lahat ng makapasok kami ng room. Sunod din naman ang prof namin kaya hindi na din talaga kami nakapag daldalan pa. Saglit lang ang naging klase namin kasi first-day pa lang naman. May 15 mins pa kami para sa last subject kaya balik nanaman ang tatlo sa dating topic. Mukhang the whole year ako ang magiging usapan nila. Nakakabagot yun. "So, what's your next move?" Panimula ni Rafa. "Pwede naman agad sumuko para hindi na masayang ang buong taon mo, Ice." Ito nanaman si Kera na napaka negati
Nakayuko nanaman siya habang naglalakad. Ang Creepy talaga. Mas binilisan ko pa ang paghabol dahil halatang ayaw niya sa presensya ko. "Miss.. Okay ka lang?" Agaw atensyon ko rito pero maliban sa pagiging Creepy, bingi din ata. "Pauwi ka na ba? Sabay na tayo.." Wala pa din siyang imik. Mukha na akong tangang naghahabol at nanunuyo sa nagtatampong girlfriend. Yeah, tama kayo ng dinig. Marunong akong manuyo pero sa babae. Kapag lalaki ang karelasyon ko never in history na mangyayari yun kahit kasalanan ko pa. "Hey. Valerie." This time, hinawakan ko na siya sa siko na agad ko din namang ikinabitaw dahil sa creepy nitong tingin roon. Sandaling dumaan ang anghel. Sobrang nilamon kami ng katahimikan. "If this is about bumping into you from the morning and in the washroom, I'm sorry. Anything else that you need?"Walang kaemo-emosyon niyang hayag. Parang kanina lang sa kanilang dalawa nung babaeng nakaaway niya. Akala ko hindi niya ako natatandaan dahil sa pag deadma niya sa akin ka
Nakatingin lang ako sa tatlong naglalaro ng billiards. Andito na ako ngayon sa hide out namin. Nasa isip ko pa din ang mga pinag gagagawa ko kanina. Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang ginawa ang mga yun. That's embarrassing. Wala pang tumanggi sa isang Ice Queen Samson. Siya lang. Ang Creepy, four eyes girl na yun. "Hey! Ice.. Where have you been?" Usisa ni Xander matapos sumargo. "Diyan lang." Matamlay kong sagot. Nakakahiya kung ikukwento ko sa kanila ang nangyari. Ang isang Ice Queen tinanggihan ng isang Creepy Girl? What the fuck diba?? Sino siya? Ano siya gold? "Ahh!!!" Napasigaw na lang ako sa biglang naalala sa sobrang yamot. "What happened to you??" Halos magsabay na tanong ng tatlo—Isang nakakalokong ngiti naman ang sunod na pinamukha sa akin ni Kera. Ramdam kong may kutob siya. "I told you. Valeri is different." Sambit nitong ikinatingin ng dalawa sa kanya. "Why? What happened?" Saka lang bumalik ang tingin sa akin ni Xander ng may pag aalala. Tumabi naman si Rafa
Ito na talaga ang pinaka worst na nangyari sa buong buhay ko. Malala pa sa lahat ng break up moments ko. "Arrgg.. Take it easy.." Pigil na pigil akong magalit—Heto lang naman ako at akay akay ang Creepy Girl na to papasok ng kotse ko. "Hooo." Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng masalampak ko siya sa passenger seat. Iniisip ko pa kung magpapaalam pa ba ako kela Rafa pero sa tuwing mapapatingin ako sa Creepy Girl na to hindi ko magawang umalis. After kong malock ang seat belt niya nagpunta na din ako ng driver's seat. Nag chat na lang ako kay Xander na nauna na akong umuwi. Bago ko pinaandar ang kotse, muli pa akong napatingin sa babaeng kasama ko. San ko siya ngayon dadalhin? Napamura na lang ako ng malala. Nang makarating ako ng parking lot bumalik nanaman ang frustration ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya dadalhin sa unit ko. Hindi naman siya mabigat pero ang hassle pa din. Never sa buong buhay kong dinanas ang ganitong sitwasyon. This was the first, and I wish it ne
"Bakit ka umuwi agad kagabi?" Nakadukdok ang mukha ko sa hawakan ng upuan ng maramdaman ko ang paghawak nitong nagsalita sa likod ko. Nag angat ako ng mukha pero walang salitang lumabas sa labi ko kundi isang buntong hininga. Wala akong maayos na tulog dahil buong magdamag akong nakaupo, nakasandal sa pintuan ng unit ko. Wala kasi akong tiwala sa Creepy Girl na yun. Umaga na ng payagan ko tong umuwi. "May sakit ka ba?" Muling usisa ni Xander. Umiling akong napatakip sa bibig ko dahil sa paghikab. I wanna sleep like crazy. Never pa akong umabsent sa buong buhay ko ng pagiging student. Kahit nga may sakit ako pumapasok pa din ako. Kaya kahit halos wala akong tinulog present pa din ako. "Can I have coffee? Xander, please." Tunog tila pinagbagsakan ng langit at lupa kong pagmamakaawa sa guy best friend ko. Babagsak na kasi talaga ang mga talukap ng mata ko. Baka palayasin ako mamaya ng Prof namin kapag ganito ang lagay ko. Hindi naman nag atubili si Xander. "Alright. I'll get you
"Y-yes, Mom.." Sabay ang pagtango habang nasa harap ako ng salamin, nag to-tooth brush. Nag vi-video call kasi kami ni Mommy. As usual, ang dami niyang bilin. Nasa Canada siya kasama ni Ate. Isang private nurse ang kapatid ko doon tapos si Mommy sa isang company nag wo-work, sa marketing department. Hindi ko alam exactly kung anong position niya. Mahalaga lang naman sa'ken ay masaya silang parehas.Mag-isa ko lang talaga dito sa Pinas at susunod na din kapag may green card na sila at naasikaso na ang pagkuha sa akin. Sabi ko naman, tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko saka kami magsa sama-sama. "Ang sabi ng ate mo, hiwalay na raw kayo ni Drei."Pinunasan ko ang labi at mukha ko matapos kong mag toothbrush at hilamos bago humarap kay Mommy. "Ang daldal talaga ni ate, kahit kailan," nakasimangot akong lumabi. Narinig ko ang pagtawa ni ate sa background. Ganitong oras ko sila nakakausap, 9 p.m. kasi 6 a.m. naman doon at yun ang free time nila. Miss ko na talaga sila. Even t
Five minutes bago ang sunod naming klase nasa room na kami ng mga kaibigan ko. Nasa isip ko pa din si Creepy Girl. Namangha ako sa galing at bilis niyang mag swimming. Hindi rin maikakailang maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi ganun kalapit ang pwesto namin kanina. Inaasar na nga ako ni Kera. Ako daw talaga ang ma-iinlove. Posible pero hindi pa din talaga ei. Malabo. As in malabo kasi sa ugali pa lang nito. Hindi na swak. After ng huling subject namin kanya-kanya na kami pagdating ng parking lot—Nasa loob na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay habang nakikinig ng music. "Oh shit!" Naibulilas ko sa biglaang pagbuhos ng ulan. Halos hindi na makita ang daan at nagdilim din ang kalangitan. Honestly, I hate rain. I felt alone and lonely and gloomy when it was raining. Habang binabagtas ang daan napansin ko ang nakahintong pulang kotse. Napatingin lang naman ako ron, no reason in particular until maningkit ang mga mata ko sa paglabas ng babae. Siya nanaman?