Nakatingin lang ako sa tatlong naglalaro ng billiards. Andito na ako ngayon sa hide out namin.
Nasa isip ko pa din ang mga pinag gagagawa ko kanina. Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang ginawa ang mga yun.That's embarrassing. Wala pang tumanggi sa isang Ice Queen Samson. Siya lang. Ang Creepy, four eyes girl na yun."Hey! Ice.. Where have you been?" Usisa ni Xander matapos sumargo."Diyan lang." Matamlay kong sagot. Nakakahiya kung ikukwento ko sa kanila ang nangyari.Ang isang Ice Queen tinanggihan ng isang Creepy Girl? What the fuck diba?? Sino siya? Ano siya gold?"Ahh!!!" Napasigaw na lang ako sa biglang naalala sa sobrang yamot."What happened to you??" Halos magsabay na tanong ng tatlo—Isang nakakalokong ngiti naman ang sunod na pinamukha sa akin ni Kera.Ramdam kong may kutob siya. "I told you. Valeri is different." Sambit nitong ikinatingin ng dalawa sa kanya."Why? What happened?" Saka lang bumalik ang tingin sa akin ni Xander ng may pag aalala.Tumabi naman si Rafa, "Wanna talk about it?" May paghaplos pa sa likuran ko.Imbis bigyan kasagutan ang mga tanong nila.. ," who wants to drink? My treat.."Natahimik lang ang dalawa habang si Kera tumalon talon pa sa tuwa.So ayun na nga, naisipan namin magpunta ng Booze up club na pagmamay ari ng pinsan ni Xander kaya nakapasok kami.Maiba naman at hindi laging kela Kera.Naranasan pa namin one time hindi mapa pasok sa isang club. Ayaw kasing maniwala na hindi na kami underage. Di ko naman sila masisi kasi baby face ako.Si Xander ngayon ang nakikipag usap sa waiter para sa mga order namin habang si Rafa nasa ladies room at itong si Kera malamang nasa phone nanaman ang atensyon.Ewan ko talaga sa babaeng to. Ganun ba talaga kahirap pakawalan ang isang tao?Hindi ko talaga makuha yung best explanation bakit may mga taong hirap bumitaw sa isang relasyong puro sakit naman yung dulot sayo.Ang tanga lang kasi. Paulit ulit ang panloloko sa kanya ng cheater niyang boyfriend pero sa tuwing bumabalik, tinatanggap ng animal.I will never ever be like that—such a loser.Pagkabukas ni kuya sa mga alak kumuha agad ako ng isa. Hindi ko na nga sinalin sa basong nasa harap ko lang at tinungga na yun."May problema ba, Ice?" Napatingin ako kay Xander habang nasa bibig ko pa ang ulo ng Smirnoff."Nothing." Sagot ko ng mailapag ang hawak ko. Yung last na inom namin dahil pa yun kay Drei, sa ex-boyfriend kong cheater din.Hindi kasi talaga ako umiinom. Pero hindi naman ibig sabihin may problema ako kapag umiinom.Sometimes, it is also my way to celebrate. "Rafa, dito ka na." Alok ko ng makabalik ito galing banyo."Hulaan mo sinong nakita ko," May pagtaas baba pa ng kilay nito.Parang nakita ang idol niyang SB19 sa personal ang itsura nito."Sino??" Parang nabuhayang lumapit si Kera. Kita mo tong babaeng to, pagdating sa chismis alive na alive."The who?" Si Xander naman ang nagsalita."It's four eyes." Sandaling naglakbay ang isip ko sa sinabi ni Rafa. Anong ginagawa nun dito? May problema ba siya?"Hoy! San ka pupunta?" Tumayo kasi ako para alamin kung si Avry nga ang nakita ni Rafa.Pagdating ko ng banyo walang tao ron. Ginu good time lang ata ako ng animal.Lalabas na sana ako matapos kong icheck ang mukha ko kung fresh pa ba ako ng marinig ko ang pagsusuka ng isang babae sa dulong cubicle.Nakaawang yun kaya kita ang nasa loob. Hindi nga lang makilala kasi nga kulang na lang sumubsob sa inidoro."Hey, Miss, are you alright?" Malamang hindi kasi nagsusuka nga. Nagtanong pa kasi ako.Patuloy lang to sa pagsusuka kaya lalabas na sana ko pero naawa naman ako kasi baka mapano siya."Hey, okay ka lang ba?" Napahawak na ako sa likuran niya at sinusubukan tignan ang mukha niya pero ang kamay nito pilit akong tinataboy.Ako na nga itong nagmama gandang loob nakuha pang pairalin ang pride."Valeri?!" Nangunot ang kilay ko ng mapagtantong tama si Rafa. Mas natuloy ang paghagod ko sa likod niya hanggang matapos ito sa pagduwal.Napaupo at sandal ito. Halatang struggle siya. Teka kanina pa ba siya rito? Parang kailan lang ng maghiwalay kami sa university.Tumayo ito at akmang lalabas pero napahawak siya sa walls sa pagkahilo. Napahawak din tuloy ako sa braso niya para di siya ma out balance.Nang marealize ata niyang may kasama siya, napatingin siya sakin. Titig na titig. "Are you stalking me??"What?? Ako? Ang isang Ice Queen Samson mang iistalk? No way! Never in my whole existence."You know what. You are too confident to say that. Of course not, I'm not. My best friend saw you." Bakit ba ako nagpapaliwanag?Defensive ka girl??Hindi na siya nagsalita at di na din umangal ng alalayan ko siya sa paglabas.Sandali itong sumandal sa edge ng sink at nasapo ang sintido. I know sumasakit ang ulo niya. Inom pa more.Ginusto mo yan eh. Siguro broken-hearted ang isang to pero mukhang ang lala kasi hanggang school nadadala."You can leave me now." Wala man lang thank you?"Are you sure? Is there anyone with you? Para masamahan ka, or let me take you to your table-""No, I'm fine. You don't have to." Yeah you look fine. Mukha nga Creepy Girl. Tsaka patapusin mo kong magsalita.Attitude ka girl.Napansin kong suot pa din nito ang sirang salamin."Malabo ba mata mo?" Bigla ko na lang naitanong."Why?""Your glass was broken. Do you need to wear it still?"Oo, Ice.. Ako na lang sumagot sa sarili kong tanong pero sa utak ko lang.Nang subukan niyang lumakad muli nanaman siyang muntikang matumba. Mabuti na lang mabilis at flexible ako.Nasalo ko siya agad. "Let me take you. It's not a big deal, Avry. I won't ask for anything if that's what you were worrying about."Pumayag na din naman to pero pagdating namin sa table niya walang mga tao—Mag isa lang siya kung ganun pero ang dami ng empty bottle.Hindi ko tuloy siya magawang iwan kasi baka mapano siya. Uso ang gang rape."Now you can go." Tinataboy nanaman niya ko. Ang hirap niyang tansyahin.Masyado siyang matigas.Kapag ako napikon. Kung hindi lang talaga dahil sa consequence saken nila Rafa kanina pa to madaming narinig mula saken.Arggg nakakainis. Akala mo kung sino. Diba niya talaga ako kilala? Lahat kilala ako kaya imposible.Gosh.. This is unacceptable!"Don't you know me?" Mabuti pa ngang maitanong."Do I need to know you?" Shit! Mother fuc$&# That's an insult, offense. Ang Creepy Girl na to!Sumusobra na siya. Bumilog ang palad ko sa pagkabigla pero pigil na pigil pa din ako.Huminga ako ng malalim para hindi masira ang posture ko.Hindi na ko nagsalita at pinapanood na lang siyang uminom.Grabe ang lakas niyang uminom. Hindi pa ba siya lasing? Kaya pa ba niyang umuwi?Ano ganito ba sya lagi? Anong gagawin ko kapag bumulagta to rito? Oh shit, Rafa. Dapat kasi sinarili mo na lang na nakita mo siya.Ito na talaga ang pinaka worst na nangyari sa buong buhay ko. Malala pa sa lahat ng break up moments ko. "Arrgg.. Take it easy.." Pigil na pigil akong magalit—Heto lang naman ako at akay akay ang Creepy Girl na to papasok ng kotse ko. "Hooo." Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng masalampak ko siya sa passenger seat. Iniisip ko pa kung magpapaalam pa ba ako kela Rafa pero sa tuwing mapapatingin ako sa Creepy Girl na to hindi ko magawang umalis. After kong malock ang seat belt niya nagpunta na din ako ng driver's seat. Nag chat na lang ako kay Xander na nauna na akong umuwi. Bago ko pinaandar ang kotse, muli pa akong napatingin sa babaeng kasama ko. San ko siya ngayon dadalhin? Napamura na lang ako ng malala. Nang makarating ako ng parking lot bumalik nanaman ang frustration ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya dadalhin sa unit ko. Hindi naman siya mabigat pero ang hassle pa din. Never sa buong buhay kong dinanas ang ganitong sitwasyon. This was the first, and I wish it ne
"Bakit ka umuwi agad kagabi?" Nakadukdok ang mukha ko sa hawakan ng upuan ng maramdaman ko ang paghawak nitong nagsalita sa likod ko. Nag angat ako ng mukha pero walang salitang lumabas sa labi ko kundi isang buntong hininga. Wala akong maayos na tulog dahil buong magdamag akong nakaupo, nakasandal sa pintuan ng unit ko. Wala kasi akong tiwala sa Creepy Girl na yun. Umaga na ng payagan ko tong umuwi. "May sakit ka ba?" Muling usisa ni Xander. Umiling akong napatakip sa bibig ko dahil sa paghikab. I wanna sleep like crazy. Never pa akong umabsent sa buong buhay ko ng pagiging student. Kahit nga may sakit ako pumapasok pa din ako. Kaya kahit halos wala akong tinulog present pa din ako. "Can I have coffee? Xander, please." Tunog tila pinagbagsakan ng langit at lupa kong pagmamakaawa sa guy best friend ko. Babagsak na kasi talaga ang mga talukap ng mata ko. Baka palayasin ako mamaya ng Prof namin kapag ganito ang lagay ko. Hindi naman nag atubili si Xander. "Alright. I'll get you
"Y-yes, Mom.." Sabay ang pagtango habang nasa harap ako ng salamin, nag to-tooth brush. Nag vi-video call kasi kami ni Mommy. As usual, ang dami niyang bilin. Nasa Canada siya kasama ni Ate. Isang private nurse ang kapatid ko doon tapos si Mommy sa isang company nag wo-work, sa marketing department. Hindi ko alam exactly kung anong position niya. Mahalaga lang naman sa'ken ay masaya silang parehas.Mag-isa ko lang talaga dito sa Pinas at susunod na din kapag may green card na sila at naasikaso na ang pagkuha sa akin. Sabi ko naman, tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko saka kami magsa sama-sama. "Ang sabi ng ate mo, hiwalay na raw kayo ni Drei."Pinunasan ko ang labi at mukha ko matapos kong mag toothbrush at hilamos bago humarap kay Mommy. "Ang daldal talaga ni ate, kahit kailan," nakasimangot akong lumabi. Narinig ko ang pagtawa ni ate sa background. Ganitong oras ko sila nakakausap, 9 p.m. kasi 6 a.m. naman doon at yun ang free time nila. Miss ko na talaga sila. Even t
Five minutes bago ang sunod naming klase nasa room na kami ng mga kaibigan ko. Nasa isip ko pa din si Creepy Girl. Namangha ako sa galing at bilis niyang mag swimming. Hindi rin maikakailang maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi ganun kalapit ang pwesto namin kanina. Inaasar na nga ako ni Kera. Ako daw talaga ang ma-iinlove. Posible pero hindi pa din talaga ei. Malabo. As in malabo kasi sa ugali pa lang nito. Hindi na swak. After ng huling subject namin kanya-kanya na kami pagdating ng parking lot—Nasa loob na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay habang nakikinig ng music. "Oh shit!" Naibulilas ko sa biglaang pagbuhos ng ulan. Halos hindi na makita ang daan at nagdilim din ang kalangitan. Honestly, I hate rain. I felt alone and lonely and gloomy when it was raining. Habang binabagtas ang daan napansin ko ang nakahintong pulang kotse. Napatingin lang naman ako ron, no reason in particular until maningkit ang mga mata ko sa paglabas ng babae. Siya nanaman?
"Hey. Wake up.." Ramdam ko ang bahagyang pag uga niya sa balikat ko hanggang sa mag angat ako ng ulo. Tingin ko naka idlip ako habang inaantay siya matapos sa pagluluto. "Eat now." Napatingin ako sa mga pagkaeng nasa lamesa, sa harapan ko lng. Umuusok pa ang bagong saing na kanin pati ang- SINIGANG?? "That's my favorite.." Nasabi ko na lang sa sobrang pagkatuwa. Last na kaen ko pa nun si Mommy pa ang nagluto. Ibig sabihin ang tagal na. Maliban sa tipid at huling sinabi, tahimik na si Creepy Girl. Tunog lang ng kutsara, tinidor at pag nguya ata namin ang naririnig ko. Nakakasira ng ulo ang sobrang katahimikan. "Thank you." Sabi ko habang humihigop ng sabaw nung sinigang na niluto niya. Almost kasing lasa na ng luto ni Mommy."The rain had stopped. After this, I gotta go," Walang bahid emosyon niyang hayag. Grabe, iiwan niya talaga akong mag isa kahit pa alam niyang may sakit ako. Ang tigas. Walang puso. Mukhang paghihirapan ko talaga ng husto ang pagkuha pa lang sa loob niya. Ho
ISANG basang bimpo mula sa noo ko ang nalaglag sa ginawa kong pag galaw. Nag-aadjust pa ang mga mata ko sa pagdilat habang nag-iisip kung anong meron sa bimpo. Wala na si Creepy Girl. Saka ko naintindihan na siya ang naglagay nun sa noo ko. Inalagaan at binantayan niya ba'ko buong gabi? Kinapa ko pa ang sarili kung mainit pa ba ako pero thank god at normal na. Lumabas ako ng kwarto sa pag asang baka nasa living room lang siya pero talagang nakauwi na'to. Nakita ko naman na may kung anong natakpan sa ibabaw ng dining table. "Oh.. Nakuha pa niyang magluto?" Natanong ko na lang sa sarili ko pagkakita ng mga pagkaen. Meron pang pumukaw sa atensyon ko. Isang capsule na may nakadikit na note sa tabi nito. "Take your med after meal," diko namalayang nakangiti na pala ako at tila nag-init pa ang pisngi ko. Sunny side-up fried egg at corn soup? Wow! Sa bango ng naaamoy ko, di ko na napigilan kumuha ng bowl at maupo ulit para lantakan ang hinanda ni Creepy Girl. Nag-effort talaga siya m
DAHIL kasama namin si ma'am hindi ko magawang abalahin yung dalawa kung anu bang problema nila at hindi sila nag uusap."Ma'am, saglit lang po ah," paalam ko rito saka tumayo ng mamataan ko si Creepy Girl malapit lang sa table namin kasama si Alexa. "Do you want to get sick again?" Ito agad ang bungad niya sa akin ng makaupo ako sa tabi niya. Si Alexa naman tahimik lang sa tapat ni Creepy Girl na kumakaen ng sandwich. Nagtatakang napatingin ako kay Creepy Girl. "What?" tanong ko. "I saw you were carrying heavy things earlier," sabi nya ng hindi nakatingin sa akin—Naalala ko naman yung kaninang pagtulong ko kay ma'am. So kaya nya ako dinedma kanina? Ganun ba yun? Akala ko pa naman dahil may pagtingin na siya kasi sabi ni ma'am ung tingin niya, tingin ng nagseselos. Sabagay may bago ba dun? Ganun naman siya palagi. Pero at least concern siya diba? Concern tawag dun diba? Kung hindi anong tawag dun? May progress na ako sa mission ko—Dina masama. Magsasalita na sana ako para sa k
WALANG pasok ngayon kaya naisip kong libangin ang sarili ko ng mag-isa para maiba naman. Minsan kailangan din may me time. Hindi kasama sila Xander, Rafa at Kera. Isa pa mukhang nagkaka mabutihan na si Rafa at Kera sa isang linggong inoobserbahan ko sila. Ayoko silang pangunahan sa mga magiging ganap o desisyon nila sa buhay. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. May masaktan man saka ako reresponde. Doon ako manghihimasok. Nag commute lang ako papunta ng Baguio. Nakita ko lang sa tiktok ang pinagkakaguluhang coffee shop rito na tinawag na love is blind. Na-intriga ako kung bakit pinagkakaguluhan pero mas interasado akong malaman kung bakit ganun ang pangalan ng coffee shop. Pumila ako ng counter para umorder ng kape at cake. Habang nag-aantay ng turn ko, nasa phone ko lang ang mga mata ko. Napunta ako sa f@cabook hanggang hindi ko namamalayan nasa search ko na ang pangalan ni Avry. What the hell, Ice? Stalker na ba ako ngayon? Pero titignan lang naman. Hindi siya n