DAHIL kasama namin si ma'am hindi ko magawang abalahin yung dalawa kung anu bang problema nila at hindi sila nag uusap."Ma'am, saglit lang po ah," paalam ko rito saka tumayo ng mamataan ko si Creepy Girl malapit lang sa table namin kasama si Alexa. "Do you want to get sick again?" Ito agad ang bungad niya sa akin ng makaupo ako sa tabi niya. Si Alexa naman tahimik lang sa tapat ni Creepy Girl na kumakaen ng sandwich. Nagtatakang napatingin ako kay Creepy Girl. "What?" tanong ko. "I saw you were carrying heavy things earlier," sabi nya ng hindi nakatingin sa akin—Naalala ko naman yung kaninang pagtulong ko kay ma'am. So kaya nya ako dinedma kanina? Ganun ba yun? Akala ko pa naman dahil may pagtingin na siya kasi sabi ni ma'am ung tingin niya, tingin ng nagseselos. Sabagay may bago ba dun? Ganun naman siya palagi. Pero at least concern siya diba? Concern tawag dun diba? Kung hindi anong tawag dun? May progress na ako sa mission ko—Dina masama. Magsasalita na sana ako para sa k
WALANG pasok ngayon kaya naisip kong libangin ang sarili ko ng mag-isa para maiba naman. Minsan kailangan din may me time. Hindi kasama sila Xander, Rafa at Kera. Isa pa mukhang nagkaka mabutihan na si Rafa at Kera sa isang linggong inoobserbahan ko sila. Ayoko silang pangunahan sa mga magiging ganap o desisyon nila sa buhay. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. May masaktan man saka ako reresponde. Doon ako manghihimasok. Nag commute lang ako papunta ng Baguio. Nakita ko lang sa tiktok ang pinagkakaguluhang coffee shop rito na tinawag na love is blind. Na-intriga ako kung bakit pinagkakaguluhan pero mas interasado akong malaman kung bakit ganun ang pangalan ng coffee shop. Pumila ako ng counter para umorder ng kape at cake. Habang nag-aantay ng turn ko, nasa phone ko lang ang mga mata ko. Napunta ako sa f@cabook hanggang hindi ko namamalayan nasa search ko na ang pangalan ni Avry. What the hell, Ice? Stalker na ba ako ngayon? Pero titignan lang naman. Hindi siya n
AFTER ng tagpo namin ni Avry sa Love is Blind coffee shop hindi na siya masyadong cold sa'ken. Wala naman nagbago kung paano siya pero siguro this time medyo friends na kami, I think so. Nagtatanguan, nagbabatian kapag nagkukrus ang landas namin dito sa University. HABANG naglalakad papunta ng library nakita ko si Avry. As usual, kasama nanaman niya si Alexa. Buntot at anino nga ata talaga niya ang babaeng yun. "Hi," bati ko ng magtama ang mga mata namin, tumango naman siya, saka ako nagtuloy ng library. I was gonna signed up sa cosplay at Anime Club. Bakit ba kasi hindi na lang i-post sa bulletin board near the main entrance of University at kailangan pa talaga sadyain sa library. Si Rafa kasi sa Automotive & Robotic Club nag join, kasama niya si Kera. Palagay ko nasa next level na sila kung anumang meron sila. Si Xander naman sa sports, which is football. Ayaw kasi nun pinapagana ang utak. So, kanya-kanya na muna kami. Mga lunch na kami magkikita-kita. Wala kasi kaming klase
TAHIMIK ako ng makarating ng Cafeteria, ang daming tao at hindi ko pa nakikita yung tatlo kaya yung utak ko kung saan saan napunta. "Hoy!" Napaigtad ako sa gulat. "Fuck you! Kerara!" Nasabi ko na lang bigla, nahampas ko siya sa braso. Tumawa ito ng malakas na tuwang tuwa sa matagumpay niyang pang gugulat sa akin. "Gaano na kalayo ng narating mo?" Kunot ang naging tugon ko sa sinabi niya. Baliw ba to? "Ang layo kasi ng iniisip mo, Ice." Sabay ngisi ng animal. Pero totoo, malayo talaga.Gulong gulo ako dahil pumayag akong lumabas kami ni Avry na dapat hindi na. Nakita ko naman ang kamay ni Rafa na pumulupot sa kamay ni Kera. Sila na ba? Pero ginagawa ko din naman ang ganung gesture sa kanilang dalawa. "Doon tayo, guys," pukaw ni Xander na mukhang tahimik nanaman. I mean tahimik na hindi nakikisali sa usapan. Napapadalas ata ang pananahimik niya. Nang makaupo kami, gaya ng nakagawian si Xander na ang bumili ng kakainin namin kaya naiwan kaming tatlo. Himala at hindi nagcecellphone
DUMATING ang araw ng date namin ni Avry which is Saturday para walang pasok pati kinabukasan. I'm on my way now papunta ng bahay niya. Sinusundan ko lang yung waze, kung saan naka pin yung address na binigay sa'ken ni Avry. Malapit lang naman pala sa unit ko pero last time sabi niya malayo. Dahilan din lang siguro niya yun para hindi ko siya ihatid noon sa bahay niya ng masiraan siya ng sasakyan at sobrang lakas ng ulan. Nakita ko ang itim na gate na sinabi ni Avry at katapat ng TMZ Pet Shop. Nasa subdivision pala sila.Mabuti at pinapasok ako kanina sa guard house pero mukhang inaasahan na nila ang dating ko o baka akala ko lang yun. Kung anu anong iniisip mo Ice Queen... Saglit kong pinarada ang kotse ko saka bumaba. Nilabas ko ang phone na nasa bulsa ng suot kong fitted ripped jeans. Naka Ribbed Racer Back Cropped Tank Top ako na kulay maroon tas Korean white rubber shoes na may taas na two inches. Magulong nakalugay ang medyo curly at hanggang pwetan kong buhok tapos light m
DINALA ko si Avry dito sa paborito kong lugar. Isa itong open restaurant na katabi ng lake. Kapag sa gabi sobrang romantic gawa ng mga ilaw sa paligid. Sayang nga lang at maliwanag pa. Dito kami mag lulunch ni Avry tapos if game pa siya manood ng sine mamaya or kung ano pang gusto niyang gawin. Pwede din naman mag arcades o di kaya window shopping dahil wala naman akong masyadong pera para literal na mamili. "Where did you learn this place?" Tanong ni Avry ng makapili ng table at makaupo na kami. Abala ang mata niya ngayon sa paligid. Gandang ganda.. Sabi ko na at magugustuhan niya to, unang beses ko pa lang maisip. Una at last na punta ko rito ay mag-isa ko lang. Ugali ko na kasi talagang lumabas minsan ng mag-isa. Me time nga diba. "Sa tiktok," tila alangan kong sagot. Tumingin na siya sakin ngayon ng may nakakahawang ngiti. Bakit ngiting ngiti siya? Anong meron? May dumi ba sa mukha ko? "Is tikt0k become your G0ogle whenever you wanna go somewhere?" Di pa din nawawala ang ng
SIMULA ng date namin ni Avry hindi na siya mawala sa isip ko. Fuck shit! Kahit anong gawin ko para maging busy lang may pagkakataon pa din talaga na naglalaro sya sa utak ko. Malala na ata talaga ako. Andito ako ngayon sa kwarto ko sa kama at dapat ng rereview dahil may short quiz sa isa naming minor subject. Ang aga magpa exam ng animal ilang araw pa lang ang klase namin sa kanya. Naiinis tuloy ako tapos idagdag mo pa itong si Avry na ginugulo ang utak ko halos four days na. Wala siya sa P.E. class namin kasi may training ata sila sa swimming—wala nga ako sa mood ng araw na yun at panay pang aasar ang natanggap ko kay Kera. Ewan ko ba sa babaeng yun, tila may alam siya sa mga ganap sa buhay namin ni Avry—Hindi na lang siya mag focus sa kung anong ganap sa kanila ni Rafa. Isa pa yun at ilang araw na walang kibo. Kapag tatanungin ko naman panay sabi lang siya ng okay lang siya. Si Xander naman medyo nagiging busy din sa football. Saglit kong kinuha ang phone na nasa tabi ko lang.
KAHIT anong pilit kong basahin ang ginawa kong reviewer ay wala talagang pumapasok sa utak ko. Parang bina-block nito lahat ng information maliban sa mga naging kaganapan kagabi. "Morning, Ice." Kumunot lalo ang noo ko ng makita ang pagmumukha ni Drei na ngiting ngiti. Sinundan ko lang siya ng masamang tingin saka tahimik na bumalik sa binabasa ko. Yamot kong naihampas ang papel sa desk ko. "Oh? Early in the morning wala na agad sa mood ang Ice Queen?" Si Rafa, sabay ang pag-upo sa silyang hinila niya palapit sa akin. Hindi ako nagsalita at bumalik pa din sa binabasa ko. "Hey guys! Morning," rinig kong bati ni Kera. Parang hanging dumaan lang din yun sa tenga ko. "Coffee?" Napatingin ako roon at paangat na bumaling sa nag-abot. It was Xander with his handsome smile. Payak akong ngumiti," Thank you, best friend." Saka ako bumalik sa papel na hawak ko, humigop na din ako sa ibinigay ni Xander. Kailangan ko talaga to dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Lasing na lasing si Avry ka