DINALA ko si Avry dito sa paborito kong lugar. Isa itong open restaurant na katabi ng lake. Kapag sa gabi sobrang romantic gawa ng mga ilaw sa paligid. Sayang nga lang at maliwanag pa. Dito kami mag lulunch ni Avry tapos if game pa siya manood ng sine mamaya or kung ano pang gusto niyang gawin. Pwede din naman mag arcades o di kaya window shopping dahil wala naman akong masyadong pera para literal na mamili. "Where did you learn this place?" Tanong ni Avry ng makapili ng table at makaupo na kami. Abala ang mata niya ngayon sa paligid. Gandang ganda.. Sabi ko na at magugustuhan niya to, unang beses ko pa lang maisip. Una at last na punta ko rito ay mag-isa ko lang. Ugali ko na kasi talagang lumabas minsan ng mag-isa. Me time nga diba. "Sa tiktok," tila alangan kong sagot. Tumingin na siya sakin ngayon ng may nakakahawang ngiti. Bakit ngiting ngiti siya? Anong meron? May dumi ba sa mukha ko? "Is tikt0k become your G0ogle whenever you wanna go somewhere?" Di pa din nawawala ang ng
SIMULA ng date namin ni Avry hindi na siya mawala sa isip ko. Fuck shit! Kahit anong gawin ko para maging busy lang may pagkakataon pa din talaga na naglalaro sya sa utak ko. Malala na ata talaga ako. Andito ako ngayon sa kwarto ko sa kama at dapat ng rereview dahil may short quiz sa isa naming minor subject. Ang aga magpa exam ng animal ilang araw pa lang ang klase namin sa kanya. Naiinis tuloy ako tapos idagdag mo pa itong si Avry na ginugulo ang utak ko halos four days na. Wala siya sa P.E. class namin kasi may training ata sila sa swimming—wala nga ako sa mood ng araw na yun at panay pang aasar ang natanggap ko kay Kera. Ewan ko ba sa babaeng yun, tila may alam siya sa mga ganap sa buhay namin ni Avry—Hindi na lang siya mag focus sa kung anong ganap sa kanila ni Rafa. Isa pa yun at ilang araw na walang kibo. Kapag tatanungin ko naman panay sabi lang siya ng okay lang siya. Si Xander naman medyo nagiging busy din sa football. Saglit kong kinuha ang phone na nasa tabi ko lang.
KAHIT anong pilit kong basahin ang ginawa kong reviewer ay wala talagang pumapasok sa utak ko. Parang bina-block nito lahat ng information maliban sa mga naging kaganapan kagabi. "Morning, Ice." Kumunot lalo ang noo ko ng makita ang pagmumukha ni Drei na ngiting ngiti. Sinundan ko lang siya ng masamang tingin saka tahimik na bumalik sa binabasa ko. Yamot kong naihampas ang papel sa desk ko. "Oh? Early in the morning wala na agad sa mood ang Ice Queen?" Si Rafa, sabay ang pag-upo sa silyang hinila niya palapit sa akin. Hindi ako nagsalita at bumalik pa din sa binabasa ko. "Hey guys! Morning," rinig kong bati ni Kera. Parang hanging dumaan lang din yun sa tenga ko. "Coffee?" Napatingin ako roon at paangat na bumaling sa nag-abot. It was Xander with his handsome smile. Payak akong ngumiti," Thank you, best friend." Saka ako bumalik sa papel na hawak ko, humigop na din ako sa ibinigay ni Xander. Kailangan ko talaga to dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Lasing na lasing si Avry ka
ILANG araw ang nagdaan at hindi na nga kami muling nag-usap pa ni Avry. Kahit kapag nasa P.E class ay walang imikan unless kailangan. Hindi na din napag-usapan ng tropa ang tungkol sa deal kaya wala pa ding final na desisyon para doon. Tingin ko hindi yun magawang banggitin saken ng tropa dahil araw-araw mainit ang ulo ko. Lahat napagbubuntunan ko. Lahat ng magawan ako ng mali talagang ginigisa ko sa mantika. NATAPOS ang lahat ng klase namin ng wala akong naging imik sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako sumabay sa lunch kanina sa kanila. Pasakay na'ko ng kotse ko para umuwi. "Ice!" Kilala ko ang boses na yun kaya tumigil ako. "Sama ka samen.. Wala naman pasok bukas.." Si Rafa kasama ang dalawa ng makalapit sila sa'ken. Naisip kong kailangan ko yun for distraction. Magsasalita na sana ako pero may nauna," Ice.." Napatingin kaming lahat sa kanya. Akala ko ba malinaw na ang huling pag-uusap naming dalawa? Dahan itong lumapit. "I'm sorry, please." Sa nagsusumamo niyang boses. "Flowers?
SAGLIT nawala ang tatlo kaya naiwan kami ni Avry sa table. "He likes you." Hindi yun tanong. "Huh?!" Ito ang tanong. "That guy, Xander. I believe he likes you." Pagka-klaro nito. I hissed," He's my best friend. You got it wrong." Pagtatama ko naman. "No.. I know when someone likes someone." Paninindigan niya. Edi ikaw na! Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil mukhang paniwalang paniwala siya sa inakala niya. Bumalik ang tatlo na galing ata ng C.R. Nalinis na din ng waiter ang mga pinagkainan namin kanina. "So, anong iinumin natin?" Usisa ni Kera. Hawak na nito ulit ang menu na nasa side niya kanina. Nagpauna sila ng isang bote ng gold Bacardi. Dumating din ang fried crablets, nachos at french fries. "Shot!" Pagli-lead ni Kera ng malagyan ng alak ang lahat ng baso. Sumunod naman kaming nag-angat para mag cheers! Sabay-sabay kaming uminom. "Hinay lang ah.. Baka malasing ka nanaman.." Napatingin ako kay Xander na nasa bibig ko pa ang baso, inuubos ang laman nito. Pagkababa ko s
ILAN SANDALI pa at mukhang tutugtog na ang banda na nasa stage sa harap, malapit lang sa amin. Bumati ang babaeng vocalist kaya naghiyawan ang mga tao. "What a gorgeous evening, everyone!" Full of energy. May sumigaw pa ng," mas gorgeous ka!" Sabay sipol. "I'm Iris and we are the Ecstasy going to rock your twilight!" Pagpapakilala nito sa kanyang sarili at ng kanilang band. Sinabi niya ang song title pero di ako familiar, "Sana magustuhan niyo.. Sweetie by Carly Rae Jepsen," labas ang dimples at mapuputing ngipin nito.Walang duda ang taglay niyang ganda, isang malaking plus point para mabilis din makuha ang audience impact. May mga banat lines pa ito patungkol sa kakantahin niya kaya mas lalong naexcite ang lahat habang ang mga kasama niya ay tila kinokundisyon ang kanya-kanyang instrument na hawak. Nakakadala agad ng mapuno ang buong kwarto ng music mula sa intro ng lead guitarist. "We were both headed different waysBoth in a rush, trying to get awayI ran into you-ou-ouLike
AKALA ko tapos na si Avry sa mga pasabog niya. Aantayin ko lang matapos ang gabi na'to at kakausapin ko talaga siya.I'll make it clear na hindi kami... Na we're not in a relationship. Siya lang kaya nag-decide nun. Ano siya sinuswerte? Ganun ganun na lang kung makapag claim na kami na.. Na girlfriend niya na ko?? The nerve! "Oh, asan si Val?" Tanong ni Kera ng makabalik ako ng table namin. Ewan ko sa babaeng yun. Paglabas ko ng CR wala na siya dun. Nagkibit balikat lang ako kay Kera. Napansin ko naman ang mapanuring mata ni Xander. Sinundan ko tuloy kung saan siya nakatingin. Sa stage... Nasa stage si Avry!! What is she doing there?? Don't tell me kakanta siya?? Oh gosh! Ang daming pasabog ng babaeng to.. "Wow.. I didn't know kumakanta pala si Val." Wow ah. Dapat ba alam mo Kerara?? Close kayo?? Chi-neck pa ni Avry ang boses sa mic bago diretsong nagsalita. "This song I'm gonna sing will be dedicated to this person who made me realize that I can live again.. like having a reas
ANONG oras na kaming natapos uminom. Palabas na kami ng club, hawak ni Avry ang kamay ko. Di ko nga din malaman kung bakit hinahayaan ko lang siya. Nagpapatianod lang ako. Paano mo ba naman kasi tatanggihan ang isang bagay na gusto mo din naman. 'Fuck myself! Traydor masyado! Bahala ka na nga Ice Queen! Wag kang iiyak ng bongga kapag nasaktan ka..' Sermon ko sa sarili ko sa likod ng utak ko. "Tama ba ang mga narinig ko kanina, Val?!" Nahinto kaming lahat, napatingin sa babaeng nagsalita. "Kayo na ng babaeng toh!?" Halatang lasing na din siya. "Wala pang one-year namamatay ang kapatid ko. Seriously, Val? Pinalitan mo na sya agad?!" May hinanakit nitong pahayag. So, magkapatid pala sila ni Alexandra. Siya pala yung kahawig nitong tinutukoy ko. "Who's with you, Alexa? Sumabay ka na sa'men pag-uwi." Naging sukli ni Avry imbis bigyan kasagutan ang mga tanong ni Alexa. "Why would you care? Kaya naman pala I can't reach you these past days," tumingin siya sa'ken ng sobrang talim. "'C
[ICE QUEEN SAMSON BLOSSOM]Kalalabas ko lang ng banyo at pinapatuyo pa ang buhok ko gamit ang towel ng yapusin ako ng asawa ko. "Hmm.. Smells good. So alluring to my nose. Wifey.. Tomorrow is your free day, diba?" Habang inuubos ang halimuyak ko sa katawan, hinahalikan ako kung saan. "So?" Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Patuloy pa din ako sa paglakad papunta ng kama hanggang maupo. Kinuha niya ang hawak kong towel, pinakawalan sa sahig. "What? Love.. Don't tell me-" Humalukipkip akong hindi natapos ang sasabihin ko dahil sa pag ngisi niya. Sa itsura pa lang niya basang basa ko na kung anong binabalak niya. Akma akong tatayo pero hinapit niya ako sa bewang dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya. Salubong pa din ang kilay ko. "Love.. Katatapos lang natin." Hindi niya pinansin ang sinabi ko, lalo pa akong hinatak hanggang mawala na ang gap sa pagitan namin. Lahat ng bigat ko nasa kanya na. Nakikiliti ako sa pagdampi ng malambot niyang labi sa leeg ko hanggang bahagya n
"Who was that?" Nguso ko. "Huh?!" Napasulyap pa to sa student na kausap niya kanina. Saka bumalik ang tingin sakin. "Isn't it obvious? My student, Wifey. What are you doing here, by the way?" Akma niya akong hahawakan pero tinabla ko kaya napasimangot siya. "I know she's a student, but what was that?" Kung kanina blangko ngayon masama na ang tingin ko. "At pupunta ako dito sa Samson anytime I want." Wala kasi akong klase today or any appointment pero naisip kong i-surprise visit siya. At mabuti pala na ginawa ko. Baliw na ata ang asawa ko sakin dahil binawi lang naman niya tong University sa pinsan niya para ibalik sa akin. Ako na ngayon ang Director and at the same time as Professor while doing my job as an Architect sa sarili kong firm dito sa bansa. "I don't know what you are talking about, Wifey. Come on. Let me touch you. I miss you." Lumayo pa din ako sa pangalawang attempt niya. "You are flirting with your stupid student." Agad na sumilay ang hindi pagka paniwala sa muk
"Nabusog ka ba?" Ang konti kasi ng kinain niya. Tumango ito saka bumalin sa akin. Sobrang dikit lang namin. Nasa pagitan ako ng mga hita niya. "Now tell me everything." Seryoso siya. Uminom muna ako bago nagsalita. "I was here two months after your Mom died." Pagsisimula ko. Our eyes were locked. My heart was beating, but in a good way. "You were here?" "You remember nothing when we got married kasi lasing ka." Sumilay ang nag iisip niyang mukha. Pasimple at mabilis akong humalik sa kanya bago ako nagpatuloy. "Do you know the movie Can't Help Falling in Love by Daniel Padilla and Kathryn Bernardo?" Tanong ko na sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Minsang sinusulyapan ang nakaka magnet niyang labi. Sumilay ang guhit sa gitna ng mga makakapal niyang kilay. "No.. I don't watch Pinoy Movies. It's so corny." Wow ah! "Then now you should watch. You'll know how we got married." Saka ako akmang tatayo pero napigilan niya ako sa bewang. Halos sumubsob tuloy yung dibdib ko sa m
[ICE QUEEN SAMSON]KABABALIK ko lang galing Canada at from airport dumiretso agad ako sa bar na sinabi ni Ara just to witness my wife flirting with some bitch. Aside from Ara, no one knows I'm back kaya nabigla pa ang ibang pinsan niya ng makita ako. They were about to take my wife out of the bar. She's so tanked up, wasted as hell. Inis pa ako sa nasaksihan kaya balak kong umalis na lang at magtungo ng hotel kung saan ako advance check-in ng assistant ko. Sa kabila ng inis ko, nagprisinta akong mag asikaso sa asawa ko. Miss ko na din kasi siya. Huli ko siyang nakita, that was one year ago. Nakatanggap pa nga ako ng salita kay Talli. Ako daw talaga dapat ang bahala sa lasing kong asawa. Yes, we are married without her knowing. Siya lang ang walang alam while the rest are witnessed. Even her mama knows about my plan to marry her daughter before she died in a plane crash. Tuwang tuwa noon ang mama ni Avry ng malaman ang plano ko. She knows why I left her daughter nine or almost t
[AVRY VALERI BLOSSOM] It's been what? Three years and counting, yet still waiting for Ice to come back. Andito ako ngayon sa veranda ng Penthouse ko. I got married to Quinn when Ice again, for the second time around, chose to give way, breaking my heart. It sucks, but I find it brave at the same time. Sa sobrang galit, hinanakit ko kay Ice pinili kong ituloy ang kasal. Pinilit kong maging mabuting asawa kay Quinn. Sa kalagitnaan ng halos one year na pagsasama napansin kong nagiging sakitin siya. Until I found out that she was dying and also why Ice chose to leave me behind. May usapan pala sila at hindi man lang ako sinali o binigyan ng say. Sorry ng sorry noon sa hospital sa akin si Quinn pero andoon na at ano pang magagawa ko. I stayed by her side up to her last breath. Now, I was left all alone, here in this feeling empty, suffocating house. I was on the way to losing hope. I feel like I'm the only one loving so desperately, selflessly, between us. I already forgave her for
ON THE WAY ako ngayon sa usapan namin ni Quinn. Iniisip ko kung ano bang importanteng sasabihin niya. Kung tama si Ate na may alam na siya dapat akong kabahan at maging ready masampal. Deserve ko naman yun. Kahit sino or kahit ako baka hindi nga lang sampal, ngudngod ang gawin ko sa babaeng nakipag sex sa fiancee ko. Tahimik kaming pareho. Ang pinagtataka ko bakit dito kami sa Love is Blind coffee shop nagkita. In all places, why here? Something is off na agad. "What do you prefer to drink?" Putol niya sa katahimikan na bumabalot sa pagitan namin. Hindi ko siya mabasa sa totoo lang pero may nag iba sa kanya—Hindi na siya magiliw gaya nung paano ko siya unang makilala. "Anything would be fine." Sagot ko, trying to be natural. Umorder naman siya at naiwan akong mag isa dito sa napili naming table. Parang sinadya niya atang dito pumuwesto kasi medyo malayo sa ibang customer. "Do you have any hint as to why I asked you to meet me?" Sabi niya ng makabalik. Ipinatong naman ng babae
NAUNA ng umuwi si Ate dahil inaya pa ako ng mga kaibigan ko sa hideout. "Buhay pa pala to." Nasabi ko ng makapasok ako sa lugar na maraming naging ala-ala sa akin. "Oo naman. Sa atin to eh." Nakangiting tugon ni Rafa. Yumapos naman si Kera sa tabi niya. Hinaplos ko ang couch na nasa tabi ko lang. Binabalikan ang magagandang memory. Dito kami madalas pumatay ng oras. Kwentuhan, kantahan at minsan inuman. May tawanan, asaran at iyakan. Lahat.. Ang daming nangyari especially sa couch na to. Nag-angat ako ng mukha ng may maalala. "Nasa US na siya, Bestie." Tila nabasa ni Rafa ang nasa isip ko. Kumawala naman sa pagkakayapos sa kanya si Kera. May kinuha ito. "He left a letter before his flight." Inabot sa akin iyon ni Kera. Dahan kong binuklat iyon. Ang haba. ***** I don't know where and how to start my only one. I made a mistake, Ice dahil sa pagiging selfish ko.. Bulag sa love.. We all are.. but loving you wasn't a mistake kahit pa sobrang nasaktan ako, which was clearly not your
[ICE QUEEN SAMSON]HABANG naglalakad naglalakbay din ang utak ko. Ang daming nangyari sa mga nagdaang araw. Hindi sumagi sa isip kong makikita ulit si Avry. Na pagtatagpuin ulit ang landas namin.Hindi ko din napag handaan ang isang bagay, malamang ikakasal na pala siya. Ang liit nga naman ng mundo at sa babaeng nakilala ko pa sa park. Parang sa mga napapanood ko lang. Pwede pa lang mangyari sa totoong buhay. Pero sino o kanino ba ang happy ending? Hindi ko alam.... "Oh bunso ang aga mo naman-" Si Ate Izzy ang bumungad sa akin pag bukas ko ng pinto. Niyakap ko siya ng sobra, kasing sobra ng dinadala ko. "Are you okay?" Naipikit ko ang mata ko at hindi napigilang umiyak. Bago pa man magising si Avry, nauna na akong umalis para hindi na niya makita. "May nangyari bang hindi maganda? Bakit ka umiiyak?" Hinagod ni Ate ang likuran ko na para bang dama niya ang bigat ng nasa puso ko. "I don't know what to do anymore, Ate. I'm not a bad person, but I love her." "Ano bang sinasabi mo?
"What happened?" Tanong ko ng magdilat ako at siya agad ang nakita. May takip ng kumot ang katawan ko."You fall asleep, Wifey. Did I drain you? Sabi ko we are not done yet pero pagbalik ko ang himbing na ng tulog mo." Kasalanan mo. Gusto kong murahin siya ulit. "Hindi na kita ginising. Are you hungry? I cooked your favorite.""Sinigang?" Bigla naman akong nabuhayan. Napangiti tango siya sa sinabi ko. "Do you want to take a shower first?" Naalala ko ang kaninang kahihiyan kaya tumango ako. Madaming bakas ang naiwan kaya kailangan kong maligo. Nakakahiya sa kanya. "Can you walk?" Sinubukan ko naman gumalaw na nawalan din ng saysay dahil ang hapdi ng pakiramdam ko. Natawa siya ng bahagya sa naging reaction ko. "It's your fault." Sabi ko ng may masamang tingin. "I'm not denying, Wifey. I'm guilty." Sabi naman niya na parang proud pa nga. Binuhat niya ako, dinala ng banyo. Dahan niya akong nilubog sa bathtub. May nakahanda na agad at maligamgam pa ang tubig. Pinaglaruan naman ng k