AKALA ko tapos na si Avry sa mga pasabog niya. Aantayin ko lang matapos ang gabi na'to at kakausapin ko talaga siya.I'll make it clear na hindi kami... Na we're not in a relationship. Siya lang kaya nag-decide nun. Ano siya sinuswerte? Ganun ganun na lang kung makapag claim na kami na.. Na girlfriend niya na ko?? The nerve! "Oh, asan si Val?" Tanong ni Kera ng makabalik ako ng table namin. Ewan ko sa babaeng yun. Paglabas ko ng CR wala na siya dun. Nagkibit balikat lang ako kay Kera. Napansin ko naman ang mapanuring mata ni Xander. Sinundan ko tuloy kung saan siya nakatingin. Sa stage... Nasa stage si Avry!! What is she doing there?? Don't tell me kakanta siya?? Oh gosh! Ang daming pasabog ng babaeng to.. "Wow.. I didn't know kumakanta pala si Val." Wow ah. Dapat ba alam mo Kerara?? Close kayo?? Chi-neck pa ni Avry ang boses sa mic bago diretsong nagsalita. "This song I'm gonna sing will be dedicated to this person who made me realize that I can live again.. like having a reas
ANONG oras na kaming natapos uminom. Palabas na kami ng club, hawak ni Avry ang kamay ko. Di ko nga din malaman kung bakit hinahayaan ko lang siya. Nagpapatianod lang ako. Paano mo ba naman kasi tatanggihan ang isang bagay na gusto mo din naman. 'Fuck myself! Traydor masyado! Bahala ka na nga Ice Queen! Wag kang iiyak ng bongga kapag nasaktan ka..' Sermon ko sa sarili ko sa likod ng utak ko. "Tama ba ang mga narinig ko kanina, Val?!" Nahinto kaming lahat, napatingin sa babaeng nagsalita. "Kayo na ng babaeng toh!?" Halatang lasing na din siya. "Wala pang one-year namamatay ang kapatid ko. Seriously, Val? Pinalitan mo na sya agad?!" May hinanakit nitong pahayag. So, magkapatid pala sila ni Alexandra. Siya pala yung kahawig nitong tinutukoy ko. "Who's with you, Alexa? Sumabay ka na sa'men pag-uwi." Naging sukli ni Avry imbis bigyan kasagutan ang mga tanong ni Alexa. "Why would you care? Kaya naman pala I can't reach you these past days," tumingin siya sa'ken ng sobrang talim. "'C
"Inhale! Exhale!" Paulit-ulit kong ginawa. Andito ako ngayon sa loob ng banyo ni Avry. Ako ang pinauna niyang maligo. Nanlalagkit na din kasi ako. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan.. matutulog lang naman kami. Di rin naman ito ang unang beses na magkakasama kami sa isang kwarto, isang kama pero sobrang dagundong talaga ng puso ko sa di malamang rason. Ang pinag-kaiba lang siguro, that time ay hindi naman kami. Pero ang bilis ng pangyayari at kanina lang naging kami. Instant! Di ako assumera pero di ko maiwasan isiping rebound ako. Ang isang Legendary Ice Queen.. magiging panakip butas?? No way! "Babe.." Natigilan ako at napatingin kung san nanggaling ang tawag. "Yes?" Nilakasan ko para marinig niya. "Are you alright?" Bakit naman hindi? Si Ice Queen to, laging in control. "I'm fine, Avry!" Mas nilakasan ko pa. Ano bang problema ng babaeng to. Nagmamadali ba siya. Napabuga na lang ako ng masamang hangin tsaka nagtungo na ng shower area matapos kong mahubad lahat ng suot ko. "H
NAKAHIGA na ngayon si Avry sa kama ng makalabas ako galing uli ng banyo. "Come.. Let's sleep na," tawag niya. Nakatayo pa din kasi ako na parang tanga lang. Nakakahiya tuloy. Ano na kayang iniisip niya, tingin niya saken? "Don't worry, Babe," ngisi nito na parang nang-aasar," I won't pass at you." Muli siyang ngumiti. Ako naman kino-compose ang sariling nahiga na sa tabi niya pero kulang na lang malaglag ako dahil inokupa ko talaga ung buong space sa gilid ng kama para di kami magdikit o ng balat namin. Narinig kong bahagya itong natawa. "What's funny?" Di ko siya tinitignan. "Ang layo mo naman kasi. Are you scared of me?" Bat naman ako matatakot? "Feeling?" Tudyo ko. Tumawa ulit to. Tumagilid na lang ako patalikod sa kanya saka pinikit ang mata ko. 'Konting tiis lang, Ice at bukas uuwi kana, I mean mamaya pala, makakahinga na ng maluwag.' Sabi ko na lang sa sarili ko. "Hey!!" Singhal ko sa pagkabigla. Hinila lang naman niya kasi ako at ngayon nakayapos na siya saken. "Am I not
"Hoy!" Bigla na lang ang sulpot ni Kera. Nasa quadrangle kasi ako. Iniwan ko sila kanina ng marinig kong walang klase kasi nasa meeting ang mga professor. After lunch pa ang balik namin. "Kayo naman na pala ni, Val. So, bakit gusto mo pang umurong sa deal?" Natahimik ako at walang saktong maisip isagot. Bakit nga ba? Ang alam ko lang, ayokong lokohin siya. Hindi ko kayang lokohin siya. Kung nung una okay lang ngayon kasi iba na. Napabuntong hininga na lang ako. Yumakap sa mga binti ko at sinandal ang chin ko sa tuhod. "May balak ka bang kausapin ako?" Tapik nito sa braso ko. "Asan yung dalawa?" Pagbabalewala ko sa mga binabato niyang tanong sa'ken. "Umuwi na muna si Rafa kasi first day niya, masakit ang puson," tumango lang ako," si Xander naman, ewan ko dun. Wala sa mood." Naisip ko tuloy kung ano bang problema ng best friend kong yun at tila napapadalas ata ang pagiging lutang niya. "I'll talk to him na lang siguro later." Paliwanag ko kay Kera na nasa malayo pa din ang tingin
KAMING dalawa lang ni Kera nung lunch sa Cafeteria ng hindi din kami natuloy sa labas kumaen. Dumaan din ang natitira naming klase pero missing in action pa din si Xander. Tinatawagan ko, di naman sumasagot kaya on the way ako ngayon sa bahay nila para kausapin siya. "Hello po, Tita." Humalik ako sa pisngi nito ng pagbuksan niya ko ng gate. "Si Xander ba hanap mo, Ice?" Parang mama na din ang turing ko kay Tita Lena. Mga bata pa lang kasi kami ni Xander madalas na ko dito sa bahay nila. "Opo.. Wala po kasi siya kanina." Gumuhit ang nagtatanong na mukha ni Tita. "Hindi pumasok ang batang yun? Ka-aalis lang niya. Halos magkasunuran lang kayo." Paliwanag ni Tita habang papasok na kami ng bahay. San naman kaya ang lalaking yun? "Dito ka na mag dinner." Paanyaya nito sa akin. Nandito na ko ngayon sa living room nila at sinabi kong aantayin na lang si Xander makabalik. "Sakto Tita dahil namiss ko na din ang luto mo." Magiliw na sabi ko. Tanaw ko ang pagiging abala niya sa kusina. "
WALA pang 15 minutes dumating nga si Avry. Nag vibrate ang phone ko kaya alam kong andyan na siya kasi narinig ko din ang tunog ng sasakyan sa labas. "Tita, mauna na po ako," ngumiti itong yumakap sa'ken," thank you po sa masarap na dinner. Next time po ulit." Paglalambing ko. "Anytime, Ice. You're always welcome sa bahay namin." Sunod naman na yumakap sa'ken si Xandy. "Next time, Ate.." Medyo malungkot nitong bilin. Napatingin naman ako sa may hagdan nila pataas. Sana okay lang si Xander. Ngayon lang siya naging ganun. Dati naman kapag may gumugulo sa kanya, ako agad ang sinasabihan. Lumabas na ako ng bahay at nag effort pa ang mag-ina ihatid ako hanggang gate. Saktong nakatayo na roon si Avry kaya nakita pa siya nila Tita Lena. "Good evening po." Bumati naman to. "Good evening naman." "Si Tita Lena, mama ni Xander. Tsaka si Xandy kapatid niya." Pakilala ko sa mag-ina. Nagpalitan sila ng ngiti. "Si Avry po, Tita." Ewan ko pero parang ina-asahan ni Avry na ipakilala ko siyang
KATATAPOS lang kumaen ni Avry. Nagsho-shower na siya ngayon habang ako nililigpit ang mga kalat. Pumasok ako ng kwarto para hanapan siya ng isusuot sa closet. Nilagay ko sa kama ang isang pares ng pjs at ang hindi gamit na undies. Nasa phone ko ngayon ang attention ko ng makita ang friend request sa f@cebook ni Rocky Trinidad. Ang dami naman talagang friend request, kumuha lang ng attention ko itong Rocky kasi familiar. Napaisip pa ako kung kilala ko ba siya hanggang maalala ko kung saan ko narinig ang name niya.Tama. Siya yung nakausap ko ng mag join ako sa cosplay & anime club.Bukas na nga pala yun around 1 p.m. Oras ko yun dapat sa Understanding The Self kaya lang until now hindi pa nagre-report ang Prof namin sa subject na yun. Na-inform na din namin nung nakaraan sa registrar but wala pang action kaya naisip namin nila Rafa na maki-sit in sa oras ni Ms. Enriquez, 3 p.m. to 5 p.m.Makakasabay namin ang mga BFA student, Bachelor in Fine Arts major in Painting.Mabuti na lang