NAKAHIGA na ngayon si Avry sa kama ng makalabas ako galing uli ng banyo. "Come.. Let's sleep na," tawag niya. Nakatayo pa din kasi ako na parang tanga lang. Nakakahiya tuloy. Ano na kayang iniisip niya, tingin niya saken? "Don't worry, Babe," ngisi nito na parang nang-aasar," I won't pass at you." Muli siyang ngumiti. Ako naman kino-compose ang sariling nahiga na sa tabi niya pero kulang na lang malaglag ako dahil inokupa ko talaga ung buong space sa gilid ng kama para di kami magdikit o ng balat namin. Narinig kong bahagya itong natawa. "What's funny?" Di ko siya tinitignan. "Ang layo mo naman kasi. Are you scared of me?" Bat naman ako matatakot? "Feeling?" Tudyo ko. Tumawa ulit to. Tumagilid na lang ako patalikod sa kanya saka pinikit ang mata ko. 'Konting tiis lang, Ice at bukas uuwi kana, I mean mamaya pala, makakahinga na ng maluwag.' Sabi ko na lang sa sarili ko. "Hey!!" Singhal ko sa pagkabigla. Hinila lang naman niya kasi ako at ngayon nakayapos na siya saken. "Am I not
"Hoy!" Bigla na lang ang sulpot ni Kera. Nasa quadrangle kasi ako. Iniwan ko sila kanina ng marinig kong walang klase kasi nasa meeting ang mga professor. After lunch pa ang balik namin. "Kayo naman na pala ni, Val. So, bakit gusto mo pang umurong sa deal?" Natahimik ako at walang saktong maisip isagot. Bakit nga ba? Ang alam ko lang, ayokong lokohin siya. Hindi ko kayang lokohin siya. Kung nung una okay lang ngayon kasi iba na. Napabuntong hininga na lang ako. Yumakap sa mga binti ko at sinandal ang chin ko sa tuhod. "May balak ka bang kausapin ako?" Tapik nito sa braso ko. "Asan yung dalawa?" Pagbabalewala ko sa mga binabato niyang tanong sa'ken. "Umuwi na muna si Rafa kasi first day niya, masakit ang puson," tumango lang ako," si Xander naman, ewan ko dun. Wala sa mood." Naisip ko tuloy kung ano bang problema ng best friend kong yun at tila napapadalas ata ang pagiging lutang niya. "I'll talk to him na lang siguro later." Paliwanag ko kay Kera na nasa malayo pa din ang tingin
KAMING dalawa lang ni Kera nung lunch sa Cafeteria ng hindi din kami natuloy sa labas kumaen. Dumaan din ang natitira naming klase pero missing in action pa din si Xander. Tinatawagan ko, di naman sumasagot kaya on the way ako ngayon sa bahay nila para kausapin siya. "Hello po, Tita." Humalik ako sa pisngi nito ng pagbuksan niya ko ng gate. "Si Xander ba hanap mo, Ice?" Parang mama na din ang turing ko kay Tita Lena. Mga bata pa lang kasi kami ni Xander madalas na ko dito sa bahay nila. "Opo.. Wala po kasi siya kanina." Gumuhit ang nagtatanong na mukha ni Tita. "Hindi pumasok ang batang yun? Ka-aalis lang niya. Halos magkasunuran lang kayo." Paliwanag ni Tita habang papasok na kami ng bahay. San naman kaya ang lalaking yun? "Dito ka na mag dinner." Paanyaya nito sa akin. Nandito na ko ngayon sa living room nila at sinabi kong aantayin na lang si Xander makabalik. "Sakto Tita dahil namiss ko na din ang luto mo." Magiliw na sabi ko. Tanaw ko ang pagiging abala niya sa kusina. "
WALA pang 15 minutes dumating nga si Avry. Nag vibrate ang phone ko kaya alam kong andyan na siya kasi narinig ko din ang tunog ng sasakyan sa labas. "Tita, mauna na po ako," ngumiti itong yumakap sa'ken," thank you po sa masarap na dinner. Next time po ulit." Paglalambing ko. "Anytime, Ice. You're always welcome sa bahay namin." Sunod naman na yumakap sa'ken si Xandy. "Next time, Ate.." Medyo malungkot nitong bilin. Napatingin naman ako sa may hagdan nila pataas. Sana okay lang si Xander. Ngayon lang siya naging ganun. Dati naman kapag may gumugulo sa kanya, ako agad ang sinasabihan. Lumabas na ako ng bahay at nag effort pa ang mag-ina ihatid ako hanggang gate. Saktong nakatayo na roon si Avry kaya nakita pa siya nila Tita Lena. "Good evening po." Bumati naman to. "Good evening naman." "Si Tita Lena, mama ni Xander. Tsaka si Xandy kapatid niya." Pakilala ko sa mag-ina. Nagpalitan sila ng ngiti. "Si Avry po, Tita." Ewan ko pero parang ina-asahan ni Avry na ipakilala ko siyang
KATATAPOS lang kumaen ni Avry. Nagsho-shower na siya ngayon habang ako nililigpit ang mga kalat. Pumasok ako ng kwarto para hanapan siya ng isusuot sa closet. Nilagay ko sa kama ang isang pares ng pjs at ang hindi gamit na undies. Nasa phone ko ngayon ang attention ko ng makita ang friend request sa f@cebook ni Rocky Trinidad. Ang dami naman talagang friend request, kumuha lang ng attention ko itong Rocky kasi familiar. Napaisip pa ako kung kilala ko ba siya hanggang maalala ko kung saan ko narinig ang name niya.Tama. Siya yung nakausap ko ng mag join ako sa cosplay & anime club.Bukas na nga pala yun around 1 p.m. Oras ko yun dapat sa Understanding The Self kaya lang until now hindi pa nagre-report ang Prof namin sa subject na yun. Na-inform na din namin nung nakaraan sa registrar but wala pang action kaya naisip namin nila Rafa na maki-sit in sa oras ni Ms. Enriquez, 3 p.m. to 5 p.m.Makakasabay namin ang mga BFA student, Bachelor in Fine Arts major in Painting.Mabuti na lang
SA PARKING lot pa lang magkakasabay na kami nila Rafa. Nakita ko tong bumaba kanina sa kotse ni Kera. Natulog ba siya kela Kerara? Si Xander naman gamit niya ang Baby(motorbike) niya. Birthday gift sa kanya yun ng Dad niya nung 18th, niloko ko pa nga siya nun. Sabi ko diba 21 ang debut ng mga lalaki. Tawang tawa lang siya that night. Hindi ko alam masusundan pala yun ng mga rumaragasang luha at mapanakit na hikbi, sigaw. Unfortunately that day namatay ang Dad niya, dead on arrival. Hahabol dapat sa birthday niya pero na hit and run.Ngayon ko lang nakitang gamit ni Xander ang bike niya kaya natuwa ako. "Mabuti naman at pumasok ka!" Sinagi ko ang braso niya saka umakbay. I miss him. Naglalakad kami papasok ng building. "Takot ko lang kasi sa best friend ko." Banat nito sa akin kasabay ng paghapit niya sa bewang ko.Ramdam ko naman na tila may nakatingin sa'men pero baka guni-guni ko lang kaya diko pinansin. "Masakit pa ba puson mo?" Dinig kong tanong ni Kera kay Rafa. Ang sweet n
DINALA ako ni Avry sa isang restaurant na pagmamay-ari din pala nila. Kaya naman panay bati ng mga staff sa kanya pagdating na pagdating pa lang namin. Dito sa rooftop kaming dalawa lang. Mukhang pinasadya niya. Di naman mainit kasi may silong at mahangin din. Palagay ko mas maganda kapag sa gabi. Marami din kasing halaman sa paligid na may mga bumbilyang nakasabit. "Hey, Love.. You are so quiet. Are you mesmerized by what happened to us last night?" Inirapan ko lang siya. Wala naman nangyari sa'men. Di naman umabot sa ganun. Sabi ko nga ibibigay ko lang yun sa taong pakakasalan ko. What happened was just a make-out. "Love.." Muling agaw niya sa atensyon ko. Nakatingin kasi ako kung saan. "Hmm?" Hindi pa din ako bumalin sa kanya. Nakapalumbaba lang ako. Iniisip ko yung mga sinabi ni Drei. Kasalanan ko kung bakit siya nagloko? What was that supposed to mean? Ang sabihin niya, hindi siya nakapag antay. Kahit sinabi kong kasal muna bago sex. Problema ko kung kating kati siya, h
PALABAS na ako dahil tapos na ang activity namin sa cosplay. Hindi pa naman totally activity yun, siguro kasi unang meeting, nag-aadjust pa sa bawat isa ng pigilan ako sa wrist ni Rocky. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Avry na wag na wag magpapahawak kay Rocky. Napangiti na lang tuloy ako ng diko namamalayan sa isiping yun. Ang sarap lang din kasi sa feeling ng pinagdadamot ka ng taong mahalaga sa'yo. Bumitaw si Rocky ng mapansin niya atang nakatingin na ko ngayon sa kamay niyang nakahawak pa din sa'ken. "Sorry," Magkaharap na kami ngayon," hindi tayo nagkausap kanina ng maayos." About sa activity lang kasi ang topic. Iniwasan ko lang din talaga makipag usap sa kanya sa ibang bagay. Ayokong magka problema kami ni Avry. "Gusto ko lang sana-" Tila nahihiya pa to. "Go on, Rocky." Nakangiti ako pero nagdadasal na sana hindi about sa paglabas/date ang sasabihin niya. "About. Amm.. Can I ask you out? Baka pwede ka na." Sabi ko na nga ba. Napauwang ang labi ko ng bahagya. "Ahm.. Ano ka