Five minutes bago ang sunod naming klase nasa room na kami ng mga kaibigan ko. Nasa isip ko pa din si Creepy Girl. Namangha ako sa galing at bilis niyang mag swimming. Hindi rin maikakailang maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi ganun kalapit ang pwesto namin kanina. Inaasar na nga ako ni Kera. Ako daw talaga ang ma-iinlove. Posible pero hindi pa din talaga ei. Malabo. As in malabo kasi sa ugali pa lang nito. Hindi na swak. After ng huling subject namin kanya-kanya na kami pagdating ng parking lot—Nasa loob na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay habang nakikinig ng music. "Oh shit!" Naibulilas ko sa biglaang pagbuhos ng ulan. Halos hindi na makita ang daan at nagdilim din ang kalangitan. Honestly, I hate rain. I felt alone and lonely and gloomy when it was raining. Habang binabagtas ang daan napansin ko ang nakahintong pulang kotse. Napatingin lang naman ako ron, no reason in particular until maningkit ang mga mata ko sa paglabas ng babae. Siya nanaman?
"Hey. Wake up.." Ramdam ko ang bahagyang pag uga niya sa balikat ko hanggang sa mag angat ako ng ulo. Tingin ko naka idlip ako habang inaantay siya matapos sa pagluluto. "Eat now." Napatingin ako sa mga pagkaeng nasa lamesa, sa harapan ko lng. Umuusok pa ang bagong saing na kanin pati ang- SINIGANG?? "That's my favorite.." Nasabi ko na lang sa sobrang pagkatuwa. Last na kaen ko pa nun si Mommy pa ang nagluto. Ibig sabihin ang tagal na. Maliban sa tipid at huling sinabi, tahimik na si Creepy Girl. Tunog lang ng kutsara, tinidor at pag nguya ata namin ang naririnig ko. Nakakasira ng ulo ang sobrang katahimikan. "Thank you." Sabi ko habang humihigop ng sabaw nung sinigang na niluto niya. Almost kasing lasa na ng luto ni Mommy."The rain had stopped. After this, I gotta go," Walang bahid emosyon niyang hayag. Grabe, iiwan niya talaga akong mag isa kahit pa alam niyang may sakit ako. Ang tigas. Walang puso. Mukhang paghihirapan ko talaga ng husto ang pagkuha pa lang sa loob niya. Ho
ISANG basang bimpo mula sa noo ko ang nalaglag sa ginawa kong pag galaw. Nag-aadjust pa ang mga mata ko sa pagdilat habang nag-iisip kung anong meron sa bimpo. Wala na si Creepy Girl. Saka ko naintindihan na siya ang naglagay nun sa noo ko. Inalagaan at binantayan niya ba'ko buong gabi? Kinapa ko pa ang sarili kung mainit pa ba ako pero thank god at normal na. Lumabas ako ng kwarto sa pag asang baka nasa living room lang siya pero talagang nakauwi na'to. Nakita ko naman na may kung anong natakpan sa ibabaw ng dining table. "Oh.. Nakuha pa niyang magluto?" Natanong ko na lang sa sarili ko pagkakita ng mga pagkaen. Meron pang pumukaw sa atensyon ko. Isang capsule na may nakadikit na note sa tabi nito. "Take your med after meal," diko namalayang nakangiti na pala ako at tila nag-init pa ang pisngi ko. Sunny side-up fried egg at corn soup? Wow! Sa bango ng naaamoy ko, di ko na napigilan kumuha ng bowl at maupo ulit para lantakan ang hinanda ni Creepy Girl. Nag-effort talaga siya m
DAHIL kasama namin si ma'am hindi ko magawang abalahin yung dalawa kung anu bang problema nila at hindi sila nag uusap."Ma'am, saglit lang po ah," paalam ko rito saka tumayo ng mamataan ko si Creepy Girl malapit lang sa table namin kasama si Alexa. "Do you want to get sick again?" Ito agad ang bungad niya sa akin ng makaupo ako sa tabi niya. Si Alexa naman tahimik lang sa tapat ni Creepy Girl na kumakaen ng sandwich. Nagtatakang napatingin ako kay Creepy Girl. "What?" tanong ko. "I saw you were carrying heavy things earlier," sabi nya ng hindi nakatingin sa akin—Naalala ko naman yung kaninang pagtulong ko kay ma'am. So kaya nya ako dinedma kanina? Ganun ba yun? Akala ko pa naman dahil may pagtingin na siya kasi sabi ni ma'am ung tingin niya, tingin ng nagseselos. Sabagay may bago ba dun? Ganun naman siya palagi. Pero at least concern siya diba? Concern tawag dun diba? Kung hindi anong tawag dun? May progress na ako sa mission ko—Dina masama. Magsasalita na sana ako para sa k
WALANG pasok ngayon kaya naisip kong libangin ang sarili ko ng mag-isa para maiba naman. Minsan kailangan din may me time. Hindi kasama sila Xander, Rafa at Kera. Isa pa mukhang nagkaka mabutihan na si Rafa at Kera sa isang linggong inoobserbahan ko sila. Ayoko silang pangunahan sa mga magiging ganap o desisyon nila sa buhay. Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. May masaktan man saka ako reresponde. Doon ako manghihimasok. Nag commute lang ako papunta ng Baguio. Nakita ko lang sa tiktok ang pinagkakaguluhang coffee shop rito na tinawag na love is blind. Na-intriga ako kung bakit pinagkakaguluhan pero mas interasado akong malaman kung bakit ganun ang pangalan ng coffee shop. Pumila ako ng counter para umorder ng kape at cake. Habang nag-aantay ng turn ko, nasa phone ko lang ang mga mata ko. Napunta ako sa f@cabook hanggang hindi ko namamalayan nasa search ko na ang pangalan ni Avry. What the hell, Ice? Stalker na ba ako ngayon? Pero titignan lang naman. Hindi siya n
AFTER ng tagpo namin ni Avry sa Love is Blind coffee shop hindi na siya masyadong cold sa'ken. Wala naman nagbago kung paano siya pero siguro this time medyo friends na kami, I think so. Nagtatanguan, nagbabatian kapag nagkukrus ang landas namin dito sa University. HABANG naglalakad papunta ng library nakita ko si Avry. As usual, kasama nanaman niya si Alexa. Buntot at anino nga ata talaga niya ang babaeng yun. "Hi," bati ko ng magtama ang mga mata namin, tumango naman siya, saka ako nagtuloy ng library. I was gonna signed up sa cosplay at Anime Club. Bakit ba kasi hindi na lang i-post sa bulletin board near the main entrance of University at kailangan pa talaga sadyain sa library. Si Rafa kasi sa Automotive & Robotic Club nag join, kasama niya si Kera. Palagay ko nasa next level na sila kung anumang meron sila. Si Xander naman sa sports, which is football. Ayaw kasi nun pinapagana ang utak. So, kanya-kanya na muna kami. Mga lunch na kami magkikita-kita. Wala kasi kaming klase
TAHIMIK ako ng makarating ng Cafeteria, ang daming tao at hindi ko pa nakikita yung tatlo kaya yung utak ko kung saan saan napunta. "Hoy!" Napaigtad ako sa gulat. "Fuck you! Kerara!" Nasabi ko na lang bigla, nahampas ko siya sa braso. Tumawa ito ng malakas na tuwang tuwa sa matagumpay niyang pang gugulat sa akin. "Gaano na kalayo ng narating mo?" Kunot ang naging tugon ko sa sinabi niya. Baliw ba to? "Ang layo kasi ng iniisip mo, Ice." Sabay ngisi ng animal. Pero totoo, malayo talaga.Gulong gulo ako dahil pumayag akong lumabas kami ni Avry na dapat hindi na. Nakita ko naman ang kamay ni Rafa na pumulupot sa kamay ni Kera. Sila na ba? Pero ginagawa ko din naman ang ganung gesture sa kanilang dalawa. "Doon tayo, guys," pukaw ni Xander na mukhang tahimik nanaman. I mean tahimik na hindi nakikisali sa usapan. Napapadalas ata ang pananahimik niya. Nang makaupo kami, gaya ng nakagawian si Xander na ang bumili ng kakainin namin kaya naiwan kaming tatlo. Himala at hindi nagcecellphone
DUMATING ang araw ng date namin ni Avry which is Saturday para walang pasok pati kinabukasan. I'm on my way now papunta ng bahay niya. Sinusundan ko lang yung waze, kung saan naka pin yung address na binigay sa'ken ni Avry. Malapit lang naman pala sa unit ko pero last time sabi niya malayo. Dahilan din lang siguro niya yun para hindi ko siya ihatid noon sa bahay niya ng masiraan siya ng sasakyan at sobrang lakas ng ulan. Nakita ko ang itim na gate na sinabi ni Avry at katapat ng TMZ Pet Shop. Nasa subdivision pala sila.Mabuti at pinapasok ako kanina sa guard house pero mukhang inaasahan na nila ang dating ko o baka akala ko lang yun. Kung anu anong iniisip mo Ice Queen... Saglit kong pinarada ang kotse ko saka bumaba. Nilabas ko ang phone na nasa bulsa ng suot kong fitted ripped jeans. Naka Ribbed Racer Back Cropped Tank Top ako na kulay maroon tas Korean white rubber shoes na may taas na two inches. Magulong nakalugay ang medyo curly at hanggang pwetan kong buhok tapos light m