Hinanap ko agad sila Kera ng makasunod ako ng cafeteria.
Nakita ko naman sila agad dahil sa pagkaway ni Rafa. Palakad takbo akong lumapit at naupo sa tabi ni Kera."Nag order na si Xander." Bungad ni Rafa. Napansin ko ang pagiging abala ni si Kera sa phone niya na kina-simangot ko.If I know ka chat nanaman niya ang cheater niyang boyfriend. Ewan ko ba at maraming tanga sa pag ibig dito sa earth."Hoy! Kera!" Aba at wala pa ding lingon. Batuhin ko nga."What??" Inis ang mukha nitong napaharap sa akin."Don't tell me nagkabalikan nanaman kayo??" Himutok ko. Ayoko talaga sa lahat cheater.Never akong bumalik kapag ex ko na."Let her be, Ice. You know her." Awat naman ni Rafa na nasa tapat ko. Umikot lang tuloy ang mga maganda kong eyeball."What did I miss?" Nilapag ni Xander ang isang tray. Pinagkasya talaga ng animal ang lahat ng pagkaen naming apat."Kera, as usual, being Kera." May pag irap ko sa gawi ng katabi ko. Tumango tango lang si Xander na tumabi na din kay Rafa.Alam niya na kung anong tinutukoy ko. Sanay na kasi kaming tatlo sa pagiging tanga ni Kera sa love.Parang totoo nga ata yung kasabihan na kapag matalino ka bobo ka naman sa love."Clubhouse sandwich and Mountain Dew for Rafa." Palakpak na parang bata naman ng isa."Coffee?!" Nagtatanong pero alam ng kay Kera yun. For sure, puyat ang gaga."Hindi ka kakaen?" Sita ko sa katabi kong ayaw ata paabala. Dapat di na lang siya sumama dito. Wala naman sa'men presence niya.Umi-iling na lang si Xander sa akin. Sumisenyas na hayaan na. "Lastly, for our Ice Queen..." Nagtama ang mga ngiti namin ni Xander na inabot sa akin ang plate ng creamy mushroom pasta.Alam niya talaga ang favorite ko. "Thank you, best friend." Halos mawala na ang mata ko sa pagkakangiti."Here's your iced lemon tea." Inilapag niya yun sa tabi ng plate ko.Bumalin uli ako sa katabi ko. Magkakape talaga siya na walang laman ang tiyan?Marahas na pumilig ang ulo ko pabalik sa pagkaen ko. Takam na takam agad ang pakiramdam ko."Hmmm.. Smell heaven!" Sabay pag ikot ng tinidor ko sa pasta."What the-" Isusubo ko pa lang naunahan na ako ni Kera.Animal!Sinamaan ko siya ng tingin, samantalang isinayaw sayaw pa ng gaga ang kanyang ulo na may papikit pikit pang nalalaman dahil sarap na sarap sa pasta na dapat nasa bibig ko."Sorry.. Ang bagal mo ei.." Pang aasar nitong dumila pa. Isang middle finger ko naman ang tinanggap niya."Oh! Shit!!" Bigla na lang nag iba ang mukha niyang parang nakakita ng multo.Sabay pa kaming tatlo na napunta ang tingin sa kanya."Look.. It's Valeri! Oh damn! Ice.. Sinuswerte ka nga naman." Napatingin naman ako sa nginunguso niya. Pati si Rafa at Xander napaikot na din ng katawan."Sino diyan?" Naguguluhang tanong ko."Yeah.. Siya nga." Si Rafa naman ang nagsalita na parang natalo sa pusta."Sino nga diyan?" Naiinis na ako. Limang babae ang nakikita ko pero wait."The girl with black eyeglasses." Rinig kong sabi ni Xander.Yeah, she's the girl who bumped into me in the morning and the girl who's creepy walking with her face down earlier from the comfort room."If I win, what would be the prize?" Naningkit ang mga matang tanong ko. Bigla akong ginanahan.Hindi pa napag uusapan ang bagay na yun dahil dumating na ang prof namin kanina."Your choice, Ice, but if you lose-""Sa akin na ang condo unit mo sa Makati." Putol ni Rafa kay Xander."You'll be my slave for one year." Sabi naman ni Kera."And you won't mind my love life anymore." Dagdag pa ng animal. As if mangyayari yun.I won't stop bugging her hanggat tanga siya sa mga nagiging jowa niya."And you, Xander?" Bigla kasi siyang tumahimik."Saka mo na malalaman kapag natalo ka na." Tila pagbabanta nito."Hindi ko na yun malalaman dahil hindi naman ako matatalo. Sure na kayo one year? Baka one week lang maghubad na yan sa harapan ko." Pagyayabang kong pumilantik pa ang kanang kamay ko sa hangin."Hoy Ice.. Let me explain it again.. You have to make her fall in love, not be naked in front of you."Umirap lang ako kay Rafa. Basag trip. Panget ka bonding.I know her point naman—Paano ko naman malalaman kung in love na nga saken ang four eyes na yun.Ikinatingala ng tatlo ang bigla kong pagtayo."Where are you going?" Parang sirang plaka ang mga ito ng lumakad ako palapit sa babaeng tinutukoy nila."Hey! No place to sit?" Nilabas ko talaga ang nakakabighani kong ngiti.Tila gustong umarko ng kilay ko pero nagpigil ako. Wala ba siyang naririnig?Tititigan niya lang ba ako? Umuwang ang labi ko ng maglakad ito at lagpasan ako.Bagsak ang balikat kong napunta ang tingin ko sa mga kaibigan kong parehas for sure ang naging reaction sa akin."I told you.." Rebut ni Kera ng makabalik ako."...You can't just easily be part of her life kaya good luck talaga sayo, Ice." Dagdag pa nito.Unang araw pa lang may conclusion na agad? Ang haba pa ng time length ko.Papunta na kami sa sunod naming subject. "What are you thinking?" Balin ni Xander na umakbay sa akin.Siya lang ang bukod tanging nakakagawa nun sa'ken maliban sa mga naging boyfriend ko.Hindi kasi ako basta basta nagpapahawak sa lalaki except him 'cause his my guy best friend.Close din ang mga parents namin kaya para na kaming blood-related."You're thinking, Drei?" Isang irap ang pinukol ko kay Kera. Igaya naman niya ko sa kanya.Once lang ako umiyak after nun move on na agad.Hindi gaya niya makakaipon ata siya ng ilang timba sa dami ng balak niyang iiyak sa cheater niyang boyfriend."Oh, you must be thinking that four eyes girl." Best friend talaga kami ni Rafa. Yun na din ang naging tawag niya."Why would I waste my time thinking about that creepy girl?" Masungit kong tugon. Creepy naman talaga."Maybe because right now, you are thinking how you gonna make her fall in love with you." May halong pagtawa ni Kera. "Are you ready to lose? Hmm, Miss Ice Queen?!" Dagdag pa nitong obvious na nang aasar. Kung di ko lang talaga siya kaibigan at mahal baka kanina ko pa to nasabunutan."I'm not gonna lose, and besides, it's too early for you to say that, Kera. I still have 364 days to accomplish my mission, you know." Confident kong balik sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mata. Nanahimik na ang lahat ng makapasok kami ng room. Sunod din naman ang prof namin kaya hindi na din talaga kami nakapag daldalan pa. Saglit lang ang naging klase namin kasi first-day pa lang naman. May 15 mins pa kami para sa last subject kaya balik nanaman ang tatlo sa dating topic. Mukhang the whole year ako ang magiging usapan nila. Nakakabagot yun. "So, what's your next move?" Panimula ni Rafa. "Pwede naman agad sumuko para hindi na masayang ang buong taon mo, Ice." Ito nanaman si Kera na napaka negati
Nakayuko nanaman siya habang naglalakad. Ang Creepy talaga. Mas binilisan ko pa ang paghabol dahil halatang ayaw niya sa presensya ko. "Miss.. Okay ka lang?" Agaw atensyon ko rito pero maliban sa pagiging Creepy, bingi din ata. "Pauwi ka na ba? Sabay na tayo.." Wala pa din siyang imik. Mukha na akong tangang naghahabol at nanunuyo sa nagtatampong girlfriend. Yeah, tama kayo ng dinig. Marunong akong manuyo pero sa babae. Kapag lalaki ang karelasyon ko never in history na mangyayari yun kahit kasalanan ko pa. "Hey. Valerie." This time, hinawakan ko na siya sa siko na agad ko din namang ikinabitaw dahil sa creepy nitong tingin roon. Sandaling dumaan ang anghel. Sobrang nilamon kami ng katahimikan. "If this is about bumping into you from the morning and in the washroom, I'm sorry. Anything else that you need?"Walang kaemo-emosyon niyang hayag. Parang kanina lang sa kanilang dalawa nung babaeng nakaaway niya. Akala ko hindi niya ako natatandaan dahil sa pag deadma niya sa akin ka
Nakatingin lang ako sa tatlong naglalaro ng billiards. Andito na ako ngayon sa hide out namin. Nasa isip ko pa din ang mga pinag gagagawa ko kanina. Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang ginawa ang mga yun. That's embarrassing. Wala pang tumanggi sa isang Ice Queen Samson. Siya lang. Ang Creepy, four eyes girl na yun. "Hey! Ice.. Where have you been?" Usisa ni Xander matapos sumargo. "Diyan lang." Matamlay kong sagot. Nakakahiya kung ikukwento ko sa kanila ang nangyari. Ang isang Ice Queen tinanggihan ng isang Creepy Girl? What the fuck diba?? Sino siya? Ano siya gold? "Ahh!!!" Napasigaw na lang ako sa biglang naalala sa sobrang yamot. "What happened to you??" Halos magsabay na tanong ng tatlo—Isang nakakalokong ngiti naman ang sunod na pinamukha sa akin ni Kera. Ramdam kong may kutob siya. "I told you. Valeri is different." Sambit nitong ikinatingin ng dalawa sa kanya. "Why? What happened?" Saka lang bumalik ang tingin sa akin ni Xander ng may pag aalala. Tumabi naman si Rafa
Ito na talaga ang pinaka worst na nangyari sa buong buhay ko. Malala pa sa lahat ng break up moments ko. "Arrgg.. Take it easy.." Pigil na pigil akong magalit—Heto lang naman ako at akay akay ang Creepy Girl na to papasok ng kotse ko. "Hooo." Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng masalampak ko siya sa passenger seat. Iniisip ko pa kung magpapaalam pa ba ako kela Rafa pero sa tuwing mapapatingin ako sa Creepy Girl na to hindi ko magawang umalis. After kong malock ang seat belt niya nagpunta na din ako ng driver's seat. Nag chat na lang ako kay Xander na nauna na akong umuwi. Bago ko pinaandar ang kotse, muli pa akong napatingin sa babaeng kasama ko. San ko siya ngayon dadalhin? Napamura na lang ako ng malala. Nang makarating ako ng parking lot bumalik nanaman ang frustration ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya dadalhin sa unit ko. Hindi naman siya mabigat pero ang hassle pa din. Never sa buong buhay kong dinanas ang ganitong sitwasyon. This was the first, and I wish it ne
"Bakit ka umuwi agad kagabi?" Nakadukdok ang mukha ko sa hawakan ng upuan ng maramdaman ko ang paghawak nitong nagsalita sa likod ko. Nag angat ako ng mukha pero walang salitang lumabas sa labi ko kundi isang buntong hininga. Wala akong maayos na tulog dahil buong magdamag akong nakaupo, nakasandal sa pintuan ng unit ko. Wala kasi akong tiwala sa Creepy Girl na yun. Umaga na ng payagan ko tong umuwi. "May sakit ka ba?" Muling usisa ni Xander. Umiling akong napatakip sa bibig ko dahil sa paghikab. I wanna sleep like crazy. Never pa akong umabsent sa buong buhay ko ng pagiging student. Kahit nga may sakit ako pumapasok pa din ako. Kaya kahit halos wala akong tinulog present pa din ako. "Can I have coffee? Xander, please." Tunog tila pinagbagsakan ng langit at lupa kong pagmamakaawa sa guy best friend ko. Babagsak na kasi talaga ang mga talukap ng mata ko. Baka palayasin ako mamaya ng Prof namin kapag ganito ang lagay ko. Hindi naman nag atubili si Xander. "Alright. I'll get you
"Y-yes, Mom.." Sabay ang pagtango habang nasa harap ako ng salamin, nag to-tooth brush. Nag vi-video call kasi kami ni Mommy. As usual, ang dami niyang bilin. Nasa Canada siya kasama ni Ate. Isang private nurse ang kapatid ko doon tapos si Mommy sa isang company nag wo-work, sa marketing department. Hindi ko alam exactly kung anong position niya. Mahalaga lang naman sa'ken ay masaya silang parehas.Mag-isa ko lang talaga dito sa Pinas at susunod na din kapag may green card na sila at naasikaso na ang pagkuha sa akin. Sabi ko naman, tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko saka kami magsa sama-sama. "Ang sabi ng ate mo, hiwalay na raw kayo ni Drei."Pinunasan ko ang labi at mukha ko matapos kong mag toothbrush at hilamos bago humarap kay Mommy. "Ang daldal talaga ni ate, kahit kailan," nakasimangot akong lumabi. Narinig ko ang pagtawa ni ate sa background. Ganitong oras ko sila nakakausap, 9 p.m. kasi 6 a.m. naman doon at yun ang free time nila. Miss ko na talaga sila. Even t
Five minutes bago ang sunod naming klase nasa room na kami ng mga kaibigan ko. Nasa isip ko pa din si Creepy Girl. Namangha ako sa galing at bilis niyang mag swimming. Hindi rin maikakailang maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi ganun kalapit ang pwesto namin kanina. Inaasar na nga ako ni Kera. Ako daw talaga ang ma-iinlove. Posible pero hindi pa din talaga ei. Malabo. As in malabo kasi sa ugali pa lang nito. Hindi na swak. After ng huling subject namin kanya-kanya na kami pagdating ng parking lot—Nasa loob na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay habang nakikinig ng music. "Oh shit!" Naibulilas ko sa biglaang pagbuhos ng ulan. Halos hindi na makita ang daan at nagdilim din ang kalangitan. Honestly, I hate rain. I felt alone and lonely and gloomy when it was raining. Habang binabagtas ang daan napansin ko ang nakahintong pulang kotse. Napatingin lang naman ako ron, no reason in particular until maningkit ang mga mata ko sa paglabas ng babae. Siya nanaman?
"Hey. Wake up.." Ramdam ko ang bahagyang pag uga niya sa balikat ko hanggang sa mag angat ako ng ulo. Tingin ko naka idlip ako habang inaantay siya matapos sa pagluluto. "Eat now." Napatingin ako sa mga pagkaeng nasa lamesa, sa harapan ko lng. Umuusok pa ang bagong saing na kanin pati ang- SINIGANG?? "That's my favorite.." Nasabi ko na lang sa sobrang pagkatuwa. Last na kaen ko pa nun si Mommy pa ang nagluto. Ibig sabihin ang tagal na. Maliban sa tipid at huling sinabi, tahimik na si Creepy Girl. Tunog lang ng kutsara, tinidor at pag nguya ata namin ang naririnig ko. Nakakasira ng ulo ang sobrang katahimikan. "Thank you." Sabi ko habang humihigop ng sabaw nung sinigang na niluto niya. Almost kasing lasa na ng luto ni Mommy."The rain had stopped. After this, I gotta go," Walang bahid emosyon niyang hayag. Grabe, iiwan niya talaga akong mag isa kahit pa alam niyang may sakit ako. Ang tigas. Walang puso. Mukhang paghihirapan ko talaga ng husto ang pagkuha pa lang sa loob niya. Ho