Third-Person's Point of ViewAraw ng Sabado. Maaga pa lamang ay binubulabog na ni Eugene ang anak na nangpapahinga. Akala mo'y bumalik sila sa panahon kung kailan nag-aaral pa ito at gigisingin upang maghanda na sa pagpasok sa eskwela.Mag-aala sais pa lamang iyon ngunit ayaw tigilan ni Eugene si Felicity hanggang hindi siya pagbuksan."Ang aga pa, mother," pagrereklamo ng matchmaker at naiirita dahil nasa kalagitnaan siya nang masarap na tulog nang bulabugin siya ng ina."Oo nga, umaga na kaya maligo ka na at inihahanda ko na ang mga dadalhin mo para sa kaniya," anang ginang at dinedma lang ang pagrereklamo ng anak. Bigla siyang tinalikuran nito matapos sabihin iyon. Naiwan namang nakasimangot ang matchmaker habang nakatingin sa ina niyang paalis. "Nakakainis naman, e! Ang aga-aga pa!" Pagmamaktol niya at isinarang muli ang pinto at mabilis na nag-dive padapa sa kama.Sinubukan niya ulit matulog, ngunit nang paidlip na, may kumatok na naman sa pinto. Wala na siyang nagawa kundi bu
Elyana's Point of ViewNaalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pagtulog nang maalala si Felicity. I was hundred percent sure na siya ang umalalay sa akin sa banyo nang umagang iyon. Siya lang naman ang kilala kong maarte at mahilig sa matamis na amoy na pabango.Napabalikwas ako ng bangon. Wala na ang hilo ko. Hindi na rin masakit ang ulo at hindi na parang nangangasim ang sikmura. Almost ten in the morning na rin nang mga sandaling 'yon kaya una kong naisip, baka wala na siya at umuwi na sa kanila. Isipin pa lang ay parang naiiyak na 'ko. Hindi man lang kami nakapag-usap gaya ng pangako niya but my guts told me na naroon pa siya. Like a hint na galing kung saan.Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan para hanapin siya. Kulang na lang talunin ko na mula sa itaas, pababa. Nakarating na 'ko sa pinakababang baitang nang bigla akong mahinto matapos maalalang mayroon nga palang lumalaking bata sa loob ng aking sinapupunan.Nakalimutan ko. Mabuti na lamang at hindi ako nahulog o nadulas dala n
Felicity's Point of ViewNi-lock ko ang sarili sa banyo matapos makaramdam ng kakaiba. Nag-iinit ang katawan ko at parang gusto kong maglublob sa nagyeyelong tubig nang dumampi ang balat ni Elyana sa balat ko. Para bang nakapapaso ang balat niya at nang magdampi sa akin, mistulang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Ano 'yon, mga bakla? Nagkaroon na ba siya ng superpowers? Imposibleng static lang 'yon ano! Kinikilabutan ako!Naghilamos ako ng mukha. Dalawang beses kong ginawa nang mahimasmasan pero wala...hindi nabawasan. Kalerke!Inulit ko. Naisip punuin ang laman ng lababo matapos ilagay ng bilog na rubber stopper sa butas para gawing basin iyon. Nang sapat na ang tubig, ipinusod ko muna ang mahabang buhok ko at saka ililublob ang ulo ko sa lababo.Napakalma ko pa ang sarili ko nang bigla niya akong niyakap sa kusina pero iyong huli, parang iba mga te.Parang gusto ko na lang lumabas at umuwi na. Akala ko nawala na ang kakaibang pakiramdam na 'to sa isang buwan na hindi n
Third-person's Point of ViewHindi na nahabol ni Felicity ang sasakyan kung saan lulan si Elyana. Tumawag siya sa mansion upang alamin kung saan dinala ito ngunit hindi raw nila alam dahil hindi pa tumatawag ang sinuman sa mga kasama ng kanilang amo sa pagsugod dito sa ospital.Dalawa ang ospital na malapit kaya hindi alam ni Felicity alin sa dalawa ang unang pupuntahan. Nagpasya na lamang siyang puntahan pareho dahil ganoon din naman ang mangyayari kung hindi pa mabalitaan ang mga nasa mansion na kaniyang binilinan na tawagan siya kung mayroon na silang balita.Halos paliparin niya ang kaniyang sasakyan sa kalsada. Hindi alintana ang mga kasalubong at nilalagpasan ang mga nakasasabay niya. Kakabog-kabog ang kaniyang dibdib habang sinisisi ang sarili. Pakiramdam niya, kasalanan niya kung bakit iyon nangyari. Na baka na-stress sa kaniya si Elyana na kabilin-bilinan pa naman ni doc Lilia na iwasan niya.Kinausap niya pa ang doktora pero hindi rin naman siya susundin. Kaya naman ganoon n
Felicity's Point of View"Ma'am, bakit ang laki-laki po yata ng eyebags mo?" tanong ni Daldalita nang magkasalubong kami sa kusina nang manguha ako ng tubig na maiinom.Kaya pala iba kung makatingin sa akin, eyebags ko pala ang tinitignan. Maaga na nga akong bumangon para hindi makita ang sinuman sa kanila. Hindi ko naman akalain na maaga rin palang bumabangon ang madaldal na iyon. Sa dinami-rami rin naman nilang mga kasambahay, siya pa talaga. Siya pang walang preno ang bunganga.Inubos ko muna ang tubig na sinalin ko sa baso bago siya hinarap. Nginitian ko muna."Bakit, ano bang meron sa eyebags ko?" Nagpanggap na wala akong alam kahit nakita ko naman sa salamin kanina na malaki nga at medyo mukha akong bangag."Parang kakaiba lang ho ngayon. Medyo malaki lang, ma'am," sagot naman niya.Ramdam ko naman na nahiya siya sa part na 'yon pero iyong paraan kung paano niya ako tingnan ay nauudyok sa akin na kurutin siya sa pisngi. Parang ang cute-cute kasi ni Daldalita. NakapanggigigilPa
Sa pagdaang ng mga buwan, naging madalas ang pagbisita ni Felicity sa buntis na kaibigan. Lagi siyang kinukulit nito at kung minsan pa'y si Elyana mismo ang naghahagilap sa kaniya sa kung saan-saan. Walang kapaguran si buntis.Pumupunta siya sa opisina anumang oras gustuhin at pabalik-balik na rin sa bahay ng mga Martincu upang tumambay at makipagkwentuhan tungkol sa pag-aalaga ng bata kina Eugene at Lea lalo na kapag naroon si Felicity.Hindi na siya naiilang na iyon ang paksa, di gaya noon na iniiwasan niya at mas pinipiling lumayo kapag ganoon ang usapan nila.Gustong-gusto rin naman ni Eugene na naroon si Elyana dahil kahit papaano ay nagagawa niyang matiyak na maayos ang apong nasa sinapupunan ni Elyana. Hindi lang niya masabi ngunit excited na siyang makita ang bagong apo sa pinakabunsong anak na si Felicity.Nang limang buwan na ang tiyan ni Elyana, isang bonggang gender reveal ang inihanda ni Felicity sa kaniya. Courtesy of doc Lilia na siyang nag-tip kung anong gender ng bab
Sa pang-anim na buwan na pagbubuntis ni Elyana, nagsimula siyang makadama ng kakaiba. Sinabihan siya ng doktor na huwag ng masyadong nagpapapagod dahil pati ang bata sa tiyan niya ang nai-stress din at napapagod.Binawasan niya ang ang paggala, naging antukin at madalas naman siyang gutom kaya lalong bumibilog ang kaniyang katawan. Nawala na ang madalas na pagkahilo niya at pihikan sa pagkain, pero may lagi siyang hinahanap.Si Felicity. Tila ba hindi kompleto ang kaniyang araw kung hindi ito nakikita. Kaya nang hilingin nitong doon na lamang siya sa mansion ulit tumuloy, wala ng nagawa pa si Felicity. Mahirap tanggihan ang buntis at maaring hindi naman siya ang may gusto niyon, maaring ang sanggol sa loob ng kaniyang tiyan na siyang nakadarama ng kanilang matinding koneksyon. Ang problema lang nila, panay ang dikit at yapos ni Elyana. Kung pwede nga lang ay pasanin na niya ito o kargahin lagi para mabitbit kung saan-saan. Ganoon din naman ang nangyayari.Lagi kasing nakabuntot. Wa
Felicity's Point of ViewI saw it in her eyes. Hindi nga siya tumawa but I saw how much she wanted to laugh nang sabihin ko sa kaniya 'yon. I swallowed my pride para roon. Para sana matulungan siya sa kakaibang craving niya, but my goodness! Bigla akong nahiya. Kulang na lang magpalamon ako sa sahig o mag-evaporate na lang nang time na 'yon mga bakla. Jusko!Sa totoo lang, nakakahiya talaga. Noong time lang na 'yon ako nakadama nang ganoon klaseng hiya sa buong buhay ko. Bigla ko tuloy natanong ng sarili kung I sounded like a perv kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. I don't know honestly, but it was a shame sa side ko pero thank God I found an excuse nang sabihin niyang the mood was off. "I don't think I still need it right now." aniya. Kita pa rin ang gulat sa kaniyang mga mata."Haha! I-I can't believe that was effective!" I commented. Faking my amusement at sinamahan ko pa ng tawa nang sa ganoon maging epektibo sa paningin at pandinig niya.Gusto kong itago ang awkwardness n