Elyana's Point of ViewChristmas na christmas pero ang gloomy ng pakiramdam ko. I was expecting to see Felicity pero bigla naman siyang umalis. I tried to blend at pumantay sa mga energy nila, but I couldn't dahil pinag-uusapan nila'y buhay may-asawa at paano magpapalaki ng mga anak nang tama.Super out of place ang pakiramdam ko dahil sa mga paksa nila. Ako lang yata at si tita Eugene na single sa amin na naroon, although siya ay biyuda, ako naman diborsyada kaya parang it's a tie lang.Nakinig na lang ako at pangiti-ngiti. Baka may mapulot akong magandang mga tip that I could use sa future. Natutuwa ako sa mga batang naroon. Dalawa ang babies, anak ni Felix kay Pretzel at anak ni ate Lea na bunso. Mula hapag-kainan at sa garden kung saan nagyaya si tita na tumambay para mapag-usapan ang nalalapit na kasal nina Felix at Pretzel. May kaunti raw mga details na idadagdag at aalisin. Gusto nilang mga malalapit lang sa pamilya ang naroon at iyong mga nakatira sa isla kung saan gaganapin a
Third-person's Point of View"Saan ka na naman pupunta?" Nagitla si Felicity sa biglang pagsulpot ni Felix mula sa kung saan. Nahinto siya sa paglalakad at hinarap ang kakambal na buhat ang kaniyang pamangkin na mana sa ina niyang bungisngisin. Kalalabas lang ni Felix sa comfort room na malapit sa dining area nila. Pinalitan niya lang doon ng diaper ang magdadalawang buwan pa lamang na anak."A-Akyat lang ako... sa kwarto. I-I need to send a...a file to a client kasi...urgent," utal-utal nitong sagot dahilan para mapangisi si Felix.Kilalang-kilala niya kasi ang kakambal at ramdam niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi at sa pagkakataong 'yon, bakas ang kasinungalingan sa kaniyang mukha."Sinungaling. Tatakas ka na naman ano?" ani Felix sa kaniya at pinanlakihan ito ng mga mata. "T-Tatakas? B-Bakit ako tatakas? Patawa ka talaga kuya. Haha!" palusot niya at sinundan pa ng pagtawa ngunit kay Felix, wala siyang takas."Halata, Felipe. H'wag ako ang lokohin mo. Mag-alaga ka ng
Kinabukasan, maagang nagising si Elyana dahil masyado siyang binabagabag ng damdamin. Nagpasya siyang hayaan na lamang si Felicity sa nais nito at h'wag ng istorbohin. Aasa na lamang siya sa balita mula kina Pretzel sakaling malaman nila ang dahilan ng pagiging ilag sa kaniya ng kaibigan.Mabuti na rin at may ibang bagay siyang dapat pagtuunan ng panahon at para sa kaniya, mas mahalaga iyon.Nang umagang 'yon, pinadalhan niya ng mensahe si Florentin upang makipagkita sa kaniya. Natuwa naman ang loko dahil na-miss na raw siya ni Elyana at naisip siya nang ganoon kaaga. Nagkita sila sa isang sikat na ice cream parlor di kalayuan sa subdibisyon kung saan naroon ang mansion ng mga Begum. Ayaw niya sa kanilang bahay dahil tiyak siyang hindi niya ito magagawang makausap. Ang kaniyang ina ang paniguradong uubos ng oras at pauulanan ng tanong ang binata upang alamin ang pagkatao nito at kung anong buhay siya mayroon. Nagpaalam siyang may bibilhin lang sa Mall na sapatos na ipapares sa damit
Third-person's Point of ViewDumating na ang araw, parehong on the way na sina Florentin at Elyana papunta sa klinika ni doktora Lilia nang walang ano-ano ay nakatanggap ng tawag si Florentin mula kay Felicity."Answer the call," utos niya sa AI na naka-install sa kaniyang mamahaling sasakyan at ito na ang nag-accept ng tawag para sa kaniya."Hel...""I set a date for April's mom today. I'll forward the place and time. Sasama raw siya sa nanay niya just for moral support and for sure sa malayong table lang siya. Grab this chance!" Hindi na niya pinatapos si Florentin sa pagbati at ito agad ang bungad ng matchmaker sa binata."Okay," kaniyang sagot at biglang kinabahan dahil sa wakas ay muli niyang makakaharap ang babaeng natitipuhan. Isang mensahe nga ang agad na dumating. Inutos niya sa AI na basahin. "8:00 AM, sa Moonbucks coffee shop," basa ng AI."Naku naman, bakit ngayon?" untag niya sa loob ng sasakyan at napamura ng wala sa oras. "May problema ba?" tanong ni Felicity na n
Elyana's Point of ViewTapos na ang procedure. Pinagpapahinga muna ako ni doc Lilia sandali bago pinayagang umuwi. I was home nang pakiramdam ko ang sarili kong katawan kung may kakaiba ba pero wala naman.Honestly, nakaiilang iyong procedure na ginawa sa akin dahil I needed to spread my legs again sa harapan ni doc. Nervous, but not too much. Parang more on excitements. She told me to return after a week or two para malaman kung successful ba o kailangan pang ulitin kahit sabi niya na malaki ang chance na may mabuo na dahil my body seemed so ready for that day and let's just think positive for a positive result.Sana nga ano? I would be so happy if pagbalik ko ay good news ang maririnig ko and for that time ko lang sasabihin sa parents ko na I would become a mommy soonest.Isipin pa lamang ang maaring maging tagpo, I felt overwhelmed already paano pa kaya kung nangyari na?Nagtataka lang ako, hindi ako tinext o tinawagan ni Florentin. I was expecting to see him around pero wala ni an
Third-person's Point of ViewNang mapindot na ni Elyana ang pulang buton sa kaniyang cellular phone, nanatili namang ongoing ang call kay Florentin. Nasa kabilang linya si Felecity at pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Tahimik na nag-iisip at nakokonsensiya.Ang kaluskos at kakaibang ingay na narinig ni Elyana ay galing sa panig ni Felicity. Mabuti na lamang at hindi ito labis na nang-usisa, sila sana'y nalagot ni Florentin kung nagkataon nahalatang naka-conference call ang tawag na iyon."Narinig mo naman siguro ano?" tanong ni Florentin kay Felicity nang wala na si Elyana sa kabilang linya."I heard," mahina niyang sabi at napabuntong hininga."So ano na ngayon plano mo? Kakausapin mo na ba siya o papairalin mo pa rin kaartehan mo?" ani Florentin na tumaas bigla ang tono ng boses dahil gusto na niyang batukan ang matchmaker na masyadong nagpapabebe. Mabuti na lang at malayo. Kung nagkataong nasa tabi lang ay baka nasaktan niya ito."Mag-isip ka na ng gagawin mo. May checkup
Elyana's Point of ViewIt was only two weeks when I started to feel the pregnancy symptoms. Nakabibigla pero normal lang daw iyon ayon na rin kay Doc Lilia at maaring mawala kalaunan pero hindi ako komportable sa araw-araw kong nararamdaman.I went back and forth sa clinic niya dahil sa takot ko na baka ikasasama ng baby ko ang mga iniinom at kinakain ko. Iyong simpleng kirot sa parte ng katawan ko ay naalarma na ako.Naka-pa-paranoid sa totoo lang at tinatawanan na nga ako ni doc pero naiintindihan nama daw niya ako. First baby raw kasi at nakikita na niya kung gaano ako ka-overprotective sa baby ko.Lately, napakarami ko ring mga napapansin sa paligid. Kahit sa pagkain, naging mapili ako at ayaw ko ng bawang at sibuyas sa pagkain. Maamoy ko nga lang naduduwal na ako at napapatakbo agad ako sa banyo. Naging sensitibo ang panlasa ko, pang-amoy at kahit ang pandinig.Panay na rin ang hanap ko ng kung ano-anong pagkain. Nagpapaluto pero minsan hindi ko rin naman kakainin at nang nakara
Felicity's Point of View"Mother, I saw her today," anunsyo ko kay mother Earth habang nasa hapag-kainan kami at nagsasalo sa inihanda niyang pananghalian.Umuwi ako to have lunch with them after she called me early in the morning para ipaalala na may dapat akong gawin para sa araw na 'yon.Iyon ay para magpunta sa isang simbahan na isa sa mga binibigyan niya ng donation taon-taon. Another year na kasi at ako ang madalas niyang pinaaasikaso ng mga 'yon kapag may free time ako dahil alam niya naman kung gaano ako kagala. Hindi naman ako gumagala at nagpupunta lang sa kung saan-saan ng wala namang katuturan. Alam n'yo naman ang aking propesyon. Idinaan ko lang naman doon ang tseke na galing sa kaniya. Nakipagkwentuhan sa pari at mga madre na hindi ko inasahan na medyo mapapahaba dahil napakarami nilang mga chikka. Naiisip ko rin, kung siguro hindi ako natagalan, baka hindi kami nagkita. It was more like a blessings in disguise. I wasn't expecting to see her. Not at a church dahil