Home / Romance / Miss Misunderstood / Chapter 14: Something is Fishy

Share

Chapter 14: Something is Fishy

Author: Wysteriashin
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Kinabukasan, tinignan ko agad ang cellphone ko na nasa side table at madali ko lang naabot. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makitang wala pa rin ni isang reply akong natatanggap galing kay Felicity. Ang unang kong naramdaman ay kaba, sinundan ng takot dahil baka napaano na siya. I tried calling her again pero out of coverage area pa rin ang numero kaya pinindot ko na agad ang cancel. Tinignan ko ang oras at nakitang 8 o’clock pa lamang ng umaga. Hindi ko alam kung anong oras nagpupunta sa opisina ang secretary ni bakla, but wala namang mawawala kung susubukan kaya lang—hindi ko alam ang cellphone number ng secretary, kaya paano ko matatawagan?

Nakakainis naman ito. Sana pala kinuha ko kahapon, but wait—

May naisip akong ibang paraan. Nagmadali akong bumaba at naghanap ng telepono at nang makita ko ang old fashion wired telephone sa living room ay agad kong tinungo iyon. Inangat at inilapit sa aking tainga to check kung may dial tone akong maririnig, and good thing it has. I search
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Miss Misunderstood   Chapter 15: Madwoman

    Tatlong araw na mula nang umalis si Felicity at wala pa rin akong balita kung nasaan siya. I still try calling her number everyday, pero pareho lang din ang sinasabi ng operator, "out of coverage area."Dumalaw rin ako sa bahay nila pero mukha namang hindi nag-aalala sina Tita dahil normal ang kanilang mga kilos at tila hindi nag-aalala na may nawawalang parte ng kanilang pamilya. Nag-sorry na rin ako kay ate Lea dahil sa mga sinabi ko noong huling bisita ko. I told them the same excuse na sinabi ko kay Felix and they told me they understand naman my situation and on why I acted that way.I'm thankful they didn't hate me for saying bad things about the girl Felix likes a lot.Sa loob din ng tatlong araw na 'yon ay sinubukan kong buhayin ang naudlot kong social life dahil hindi ko na nagagawa nang nag-asawa ako. I went to an exclusive club to meet new people and just partying all night. I decided to get a driver's license na rin and enrolled for a one year gym membership sa isang sikat

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 16: Hidden Agenda

    Isang oras lang mahigit ang flight from Manila to Caticlan and mula sa paliparan ay sumakay ako sa isang van na provided ng hotel kung saan ako ng book ng VIP room at mula sa airport ay sasakay naman ako sa isang private boat na sila rin ang nag-provide for me. Easy travel and maganda ang accomodation nila mula nang makarating ako sa mismong hotel. I tried calling Felix's number para ipaalam na naroon na ako sa Boracay, but hindi na ako nagulat nang hindi siya ma-contact. Isang oras din ang layo ng hotel mula sa lugar kung nasaan sina Felix pero ayos lang. Malapit na 'yon kumpara sa Manila, ang mahalaga ay makaharap ko na ang babaeng sinasabi ni Felix na gusto niya at ang ipinalit ni Felicity as best friend sa akin. Gusto ko na sana silang puntahan kaso gabi na at gusto ko na ring magpahinga. Naisip kong magbabad sa bathtub. Sinadya kong medyo maligamgam para ma-relax. I closed my eyes at hinayaan na nakalublob sa tubig ang halos buo kong katawan. Ulo ko lang ang tanging nakaahon h

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 17: Meeting Her

    "Hi, Felix! Good morning!" malakas kong bati sa lalaking malayo pa lamang ay kilala ko na kung sino. I was waving my hand habang palapit sa kaniya. Mabilis ang bawat hakbang na halos patakbo na upang agad siyang malapitan. I was excited na makapunta sa lugar kung nasaan si bakla ngayon. Late siya ng ilang minuto mula sa oras na sinabi niya sa akin kagabi, kung paano ko siya napaniwala na narito ako para magbakasyon lang ay napahabang kwento, pero bibigyan ko kayo ng ilan sa mga detalye. Noong una ay tinext ko lang upang sabihin ang rason ko, vacation and distraction, pero dahil hindi nag-reply ang natural na dedma lang na si Felix ay tinawagan ko na. Nakailang missed calls muna ako bago niya sinagot at ang sabi pa ay may kausap daw siya kaya hindi niya sinasagot. Siya na lang ang tatawag pagkatapos that’s why I waited. Hinintay ko kahit late na. Alam kong may isang salita naman siya. Around 11 pm na nang mag-ring ang cellphone ko. Naghanap pa raw siya ng malakas-lakas na signal ka

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 18: Heavy Heart

    "Parang may kamukha kang Turkish actress, Elyana." Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang mabanggit ni Pretzel ito."Oh true! Madalas kong makita sa social media kapag nag-po-post ako sa wall ko. Hindi ko lang alam ang name ni girl. Kung iyon ang naiisip mong kamukha niya, I will agree!" Hindi na ako nakasagot dahil si Felicity na ang naunang nagsalita, ngumiti na lang ako sa kaniya dahil hindi ako makasingit kay bakla at may iba silang paksa pagkatapos niyang masabi 'yon at hindi ako makasakay sa pinag-uusapan nila. I'm just observing them. Panay ang tawa ni Felicity at kapag natutuwa nang husto ay nahahampas niya ang kaniyang katabi. Kapag napapalakas, gumaganti sa kaniya si Pretzel. They look so close to each other and that's made me feel jealous, isa pang bagay na nakadama ako ng inggit, ang makita siyang nagdadalang-tao na noonpaman ay pangarap ko na.Napansin kong medyo halata ang tiyan niya kapag malapit. I want to ask kung ilang buwan na ang baby sa loob pero hindi ako makasi

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 19: Daydreaming

    Nagtatawanan sila at nagtutuksuhan while we were having lunch. Kapansin-pansin kung paano asikasuhin ni Felix si Pretzel, inaalok ng kung ano-ano, nilalagyan ng kanin ang plato kung wala ng laman at pinaghihimay ng isda at alimango kahit na inaawat na siya nito. I couldn't take my eyes away from them. Naaliw and at the same time, there was envy. Tila ba ibang Felix ang pinagmamasdan ko nv mga sandaling 'yon. Napakalayo on how I knew him as a kid hanggang sa nagbinata. Siya ang pinakamasungit sa kanilang magkakapatid at pinaka-snob sa kanilang pamilya, but looking at him that moment made me wonder how much he had change for the long years.Felicity stayed the same, the talkative, loud and energetic person I have ever known. Napakalayo ng personality ng dalawa, but—watching him take care of Pretzel is not the person I used to know as him.After lunch, ipinagpatuloy namin ang trabaho. We went on the location kung saan namin ilalagay ang maliit na health center. Gusto rin nilang i-expand

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 20: His True Feelings

    Araw ng Biyernes, muli akong hinatid ni Felix pabalik sa hotel. Hindi ko kailangang pumunta sa site sa susunod na dalawang araw o sa madaling sabi—hindi ko kailangang makipagplastikan kay Pretzel bukas hanggang sa Linggo. Nakapapagod ang trabaho, but it's worth is when I could be with my best friend. Napakadali niya talaga akong mapatawa kahit sa simpleng salita lang at facial expressions niya ay naaliw na 'ko. Nakakainis lang kapag pati si Pretzel nakikitawa sa amin, kapag ganoon, nakataas ang kilay ng inner brat side ko. Mabait naman siya sa akin pero naiirita ako sa presensya niya lalo na kapag inaasikaso ng kambal kapag kailangan niya sila at may pagkain siyang hinahanap. You know—the pregnancy cravings and sort. I heard balak ni Felix umuwi. Si Felicity din kaso aalis ni Felix kaya hindi n'ya papayagan si Felicity na iwan ang buntis mag-isa. We arrived around 8 o'clock sa hotel. Bababa na sana ako pero may bigla akong naisip na gawin at dahil araw ng Biyernes, may party na

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 21: No Harm

    Third-person’s Point of ViewIbang Elyana ang lumabas mula sa VIP room White Castle Hotel and Resort. Iba ang ayos niya nang araw na ito at kitang-kita ang kaniyang pagkasopistikada. Malayo sa ayos niya sa tuwing susunduin siya ni Felix upang maging assistant niya. She was wearing a black tight dress na labas ang kaniyang magkabilang mga hita. She also wore makeup and and she curled her hair para magkaroon ng buhay ang bagsak niyang mahabang buhok. Nagsuot ng mamahaling sapatos at nagdala ng worth a half a million na maliit na pouch. Pagbaba niya sa ground floor ay ang front desk agad ang kaniyang tinungo. Ang dalawang staffs na naroon ay halos hindi siya nakilala sa kaniyang ayos.“How much ang bill ko last night?” tanong niya sa dalawang naroon.“Can I get your name, ma’am and room number where you checked in?” tanong sa kaniya ng isa na nasa harapan ng computer.“Bago ba siya rito,” tanong ni Elyana sa isa pang babae na naroon na biglang naglaki ang mga mata nang makilala ang boses

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Miss Misunderstood   Chapter 22: Miss Misunderstood

    I left—hindi lang sa lugar kung saan naroon silang tatlo, I left Boracay after crying so hard sa loob ng VIP room ilang oras bago ako nagdesisyong mag-impake and while I was doing so, my parents called matapos makarating sa kanila ang nangyari at naging dahilan 'yon para lalo akong sumabog."Pati ba naman ikaw, mom? Why no one believes me? I don't have any plans to harm her and her baby? I wasn't even thinking to lay my finger on her skin, I just want to talk to her and ask her about something," pabalabag kong sagot matapos akong sermunan ng nanay ko.Alam kong maging siya ay nagulat din sa pagbulyaw kong iyon, imbes magalit lalo sa akin ay bumaba ang tono ng kaniyang boses at may lambing na sinabi ito sa akin, "but that was what they told me, anak. Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka? Akala ko okay ka lang d'yan gaya nang sabi mo nang huli tayong mag-usap. Kampante kami ng ama mo rito na iyon nga ang totoo pero bakit—?" Dinig na dinig ko kung paano nabasag ang boses ni mom na dah

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Miss Misunderstood   Special Chapter #2

    “Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il

  • Miss Misunderstood   Special Chapter #1

    Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong

  • Miss Misunderstood   Epilogue

    Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s

  • Miss Misunderstood   Chapter 92: Final Chapter

    Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment

  • Miss Misunderstood   Chapter 91: Surprise Visit

    Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri

  • Miss Misunderstood   Chapter 90: Return of Felipe

    Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu

  • Miss Misunderstood   Chapter 89: The Reasons Behind

    The next day, sa nursery ako tumambay habang nagbabasa ng libro. Aquia was asleep, kaya nasa kani-kanilang mga gawain ang both parents ko. Busy ako at pagbabasa nang may biglang humarang na bungkos ng mga rosas kung saan nakatutok ang mga mata ko. Damang-dama ko pa naman na rin ang eksena dahil nasa intense part na ang kwento. E kaso may istorbo.I raised my head and saw Felicity. Pinaningkitan ko ng mga mata. Ngingiti-ngiti pa."Isn't lovely? A client gave it to me kanina. Naisip kong iuwi na lang kaysa malanta sa office. If you like, sa'yo na lang," saad nito habang nakataas ang isang kilay at parang naiilang na tumitig sa akin.Na-touch na sana ako na binigyan ako ng flowers. Pero galing pala sa client at dahil manghihinayang, he decided to just give it to me. Ginawa pa yata akong trash can."T-Thank you! Kahit papaano, naalala mo ako," usal ko na medyo tunog sarkastiko pero dedma lang naman ni bakla. "You're welcome!" Patili niyang sagot. Ang sakit sa tainga dahil napakatinis ng

  • Miss Misunderstood   Chapter 88: Goodbye Long Hair!

    Elyana’s Point of ViewNang nakarating kami sa kusina tatlo, hiyang-hiya ang mga kasambahay sa presensya ng bisita namin. Binati niya pa ang mga ito samantalang hindi na nga sila magkandaugaga nang nakita nila siya. Kahit si Daldalita na likas naman talaga na walang tigil ang bibig ay parang natameme biglaan.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. I didn’t expect they would react like that sa harapan ng nagpapanggap na si Felicity. Sinakyan ko na lang ang trip nila kaysa masabihan pa akong killjoy ng dalawa. Pati si mom todo ang acting pero pasimple ang talikod at tatawa nang mahina. Kuhang-kuha niya ang baritonong boses ni Felix at pati ang kilos. Habang umaarte siya, I couldn't take my eyes of him. Hindi ko na matandaan kung kailan niya huling ginawa iyon. If I was not mistaken, way back high school pa noong huli kong nakitang lalaking-lalaki talaga ang kilos niya at iyong mga panahon pa hindi pa siya naglaladlad.Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kakambal niya kaya ma

  • Miss Misunderstood   Chapter 87: The Change We're Waiting

    Elyana's Point of View The night became so long dahil punong-puno ng kung ano-ano ang isip ko. I was awake until midnight at kahit napakaraming mga bagay na gumugulo sa isip ko, I felt at ease—at peace. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Walang gabi na hindi ko naiisip lahat ng mga problemang pinagdaanan ko. Iyong mga insidenteng halos nagwakas ng puso ko. But look at me, I am still standing, smiling, at sa totoo lang, I felt contented sa anumang mayroon ako sa kasalukuyan. I couldn’t deserve the happiness my son brought me. Buong akala ko noong umalis ako sa England at nagpasyahang magpag-isa na lang dahil it seemed it was my only choice pero hindi pala. May naghihintay pala sa akin na mas maganda and never in a second pinagsisihan ko na umuwi ako sa Pilipinas. Aminado naman akong malaki ang naging papel ni Felicity sa lahat. From start at hanggang sa kasalukuyan nand’yan pa rin siya to stand beside me. Ewan lang sa baklang ‘yon kung aong plano niya sa buhay niya. Hindi na

DMCA.com Protection Status