Hanggang sa natauhan sya at agad na napaupo dahil doon. Napatingin sya sa gilid niya ng may gumalaw doon at mas yumakap sa kaniya. Nakita niya agad ang katawan nito na walang soot na pang itaas kaya agad syang napatingin sa katawan nya at wala nga syang damit.
“What have you've done Atasha!”
Mahinang bulong ni Atasha sa sarili niya at napahawak sa ulo niya. Nakita niya ang damit sa sahig kaya agad niyang inalis ng dahan dahan ang kamay ng lalaki sa kaniya.
Maingat lang sya dahil baka magising ang lalaki. Ng magawa niya ng maayos ay agad syang tumayo kahit pa na masakit ang pagkababae niya ay dali dali syang nagbihis.
Hindi niya nililingon ang lalaki o titigan manlang ang muka nito dahil sa kahihiyan. Agad syang tumakbo sa pinto at hinawakan ang doorknob niyon at binuksan.
Pero napatigil sya at may parte sa kanya na ayaw niyang umalis. Gusto niyang lingunin ang lalaki na syang ginawa nya. Hindi nya makita ang muka nito dahil yakap na nito ngayon ang unan na gamit niya kanina.
Umiling nalang sya at lumabas doon. Napatingin sya sa hallway na iyon. Napakalawak at walang tao. Madilim pa din mukang sa tyansa niya ay madaling araw palamang.
Maingat sya na naglakad sa hallway na iyon at pilit na hinahanap ang daan palabas.
Na nagawa niya naman. Nakita niya ang isang napakagarbong hagdan na ikinakunot ng noo niya.
“Ang yaman naman ng may ari nito.”
Sabi ni Atasha at naglakad na doon ng maingat at patingin tingin sa paligid. Ilang minuto matapos niyang makababa ay nakita na niya ang main door.
Tumakbo sya doon at bubuksan na sana niya ng marinig niya na may nag uusap sa labas kaya dali dali syang umalis doon baka mahuli sya.
Tumakbo sya sa hindi niya alam na lugar ngunit nang maakita niya ang kusina kaya derederetsyo lang sya. Napangiti naman sya ng makita nya ang isang ordinaryong pinto.
Pinakinggan niya muna kung may tao sa labas alam niyang ang daan na iyon ay papunta sa likod ng masiguro na wala ay binuksan niya agad iyon at lumabas.
Damuhan ang sumalubong sa kaniya mabangong paligid alam niyang garden iyon. Nakapaa lamang sya dahil binitbit niya ang heels niya dahil makakagawa iyon ng ingay.
Tinigilan na niya ang pagkamangha sa garden na iyon bago pa siya mahuli kaya dali dali siyang naghanap ng malalabasan.
“Bakit ba ang laki nito?!”
Bulong niya dahil nakakailang minuto na syang paikot ikot doon.
“Oo pre tara doon tayo puntahan natin siya may itatanong ako.”
Nanlaki ang mata ni Atasha dahil sa narinig niyang usapan at agad na nagtago sa damuhan. Nanginginig ang kamay niya sa takot na baka mahuli siya.
Pero napaisip naman siya bakit nga ba siya natatakot? Kasi nga tumatakas siya pero may nangyari sa kanila nung lalaki. Naisip niya na dapat panagutin niya ito lalo na at nakuha nito ang pagkabirhen niya.
Umiling lang siya sa isipin na iyon.
“Hindi. Mas nakakahiya pa sa nakakahiya ang ginawa ko!”
Sabi niya at sumilip sa halaman para tignan ang dumaan. Madilim pa pero ang liwanag sa mga poste na naroroon ang nagsisilbing ilaw sa may daan.
“Mayaman ang nakatira dito ang ganda.”
Nasabi nalang ni Atasha pero nawala ang attention niya doon ng makita niya ang nasatagiliran ng dalawang lalaki na naguusap.
“Baril?!”
Bulong niya at napaupo sa damuhan na ikinatulala niya.
Nagtataka siya kung paano nagkaroon ng baril ang mga iyon pero natuhan siya ng maalala na nasa lugar nga pala siya ng isang mayaman at malamang ay guard ang mga iyon na may baril kaya nabuhayan naman siya.
Nang makalayo ang mga ito ay lumabas na siya at sinundan ang mga ito malamang na papunta sila sa main gate at alam niyang makakalabas siya doon.
Patago tago lang siya para hindi siya mahuli ng mga ito habang abot abot din ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ilang minuto ang lumipas ng napangiti siya dahil tama nga siya gate ang deretsyo ng mga ito. Nagtago naman siya at naguusap ang mga lalaki sa gate. Doon lang lumibot ang paningin ni Atasha at halos manlumo siya ng makitang ang daming bantay doon.
Halos manginig siya sa takot dahil doon mabuti nalang at maliit siya at sa dilim lang sya dumadaan kaya hindi siya nakikita ng mga ito.
“Dyos ko! Ano ba tong pinasok ko.”
Napatingin siya sa mga lalaki ng maglakad sila palayo na ikinabuhay niya ng loob dahil wala ng bantay sa gate. Ang problema nalang niya ay paano siya makakalabas ng walang nakakapansin sa kaniya.
Nag iisip siya ng paaraan kung paano makakalabas ng hindi napapansin ngunit bigla siyang nagulat dahil biglang tumunog ang isang alarm. Nataranta naman si Atasha pero nakita niya na nagsi alisan sa pwesto ang mga bantay at pumasok sa loob ng bahay kaya sinamantala niya iyoniagad siyang tumakbo papunta sa gate kahit na takot na takot na ito.
Laking tuwa niya ng makitang hindi naka lock ang gate at agad na lumabas doon. Takbo lang siya ng takbo. At dahil nga kasali si Atasha sa marathon noong estudyante palang siya ay agad siyang nakarating sa labasan na mayroon ding bantay.
Nakakita siya ng paraan para makadaan ng hindi napansin ng guard na nasa loob ng guard house. Mas umayon sa kaniya ang pagkakataon ng makita niyang may tumawag dito at naging busy sa kausap kaya agad siyang gumapang sa sahig kahit pa na naka dress siya ay wala siyang paki alam.
Kahit pa na sugat sugat na ang paa niya at magkasugat din ang tuhod niya ay ayos lang basta makaalis doon.
“Babae sir? Naka red dress? Sige sir magbabantay ako ng mabuti.”
Nanlaki ang mata niya sa narinig ng dumaan siya doon sa guard house. Alam niyang sya yun! Agad siyang tumayo ng makalagpas doon at nagtatakbo palabas.
Mabuti nalang at labasan na doon ilang minuto lang. Walang lingon lingon siyang tumakbo ng tumakbo hanggang sa makaabot siya sa high way ay hindi parin siya humihinto sa pagtakbo. Basta makalayo lang siya doon okay na sa kaniya. Hanggang sa hindi na niya kinayak at mapagod siya, napahawak ito tuhod sa sobrang pagod.
Hinangal na hingal si Atasha. Napansin nya na dumudugo ang tuhod niya at ramdam na rin niya ang sakit ng mga paa niya. Tumingin siya sa kalsada at agad na pumara ng taxi at ng makakuha ng masasakyan ay dali dali siyang pumasok sa loob.
Sinabi niya agad kung saan ang bahay niya at napasandal sa sandalan kasabay ng kanyang pagpikit.
Hindi niya akalain na sa isang gabi lang na yun ay madaming mangyayari. Naalala niyang nasa bar siya hanggang sa may lumapit na lalaki sa kaniya at binastos siya at dumating ang lalaking iyon at nagising sya na may nangyari na sa kanila.
Napahawak siya sa labi niya. Tanda niya niya ang lahat ng nangyari sa kanila. Kung paano siya umungol dahil sa sarap na ginagawa ng lalaki.
Nakaramdam naman siya ng pamumula at napailing.
“Atasha ang landi mo!”
Mahinang bulong niya at sinabunutan ang sarili. Doon niya lang narealize na gulo gulo na pala ang buhok niya napatigin sya sa rearview mirror at nakatingin pala sa kanya ang driver kanina pa.
“Ayos ka lang ba ineng? Muka kang ni rape.”
Napalunok naman si Atasha sa sinabi ng driver at pekeng ngumiti dito.
“Ayos lang po ako. Napatumba lang ako sa damuhan at nagkasugat sugat. Nalasing po kasi ako.”
Napatango naman ang driver dahil sa sinabi niya.
“Sigurado ka ba ineng? Dahil kung hindi sasamahan kita sa presinto para mag report.”
Napatahimik naman si Atasha dahil doon.
Sa isip niya oo hindi tama ang ginawa sa kaniya ng lalaki na iyon pero ginusto niya rin iyon hindi pilit, siya pa nga ang kumabig sa lalaki para halikan siya ulit nito.
“Ineng.”
Napakurap siya sa sinabi ng driver.
“Nako hindi na po promise ayos lang po ako wag po kayong mag alala.”
Nakangiti niyang sabi kaya walang nagawa ang driver kungdi ang tumango at mag focus muli sa pagmamaneho.
Pumikit nalang si Atasha habang naghihintay na makarating sa kanila. Ayaw niya munang isipin kung ano ang nangyari sa kanya. Ang gusto niya ay makauwi na at yakapin ang mama niya para makabawi ng lakas.
Pero agad siyang napadilat ng maalala niya ang bag niya! Andoon ang wallet niya. Wala siyang pambayad pero ang mas inaalala niya ay naiwan niya iyon sa lalaki.
Pero napasandal ulit sya ng maalala niyang wala siyang kahit na anong business card doon at kahit na anong pagkakakilanlan sa kanya basta pera lang.
Nakahinga sya ng maluwag dahil doon. At napatawa pa siya kasi wallet lang talaga ang laman niyon iniwan niya kasi sa bahay niya ang laman ng bag nya tanging wallet lang.
“Yung kotse!”
Nasabi niya na ikinatingin sa kanya ng matanda.
“Ah—eh hehe ang ganda po ng kotse nakita ko dumaan.”
Sabi niya na ikinangiti naman ng matanda at tumango. Napabuntong hininga naman siya dahil sa katangahan niya. Kaso mas inaalala niya ay yung susi ng kotse niya andoon at sigurado siya na ang kotse niya ay asa bar pa.
Pero ayos lang mabuti at dalawa ang kotse niya at ang gamit nyang kotse kagabi ay ang paborito niya kaya hinayang na hinayang siya.
Ayos lang kasi wala ding kahit na anong pagkakakilanlan na meron siya doon ngunit paborito niya iyon kaya nanghihinayang parin siya.
Hindi niya maintindihan ang sarili niya basta ayaw niya na malaman ng lalaki kung sino ba siya. Kahit na alam niyang kilala ng lalaki ang muka nya pero siya tanging amoy lang nito ang naaalala niya. Siguro mas lumalamang sa kaniya ang kahihiyan na ginawa niya sa loob ng kotse na paghalik sa binata.
Gusto niyang alalahanin ang muka ng binata ngunit kahit na anong pilit na balik niya sa nangyari sa kanila ay hindi niya maalala ang muka nito dahil sa kalasingan.
Natauhan siya at napatingin sa bintana ng huminto na ang taxi sa isang bahay at nasa kanila na sila. Kanina pa siya nag iisip ng malalim kaya hindi niya napansin.
“Manong sandali lang po ah? Kukuha ako ng pambayad sa loob ng bahay.”
Hindi na niya inintay pang magsalita ang driver at agad na pumasok sa loob mabuti nalang at meron siyang tinatago na duplicate key ng gate nila sa halaman na andodoon.
Agad siyang pumasok at pumunta sa kwarto nya't kumuha ng pera. Tumakbo siya palabas kahit na masakit na ang paa niya para mabayaran ang driver.
“Manong ito na po. Keep the change na po.” nakangiti nyang sabi sa matanda nasa labas na rin ito ngayon.
“Ineng ayos ka lang ba talaga puro sugat ka.”
Napangiwi naman si Atasha.
“Sure na sure po don't worry.”
Nakangiting sabi niya.
“Salamat dito ineng malaking halaga ito.”
“Walang ano man po sige na po para makapamasada pa kayo.”
Nakangiti niyang sabi dito at umalis na ito. Isang libo kasi ang binigay niya.
“Atasha!”
Napatingin siya sa likod niya ng may tumawag sa kaniya at nakita niya ang mama niya. Makita niya lang ang muka ng kaniyang ina ay agad siyang nakaramdam ng pagod at nangigilid na ang mga luha niya.
“Anak! Anong nangyari sayo?! Nag alala ako! Hindi ka umuwi! Bakit puro sugat ka?!”
Agad niyang niyakap ang ina at umiyak doon.
“M-ma sorry po.”
Iyak na sabi niya na ikinagulat ng ina niya pero hinagod lang nito ang likod niya.
“Tahan na anak halika doon tayo sa loob para magamot natin ang sugat mo.”
Iginaya na siya ng ina papasok sa loob ng bahay. At ginamot na nito ang sugat ni Atasha. Tahimik lamang silang dalawa habang ginagamot siya. Tila ayaw nilang magsalita pareho hanggang sa natapos na ito doon lamang nagpasiya si Atasha na magsalita na.
“Galing po akong blind date pero hindi nag work kasi bastos ang lalaki. S-sa sobrang pressure ko sa kagustuhan niyo ay pumunta ako sa bar.
Nag inom ako hanggang sa may bumastos sakin pero may nagligtas saakin. Hindi ko alam ang pangalan niya. Siya ang tumulong saakin at dinala ako sa kanila dahil sa kalasingan ay may nangyari po saamin dahil narin naalala ko ang kagustuhan niyo na mag ka apo.”
Umiiyak na si Atasha dahil sa sinasabi niya. Habang ikinagulat naman iyon ng kaniyang ina.
“Nagising nalang po akong nasa isang bahay. Tumakas ako kaya ganito ang itsura ko. Totoo po na may nangyari saamin. Sorry ma, kasi hindi ako nag ingat. G-ginawa ko ang bagay na dapat ay mag asawa lamang ang gumagawa.”
Iyak na sabi ni Atasha.
Siya si Atasha Selry (Pronounced as Syri , silent L lang po) pangalawa at bunso sa kanilang mag kapatid. May roon siyang kuya pero namatay ito kasama ang papa niya sa isang plane crash pauwi na sana ang papa at kuya niya galing sa davao dahil pumunta ang mga ito sa isa nilang business doon pero nabalitaan nalang nila na bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano.
Hirap na bumangon ang mag ina lalo na ang mama niya. Pero sa tulong ni Atasha ay bumalik sa dati ang Mama niya at siya ang pinagkuhaan nito ng lakas kaya nangako siya sa sarili niya na hindi niya papabayaan ang mama niya.
Ang negosyo nila ay nalugi hanggang sa ipasara na. Wala pa siyang kakayahan noon na hawakan iyon habang ang Mama niya ay down na down kaya napilitan silang ipasara.
“P-patawarin mo ako anak. Nang dahil saakin humantong ka sa ganito. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Patawarin mo ako wag mong sisihin ang sarili mo it's my fault.”
Umiling lang si Atasha sa sinabi ng Mama niya
“Kalimutan na natin iyon Mama. G-ginusto ko din naman po”
Nahihiyang sabi niya na ikinahinto ng Mama niya at maya maya ay napangiti narin.
“Anak may gusto kaba sa kaniya?”
Napakunot naman ang noo ni Atasha dahil doon.
“Ma kakakilala lang namin I mean hindi ko nga po sya kilala eh.”
Tumango naman ang mama niya dahil doon.
“Pero bakit ka tumakas? Hindi ba ang natural na gagawin ng isang babae sa ganoong sitwasyon ay mag wawala at sisigawan ang lalaki?”
Natahimik si Atasha dahil doon. Tama ang mama niya. Pero iisa lang ang alam niya. Gusto niya din ang nangyari kaya kaya hindi siya nagwala katulad ng normal na gagawin ng isang babae sa ganoong sitwasyon.
“Ma tulad ng sabi ko ginusto ko yun. At nahihiya ako sa kaniya kaya ako tumakas.”
Napatango naman ang mama niya dahil doon.
“Ma.”
Seryosong sabi ni Atasha na ikinatingin sa kanya ng Mama niya
“Bakit anak may problema ka pa ba?”
“Nagugutom na po ako.”
Napangiwi naman ang mama niya dahil doon.
“Anak naman kinabahan ako doon.”
“Haha mama tara na luto nyo ako dali.”
ATASHA
“Anong sinabi mo?! Nakipag one night stand ka?!”
Agad kong binato si Grace dahil ang lakas ng boses niya mabuti nalang at andito kami sa Office ko kung hindi kakalbuhin ko talaga to!
“Ang bunganga mo ha Grace!”
Inis kong sabi sa kaniya. Siya nga pala ang best friend ko na si Ellen Grace magkakilala kami niyan since high school and until now mag kaibigan parin kami.
Syempre mahal ko yan kahit na madalas niya akong asarin.
“Sorry naman hehe pero di nga seryoso?”
Sinamaan ko naman siya ng tingin
“Paulit ulit?”
Irita kong sabi at tumingin sa mga papeles na nasa table ko.
Ang business ko ay Wedding coordinator. Kami ang nag co-coordinate sa kasal ng kung sino ang mag papakasal.
Oh diba ako ang nag aayos ng kasal nila habang ako napapag iwanan pero ayos lang kasi mas gusto ko pang maalagaan si Mama.
“OMG!!! Besh hindi kana inosente!”
Napairap naman ako sa kaniya. Noon pa lang ay lagi na akong dinudungisan ng isang yan sa mundo ng kababalaghan sabi niya kasi kailangan daw may alam na ako doon lalo na pag nagka Boyfriend ako eh malas niya kahit isa di pa ako nag kakaroon.
“Wala akong pake.” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
“Kwentuhan mo ako dali! Gwapo ba?! Masarap ba?! Malaki ba?!”
Naramdaman ko na namula ako dahil sa mga sinasabi niya.
“Ang bunganga mo talaga Grace!”
Sabi ko na ikinatawa niya.
“Haha ano naman? Pareho na tayong matatanda pero kung umasta ka parang bata hello malapit na tayong mag 28!”
“Next year pa yun!” Sagot ko naman sa kaniya
“I know pero ano ba naman Sha-sha maging practical ka naman.”
Sha-sha ang palayaw ko yun din ang tawag saakin ni Mama minsan. All of them are calling me Ms.Sha-sha lalo na ng mga kasamahan ko sa trabaho. Pero napabuntong hininga nalamang ako sa sinabi niya.
“Oo na tsk. Malaki na , masarap na pero sa gwapo hindi ko alam diko maalala eh.”
Sabi ko na ikinatili naman niya kaya napangiwi ako. Talagang maingay itong kaibigan ko na to.
“OMG!! End of the World na! Ang kaibigan kong si Sha-sha babaeng babae na!”
Napailing nalang ako sa kanya. Hindi ko siya masisisi. Wala kasi akong pakialam sa mga lalaki. Kilala niya ako.
“Pero di nga seryoso di mo sya mamukaan? Edi paano mo sya hahanapin?!” Tanong nya saakin na ikinakunot ng noo ko.
“At bat ko naman sya hahanapin?!”
“Gaga! Paano kung may nabuo kayong bata ha?! Bakit gumamit ba sya ng proteksiyon?!”
Natigilan ako sa sinabi nya at doon ay bumalik saakin ang nangyari ng gabing iyon.
Wala siyang gamit na proteksiyon! At sa loob nya nilabas! Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.
“Omygod! Don't tell me sa loob nya pinutok?!” Sabi ni Grace na ikinatango ko.
“OMG!! Magiging tita na ako!”
Muntik na akong malaglag sa upuan ko dahil sa sinabi niya! Walanghiya! Akala ko pa naman magagalit siya sa lalaki na yun o di kaya papagalitan niya ako dahil sa katangahan ko!
My God! May kaibigan akong baliw!
“Ewan ko sayo Grace dika nakakatulong! Natatakot na nga ako na baka may mabuo eh!”
Sabi ko na ikinatingin niya saakin.
“Girl anong kinakatakot mo?! May negosyo kana at paunlad ng paunlad. Plus the fact na gusto ng mama mo ng apo! At napapagiwanan ka narin sa kalendaryo! Sabi nga saakin ni Renz tatanda ka daw na dalaga! Alam mo bang binungangaan ko talaga siya dahil pag nagkatotoo yun diko talaga siya papakasalan!"
Si Renz ay ang Boyfriend niya. Fiance to be exact pero di pa sila nag paplano ng kasal nag hahanda palang sila para sa gastusin.
Pero napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya matutupad ko na ang hiling ni Mama.
Napahawak ako sa tyan ko.
If ever na may mabubuo tatanggapin ko siya dahil ang gabing iyon ay hindi isang pag kakamali.
Para saakin ay iyon ang pinakang masayang parte ng buhay ko.
Kung sino man yung lalaking yun. Alam ko na may nararamdaman ako sa kaniya pero ayokong magpakita sa dito. Tinatabunan ako ng hiya.
Kaya kung mag kakaanak kami palalakihin ko siya ng mag isa at pupunuin ng pag mamahal.
~One Month Later~
ISANG buwan na ang lumipas at ganon parin ang takbo ng buhay palagi akong sa Office para sa trabaho lalo na ngayon ang daming kinakasal kaya full schedule kami.
About naman doon sa anak thingy wala naman. Syempre pinapakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman. Hindi ako nasusuka sa umaga hindi ako nag lilihi tanging hilo lang ang nararamdaman ko lagi dahil sa kasubsuban sa trabaho.
“Hoy Sha-sha! Sabi saakin ni Alizha hindi kapa kumakain simula kaninang umaga! Pag talaga napabayaan mo ang anak mo!”
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Grace saakin. Anak daw tadyakan ko kaya to?
“Grace tigilan mo ako nahihilo na nga ako sa trabaho ko. Pwede ba wala akong oras sa pag bibiro mo.”
Kalmado kong sabi at bumalik sa trabaho.
“Sha-sha naman di mabiro. Nag aalala lang ako sayo tignan mo nahihilo kana kamo eh paano di kapa kumakain tanghali na kaya!”
Sabi niya saakin na ikinatingin ko sa kanya. Oo nga pala si Alizha siya ang secretary ko kapag hindi maganda ang pakiramdam ko siya ang umaasikaso ng lahat.
“Grace alam ko namang tanghali na may Lunch meeting ako ngayon kaya sigurado akong kakain kami mamaya.”
Sabi ko na ikinatingin niya saakin ng parang sinusuri ako.
“Sigurado ka?! Baka mamaya echos lang yan!”
Sabi niya na ikinatango ko.
“Sigurado ako kaya chupi na salamat sa pagpunta pero busy talaga ako.”
Napabuntong hininga naman siya.
“Sigurado kaba talagang di ka nag lilihi?”
Napataas nanaman ang kilay ko sa kaniya. Palagi nyang sinasabi saakin yan magmula ng sinabi kong hindi gumamit ng proteksiyon si Mr.Savior.
“Grace wala nga okay? Kita mo? Hindi ako naglilihi , hindi ako nagsusuka gets?”
Napairap naman siya sa sinabi ko.
“Naninigurado lang hmp! Sige na may date pa kami ni Renz! Ingat ka ah! Babye!”
Napailing nalang ako sa kaniya ang daldal talaga. Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa Office ko.
“Ms.Sha-sha it's time na po para sa lunch meeting niyo”
Napatango naman ako kay Alizha at tumayo na. Nagugutom narin naman ako eh , napahinto ako dahil parang umiikot ang paningin ko pero umiling lang ako.
I really need to eat now napapabayaan ko na ang sarili ko tsk.
Pumunta kami sa isang kwarto dito na pinagdadausan palagi ng meeting with my client.
Meron kasing panibagong mag papakasal. Actually nakausap ko na yung yung bride si Ally sabi niya ngayon daw nya isasama ang groom kaya pumayag ako.
Pagdating namin doon ay agad silang tumayo ng makita ako.
“Good afternoon sa inyong dalawa sorry kung na late ako.”
Sabi ko sa kanila
“Ayos lang yon Sha-sha nga pala eto si Eldrith fiance ko.”
Nakangiting sabi ni Ally. Kapag ako ang naging wedding coordinator mo number one rule ko na ituring nila akong kaibigan dahil halos sa buong preparation ay ako ang kasama at kausap nila kaya parte narin ako ng kasal.
Napatingin ako kay Eldrith at ngumiti sa kaniya.
“Nice to meet you Eldrith ako nga pala si Atasha call me Sha-sha nalang din.”
Nakangiti kong sabi sa kaniya at nilahad ang kamay ko pero nakatulala lang saakin ang lalaki kaya agad siyang siniko ni Ally at natauhan naman ito at tinanggap ang kamay ko.
Napakunot ang noo ko dahil may something sa pakikipag shake hands niya.
“N-nice to meet you din Sha-sha.”
Sabi niya na ikinangiti ko nalang.
“Sige upo na kayo ipapahanda ko na ang foods wait lang."
Sabi ko at pumunta muna sa labas para kausapin si Alizha at bumalik din. Nakita ko sila na nag uusap at tumingin saakin ng makabalik ako.
What's with the face? Bat ganyan ang itsura ni Ally?
“Is there any problem guys? Do you need anything?”
Tanong ko na ikinailing nila pareho kaya mauupo na sana ako ng makaramdam ako ng hilo. Sinubukan kong pumikit at alisin ang pagkahiling nararamdaman ko ngunit talagang umiikotang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari at nawalan ako ng malay.
NG MAHIMATAY si Atasha ay nataranta naman sina Ally at Eldrith at agad na nagpatawag ng ambulance.
Naging mabilis ang lahat at nagyon nga ay nasa hospital na sila.
“Ayos lang kaya si Sha-sha Honey?”
Tanong ni Ally kay Eldrith.
“Yes she is honey. Dapat talaga ayos lang siya.” sagot ni Eldrith napatayo silang dalawa ng lumabas ang doctor sila kasi ang sumama kay Atasha dahil ang secretary nito ang naiwan sa building nila para sa ibang client nito.
“Kaano ano nyo ang pasyente?”
Nagkatinginan ang dalawa sa tanong ng doctor
“Kaibigan po namin siya.” sagot ni Ally.
“Well sa inyo ko na sasabihin. Dapat hindi siya palaging nagugutom at napapagod dahil makakasama iyon sa bata.”
Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi nito.
“Bata?” Sabay na sabi nila
“Yes she's one and a half month pregnant.”
Nanlaki ang mata nila dahil sa sinabi ng doctor
“Doc!! Anong pregnant buntis ang kaibigan ko?!”
Napatingin sila Ally sa bagong dating at nakita nila ang isang babae kasama ang isa ring lalaki na tingin nila ay Boyfriend nito at isang hindi gaanong katandaan na babae.
“Excuse me?” Sabi ng doctor sa kanila.
“Doc ako po ang ina ng pasyente.” sabi ng ina ni Atasha na mas ikinagulat nila Ally.
“Oh! Good to know your daughter is pregnant please subaybayan niyo sa palagi dahil nalilipasan siya ng gutom makakasama iyon sa bata.”
Agad na tumili si Grace dahil sa sinabi ng doctor.
“Kyahhh!!! Tita I told you! Asindato talaga yung lalaking yun kahit isang gabi lang OMG!! Magiging tita na ako!” Masayang sabi ni Grace
“Babe your too laud nasa hospital tayo” sabi ni Renz na ikina sorry naman ni Grace.
Malaki naman ang ngiti ng ina ni Atasha.
“Totoo po doc?” Masayang sabi nito
“Haha Yes it's true. Your daughter is pregnant.”
Matapos nilang makausap ang doctor ay pumasok na sila sa loob ng room ni Atasha at nakita nila itong mahimbing na natutulog.Habang ang ina naman niya ay naiiyak na hinawakan ang kamay nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya.Nang malaman niya ang ginawa ni Atasha noon ay sinisisi niya ang sarili dahil siya ang mas nagpursige sa anak na gawin naman talaga ang hindi nito gusto hanggang sa humantong na nga sa ganoong sitwasyon.Ang gusto niya lang naman ay makita ang anak na masaya bago siya mawala sa mundo.“Tita sabi ko sayo buntis siya. Kahit na hindi siya nag susuka o naglilihi nakikita ko sa katawan nya ang pagbabago.”Sabi ni Grace sa mama ni Atasha. Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay nito at ngumiti sa kaniya.
MATAPOS ang kasal nila Ally at Eldrith ay nagpunta agad ang lahat sa Reception. Madami ang gandang ganda sa kasal ni Ally dahil talagang organize na organize ito.Maayos na maayos at halatang isang napakagaling ang nag manage niyon.“Attention everyone.”Sabi ng MC na ikinatingin nilang lahat sa harapan.Tapos na ang mga gawain kapag bagong kasal like hihiwain ang cake, the kiss part, giving wish and gifts ngayon ay kainan na.“The newlyweds would like to say something.”Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sinabi nito at tumayo ang dalawa si Ally ang unang nagsalita.Nakasoot siya ng isang napakagandang White dress habang ang kaniyang asawa na si Eldrith ay naka soot ng black tuxedo.&nbs
ATASHAKagagaling ko lang ng tagaytay dahil doon ang meeting ko. Sa sobrang pagod ko pagdating ko sa bahay nahiga agad ako sa sofa.I know tulog na ang dalawa, hindi na din ako nag abala na bukasan ang ilaw dahil baka makahalata pa si Mama na dumating ako. It's 10PM they should be resting by now.“M-mommy?”Napaupo ako sa sofa dahil sa narinig ko. Dali dali akong pumunta sa switch ng ilaw at doon ay nakita ko si Addison sa itaas ng hagdan at sara pa ang kabilang mata at kinukusot naman ang kabila.She's so cute.“Baby why are you still awake? It's past 10 na.”Sabi ko at lumapit sa kaniya, binuhat ko naman siya papunta sa sofa sa baba.“I actually waiting for you Mommy but I fall asleep then I heard the engine of your car so I woke up.”Napangiti naman ako dahil sa sinab
KEIRON KENT“What?! Are you sure about this fvckshit?!”Sigaw ko sa isa sa mga tauhan ko dahil sobrang galit ako sa nalaman ko.“Yes boss. Nalaman namin na may kinausap na si Ma'am Catty na isang wedding coordinator para sa kasal nyo.”Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sinabi niya. That Catty is getting into my nerves!Ilang taon na niya akong ginugulo bago ko pa makilala yung babaeng mahal ko anjan na yang Catty na yan. She's so obsessed to me and I can't believe na humantong na siya sa pagpapagawa ng Gun shot wedding.Kung hindi ko nalaman kaagad sinisigurado ko na mapapahiya lang siya sa ginawa niya! That bitch!“Okay you may go now.”
ATASHA “Sha-sha hija ayos ka lang ba?”Agad akong napaangat ng tingin ng tawagin ako ni Mrs.Syvester.“H-ha? Opo ayos lang po ako.” ngiting pilit kong sabi at napatingin sa katabi ko na nakangiti lang saakin kaya inirapan ko lang siya.“We should eat masarap ang pag kain dito sigurado akong magugustuhan nyo.”Sabi ni Mr.Syvester at umorder na. Umorder na rin ako kasi gutom na ako eh.“So paano kayo nagkakilala?” Nagulat naman ako sa tanong nila dahil doon.Anong sasabihin ko?!“A-ah ano po kas—”“We met at the club.”Nanlaki ang mata kong napatingin kay Keiron dahil sa deretsyong sinabi niya. Seryoso?! Wala manlang preno?!
HINDI makapaniwala si Kent na mayroon siyang anak. Sa kotse palang kanina ng sinabi ni Atasha na mayroon itong ipapakilala ay kinakabahan na siya dahil ang buong akala niya ay mayroon na itong asawa or Boyfriend pero ng makita niya ang malungkot na muka nito sa kotse ng tinanong siya kung ayaw ba niya ay nagbago na ang isip niya.Ayaw niyang nakikitang malungkot ang dalaga. Ang gusto niya ay palagi itong masaya.Sa puntong ito ay siya ang nakaramdam ng sobrang saya.Isa na siyang ama.Ama sa anak ng bababaeng matagal na niyang mahal at hinahanap.“Halina na kayo sa kusina para makapaghanda na tayo ng makakain.”sabi ng Mama ni Atasha ng humiwalay na ito sa ina. Pinunasan na niya ang luha niya at inayos ng unti ang sarili para h
SA kabilang banda naman ay hindi na maiwasan ni Kent ang magalit. Magalit sa sarili niya dahil sa pagiging pabaya niya. Nagagalit siya dahil wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng magbuntis ito sa kambal. Wala manlang siya sa tabi nito ng manganak ito. Wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng mga panahon na nahihirapan ito sa kambal.Nagagalit siya dahil feeling niya wala siyang kwenta. “This is shit!” Sabi niya at napagdiskitahan ang manebela na paluin. Hindi na niya kailangan pang mag pa DNA para masiguro na anak niya ang dalawang bata dahil alam na alam niya sa pakiramdam at isa pa kamukang kamuka nilang dalawa ni Atasha ang kambal kaya doon palang ay alam na niya. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Lucas.
“SIR KENT SI MS.SHA-SHA PO DI PARIN KUMAKAIN.” Napakunot ang noo ni Kent ng mabasa niya ang natanggap niyang text mula sa sekretarya ni Atasha. Napatingin siya sa orasan doon sa kwarto ni Atasha andoon kasi siya sa loob at nagpapahinga. Nakatulog din kasi siya at kagigising niya palang. Nakita niya kung anong oras na na mas lalong ikinakunot ng noo nito. “Shit it's almost 3 and she's not yet eating?!” Gulat na sabi niya at agad na tinawagan ang sekretarya. “Hindi parin ba siya kumakain? Nakatulog kasi ako.” Unang bungad niya sa telepono ng sagutin ito ng sekretarya
Napangisi si Atasha dahil sa naisip niyang plano at agad na sinet-up ang camera doon sa may table nila sa may sala. “Tignan natin kung ready ang pamilya ko.” sabi ni Atasha at kinuha ang baso doon na may tubig at tumayo pagkatapos ay itinapon iyon sa may paanan niya na parang pumutok na ang panubigan niya. Tumingin siya sa camera na naka set sa video at nag thumbs up pa siya dito. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang umarte. “A-argh!!! H-hubby! Wohh!! H-hubby!!” Sigaw niya na siyang pumalibot sa buong bahay kasalukuyang nasa kwarto nila ni Kent ang mag aama niya at abala sa panonood ng movie nag paalam lang siyang iinom ang hindi nila alam ay may prank ito sa kanila. Narinig niya ang s
RINIG NA RINIG ang malakas na tilian ng mga tao sa loob ng mall na pagdarausan ng isang book signing ni Keon sa bagong libro na kaniyang ginawa.It takes him years para lang matapos at maituloy ang kwentong iyon dahil mahirap sa kaniyang gumawa ng isang Happy Ending.“I'm so proud of you Keon.” sabi ni Addison at niyakap ng mahigpit ang kapatid niya na ginantihan naman ni Keon.“Thank you Ate para kila Mommy at Daddy.” nakangiti niyang sabi dito.“Weee if I know may ibang tumulong sayo para matapos ang libro nila Mommy at Daddy.” pang aalaska na sabi ni Allard at niyakap si Keon.“Congrats Kuya you did a great job.” bulong na sabi pa ni Allard kaya ngumiti si Keon at di na pinansin ang una nitong sinabi.“Kuya Keon! Bakit naman ganon yung character namin ni twin by the way congrats!” Niyakap din siya ni Allistair at natawa dahil sa reklamo nito.“Bakit eh totoo naman na ganon kayo ah? Tanungin mo pa si Ate at Kuya.” tawang sabi niya dito kaya napatingin ang kambal kila Aiden at
“ARE you ready princess?”Napatingin si Addison sa likudan niya at nakita niya ang ama niyang si Kent kaya agad siyang tumayo at niyakap ito.“D-daddy.” naiiyak na sabi nito kaya hinagod naman ni Kent ang likod niya.“Shhh…. Don't cry Addison it's your wedding day you should enjoy this.” sabi ni Kent dito na kahit siya ay naiiyak na nang makita niya si Addison soot ang puting wedding gown na iyon ay parang bumalik sa kaniya ang araw na ikinasal sila ni Atasham“Daddy I'm just happy at may halong lungkot narin kasi wala si Mommy ngayon.” humiwalay siya sa yakap ni Addison at pinunasan ang pisnge nitong may luha.“Anjan lang si Mommy nanonood saatin. Papanoorin niya kung paano ka maglakad sa aisle
“MOMMY! Birthday kahapon ng kambal! Look panoorin natin vinideohan ko po!”Napangiti si Kentdahil sa ginawa ni Addison habang nakaupo ito sa tabi ng puntod ni Atasha. Hindi silang lahat nagkulang sa pagbisita dito linggo linggo. Hindi sila sanay na hindi ito makita isang beses manlang sa isang linggo.“K-kuwa!!”Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang nagtatakbuhang isang taong gulang na sina Allistair at Allard habang hinahabol ito ng kuya nila na sina Aiden at Keon.“Anjan na si kuya! Takbo hahaha.” sabi pa ni Aiden sa dalawa.Napapikit si Kent at pinakinggan ang nangingibabaw na tawa ng mga anak sa paligid sa kadahilanan na rin na sila lang ang naroroon.
“This is it guys, magpaalam na kayo kay Sha-sha.” sabi ni Tita saamin. Isa isa kaming lumapit kay Atasha at nag paalam dito. “Uyyy Sha-sha hindi na tayo makakapag mall. Wala na kaming kukulitin ni Ally sa office para samahan kami.” naiiyak na sabi ni Grace dito. “Tama si Grace sayang hindi mo makikita ang paglaki ng mga bata. Don't worry hindi namin aalisin ang mga mata namin sa kanila gagabayan namin silang lahat.” nakangiting sabi ni Ally. Hinalikan nila ito sa pisnge “We love you Sha-sha. Andito ka lang sa puso namin our friendship will remain forever.” sabay na sabi nila at sumunod naman ang mga lalaki. “Sha-sha! Wala nang magsusungit saakin.” natatawang sabi ni Renz.
“ANG organs ni Sha-sha ay nananatiling nag pa- function at para narin siyang buhay kung tutuusin. At first akala namin ay mamamatay na ang anak niyo pero nagulat kami ng buhay sila lalo na at ng malaman namin na kambal ang anak niyo Kent. Hindi simple ang condition ni Sha-sha dahil Brain dead na siya kaya kailangan naming mapanatili na buhay ang mga organs niya para sa anak niyo.”Sabi saakin ni Tita habang nasa conference room kami.“Marami pang darating na doctor at bale 20 kaming hahawak sa kaniya. Kailangan niya rin ng mga gamot para ma-maintain at masukat ang blood pressure, ugat, puso at arteries.Kailangan din naming ma-maintain ang pagdaloy ng kaniyang dugo at saktong oxygen niya sa katawan pati narin ang nutrition ng katawan niya kaya gagamitan namin siya ng Antibiotics.
HININTO ko na ang sasakyan at hinawakan siya sa pisnge. “Wife! Wife wake up!” Iyak kong sabi sa kaniya at agad na binuksan ang pinto. “What happen?!” Sabi ni Tita pero hindi ko na nagawang sumagot at binuhat nalang si Atasha sa hospital bed at itinulak na nito agad papasok sa loob. “Dito nalang muna kayo Kent kami nang bahala kay Sha-sha.” Naiwan kaming apat sa labas ng pintuan at umiyak. “Daddy! Mommy will be okay right?!” Iyak na sabi saakin ni Addison at niyakap ko siya. Pinalapit ko rin sina Aiden at Keon para yakapin. “Mommy is brave I know she will fight for us.” pagpapalakas ng loob ko sa kanila. Yeah kilala ko si Atasha hindi lang i
“ARE YOU READY SHA-SHA?”Napangiti ako at napatingin sa salamin kung saan nakatingin din saakin si Papa. Ngayon ang araw ng kasal namin it's a beach wedding at syempre doon sa tapat ng bahay namin gaganapin ang kasal and to tell you honestly? Si Keiron talaga ang nag asikaso ng kasal naming dalawa as in wala akong ginawa siya lang talaga.“Yes Papa.” sabi ko at tumayo na at humarap sa kaniya. Nakasoot ako ng isang simpleng wedding dress na babagay sa venue namin at meron din akong flower crown at belo, hawak ko narin ang bulaklak ko na katulad nung flower ko nung ikasal kami sa simbahan.“Your so beautiful anak. Masaya ako at finally maihahatid na kita sa altar.”Napangiti ako dahil sa sinabi ni Papa how I love him.
Ilang oras na ang lumipas mag mula ng mapuntahan namin ang lahat na gustong puntahan ng kambal at nakapamili narin kami para sa iuuwi namin sa bahay nila Keiron at may nabili narin akong isang paper bag. Balak ko yung ibigay kay Keiron mamaya ilalagay ko sa loob yung pregnancy test ko Malaking paper bag yun parang lalagyan siya ng Teddy bear na hanggang tuhod ko ang taas. Nakaupo kami dito sa isang bench at nagpapahinga habang ang tatlo ay kumakain ng french fries at Ice cream syempre papahuli ba ako mas marami nga akong nakain eh gusto ni baby “Hubby pupunta lang ako ng CR ah?” Sabi ko sa kaniya na nasa tabi ko “Sige samahan na kita.” “No! I mean ako nalang hubby hehe mabilis lang ako promise.” sabi ko sa kaniya kaya wala siyang na