Matapos nilang makausap ang doctor ay pumasok na sila sa loob ng room ni Atasha at nakita nila itong mahimbing na natutulog.
Habang ang ina naman niya ay naiiyak na hinawakan ang kamay nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya.Nang malaman niya ang ginawa ni Atasha noon ay sinisisi niya ang sarili dahil siya ang mas nagpursige sa anak na gawin naman talaga ang hindi nito gusto hanggang sa humantong na nga sa ganoong sitwasyon.
Ang gusto niya lang naman ay makita ang anak na masaya bago siya mawala sa mundo.
“Tita sabi ko sayo buntis siya. Kahit na hindi siya nag susuka o naglilihi nakikita ko sa katawan nya ang pagbabago.”
Sabi ni Grace sa mama ni Atasha. Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay nito at ngumiti sa kaniya.
“Alam mo ba Grace napaka saya ko. Masasabi ko na hindi aksidente ang nangyari sa kanila ng anak ko. Sa tingin ko ay may plano ang dyos para sa kanila hindi pa nga lang sa ngayon.”
Napangiti naman si Grace dahil sa sinabi nito pero nakuha ang attention nila ng magsalita ang nobyo niya na si Renz.
“Tita may kasama po si Sha-sha.”
Doon napatingin ang dalawa sa likod nila.
“Hala! Oo nga pala! Hi sa inyo! Ako nga pala si Grace best friend ni Sha-sha.”
Nakangiting sabi nito na ikinangiti naman ni Ally at Eldrith nagkatinginan muna sila at lumapit sa mga ito.
“Eto nga pala ang fiance ko na si Renz.”
Ngumiti naman ang dalawa at nakipag kamay sa mga ito.
“Ako naman ang ina ni Sha-sha.”
“Nice to meet you po kaibigan po kami ni Sha-sha actually client po kami pero we consider her as a friend na po. Ako po si Ally siya naman ang fiance ko na si Eldrith.”
Nakangiting sabi ni Ally at niyakap ang mama ni Atasha.
“Wahhh my new friend pala ang kaibigan ko! Marunong talagang pumili yun ng maganda at gwapo hahaha.”
Nagkatawanan sila dahil sa sinabi ni Grace.
“Sa totoo lang po may meeting kami with Sha-sha ngayon kaso pagbalik niya bigla nalang siyang nahimatay.”
Sabi ni Eldrith.
“Ah! Kayo pala yung sinasabi niya na kasama niyang kakain! Nako si Sha-sha kasi napapabayaan na ang sarili sa sobrang busy sa trabaho hindi naman namin alam na buntis pala siya.”
Sagot ni Grace
“Bakit hindi ko alam yan?” Kunot noong sabi ng mama ni Atasha na ikinalunok ni Grace at di alam ang sasabihin, tumingin siya sa kaniyang nobyo upang magpatulong.
“A-ah eh kasi po—”
“Tita hindi po kaming dalawa nag kulang sa pag papaalala sa kaniya pero kilala niyo naman si Sha-sha matigas ang ulo niyan pag may ginusto gagawin niya talaga.”
Napabuntong hininga naman ang mama ni Atasha dahil doon. Kilala niya ang anak niya at tama si Renz dahil workaholic talaga ang anak. Natahimik sila sandali dahil doon hanggang sa binasag ni Eldrith ang katahimikan.
“Can I ask? Nasaan ang Boyfriend ni Sha-sha hindi ba siya ang una niyo dapat na tinawagan?” Natigilan ang mga ito at nagkatinginan dahil sa tanong ni Eldrith.
“Ang totoo niyan walang Boyfriend si Sha-sha.” Sabi ni Renz na ikinakunot ng noo ng dalawa.
“Wala? Eh paano siya nabuntis kung wala?” Sabi ni Ally na ikinahawak naman sa kanya ni Eldrith dahil sa masyadong personal na tanong nito.
“Honey dahan dahan sa pagtatanong. Pasensya na po concern lang po kami kay Sha-sha at ayos lang po kung hindi niyo sasabihin.”
Nahihiyang sabi ni Eldrith pero umiling lang ang mama ni Atasha.
“No it's okay tutal kaibigan naman kayo ng anak ko dapat malaman niyo. Halika maupo muna tayo at doon ako mag kukwento.”
Naupo na silang lahat sa sofa doon at ilang minuto din tumagal ang kanilang pag uusap tungkol sa nangyari kay Atasha. Habang ang dalawa naman ay nagulat dahil sa kanilang mga nalaman.
“Bakit hindi niya po pina pulis yung lalaki?! Hindi tama ang ginawa niya!”
Galit na sabi ni Ally.
“Nako hija tinanong ko na siya ang sabi niya hindi na daw kailangan dahil ginusto niya rin naman daw ang nangyari.”
Mahinahong sabi ng Mama ni Atasha kaya napatahimik si Ally dahil doon.
“Kung ginusto niya bakit siya tumakas?”
Seryosong tanong ni Eldrith na ikinatingin ng mga ito sa kaniya.
“Tinatabutan daw siya ng hiya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nag tulak sa kaniya na gawin yun.” Sabi naman ni Grace na ikinatango ng dalawang magkasintahan.
“Sa totoo lang kanina kaya kami pumunta doon para sabihin kay Sha-sha na hindi na muna itutuloy ang kasal namin lalo na ngayon na nakita namin na buntis pala siya. Gusto ko po na si Sha-sha ang bride's maid ko.”
Nanlaki naman ang mata ni Grace dahil sa sinabi ni Ally.“OMG! Bride's maid?! First time to! Kasi sa isang taon niyang pag mamanage ng mga wedding gustong gusto niya talagang maging brides maid nag paplano palang kasi kami ni renz at nag iipon kaya hindi muna kami mag papakasal.”
Masayang sabi ni Grace na ikinatuwa naman ni Ally at Eldrith.
“Talaga?” Nakangiting pagsisigurado ni Ally
“Talagang talaga!”
“Nako Honey matutuwa pala si Sha-sha.” Ngiting sabi ni Ally kay Eldrith na ikinatango din ng binata habang nakangiti sa kasintahan.
“Hijo , hija hindi maganda ang paurong urong sa kasal lalo na at nasimulan niyo na dapat ay ipagpatuloy niyo pamahiin na rin kasi yan.”
Natigilan ang magkasintahan at napatingin sa ina ni Atasha hanggang sa marealize nila ang sinabi nito at walang ibang ginawa kungdi ang tumango nalamang.
“Sige po kakausapin po namin si Sha-sha kapag nagising na.” Sabi ni Eldrith na ikinangiti nila.
Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay ng dalawa.
“Nawa'y mag karoon kayo ng masayang pamilya. Nakikita ko ang pag mamahalan sa inyong dalawa at alam ko rin na mahalaga kayo sa anak ko. Si Sha-sha kasi ang tipo ng tao na madaling mag tiwala mabuti nalang at hindi inaabuso ang kabaitan niya. Welcome na welcome kayo saamin.”
Napangiti naman ang dalawa dahil sa sinabi nito sa kanila kahit na kakikilala palang ng mga ito sa kanilang dalawa ay Tinanggap na agad sila ng mga ito.
Mag sasalita pa sana sila ngunit nagulat ang mga ito at napatingin kay Atasha ng agad itong tumayo at tumakbo sa banyo. Nagkatinginan ang mga ito at agad namang sumunod dito at nakita nila ito na nag susuka sa lababo.
“Renz hijo paki tawag ang doctor.” Kalamadong sabi ng mama ni Atasha at lumapit siya sa anak para hagurin ang likod nito.
Si Atasha naman ay nagising dahil sa pakiramdam niyang bumabaliktad ang sikmura niya at sukang suka siya pero wala namang ibang lumalabas sa bibig niya kungdi tubig kaya naisip niya na malamang ay dahil iyon sa gutom.
“M-ma nagugutom na po ako.”
Sabi ni Atasha habang nakatingin sa ina kaya tumango naman ang mama niya.
“Eldrith hijo pwede mo bang ibili ang anak ko ng makakain?” Ngumiti naman si Eldrith at tumango.
“Sure! Ano bang gusto mo Sha-sha?”
Nagulat si Atasha doon lalo na at andoon parin pala ang dalawa niyang kliyente.
“Hala sorry hindi natin natuloy yung meeting. Siguro sa sobrang gutom hinimatay na ako.” Sabi ni Atasha na ikinatinginan naman nila sa isa't-isa.
“Ayos lang yun Sha-sha. Sabihin mo na kay Eldrith ang gusto mo para makakain na kayo este ikaw pala.” Sabi ni Ally na kamuntikan ng ikatawa ni Grace dahil doon mabuti at nakapag pigil siya.
“Ganon ba sige gusto ko ng burger at ice cream, cookies and cream ah.” Tumango naman si Eldrith at umalis na. Inakay na ng mama niya si Atasha pabalik sa higaan.
“Ma sorry napapabayaan ko na ang sarili ko ang dami kasing gawain sa office.” sabi ni Atasha na ikinahawak naman sa kamay niya ng kaniyang ina.
“Anak makinig ka saakin. Please wag mo ng pabayaan ang sarili mo lalo na ngayon na buntis ka.”
Natigilan si Atasha dahil sa sinabi ng Mama nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito at nag po-proseso pa ito sa utak niya hanggang sa maya maya ay tumawa siya.
“Hahaha Ma naman, wag ka ngang mag biro sabi ko naman sa inyong dalawa ni Grace hindi nga po ako buntis impossible na mabuntis njya ako it's just one night.” Tawang sabi ni Atasha pero napatigil din siya ilang sandali ng makita niyang seryoso ang mga kasama niya at hindi natatawa kasama niya.
“T-teka nag bibiro lang kayo diba?” Sabi ni Atasha. Sasagot na sana sila ng bumukas ang pinto at paglingon nila dito ay pumasok ang isang doctor.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Ako ang doctor mo siguro naman alam mo ng buntis ka please lang wag mong hahayaan na nalilipasan ng gutom mabuti nalang at malusog ang bata kaya hindi ito naapektuhan.”
Sabi ng doctor sa kaniya habang chinecheck ant vital sign niya. Natahimik sandali si Atasha hanggang sa nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ng doctor at napaturo sa sarili niya.
“Ako po buntis?!” Gulat na sabi niya na ikinatawa naman ng doctor niya.
“You know what, ganyan din sila kagulat kanina ng malaman nilang buntis ka mukang matagal nyo ng iniintay ng Mr mo na mag kaanak ano?”
Ang pagkagulat ni Atasha ay nawala dahil sa sinabi ng doctor mabuti na lamang at si Grace na ang sumagot.
“Wala po ang ama ng bata doctora.” Nagulat naman ang doctor doon.
“Oh sorry to hear that! But please wag mong iisipin na ipalaglag ang bata dahil ang sanggol na nasa sinapupunan mo ay isang biyaya.”
Napatingin naman si Atasha sa doctor niya.
“Doc never ko pong inisip yan. Kahit na hindi inaasahan ang nangyari saamin, noon pa man nangako na ako sa sarili ko na kung may mabubuo ay aalagaan ko siya ng mabuti.”
Seryosong sabi ni Atasha na ikinangiti naman nila. Habang ang ina ni Atasha ay hindi na napigilan na maluha kaya hinawakan nila Grace at Ally ang balikat nito at hinagod ang likod.“Good to hear that from you Atasha.”
“Call me Sha-sha nalang po.” Nakangiting sabi ni Atasha.
“Okay Sha-sha makinig ka saakin ah? Being pregnant is not easy lalo na sa stage mo na isa't kalahating buwan palang dapat maging maingat ka and always drink vitamins and eat fruits and vegetables. Babalik ka din dito buwan buwan okay para sa check ups mo, para na rin matignan natin kung maayos ang baby mo.”
Napangiti naman si Atasha dahil sa sinabi nito. Excited na siyang gawin ang mga iyon.
“Yes po doc hindi ko kakalimutan ang sinabi niyo pero may tanong po ako. Bakit wala akong sintomas na buntis ako noong nakaraan na buwan?” Napatango naman ang doctor nya at sumagot.
“It's normal Sha-sha meron talagang mga cases na ganyan kapag nag bubuntis. Ang iba nga ay 3 months bago malaman na buntis sila. May mas malala na cases na dahil wala ngang sintomas ay nalalaglag ang bata masuwerte ka at malakas ang kapit sayo ng baby mo kaya alagaan mo sya okay?”
Napaisip siya sa sinabi ng doctor at napangiti naiisip niya na masuwerte siya kaya hinawakan nito ang tiyan niya.“B-baby sorry kung napabayaan ka ni mommy hindi ko alam na anjan kana pala.”
Napangiti lang ang iba dahil sa nakita nila habang ang Mama niya ay hindi na napigilan ang luha nito at iyak na talaga ang nangyari. Masayang masaya siya dahil nakikita niya ang saya sa mata ng anak niya at ang unikahija nila ay isa na ring ina ngayon hindi siya makapaniwala na ang inaalagaan niya noon, ngayon ay ina na rin katulad niya.“Sige na maiwan ko na muna kayo babalik ako mamaya para ibigay ang mga dapat mong inumin na vitamins okay? At pag dating ng kaibigan mo kumain kana okay?”
Nakasalubong kasi ni doctora si Eldrith kanina kaya alam nito. Tumango naman siya at nag pasalamat dito.Napatingin si Atasha sa mama niya na umiiyak kaya nag alala siya dito.
“Ma why are you crying? Halika po.” Sabi ni Atasha. Lumapit naman ang ina niya sa kaniya at inalalayan niya ito na maupo sa tabi niya.
“A-anak sobrang saya ko. Magiging ina kana, hindi ko akalain na maabutan pa kitang maging isang ina.” Napangiti naman si Atasha dahil doon at naiiyak narin.
“Ma naman, makapag sabi naman po kayo hindi niyo pa ako iiwan noh matagal ka pang mawawala okay? Makakasama niyo pa ang apo niyo so wag na po kayong umiyak sige ka malulungkot ang apo niyo.” Sabi ni Atasha na ikinangiti ng Mama niya at tumango. Hanggat maaari ay gusto ni Atasha na mas maging malakas lalo na ngayon na magkaka anak na siya.“Wahhh magiging Tita na ako!” Napatingin sila kay Grace ng tumili ito kaya napatawa nalang sila. “Babe ang ingay mo nanaman nasa ospital tayo.” Sabi ni Renz pero inirapan lang siya ni Grace na mas ikinatawa nila. Lumapit naman si Ally kay Atasha at tumabi sa kabilang gilid niya.“Congrats Sha-sha magiging Mommy kana!” Masayang sabi ni Ally na ikinangiti ni Atasha.
“Salamat Ally. Salamat at anjan kayo ni Eldrith baka napano na ako kung wala kayo kanina.”
“Ano kaba kaibigan ka namin kaya natural lang yun.” Napangiti naman si Atasha dahil sa sinabi nito at napatingin sila sa pinto ng pumasok si Eldrith. Naamoy agad ni Atasha ang burger na binili nito sa Jollibee na ikinangiti niya ng malaki.
“Wahh!! Ang bango naman ng burger Eldrith! Gutom na gutom na ako!” Napatawa naman sila sa reaction ni Atasha at agad na ibinigay ni Eldrith ang burgers at ice cream na isang gallon.“Thank you!”Agad na binuksan ni Atasha ang plastic at inuna niyang buksan ang Ice Cream tapos sinunod ang burger. Kumagat muna siya sa burger at napaungot pa dahil sa sarap.
“Woo! The best talaga to!” Napatawa nanaman sila dahil doon. Nakita ni Atsha na may kutsara doon kaya kinuha niya ito at sumandok sa Ice Cream.
“Ang sarap! Gusto nyo?!” Sabi niya sa kanila na ikina atras naman nila kaya napakunot ang noo ni Atasha.
“Bakit? Masarap kaya! At isa pa ang daming binili ni Eldrith oh!” Napatawa naman ang Mama niya dahil sa uri ng tanong nito.“Haha anak hindi mo ba alam na hindi dapat sabayan kumain ang nag lilihi? Dahil sa ayaw at sa gusto ng tao na yun ay parang mag lilihi din siya katulad mo.”Napaisip si Atasha sa sinabi ng Mama niya at napangiwi nalamang na tumango si Atasha dahil doon.
“Mukang lumalabas na ang pag lilihi mo Sha-sha.”
Sabi ni Eldrith na ikinatango nila.
“Nako muka nga mahirap pa namang maglihi lalo na kapag gabi ako inatake nito.” Sabi ni Atasha habang may burger pa ang bunganga.“Ano kaba andito kami para tulungan ka!” Sabi ni Ally.
“Tama si Ally Sha-sha at para saan pa tong mga Fiance namin diba kaya nila yun!" Sabi ni Grace na ikinangiti naman ni Atasha pero si Atasha kasi yung tipo ng tao na mas gusto niya na walang naaabala ng dahil sa kaniya.
“Sige na kumain ka ng kumain para mabusog na din baby mo.” Sabi ng Mama niya na ikinatango nito. Pero napatigil si Atasha ng mag salita si Eldrith.
“Sha-sha bat dimo sabihin sa ama ng anak mo na may anak kayo?” Natigilan siya at patingin dito dahil sa tanong na iyon hindi niya inaasahan na dito manggagaling ang tanong na yun.“P-paano mo nalaman?” Gulat na sabi niya
“Anak kami ang nag kwento sa kanila tutal kaibigan mo din sila kaya deserve nilang malaman ang tungkol doon.”
Napatango naman si Atasha dahil sa sinabi ng Mama niya. Natahimik siya sandali at kumain muna ng Ice cream bago nag salita.“Sa totoo lang gusto kong sabihin. Pero naisip ko din na baka hindi niya tanggapin ang anak namin. Hindi ko siya kilala at hindi niya rin ako kilala. Pabango nga lang niya ang naaalala ko sa kaniya pero ang muka niya hindi. Nahihiya ako kasi dahil saakin nangyari ito, nagkaanak kami. Isa pa malay ko bang may asawa o Girlfriend na pala yun baka mamaya magalit lang siya saakin at ipag tabuyan ako at worst ang anak namin.”
Malungkot na sabi ni Atasha at tumingin sa kanila na tahimik lang na nakikinig.
“Ayoko na mangyari yun. Mas okay na ako nalang ang masaktan kesa ang anak ko. Kaya please hayaan niyo na ako sa decisyon ko palalakihin ko ng mabuti ang anak ko dahil siya na ang mundo ko ngayon.” Nakangiting sabi niya. Nagkatinginan naman sila at tumango dito kaya bumalik na siya sa pag kain.Masaya parin sila dahil sa magandang balita na buntis si Atasha.
“SHA-SHA GUSTO sana namin na ang kasal ay 7 months from now.”
Sabi ni Ally. Andoon sila ngayon sa bahay nila Atasha dahil pumunta silang dalawa doon. Isang linggo narin ang lumilipas mula ng malaman nilang buntis si Atasha.Sa nagdaang araw ay maayos naman ang lahat at ganon parin ang pinag lilihian niya na mas pabor sa kaniya kesa naman mag hanap pa sya ng iba.“Sigurado na kayo doon? Teka kabuwanan ko din yun ah!” Nakangiting sabi ni Atasha na ikinatango naman nila.“Haha alam namin sikato talaga namin sa kabuwanan mo kasi mahalaga ka na saamin” Tawang sabi ni Eldrith na mas ikinangiti ni Atasha sa nagdaang araw ay unti unti ng umuumbok ang tyan ng dalaga na ikinatuwa niya dahil unti unti ng lumalabas ang baby bump niya at sumisipa narin ang batang nasa tiyan niya.“Salamat talaga sa inyong dalawa ha? Ang saya ko kasi naging kaibigan ko kayo hindi niyo ako pinabayaan lahat kayo.”Nakangiting sabi ni Atasha dahil kitang kita niya kung paano siya alagaan ng mga ito. Palagi siyang binibigyan ng mga ito ng masusustansyang pagkain na ikinatuwa naman niya dahil gustong gusto niya ang mga iyon.“Ano kaba Sha-sha pinangako namin na aalagaan ka naming dalawa kaya kasama mo kami hanggang dulo.” Napangiti naman si Atasha at niyakap ang dalawa. “Wow Sha-sha lumalabas na ang baby bump mo.”Sabi ni Ally ng matapos nila ang yakapan.“Oo nga! Hindi na ako makapaghintay na lumabas siya.” Napangiti naman sila dahil doon. ILANG ARAW pa ang lumipas at madalas nalang sa bahay si Atasha dahil ang secretary niya muna ang nag aasikaso sa business niya. Madalas ay gutom ang dalaga dahil narin nag lilihi at hindi naman nakakaligtaan nila Grace at nila Ally na pumunta doon isang beses sa isang araw.Doon na din nila pinag uusapan ang pag hahanda sa kasal ng dalawa. Nag paplano na sila at namimili ng mga soot , decorations at kung ano ano pa.Gabi ng magising si Atasha dahil sa gutom pumunta siya sa kusina para kunin ang Ice Cream at burger pero napatigil siya ng parang ayaw na niya ng mga iyon. “Gusto ko ng french fries at Hot cake.”Agad siyang naghanap sa kusina nila ng gusto niya and luckily may nakita siya na Hot cake at French fries kaya agad siyang nag luto dahil nag lalaway na siya sa gutom. Nang matapos siya ay agad siyang kumain.
Sa gitna ng gabi ay may isang buntis na nag lilihi at kumakain habang ang mga kasama nito sa bahay na mama niya at ilang katulong ay tulog na. Napatingin siya sa ref habang kumakain parang gusto niyang isawsaw sa Ice cream ang french fries at gusto niya ring ipalaman ang hot cake sa burger kaya agad niya yung kinuha at sinunod ang gusto ng anak nya. Alam niyang hindi niya ugaling kumain ng ganon dahil hindi normal yun. Marahil ay iyon ang gusto ng anak niya kaya agad siyang kumain non.“Wahh ang sarap naman nito!” Sabi niya at tuwang tuwang kumain. Nang matapos kumain ay busog na busog ang dalaga. Nag timpla pa siya ng gatas para makatulog siya matapos nun. Pagkatapos non ay natulog na siya. Pero kahit na anong dami ng kain niya ay nagising parin siya ng maaga dahil sa gutom naabutan niya sa baba ang mama niya na nag luluto pero iba ang gusto niya , ang kinain niya kagabi.“Anak gising kana pala andoon ang Ice Cream at burger mo bagong order lang yan.”Nakangiting sabi ng mama niya.“Ma kulang pa po yan kagabi po kumain ako ng French fries at hot cake kaso naubos ko na po lahat eh. Ako nalang po ang bibili para makalabas din ako." Napangiti naman ang mama niya dahil doon.“Sigurado ka? Samahan na kita.”“Nako ma wag na kaya ko na po ang sarili ko don't worry.”Agad na naligo si Atasha at nagbihis ng isang dress napatingin siya sa salamin at kitang kita na talaga ang baby bump niya. Napahawak sya doon.“Baby ang takaw mo ah? Mabuti nalang at sexy parin si mommy mo.” Natatawang sabi niya dito. Matapos iyon ay bumaba na siya at nag paalam sa mama niya. Pag kaalis niya ay siyang dating nila Ally at Eldrith at bibisitahin si Atasha pero nalaman nilang lumabas ito kaya sumunod sila sa dalaga. Si Atasha naman ay nakaagaw ng attention sa mall dahil kahit na kabubukas palang niyon ay marami naring tao. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ni Atasha lalo na at ang amo ng muka nito.At kahit na buntis siya ay sexy parin siya at mas lalo siyang nag blooming. May kasabihan pa nga na kapag ang isang buntis ay blooming ibig sabihin babae daw iyon. Kapag naman bilog na bilog ang tiyan at nangingitim ang kilikili ay lalaki.Tumungo si Atasha sa grocery at bumili ng maraming gusto niyang French Fries at hot cake halos punuin na niya ang basket na dala niya. Bumili narin siya ng magustuhan niya.Nang makabayad ay nag request siya na ipadala nalang ang pinamili niya sa kotse niya dahil nga buntis siya at pumayag naman ang mga staff doon.
Naglakad siya palabas at naglibot libot muna. Hanggang sa nagutom siya kaya bumili siya ng Ice cream at French fries katulad kagabi ay isinasawsaw niya iyon sa Ice cream niya habang naglalakad at patingin tingin sa paligid.Sarap na sarap siya sa pagkain ng may makabangga siya dahil busy siya sa kakatingin sa paligid.“What the?! Ang dress ko!”Galit na sabi ng babae na nakabunggo niya pero si Atasha ay wala doon ang attention kungdi nasa pagkain niyang nalaglag na ngayon sa sahig. “Y-yung pag kain ko.” Naiiyak na sabi niya na mas ikinainis ng babae.“What?! Pag kain pa talaga ang mahalaga sayo?! Alam mo bang mas mahal pa to sa buhay mo! You bitch!”Sabi ng babae at itinulak siya na ikinagulat ng mga andodoon lalo na at alam nilang buntis ito.“Sha-sha!!”Sigaw nila Ally at Eldrith dahil nakita nila kung paano siya itulak ng babae. Habang si Atasha naman ay napapikit naman dahil sa hindi niya inaasahan iyon. Napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam siya ng sakit doon.“A-aray a-ang baby ko.”
Sabi ni Atasha at halos himatayin siya ng makita niya ang dugo sa binti niya kaya agad siyang napaiyak.
“Sha-sha! Omygod! Ang baby mo! Honey tumawag ka ng ambulance!”Tarantang sabi ni Ally kay Eldrith na agad na ginawa nito. Habang ang tumulak naman kay Atasha ay nagulat din dahil doon hindi niya alam na buntis pala ang babae at naitulak nya. Madami ang naawa kay Atasha at nagalit sa ginawa ng babae halatang halata naman ang umbok na tyan nito pero hindi lang talaga iyon pinansin ng babae dahil galit na galit nga sya. Agad na dumating ang ambulance at dinala si Atasha sa hospital na hindi na rin matigil kakaiyak kaya hinimatay na. Alalang alala si Ally habang si Eldrith naman ay naiwan sa mall. “Anong ginawa mo Catty! Buntis siya! Buntis siya at tinulak mo!” Sigaw ni Eldrith. Oo kilala nilang dalawa ang babae at alam na alam nila ang masamang ugali nito.“H-hindi ko alam Eldrith. Hindi ko alam!”“Kapag may masamang nangyari sa kanilang dalawa pag sisisihan mo yan Catty tandaan mo! You will live in hell!”Galit na sabi ni Eldrith at umalis na doon. ILANG ORAS ang lumipas at nag hihintay silang lahat ngayon sa labas ng kwarto ni Atasha. Alalang alala sila sa dalaga lalo na sa bata.Kumpleto silang lahat ngayon. Maya maya ay lumabas na ang doctor ni Atasha.“Doctora! Kamusta ang kaibigan ko?! Ang baby nya!” Sabi ni Grace.“Ligtas na ang bata. Masuwerte tayo at malakas kumapit si baby at hindi niya iniwan ang mommy niya he or she is a great fighter.”
Nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil sa sinabi nito.
“Dapat ay mag ingat na tayo dahil hindi natin alam baka kapag naulit pa ito ay may masama ng mangyari sa bata. Sa ngayon ay katulad parin noon masusutansyang pagkain ang kailangan niya at wag kakalimutan ang Vitamins. Maiwan ko na kayo.”Nagpasalamat naman sila kay doctora at umalis na. Pumasok sila sa loob at tulog parin si Atasha.“Mabuti at ligtas ang bata nag alala ako ng sobra.” sabi ng Mama ni Atasha at natahimik naman sila. Makakahinga na sila ng maluwag dahil doon.ILANG BUWAN ang lumipas at mas naging healthy si Atasha pati ang baby niya mas naging maingat na sila ngayon dahil nga sa nangyaring insidente.
Sa nagdaang buwan ay pinag hahandaan narin nila ang kasal nila Ally at Eldrith. Si Atasha ang nag asikaso sa flow ng event. Kabuwanan na ni Atasha ngayon at talagang malaki na ang tiyan niya. Asa simbahan sila ngayon dahil sa rehearsal nila para sa kasal ilang araw nalang ay ikakasal na ang dalawa at hindi din nila alam kung kailan manganganak ang dalaga.Hindi siya nag pa ultrasound dahil gusto niyang surprise ang magiging gender ng bata.“Sha-sha! Lalo kang gumaganda ah!”
Masayang sabi ni Ally at niyakap ito. Kadarating lang nga dalawa at si Atasha naman ay inaasikaso ang ibang gawin.
“Nako natural na ata saakin ito sa tingin ko kapag babae to ang kikay kikay.”
Nakangiti niyang sabi na ikinatawa nila. Nag simula na ang rehearsal ngunit kulang.“Eldrith nasaan ang best man mo at ibang partner ng mga abay nyo?” Tanong ni Atasha dito.“Nako busy kasi sila kaya hindi makakapunta alam na naman nila ang gagawin nila kapag araw na ng kasal kaya no worries.” Nakangiting sabi ni Eldrith na ikinatango ni Atasha at nagsimula na sila.Sa buong maghapon ay napagod si Atasha kaya pagdating niya sa kanila ay agad siyang nakatulog. DUMATING ang araw ng kasal nila Ally, si Atasha ay nasa bahay ni Ally nakilala na rin niya ang magulang ng dalawa ilang buwan na ang lumipas at masaya sila ng makilala si Atasha. Kasama nila si Grace dahil abay din ito.
“Kinakabahan ako! Paano kung hindi sya makapunta?! Isang linggo kaming di nagkita.”
Napatawa naman ng dalawa habang nakatingin sa salamin. Nakasoot na si Ally ngayon ng gown at ready ng umalis dahil nga sa tradisyon ay hindi muna silang dalawa pwedeng magkita bago ang kasal kaya ganon nalang ang reaction ni Ally.“Ano kaba naman Ally forever na kayo ni Eldrith kaya wag kang mag alala!” Sabi ni Grace na natatawa sa kaibigan.
“Tama si Grace Ally ang tagal na nating pinag hahandaan to.”
Nakangiting sabi ni Atasha na ikinangiti ng pilit ni Ally. Nakasoot na din ang dalawa ng kanikanilang gown na kulay Violet. Pero natigilan sila ng makitang mapangiwi si Atasha. “A-ahh aray!”Nagulat ang dalawa dahil pagkakita nila kay Atasha ay pumutok na ang panubigan nito.“Sha-sha manganganak kana! Tita! Tito! Asaan na kayo?! Si Sha-sha manganganak na!”
Sigaw ni Grace na ikinarinig naman sa labas at agad na pumasok doon. Nagpatawag na ng ambulance para kay Atasha.
“Anak hingang malalim. Kaya mo yan.” Sabi ng mama ni Atasha andodoon na din ang magulang ni Ally. “A-ally makinig ka saakin. K-kahit na anong mangyari tuloy ang kasal niyo okay? W-wag nyo akong ahh!! Alalahanin!” Nahihirapang sabi ni Atasha na ikinatango naman ni Ally pero ang totoo ay alalang alala na sya.Agad na dinala si Atasha sa hospital kasama ang Mama niya habang ang iba ay sa simbahan ang tuloy.“Papa! Paano si Sha-sha baka mapano siya sa panganganak!" Sabi ni Ally habang papunta sa kasal.“Anak wag kang mag alala kaya ni Sha-sha iyon. Tulad ng sabi niya wag kang mag alala kasal mo ngayon kaya dapat mag enjoy ka.”Sa kabilang banda naman ay hirap na hirap si Atasha na manganak. “Ahhh!! D-doc bakit ang sakit nito huhu!”Sabi ni Atasha sa doctora niya na ikinatawa naman nito.“Sha-sha hindi bat sinabihan na kita tungkol dito? Kaya mo yan sige na ire.”
“Ahhhh!!!”
Isang mahabang ire ang ginawa ni Atasha pero wala pa rin.“Anak kaya mo yan andito lang si Mama.”Kasama ni Atasha sa loob ang mama nya.“Sha-sha ire pa nakikita ko na ang ulo.”“Ahhhh!!”Matapos ang ilang minuto ay napalabas na ni Atasha ang isang malusog na lalaki. Pumalibot sa loob ng kwarto ang ingay ng iyak nito.“Ahh!! Doc bakit ang sakit nanaman!” Sabi ni Atasha na ikinagulat nila at doon ay nalaman na may isa pang bata. “Sha-sha kambal ang anak mo! Umire kapa dahil kapag hindi mo siya nailabas mamamatay siya!”Sabi ng doctor nya dahil nga nakikita na nya ang pagod sa muka ni Atasha. Kahit nagulat si Atasha dahil kambal ang anak niya ay natakot siya sa sinabi ng doctor na mamamatay ito kaya kahit anong pagod niya ay pinilit niya paring palabasin ito.Na nagawa niya matapos ang ilang minuto.“Babae! Lalaki at babae ang anak mo Sha-sha!”Iyan ang huling narinig ni Atasha bago siya mawalan ng malay dahil sa sobrang pagod sa panganganak.MATAPOS ang kasal nila Ally at Eldrith ay nagpunta agad ang lahat sa Reception. Madami ang gandang ganda sa kasal ni Ally dahil talagang organize na organize ito.Maayos na maayos at halatang isang napakagaling ang nag manage niyon.“Attention everyone.”Sabi ng MC na ikinatingin nilang lahat sa harapan.Tapos na ang mga gawain kapag bagong kasal like hihiwain ang cake, the kiss part, giving wish and gifts ngayon ay kainan na.“The newlyweds would like to say something.”Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sinabi nito at tumayo ang dalawa si Ally ang unang nagsalita.Nakasoot siya ng isang napakagandang White dress habang ang kaniyang asawa na si Eldrith ay naka soot ng black tuxedo.&nbs
ATASHAKagagaling ko lang ng tagaytay dahil doon ang meeting ko. Sa sobrang pagod ko pagdating ko sa bahay nahiga agad ako sa sofa.I know tulog na ang dalawa, hindi na din ako nag abala na bukasan ang ilaw dahil baka makahalata pa si Mama na dumating ako. It's 10PM they should be resting by now.“M-mommy?”Napaupo ako sa sofa dahil sa narinig ko. Dali dali akong pumunta sa switch ng ilaw at doon ay nakita ko si Addison sa itaas ng hagdan at sara pa ang kabilang mata at kinukusot naman ang kabila.She's so cute.“Baby why are you still awake? It's past 10 na.”Sabi ko at lumapit sa kaniya, binuhat ko naman siya papunta sa sofa sa baba.“I actually waiting for you Mommy but I fall asleep then I heard the engine of your car so I woke up.”Napangiti naman ako dahil sa sinab
KEIRON KENT“What?! Are you sure about this fvckshit?!”Sigaw ko sa isa sa mga tauhan ko dahil sobrang galit ako sa nalaman ko.“Yes boss. Nalaman namin na may kinausap na si Ma'am Catty na isang wedding coordinator para sa kasal nyo.”Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sinabi niya. That Catty is getting into my nerves!Ilang taon na niya akong ginugulo bago ko pa makilala yung babaeng mahal ko anjan na yang Catty na yan. She's so obsessed to me and I can't believe na humantong na siya sa pagpapagawa ng Gun shot wedding.Kung hindi ko nalaman kaagad sinisigurado ko na mapapahiya lang siya sa ginawa niya! That bitch!“Okay you may go now.”
ATASHA “Sha-sha hija ayos ka lang ba?”Agad akong napaangat ng tingin ng tawagin ako ni Mrs.Syvester.“H-ha? Opo ayos lang po ako.” ngiting pilit kong sabi at napatingin sa katabi ko na nakangiti lang saakin kaya inirapan ko lang siya.“We should eat masarap ang pag kain dito sigurado akong magugustuhan nyo.”Sabi ni Mr.Syvester at umorder na. Umorder na rin ako kasi gutom na ako eh.“So paano kayo nagkakilala?” Nagulat naman ako sa tanong nila dahil doon.Anong sasabihin ko?!“A-ah ano po kas—”“We met at the club.”Nanlaki ang mata kong napatingin kay Keiron dahil sa deretsyong sinabi niya. Seryoso?! Wala manlang preno?!
HINDI makapaniwala si Kent na mayroon siyang anak. Sa kotse palang kanina ng sinabi ni Atasha na mayroon itong ipapakilala ay kinakabahan na siya dahil ang buong akala niya ay mayroon na itong asawa or Boyfriend pero ng makita niya ang malungkot na muka nito sa kotse ng tinanong siya kung ayaw ba niya ay nagbago na ang isip niya.Ayaw niyang nakikitang malungkot ang dalaga. Ang gusto niya ay palagi itong masaya.Sa puntong ito ay siya ang nakaramdam ng sobrang saya.Isa na siyang ama.Ama sa anak ng bababaeng matagal na niyang mahal at hinahanap.“Halina na kayo sa kusina para makapaghanda na tayo ng makakain.”sabi ng Mama ni Atasha ng humiwalay na ito sa ina. Pinunasan na niya ang luha niya at inayos ng unti ang sarili para h
SA kabilang banda naman ay hindi na maiwasan ni Kent ang magalit. Magalit sa sarili niya dahil sa pagiging pabaya niya. Nagagalit siya dahil wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng magbuntis ito sa kambal. Wala manlang siya sa tabi nito ng manganak ito. Wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng mga panahon na nahihirapan ito sa kambal.Nagagalit siya dahil feeling niya wala siyang kwenta. “This is shit!” Sabi niya at napagdiskitahan ang manebela na paluin. Hindi na niya kailangan pang mag pa DNA para masiguro na anak niya ang dalawang bata dahil alam na alam niya sa pakiramdam at isa pa kamukang kamuka nilang dalawa ni Atasha ang kambal kaya doon palang ay alam na niya. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Lucas.
“SIR KENT SI MS.SHA-SHA PO DI PARIN KUMAKAIN.” Napakunot ang noo ni Kent ng mabasa niya ang natanggap niyang text mula sa sekretarya ni Atasha. Napatingin siya sa orasan doon sa kwarto ni Atasha andoon kasi siya sa loob at nagpapahinga. Nakatulog din kasi siya at kagigising niya palang. Nakita niya kung anong oras na na mas lalong ikinakunot ng noo nito. “Shit it's almost 3 and she's not yet eating?!” Gulat na sabi niya at agad na tinawagan ang sekretarya. “Hindi parin ba siya kumakain? Nakatulog kasi ako.” Unang bungad niya sa telepono ng sagutin ito ng sekretarya
Natigilan si Kent sa kaniyang narinig mula sa dalawa. Hindi niya inakala na ganon ang tumatakbo sa isip nito. Naitanong niya sa sarili niya kung naging mabilis ba siya masiyado o sadyang wala g tiwala sa kaniya si Atasha.Napabuntong hininga na lamang ang binata at kinalma ang puso niya. Kanina pa siya kinakabahan simula ng madulas ito dito at masabi niya Mahal niya ang dalaga. Matagal niyang pinag iisipan kung paano siya aamin sa dalaga at wala sa plano ang pag amin na iyon kaya maging siya ay nagulat sa lumabas sa kaniyangbibig.Ayaw naman niyang iparating dito na biro lang ang pagkakasabi niya na Mahal siya nito dahil baka tuluyan siyang mawalan ng pagasa dito kaya naisip niyang ipagpatuloy na ang nasimulan niya na iyon. Walang
Napangisi si Atasha dahil sa naisip niyang plano at agad na sinet-up ang camera doon sa may table nila sa may sala. “Tignan natin kung ready ang pamilya ko.” sabi ni Atasha at kinuha ang baso doon na may tubig at tumayo pagkatapos ay itinapon iyon sa may paanan niya na parang pumutok na ang panubigan niya. Tumingin siya sa camera na naka set sa video at nag thumbs up pa siya dito. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang umarte. “A-argh!!! H-hubby! Wohh!! H-hubby!!” Sigaw niya na siyang pumalibot sa buong bahay kasalukuyang nasa kwarto nila ni Kent ang mag aama niya at abala sa panonood ng movie nag paalam lang siyang iinom ang hindi nila alam ay may prank ito sa kanila. Narinig niya ang s
RINIG NA RINIG ang malakas na tilian ng mga tao sa loob ng mall na pagdarausan ng isang book signing ni Keon sa bagong libro na kaniyang ginawa.It takes him years para lang matapos at maituloy ang kwentong iyon dahil mahirap sa kaniyang gumawa ng isang Happy Ending.“I'm so proud of you Keon.” sabi ni Addison at niyakap ng mahigpit ang kapatid niya na ginantihan naman ni Keon.“Thank you Ate para kila Mommy at Daddy.” nakangiti niyang sabi dito.“Weee if I know may ibang tumulong sayo para matapos ang libro nila Mommy at Daddy.” pang aalaska na sabi ni Allard at niyakap si Keon.“Congrats Kuya you did a great job.” bulong na sabi pa ni Allard kaya ngumiti si Keon at di na pinansin ang una nitong sinabi.“Kuya Keon! Bakit naman ganon yung character namin ni twin by the way congrats!” Niyakap din siya ni Allistair at natawa dahil sa reklamo nito.“Bakit eh totoo naman na ganon kayo ah? Tanungin mo pa si Ate at Kuya.” tawang sabi niya dito kaya napatingin ang kambal kila Aiden at
“ARE you ready princess?”Napatingin si Addison sa likudan niya at nakita niya ang ama niyang si Kent kaya agad siyang tumayo at niyakap ito.“D-daddy.” naiiyak na sabi nito kaya hinagod naman ni Kent ang likod niya.“Shhh…. Don't cry Addison it's your wedding day you should enjoy this.” sabi ni Kent dito na kahit siya ay naiiyak na nang makita niya si Addison soot ang puting wedding gown na iyon ay parang bumalik sa kaniya ang araw na ikinasal sila ni Atasham“Daddy I'm just happy at may halong lungkot narin kasi wala si Mommy ngayon.” humiwalay siya sa yakap ni Addison at pinunasan ang pisnge nitong may luha.“Anjan lang si Mommy nanonood saatin. Papanoorin niya kung paano ka maglakad sa aisle
“MOMMY! Birthday kahapon ng kambal! Look panoorin natin vinideohan ko po!”Napangiti si Kentdahil sa ginawa ni Addison habang nakaupo ito sa tabi ng puntod ni Atasha. Hindi silang lahat nagkulang sa pagbisita dito linggo linggo. Hindi sila sanay na hindi ito makita isang beses manlang sa isang linggo.“K-kuwa!!”Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang nagtatakbuhang isang taong gulang na sina Allistair at Allard habang hinahabol ito ng kuya nila na sina Aiden at Keon.“Anjan na si kuya! Takbo hahaha.” sabi pa ni Aiden sa dalawa.Napapikit si Kent at pinakinggan ang nangingibabaw na tawa ng mga anak sa paligid sa kadahilanan na rin na sila lang ang naroroon.
“This is it guys, magpaalam na kayo kay Sha-sha.” sabi ni Tita saamin. Isa isa kaming lumapit kay Atasha at nag paalam dito. “Uyyy Sha-sha hindi na tayo makakapag mall. Wala na kaming kukulitin ni Ally sa office para samahan kami.” naiiyak na sabi ni Grace dito. “Tama si Grace sayang hindi mo makikita ang paglaki ng mga bata. Don't worry hindi namin aalisin ang mga mata namin sa kanila gagabayan namin silang lahat.” nakangiting sabi ni Ally. Hinalikan nila ito sa pisnge “We love you Sha-sha. Andito ka lang sa puso namin our friendship will remain forever.” sabay na sabi nila at sumunod naman ang mga lalaki. “Sha-sha! Wala nang magsusungit saakin.” natatawang sabi ni Renz.
“ANG organs ni Sha-sha ay nananatiling nag pa- function at para narin siyang buhay kung tutuusin. At first akala namin ay mamamatay na ang anak niyo pero nagulat kami ng buhay sila lalo na at ng malaman namin na kambal ang anak niyo Kent. Hindi simple ang condition ni Sha-sha dahil Brain dead na siya kaya kailangan naming mapanatili na buhay ang mga organs niya para sa anak niyo.”Sabi saakin ni Tita habang nasa conference room kami.“Marami pang darating na doctor at bale 20 kaming hahawak sa kaniya. Kailangan niya rin ng mga gamot para ma-maintain at masukat ang blood pressure, ugat, puso at arteries.Kailangan din naming ma-maintain ang pagdaloy ng kaniyang dugo at saktong oxygen niya sa katawan pati narin ang nutrition ng katawan niya kaya gagamitan namin siya ng Antibiotics.
HININTO ko na ang sasakyan at hinawakan siya sa pisnge. “Wife! Wife wake up!” Iyak kong sabi sa kaniya at agad na binuksan ang pinto. “What happen?!” Sabi ni Tita pero hindi ko na nagawang sumagot at binuhat nalang si Atasha sa hospital bed at itinulak na nito agad papasok sa loob. “Dito nalang muna kayo Kent kami nang bahala kay Sha-sha.” Naiwan kaming apat sa labas ng pintuan at umiyak. “Daddy! Mommy will be okay right?!” Iyak na sabi saakin ni Addison at niyakap ko siya. Pinalapit ko rin sina Aiden at Keon para yakapin. “Mommy is brave I know she will fight for us.” pagpapalakas ng loob ko sa kanila. Yeah kilala ko si Atasha hindi lang i
“ARE YOU READY SHA-SHA?”Napangiti ako at napatingin sa salamin kung saan nakatingin din saakin si Papa. Ngayon ang araw ng kasal namin it's a beach wedding at syempre doon sa tapat ng bahay namin gaganapin ang kasal and to tell you honestly? Si Keiron talaga ang nag asikaso ng kasal naming dalawa as in wala akong ginawa siya lang talaga.“Yes Papa.” sabi ko at tumayo na at humarap sa kaniya. Nakasoot ako ng isang simpleng wedding dress na babagay sa venue namin at meron din akong flower crown at belo, hawak ko narin ang bulaklak ko na katulad nung flower ko nung ikasal kami sa simbahan.“Your so beautiful anak. Masaya ako at finally maihahatid na kita sa altar.”Napangiti ako dahil sa sinabi ni Papa how I love him.
Ilang oras na ang lumipas mag mula ng mapuntahan namin ang lahat na gustong puntahan ng kambal at nakapamili narin kami para sa iuuwi namin sa bahay nila Keiron at may nabili narin akong isang paper bag. Balak ko yung ibigay kay Keiron mamaya ilalagay ko sa loob yung pregnancy test ko Malaking paper bag yun parang lalagyan siya ng Teddy bear na hanggang tuhod ko ang taas. Nakaupo kami dito sa isang bench at nagpapahinga habang ang tatlo ay kumakain ng french fries at Ice cream syempre papahuli ba ako mas marami nga akong nakain eh gusto ni baby “Hubby pupunta lang ako ng CR ah?” Sabi ko sa kaniya na nasa tabi ko “Sige samahan na kita.” “No! I mean ako nalang hubby hehe mabilis lang ako promise.” sabi ko sa kaniya kaya wala siyang na