Share

Miracle Twins(Tagalog)
Miracle Twins(Tagalog)
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

Prologue

last update Last Updated: 2021-06-10 07:00:39

“Ma diba sinabi ko na po sa inyo na wala pa sa isip ko yan?”

Kalmadong sabi ni Atasha sa kanyang ina. Nasa hapag kainan sila ngayon at gabi ng muling ibukas ng mama nya ang topic tungkol sa pagkakaroon nya ng anak. 

“Alam ko anak pero tumatanda na ako. Nasa tamang edad kana your 27, dapat sa ganyang edad may anak kana mahirap mag anak kapag matanda na.”

Napabuntong hininga naman si Atasha dahil sa sinabi ng Mama niya. Matagal na syang kinakausap ng mama nya tungkol sa pag aasawa at pagkakaroon ng anak pero wala pa talaga iyon sa plano nya.

“Ma one year palang po ng mag simula ang business ko. Gusto ko pa po kayo bigyan ng magandang buhay. At isa pa wala nga po akong boyfriend kaya napaka imposible po niyan.”

Sabi niya dito sa mababang tono. Malaki ang pag galang ni Atasha sa kanyang ina kaya talagang may respeto sya dito at gusto niya muna itong bigyan ng mas masaganang buhay bago niya unahin ang sarili niya. 

Nakita niya na napayuko ang ina niya kaya nataranta naman sya. 

“Ma naman eh.”  sabi niya dito na ikinatingin sa kanya ng Mama niya. Mahal na mahal nya ito at ayaw niyang nakikita itong malungkot hanggat kaya niya ay gagawin niya para sa ina. 

Mas gugustuhin niya na sya ang masaktan kesa ang Mama niya. 

“Anak ng mawala ang Papa mo ikaw ang naging sandalan ko. Sayo ako humugot ng lakas. Ngayon na nakikita na kitang successful gusto ko naman na meron akong mas makasama dito. Gusto ko na ng apo anak matanda na ako.”

Napahilot naman ng sintido si Atasha. Sa edad na 25 ay nagsimula syang magtayo ng isang negosyo na nabuksan isang taon ang nakakaraan at ngayon nga kahit na kasisimula palang nito ay mas lumalago na ito kaya wala syang panahon sa mga ganon. 

“Ma pag iisipan ko po.”

Sabi niya na ikinangiti naman ng mama niya at tumayo tyaka sya niyakap. 

“Salamat anak! Alam mo naman na palagi kang wala dito wala akong kasama kaya nalulungkot ako.”

Hinaplos naman ni Atasha ang braso ng ina na nakapalibot sa kanya at napapikit sya. 

Mas gugustuhin niya talaga na kayakap ang ina niya. Ang ina niya lang ang nakakapagpakalma sa kanya lalo na kapag sobrang pagod sya. 

Yayakapin lang sya nito ay ayos na. 

“Wag kang mag alala Ma. Darating din tayo jan.”

ISANG malakas na tugtog ang sumalubong kay Atasha ng sya ay pumasok sa bar. 

Isang linggo na ang nakakalipas mag mula ng mapag usapan nila ng kanyang ina ang tungkol doon at sa mga nagdaang araw ay mas pinupush pa sya ng mama nya na ikina stress nya lalo. 

Maayos naman ang negosyo niya pero di niya alam ang gagawin nya sa gusto ng mama niya. 

Nasabi narin niya iyon sa best friend niya at ilang beses na din syang nakipag date sa nirereto sa kaniya pero wala parin talaga. 

Kaya eto sya ngayon sa bar, gusto niyang uminom dahil sa pressure na pagpilit ng mama niya. 

“Vodka please.”

Sabi ni Atasha na ikinangiti ng bar tender at agad na kinuhaan sya ng order nito at inabot sa kaniya. 

Napatingin muna si Atasha sa paligid niya at magulo ang mga tao sa gitna na nag sasayaw. Muli syang napatingin sa vodka at deretsyong ininom iyon na ikina ngiwi nya. 

“Ang panget talaga ng lasa!”

Nasabi nalang ni Atasha habang nakatingin sa baso niya. Hindi sya sanay uminom pero vodka at wine talaga ang iniinom niya madalas. 

Sa una lang naman nya yun nalalasahan pero pag nakadalawa na sya ay wala nalang parang tubig nalang sa kaniya.

“One more please!”

Hindi alam ni Atasha ay kanina pa may nakamasid sa kanya simula ng pumasok sya ng bar. 

Nakasoot si Atasha ng isang red dress. Dahil kagagaling nya lang sa isa pang blind date pero ang mas ikinainis ni Atasha ay ang pagiging bastos nito ng tumagal sila. 

Masyadong malikot ang kamay ng lalaki kaya ayun tinuhuran nya ang humihindig nitong kalalakihan at iniwan doon. 

Ang lalaki ay nakaupo sa isang table kasama ang kanyang mga kaibigan na naisipan lang nilang mag night out ng araw na iyon dahil sa engagement ng kaniyang kaibigan. 

Ng makita nyang pumasok si Atasha sa loob ay hindi na naalis ang mata niya dito. 

Hindi nya alam pero parang inaakit sya nitong lumapit at samahan lalo na ng makita nyang nag iisa ito at umiinom.

Pero pinigilan niya ang sarili niya dahil pilit syang umiiling at sinasabi sa sarili na hindi sya ganon. 

Ilang minuto lang ang lumipas at nakakatatlo ng baso ang dalaga nakikita na niya itong medyo tinamaan na ng may lumapit ditong isang lalaki. 

Napakuyom naman sya ng kamao dahil doon. Hindi niya maintindihan ang sarili nya basta ayaw nyang may lumalapit na ibang lalaki dito.

“Hi miss!”

Napatingin si Atasha sa nagsalita at nakita niya ang isang gwapong lalaki pero hindi niya type. 

Hindi nalang niya ito pinansin at muling tumingin sa baso niya. Dahil nararamdaman narin niyang tinamaan na sya tatlong baso palang yun.

Ang lalaki naman ay napataas ang sulok ng labi at hindi makapaniwalang tumingin sa babae kaya agad syang tumabi dito. 

“Miss ang snabera mo. Ako nga pala si Jhon.”

Tinignan ni Atasha ang lalaki at kinuha ang kamay nito na nakalahad at inalis agad. Napangisi naman ang lalaki dahil sa naramdaman nyang makinis na kamay kahit pa hindi sya nito sinagot. 

Lalo na at alam nyang tinamaan na ito. 

Kinausap sya ng kinausap ng lalaki hanggang sa nagulat sya ng hawakan nito ang hita nya. 

Mag wawala na sana si Atasha ng biglang may humila sa lalaki at pinag susuntok ito.

“You! Son of b*tch! How dare you to touch her?!”

Galit na sigaw ng lalaki at pinag susuntok ito. Nagulat naman dahil doon si Atasha at napatayo nakita niya na inawat na sya ng ibang mga lalaki. 

“Boss! Tama na!”

“Kent tama na!”

Sabi ng mga kasama nito pero ayaw parin tumigil ng lalaki kaya nataranta naman si Atasha at agad na lumapit dito para pigilan.

“Tama na! Tama na please! Ayos lang ako.”

Sabi ni Atasha na ikinatigil naman ng lalaki dahil sa narinig niyang boses at sa humawak sa kanya.

Hinila na sya palayo ni Atasha

“Paalisin nyo na yang lalaking yan!”

Sabi ni Atasha at agad na kinuha ng mga guard. 

Tumingin naman si Atasha sa lalaking nasa likod niya na tumulong sa kanya. 

“S-salamat sa tulong mo.”

Sabi niya habang nakatitig sa mata nito. Hindi niya alam pero hindi niya maialis ang tingin sa lalaki. Hindi din sumagot ang lalaki at nakatingin lang sa kanya.

Natauhan lang sila ng may tumikhim.

“Ehem! Tara na ayos lang naman si Boss jan hahaha.”

Natauhan si Atasha dahil sa tawanan ng mga lalaki kaya agad na syang nag paalam at umalis. 

Nainis naman ang lalaki sa mga kaibigan niya dahil sa ginawa ng mga ito.

“D*mn you all!”

Diin nyang sabi sa mga ito at agad na hinabol ang dalaga. 

Mas napatawa naman ang mga lalaki dahil sa inakto ng kaibigan nila.

“May himala na ba?”

“Makikita na ba natin kung paano mag mahal ang isang Keiron Kent?”

“Hahahaha.”

Si Atasha ay pasuray suray na naglakad papunta sa kotse niya at pilit na hinahanap ang susi niya sa bag. 

Pero dahil sa kalasingan ay muntik na syang matumba mabuti nalang at may sumalo sa kaniya na ikinagulat niya. 

Naamoy niya agad ang pabango nito at alam niya na ito ang lalaking tumulong sa kaniya. 

“S-salamat.” 

Sabi niya at agad na lumayo dito pero lumapit agad ang lalaki sa kaniya at hinawakan sya sa bewang na ikinagulat nito.

“Ano ba?! Kaya ko sarili ko!”

Sigaw niya dito na ikinatingin sa kaniya ng lalaki kaya napalunok sya dahil ang lamig ng mata nito.

“After what happened earlier I will not let you go home alone.”

Malamig na sabi ng lalaki at inalalayan na syang maglakad kaya walang nagawa ang babae dahil parang mas nanghina lang sya. 

Di nya alam kung dahil ba sa alak o dahil nakaka intimidate ang lalaki.

Dinala sya ng lalaki sa kotse nito at isinakay. Hindi na din sya nag reklamo pa dahil umiikot na ang paligid niya. 

Napapikit sya ng makaupo ito sa front seat at agad na pumasok ang lalaki. 

Pinaandar nito ang kotse na mas lalong nagpahilo kay Atasha. 

Nasa kalagitnaan sila ng byahe na ikinamura ng mahina ng lalaki dahil di nya alam kung saan ang bahay nito.

Habang si Atasha naman ay di niya alam basta hindi sya natatakot na may ibang gagawin sa kanya ang lalaki. 

Feeling niya mas safe sya dito lalo na at iniligtas sya nito sa manyak kanina. 

“Hey where do you live?”

Tanong niya sa babae pero hindi sya sinagot ni Atasha dahil feeling niya pag nagsalita sya ay susuka sya. Ayaw niya na umaandar ang sasakyan. 

Napatingin sa kanya ang lalaki at nakita niyang nakapikit ito kaya hinayaan nalang niya at dumeretso sila sa bahay nya. 

Ilang sandali lang ay andoon na sila at ipinasok na niya ang kotse sa isang malaking mansyon na maraming bantay. 

Ng mahinto na niya ang sasakyan ay hindi niya muna ginising ang dalaga at tinitigan ito. 

Napakaamo ng muka nito na mas ikinagusto niya dito. 

Inilapit niya ang muka niya dito para halikan sa hindi niya malamang dahilan na ikinadilat ni Atasha. Pero wala syang ginawa. 

Kanina pa sya gising pina huhupa nya lang ang hilo niya. 

Napatingin sya sa lalaki na nakatitig sa kaniya at lumalapit ang muka nito at hindi sya baliw para hindi malaman na hahalikan sya nito. 

Pero mas lalong di nya alam kung bakit wala syang ginagawa. 

May parte sa kanya na gusto niya ang nangyayari na mas nagpapagulo sa isip niya. 

Hanggang naramdaman nya ang pagdampi ng labi nito sa labi niya. Doon sya natauhan. Itutulak na sana nya ito pero may pumasok sa ala ala niya.

“Please Anak. Mag asawa kana gusto ko ng makita ang apo ko bago man lang ako mawala sa mundo.”

Sa naalala niyang iyon ay unti unti niyang pinikit ang mata niya na syang pagtulo ng luha niya dahil sa isipin na mawawala ang ina niya ay hindi niya kaya. 

Nagulat ang lalaki dahil naramdaman nya ang pagtulo ng luha nito kaya agad syang lumayo dito. 

“S-sorry! Sh*t! I didn't mean to make you—”

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng biglang hinawakan ni Atasha ang muka nito at hinalikan. 

Nagulat pa ang lalaki pero unti unti narin niyang ipinikit ang mata at hinawakan ang muka at batok ng dalaga. 

Bumalot ang isang malalim na halik sa kanilang dalawa. Kapwa parang hayok na hayok sa isat isa. 

Naramdaman nalang ni Atasha na ibinaba na sya nito sa isang malambot na kama. 

Hindi niya alam kung paano pero nagpatangay na sya sa init ng nararamdaman nila.

Doon nagsimula ang mga bagay na hindi dapat mangyari. 

Isang gabi kung saan ay pareho nilang ginusto at nagustuhan.

Comments (17)
goodnovel comment avatar
Adora miano
oh yeah,,Ganda naman
goodnovel comment avatar
Novah Basilio
Pretty nice
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
gandang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter One

    NAGISING si Atasha ng makaramdam sya ng gutom. Pero nagtaka sya kung bakit mayroong nakayakap sa kaniya. Medyo nag adjust pa sya kasi masakit pa ang ulo niya at naramdaman niya din ang sakit sa gitna niya.Hanggang sa natauhan sya at agad na napaupo dahil doon. Napatingin sya sa gilid niya ng may gumalaw doon at mas yumakap sa kaniya. Nakita niya agad ang katawan nito na walang soot na pang itaas kaya agad syang napatingin sa katawan nya at wala nga syang damit.“What have you've done Atasha!”Mahinang bulong ni Atasha sa sarili niya at napahawak sa ulo niya. Nakita niya ang damit sa sahig kaya agad niyang inalis ng dahan dahan ang kamay ng lalaki sa kaniya.Maingat lang sya dahil baka magising ang lalaki. Ng magawa niya ng maayos ay agad syang tumayo kahit pa na masakit ang pagkababae niya ay

    Last Updated : 2021-06-10
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Two

    Matapos nilang makausap ang doctor ay pumasok na sila sa loob ng room ni Atasha at nakita nila itong mahimbing na natutulog.Habang ang ina naman niya ay naiiyak na hinawakan ang kamay nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya.Nang malaman niya ang ginawa ni Atasha noon ay sinisisi niya ang sarili dahil siya ang mas nagpursige sa anak na gawin naman talaga ang hindi nito gusto hanggang sa humantong na nga sa ganoong sitwasyon.Ang gusto niya lang naman ay makita ang anak na masaya bago siya mawala sa mundo.“Tita sabi ko sayo buntis siya. Kahit na hindi siya nag susuka o naglilihi nakikita ko sa katawan nya ang pagbabago.”Sabi ni Grace sa mama ni Atasha. Hinawakan naman ng mama ni Atasha ang kamay nito at ngumiti sa kaniya.

    Last Updated : 2021-06-19
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Three

    MATAPOS ang kasal nila Ally at Eldrith ay nagpunta agad ang lahat sa Reception. Madami ang gandang ganda sa kasal ni Ally dahil talagang organize na organize ito.Maayos na maayos at halatang isang napakagaling ang nag manage niyon.“Attention everyone.”Sabi ng MC na ikinatingin nilang lahat sa harapan.Tapos na ang mga gawain kapag bagong kasal like hihiwain ang cake, the kiss part, giving wish and gifts ngayon ay kainan na.“The newlyweds would like to say something.”Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sinabi nito at tumayo ang dalawa si Ally ang unang nagsalita.Nakasoot siya ng isang napakagandang White dress habang ang kaniyang asawa na si Eldrith ay naka soot ng black tuxedo.&nbs

    Last Updated : 2021-06-19
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Four

    ATASHAKagagaling ko lang ng tagaytay dahil doon ang meeting ko. Sa sobrang pagod ko pagdating ko sa bahay nahiga agad ako sa sofa.I know tulog na ang dalawa, hindi na din ako nag abala na bukasan ang ilaw dahil baka makahalata pa si Mama na dumating ako. It's 10PM they should be resting by now.“M-mommy?”Napaupo ako sa sofa dahil sa narinig ko. Dali dali akong pumunta sa switch ng ilaw at doon ay nakita ko si Addison sa itaas ng hagdan at sara pa ang kabilang mata at kinukusot naman ang kabila.She's so cute.“Baby why are you still awake? It's past 10 na.”Sabi ko at lumapit sa kaniya, binuhat ko naman siya papunta sa sofa sa baba.“I actually waiting for you Mommy but I fall asleep then I heard the engine of your car so I woke up.”Napangiti naman ako dahil sa sinab

    Last Updated : 2021-06-29
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Five

    KEIRON KENT“What?! Are you sure about this fvckshit?!”Sigaw ko sa isa sa mga tauhan ko dahil sobrang galit ako sa nalaman ko.“Yes boss. Nalaman namin na may kinausap na si Ma'am Catty na isang wedding coordinator para sa kasal nyo.”Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sinabi niya. That Catty is getting into my nerves!Ilang taon na niya akong ginugulo bago ko pa makilala yung babaeng mahal ko anjan na yang Catty na yan. She's so obsessed to me and I can't believe na humantong na siya sa pagpapagawa ng Gun shot wedding.Kung hindi ko nalaman kaagad sinisigurado ko na mapapahiya lang siya sa ginawa niya! That bitch!“Okay you may go now.”

    Last Updated : 2021-06-30
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Six

    ATASHA “Sha-sha hija ayos ka lang ba?”Agad akong napaangat ng tingin ng tawagin ako ni Mrs.Syvester.“H-ha? Opo ayos lang po ako.” ngiting pilit kong sabi at napatingin sa katabi ko na nakangiti lang saakin kaya inirapan ko lang siya.“We should eat masarap ang pag kain dito sigurado akong magugustuhan nyo.”Sabi ni Mr.Syvester at umorder na. Umorder na rin ako kasi gutom na ako eh.“So paano kayo nagkakilala?” Nagulat naman ako sa tanong nila dahil doon.Anong sasabihin ko?!“A-ah ano po kas—”“We met at the club.”Nanlaki ang mata kong napatingin kay Keiron dahil sa deretsyong sinabi niya. Seryoso?! Wala manlang preno?!

    Last Updated : 2021-06-30
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Seven

    HINDI makapaniwala si Kent na mayroon siyang anak. Sa kotse palang kanina ng sinabi ni Atasha na mayroon itong ipapakilala ay kinakabahan na siya dahil ang buong akala niya ay mayroon na itong asawa or Boyfriend pero ng makita niya ang malungkot na muka nito sa kotse ng tinanong siya kung ayaw ba niya ay nagbago na ang isip niya.Ayaw niyang nakikitang malungkot ang dalaga. Ang gusto niya ay palagi itong masaya.Sa puntong ito ay siya ang nakaramdam ng sobrang saya.Isa na siyang ama.Ama sa anak ng bababaeng matagal na niyang mahal at hinahanap.“Halina na kayo sa kusina para makapaghanda na tayo ng makakain.”sabi ng Mama ni Atasha ng humiwalay na ito sa ina. Pinunasan na niya ang luha niya at inayos ng unti ang sarili para h

    Last Updated : 2021-07-01
  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Eight

    SA kabilang banda naman ay hindi na maiwasan ni Kent ang magalit. Magalit sa sarili niya dahil sa pagiging pabaya niya. Nagagalit siya dahil wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng magbuntis ito sa kambal. Wala manlang siya sa tabi nito ng manganak ito. Wala manlang siya sa tabi ni Atasha ng mga panahon na nahihirapan ito sa kambal.Nagagalit siya dahil feeling niya wala siyang kwenta. “This is shit!” Sabi niya at napagdiskitahan ang manebela na paluin. Hindi na niya kailangan pang mag pa DNA para masiguro na anak niya ang dalawang bata dahil alam na alam niya sa pakiramdam at isa pa kamukang kamuka nilang dalawa ni Atasha ang kambal kaya doon palang ay alam na niya. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Lucas.

    Last Updated : 2021-07-02

Latest chapter

  • Miracle Twins(Tagalog)   Special Chapter (PART TWO)

    Napangisi si Atasha dahil sa naisip niyang plano at agad na sinet-up ang camera doon sa may table nila sa may sala. “Tignan natin kung ready ang pamilya ko.” sabi ni Atasha at kinuha ang baso doon na may tubig at tumayo pagkatapos ay itinapon iyon sa may paanan niya na parang pumutok na ang panubigan niya. Tumingin siya sa camera na naka set sa video at nag thumbs up pa siya dito. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang umarte. “A-argh!!! H-hubby! Wohh!! H-hubby!!” Sigaw niya na siyang pumalibot sa buong bahay kasalukuyang nasa kwarto nila ni Kent ang mag aama niya at abala sa panonood ng movie nag paalam lang siyang iinom ang hindi nila alam ay may prank ito sa kanila. Narinig niya ang s

  • Miracle Twins(Tagalog)   Special Chapter (PART ONE)

    RINIG NA RINIG ang malakas na tilian ng mga tao sa loob ng mall na pagdarausan ng isang book signing ni Keon sa bagong libro na kaniyang ginawa.It takes him years para lang matapos at maituloy ang kwentong iyon dahil mahirap sa kaniyang gumawa ng isang Happy Ending.“I'm so proud of you Keon.” sabi ni Addison at niyakap ng mahigpit ang kapatid niya na ginantihan naman ni Keon.“Thank you Ate para kila Mommy at Daddy.” nakangiti niyang sabi dito.“Weee if I know may ibang tumulong sayo para matapos ang libro nila Mommy at Daddy.” pang aalaska na sabi ni Allard at niyakap si Keon.“Congrats Kuya you did a great job.” bulong na sabi pa ni Allard kaya ngumiti si Keon at di na pinansin ang una nitong sinabi.“Kuya Keon! Bakit naman ganon yung character namin ni twin by the way congrats!” Niyakap din siya ni Allistair at natawa dahil sa reklamo nito.“Bakit eh totoo naman na ganon kayo ah? Tanungin mo pa si Ate at Kuya.” tawang sabi niya dito kaya napatingin ang kambal kila Aiden at

  • Miracle Twins(Tagalog)   Epilogue (PART TWO)

    “ARE you ready princess?”Napatingin si Addison sa likudan niya at nakita niya ang ama niyang si Kent kaya agad siyang tumayo at niyakap ito.“D-daddy.” naiiyak na sabi nito kaya hinagod naman ni Kent ang likod niya.“Shhh…. Don't cry Addison it's your wedding day you should enjoy this.” sabi ni Kent dito na kahit siya ay naiiyak na nang makita niya si Addison soot ang puting wedding gown na iyon ay parang bumalik sa kaniya ang araw na ikinasal sila ni Atasham“Daddy I'm just happy at may halong lungkot narin kasi wala si Mommy ngayon.” humiwalay siya sa yakap ni Addison at pinunasan ang pisnge nitong may luha.“Anjan lang si Mommy nanonood saatin. Papanoorin niya kung paano ka maglakad sa aisle

  • Miracle Twins(Tagalog)   Epilogue (PART ONE)

    “MOMMY! Birthday kahapon ng kambal! Look panoorin natin vinideohan ko po!”Napangiti si Kentdahil sa ginawa ni Addison habang nakaupo ito sa tabi ng puntod ni Atasha. Hindi silang lahat nagkulang sa pagbisita dito linggo linggo. Hindi sila sanay na hindi ito makita isang beses manlang sa isang linggo.“K-kuwa!!”Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang nagtatakbuhang isang taong gulang na sina Allistair at Allard habang hinahabol ito ng kuya nila na sina Aiden at Keon.“Anjan na si kuya! Takbo hahaha.” sabi pa ni Aiden sa dalawa.Napapikit si Kent at pinakinggan ang nangingibabaw na tawa ng mga anak sa paligid sa kadahilanan na rin na sila lang ang naroroon.

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Ninety (FINALE PART TWO)

    “This is it guys, magpaalam na kayo kay Sha-sha.” sabi ni Tita saamin. Isa isa kaming lumapit kay Atasha at nag paalam dito. “Uyyy Sha-sha hindi na tayo makakapag mall. Wala na kaming kukulitin ni Ally sa office para samahan kami.” naiiyak na sabi ni Grace dito. “Tama si Grace sayang hindi mo makikita ang paglaki ng mga bata. Don't worry hindi namin aalisin ang mga mata namin sa kanila gagabayan namin silang lahat.” nakangiting sabi ni Ally. Hinalikan nila ito sa pisnge “We love you Sha-sha. Andito ka lang sa puso namin our friendship will remain forever.” sabay na sabi nila at sumunod naman ang mga lalaki. “Sha-sha! Wala nang magsusungit saakin.” natatawang sabi ni Renz.

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Ninety (FINALE PART ONE)

    “ANG organs ni Sha-sha ay nananatiling nag pa- function at para narin siyang buhay kung tutuusin. At first akala namin ay mamamatay na ang anak niyo pero nagulat kami ng buhay sila lalo na at ng malaman namin na kambal ang anak niyo Kent. Hindi simple ang condition ni Sha-sha dahil Brain dead na siya kaya kailangan naming mapanatili na buhay ang mga organs niya para sa anak niyo.”Sabi saakin ni Tita habang nasa conference room kami.“Marami pang darating na doctor at bale 20 kaming hahawak sa kaniya. Kailangan niya rin ng mga gamot para ma-maintain at masukat ang blood pressure, ugat, puso at arteries.Kailangan din naming ma-maintain ang pagdaloy ng kaniyang dugo at saktong oxygen niya sa katawan pati narin ang nutrition ng katawan niya kaya gagamitan namin siya ng Antibiotics.

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Eighty-Nine

    HININTO ko na ang sasakyan at hinawakan siya sa pisnge. “Wife! Wife wake up!” Iyak kong sabi sa kaniya at agad na binuksan ang pinto. “What happen?!” Sabi ni Tita pero hindi ko na nagawang sumagot at binuhat nalang si Atasha sa hospital bed at itinulak na nito agad papasok sa loob. “Dito nalang muna kayo Kent kami nang bahala kay Sha-sha.” Naiwan kaming apat sa labas ng pintuan at umiyak. “Daddy! Mommy will be okay right?!” Iyak na sabi saakin ni Addison at niyakap ko siya. Pinalapit ko rin sina Aiden at Keon para yakapin. “Mommy is brave I know she will fight for us.” pagpapalakas ng loob ko sa kanila. Yeah kilala ko si Atasha hindi lang i

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Eighty-Eight (PART ONE)

    “ARE YOU READY SHA-SHA?”Napangiti ako at napatingin sa salamin kung saan nakatingin din saakin si Papa. Ngayon ang araw ng kasal namin it's a beach wedding at syempre doon sa tapat ng bahay namin gaganapin ang kasal and to tell you honestly? Si Keiron talaga ang nag asikaso ng kasal naming dalawa as in wala akong ginawa siya lang talaga.“Yes Papa.” sabi ko at tumayo na at humarap sa kaniya. Nakasoot ako ng isang simpleng wedding dress na babagay sa venue namin at meron din akong flower crown at belo, hawak ko narin ang bulaklak ko na katulad nung flower ko nung ikasal kami sa simbahan.“Your so beautiful anak. Masaya ako at finally maihahatid na kita sa altar.”Napangiti ako dahil sa sinabi ni Papa how I love him.

  • Miracle Twins(Tagalog)   Chapter Eighty-Seven (PART TWO)

    Ilang oras na ang lumipas mag mula ng mapuntahan namin ang lahat na gustong puntahan ng kambal at nakapamili narin kami para sa iuuwi namin sa bahay nila Keiron at may nabili narin akong isang paper bag. Balak ko yung ibigay kay Keiron mamaya ilalagay ko sa loob yung pregnancy test ko Malaking paper bag yun parang lalagyan siya ng Teddy bear na hanggang tuhod ko ang taas. Nakaupo kami dito sa isang bench at nagpapahinga habang ang tatlo ay kumakain ng french fries at Ice cream syempre papahuli ba ako mas marami nga akong nakain eh gusto ni baby “Hubby pupunta lang ako ng CR ah?” Sabi ko sa kaniya na nasa tabi ko “Sige samahan na kita.” “No! I mean ako nalang hubby hehe mabilis lang ako promise.” sabi ko sa kaniya kaya wala siyang na

DMCA.com Protection Status