JANINA MARIEIsang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Wala nang katahimikan ang buhay ko. Nagiging worse ang situation sa araw-araw. Kahit alam kong nasa tabi ko lang si Xavier ay pakiramdam ko hindi nauubos ang mga problema namin. Hindi ko na gustong gumanti sa ginawa ni Jake kay Lolo dahil alam kong mauuwi lang sa walang katapusan na away at patayan ang lahat. Subalit ang kawalan niya ng puso ang nag-uudyok sa akin para gamitin ang lahat ng resources na meron ako para pagbayarin siya at tapusin ang kasamaan niya. "Nanay Elsa, para sa safety ni Jude, gusto kong itago n’yo na muna ang anak ko,” pakiusap ko sa taong pinagkatiwalaan ni Lolo. Masakit man para sa akin na malayo sa anak ko, batid kong nasa panganib ang buhay niya kaya ang kapakanan niya muna ang iisipin ko at saka na ang nararamdaman ko. Niyakap ako ni nanay Elsa. Batid kong dama niya ang sakit na nararamdaman ko dahil isa rin siyang ina na minsan ay nawalay din daw sa anak niya. Ikinulong niya ang pisngi k
JANINA MARIE"Don't make me feel na wala akong kwenta, Janina," nasasaktan na sabi ni Xavier. Inis na inagaw ko sa kan'ya ang cellphone. Hindi ko naman intention na iyon ang maramdaman niya pero ayaw kong maghintay lang. Alam kong maraming alam si Tommy at matutulungan niya ako."Ang hilig mong magdesisyon nang hindi man lang ako kinakausap, ngayon na gumawa ako ng action galit na galit ka. Xavier, ano ang pakiramdam ha?" "Janina, huwag kang immature." "Ano ang sinabi mo?" Sa halip na sumagot ay pabalibag na isinara ni Xavier ang pintuan ng silid namin. Ang dapat sana ay masayang bakasyon ay nauwi na ng tuluyan sa away. Naiiyak na tinanaw ko na lang mula sa bintana ang anak kong masayang naglalaro sa labas ng bahay. "Alam kong kapag bumalik na si Xavier sa dati naming bahay at pagbigyan n'ya ang hiling ni Yna, posibleng tuluyan nang masira ang relasyon namin katulad nang dati ko nang inaalala kaya maghahanap na ako ng mga ebedinsya para maipakulong si Rhian bago pa mangyari iyon”
JANINA MARIEBigla akong hinaltak ni Xavier at pinadapa sa sahig. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon kaya pilit kong sinikap na makausap siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na nasa bahay namin si Jake at may hawak itong baril. Subalit bigla niya akong kinubkob at wala na akong nakita. Narinig ko na lang ang malakas na sigawan ng mga lalaki at paminsan-minsan ay putok ng baril.‘What is this? Don't you dare touch me!” tungayaw ni Rhian. “Habulin n’yo!” sigaw ng isang lalaki na hindi ko kilala ang boses.Pilit akong kumakawala mula kay Xavier. Sinabihan niya naman ako na mag-stay lang daw ako sa posisyon ko dahil hindi ligtas ang sitwasyon. Sumunod ako sa kaniya dahil sa naririnig kong putok ng baril. “Xavier, nandito si Jake,” pabulong kong sabi.“I know, Loves,” bulong niya rin sa akin. “Sir, nakatakas si Admerson sa likuran ng bahay. Tumalon siya sa bakod doon,” sabi ng isang lalaki. “What the fuck? You're so stupid, sir!” sigaw ni Xavier. Tumayo na siya at inalalayan niy
JANINA MARIEDaig pa ni Xavier ang isang mabangis na hayop para lang protektahan ako. Nasa isang restaurant kami at tahimik na kumakain habang naghihintay sa pagdating ni Tommy. Subalit isang hindi kilalang lalaki ang lumapit sa amin na agad pinadapa ng mga tauhan ng Montefona. Hindi ito makahinga at hirap magsalita dahil sa tindi ng pagkakasakal ni Xavier sa kan'ya. Iyon pala ay naroon ang lalaki para sabihin lang na nasa sasakyan niya si Tommy at hindi na nito gusto pang pumasok sa kinaroroonan namin dahil galing daw sa isang labanan ang ex ko. “Hina-hunting ako ng grupo ni Rhian,” bungad agad ni Tommy sa amin nang pumasok kami sa sasakyan niya. “Why would she do that?” tanong ng walang alam na si Xavier na magkasabwat ang mga exes namin. “Dahil nag-iingat siya. Alam niyang pwede ko siyang ipagkanulo katulad ng ginagawa ko ngayon.” Ngumisi si Tommy at inabot sa akin ang isang envelope. “Nandiyan na ang mga kailangan ninyo. Xavier, please protect Janina. Aalis na muna ako para ma
RHIAN HOFREY Feeling prinsesa ako sa loob ng kulungan. I am not a typical inmate. Actually, natutuwa pa nga ako na naranasan ko ang makulong at madama ko ang pakiramdam na I am above anyone. Syempre, unlike anyone else, I am treated with extra special care. The news about what happened sa house nina Xavier at Janina reached me. I rolled my eyes dahil sa stupidity ni Lolo at ng parents ko. Anyways, hindi pa pala ako nadadalaw ng aking pamilya simula nang nakulong ako. Hindi pa raw kasi ako gustong makita ni Lolo dahil na-highblood ito nang nalaman niyang nahuli ako. Subalit binigyan nila agad ako ng security sa loob ng kulungan. Gayunpaman, tiyak ko ang walang katapusan na sermon ni Lolo dahil sa nangyari sa akin. Nabalitaan kong muntik patayin ng mga bayaran ni Lolo ang mga katulong nina Xavier at Janina pero hindi sila nagtagumpay. According sa informant ko, lumaban ang mga tauhan ni Janina. “Pwede bang palabasin n'yo na ako rito?” inis na sabi ko sa isang police na binabayaran
JANINA MARIE Tulala kami ni Xavier habang nakatingin sa balita. Wala man lang nag-inform sa amin tungkol sa nangyari kay Rhian. Kung hindi pa iyon lumabas sa tv ay hindi namin malalaman na nagpakamatay na pala siya. "I can't believe it. She's not the type of person na sasayangin ang buhay dahil lang sa walang kwentang bagay." Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Xavier. Unexpected kasi ang nakita kong reaction niya. Nasasaktan ba siya sa nangyari kay Rhian? Hindi niya ba matanggap na wala na ito? Nang napansin ni Xavier ang pananahimik ko ay nilapitan niya ako at sinalat niya ang aking noo. Hinawakan niya rin ang mukha ko at iniharap ako sa kaniya. "Are you sick? How do you feel?" tanong n'ya sa nag-aalala na tinig. "I am jealous," bulong ng isip ko pero hindi ako nagsalita. Umiling lang ako at saka inalis ang kamay ni Xavier sa mukha ko. "Loves," tawag niya sa akin. "Sa tingin mo patay na ba talaga si Rhian?" "Bakit? Hindi mo ba matanggap?" "Oh, no. Ple
XAVIER WESLEY Janina and I met in the hospital. She was crying nonstop. Worried kasi siya sa kalagayan ng kaibigan niya. Habang ako naman ay daig pa ang sumali sa long distance foot race run dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang nalaman ko ang nangyari sa kaniya. Iniwan ko ang napaka-importanteng meeting just to be with my wife. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko para sa aking asawa na ngayon ay nagsusuka na dahil sa matinding nerbyos. I begged the doctors na kung pwede ay tingnan din nila ang asawa ko lalo na at nahihirapan itong huminga. I held her hands and massaged it para kahit paano ay kumalma siya. “Loves, alalahanin mo ang anak natin. Please, stay calm,” I told her. Tumango si Janina habang panay ang pakawala niya ng malalim na buntong-hininga. Umiiyak na yumakap siya sa akin. “Si Jake… Si Jake ang may gawa nito,” she said while gasping for breath. Napatiim-bagang ako. Nakuyom ko rin ang aking kamao. Ang pag-aalala sa puso ko ay napalitan ng matinding galit
JANINA MARIENang tumayo at lumayo sa akin si Xavier habang kausap niya si Tommy ay kinabahan ako. Ang kilos kasi ng asawa ko ay kaduda-duda. Hindi kasi niya ginagawa ang mga ganoong bagay kahit sino pa ang kausap niya. Unang beses na umiwas siya na marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Hindi ko siya agad sinita para makapag-usap sila ng maayos pero sa isip ko ay nagbabanta na ako. Habang naghihintay akong pumasok ulit si Xavier sa silid namin ay naisip kong mag-abang sa may pintuan. Nakahalukipkip ako at nakasandal sa dingding. Naiinip man ay nanatili ako roon hanggang sa pumasok ang aking mister. “Ano ang pinag-usapan ninyo ni Tommy?” usig ko agad sa kaniya pagbukas niya ng pintuan. “I almost have a heart attack!” sabi niya habang nakahawak sa dibdib. Baklang-bakla ang itsura niya kaya hindi ko napigilan ang tumawa. “Ayan, napatawa rin kita. Selos ka kasi nang selos.”“Ano nga?” pangungulit ko. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang sinabi ni Tommy. Ala
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room