Chapter 11: Catching death for me
I'm not dumb. Alam kong hindi ako pwedeng mamatay sa labang ito dahil walang magliligtas sa mga bata.
I'll risk my life, but I won't give it up. Dimwit.
Ipapapukpok ko pa sa judge ang mga halimaw na 'to.
Kasalukuyan akong nasa tabi ng fuse ng bahay na'to. Naghihintay ako ng timing. Mula kasi dito ay tanaw ko ang lahat ng demonyong nagtatawanan.
Walang maibigay sa bata, pero ang ulam nila crispy pata. Naikuyom ko ang aking kamao.
Wala daw ibinigay ang boss nila, pero ang totoo, kinupit nila para mabili ang pansariling kagustuhan.
Napailing na lang ako sa inis at muling nag-pokus. Naririnig ko ang usapan nila pero kaagad ding nawala. Ewan ko pero ang mga bagay lamang na naririnig ko ay ang mga bagay na may kaugnayan sa akin o mga bagay na may dulot na panganib.
Kailangan kong patayin ang fuse na ito para magkagulo sila, paniguradong may aakyat sa taas, upang icheck ang mga bata pero kaagad ring bababa dahil iisipin nilang takot ang mga iyon sa dilim. Kailangan maging madilim ang bahay, hangga't busy ang mga ito.
In
3
2
1
Kaagad kong pinatay ang fuse. Tumigil sila sa tawanan at kaagad na napatayo. Nanliit ang mga mata ko sa dilim pero kaagad na napaigtad dahil bigla rin na bumalik ang liwanag sa mga mata ko.
Kinakabahan akong napatingin sa mga lalaki. Pa'nong bumalik kaagad ang kuryente?! Nasa tabi ako ng fuse!
Akmang tatakbo na ako nang mapansin na parang nasa dilim pa rin kung umasta ang mga lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto at ipinagsawalang bahala na lamang.
Kaagad akong naupo kasabay ng pagtutok ng flashlight ng isa sa kanila sa pwesto ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at mabilis na umalis roon. Nakayuko akong nagtungo sa sala nila at tiningnan ang main door. Iisa lang ang lock nito at mukhang madaling buksan.
Kaagad akong napayuko nang biglang dumating ang dalawang lalaki. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Malaki ang posibilidad na makita nila ako dito. Dilim lamang ang nagtatago sa akin ngayon.
Pigil ang hininga ko nang dumaan sila sa harap ko. Binuksan nila ang maindoor kaya kaagad akong napa-isod nang masinagan ako ng liwanag ng buwan.
Lumabas ang isa sa pinto habang ang isa ay nakasilip lamang sa labas.
"Sa lakas nga sabi ng hangin yan nalaglag!" sigaw ng nasa loob sa nasa labas.
Mukhang tinitingnan nila ang sanga ng puno na nalaglag.
Kailangan kong mapatumba ang dalawang 'yon. Maraming bata sa loob at imposibleng makalabas kami ng bahay na walang nakakapansin. Kailangan nilang mabawasan.
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko na ba ang nasa pinto. Baka biglang pumasok ang taong nasa labas. Malalagot ako.
Napaatras ako bigla nang may lumabas na guhit sa paningin ko na tila sinisipat ang pinto. Biglang lumitaw ang isang bilog na may dalawang intersecting lines. Sa loob ng bilog ay may isang asul na square at dalawang pulang square.
Namangha ako ng mapagtanto ko na ako ang asul na iyon at ang pula ay ang dalawang ito. Dinetect ng mga mata ko ang lokasyan ng mga sindikatong pinakangmalalapit sa akin.
Biglang lumabas ang numerong 27 sa harap ko na sinundan ng seconds habang nakatutok ang guhit sa pinto.
Kaagad akong napalunok at tumakbo palapit sa lalaki at pinukpok ang batok n'ya ng baril na nakuha ko sa itaas. Kaagad itong natumba kaya mabilis ko s'yang itinayo at iniharang sa harap ko. Tumayo ako sa tabi ng pinto.
Maya-maya pa ay natapos ang bilang sa paningin ko at biglang pumasok ang lalaki kanina.
"Sabagay. Medyo maliit din yung sanga e." wika nito habang diretso ang tingin.
Nang makalampas ito ng bahagya sa akin ay kaagad kong pinukpok ang batok nito kaya napabagsak silang dalawa sa sahig.
Napahawak ako sa balikat kong bahagyang kumirot dahil sa bigat ng demonyong binuhat ko.
Kaagad ko silang hinila papunta sa gilid kung saan, hindi sila madaling makikita.
Kaagad akong tumakbo ng tahimik para hanapin ang basement nila.
Bigla ay may lumabas na arrow sa mga mata ko na nakaturo sa kanan. Napakunot ang noo kong sinundan iyon. May kalayuan pinatunguhan pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ang pinto ng basement sa harap ko.
Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at kaagad na pumasok nang walang marinig. Ibig sabihin no'n, walang panganib.
Kaagad kong hinalikwat ang basement. Puno ito ng mga baril pero iba ang hinahanap ko at malaki ang posibilidad na dito lang nakatago 'yon.
Napansin ko ang isang pinto dito na kapag binuksan mo ay makakalabas ka na. Kung ako lang siguro, ay madali iyon, pero kapag kasama ang mga bata ay medyo may kahirapan na.
Nabuntong-hininga ako nang makita na ang hinahanap. Kinuha ko ang isang plais na nakita ko rin dito sa basement at pinutol ang isang wire na siguradong daluyan ng kuryente nila. Ngayon, kahit buksan nila ang fuse, walang papasok na kuryente.
Kaagad akong lumabas ng basement at tahimik na nagtungo sa kinaroroonan ng mga bata. Laking pasasalamat ko dahil walang nakakita sa akin at tila lahat busy sa paghahanap ng sira ng daloy ng kuryente. Napagtanto na siguro nila na hindi brownout.
"Tita, ano na gagawin natin?"
Sinenyasan ko si Shzane na kumalma at tumahimik. Kaagad naman s'yang natahimik at himikbi-hikbi.
"Susunod kayo sa akin okay?"
Saad ko sakanila. Karamihan ay tumango at ang iba ay mabilis na umiling.
"Huwag na po, ate. Hindi rin tayo makakalabas. Masasaktan lang tayong lahat kapag nahuli tayo."
May ilang sumang-ayon habang ang iba ay umiling.
"Walang mahuhuli, walang masasaktan. Sinisiguro ko sainyo. Magtiwala kayo sa akin, please."
Hindi nagtagal ay pumayag na rin ang mga bata. Dahan-dahan kaming lumabas sa kwartong pinagkulungan sa kanila at nagtungo sa direksyon patungo sa sala.
"At saan kayo pupunta?"
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Sa harap ko... sa harap naming lahat, mayroong sampung kalalakihan. Hindi sila kumpleto dahil tanda ko, dose ang bilang nila at sampu lamang ang nasa harap ko, nandito na ang dalawang lalaki kanina. At alam kong bumalik na ang kuryente nila.
Bigla ang paghagulhol ng mga bata sa likuran ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako naiiyak dahil sa takot, naiiyak ako dahil, ang tiwalang ibinigay sa akin ng mga bata ay wala na.
Humakbang palapit sa aking ang lider ng mga sindikato.
"Saan mo dadalhin ang mga bata, miss?" ngumisi ito sa harap ko.
"Tita!"
Napatingin ang lalaki kay Shzane at mas lalong ngumisi.
"Kaya ka pala narito, dahil sa pamangkin mo? Hmm?" napaatras ako nang hawakan n'ya ang mukha ko.
Nakaramdam ako ng matinding takot lalo na't ako lang ang maaring magligtas sa mga bata. Rinig ko rin ang paghalakhak ng mga tauhan n'ya.
"Boss, hindi makita sa serveillance came--"
Natahimik ang lalaking dumating nang makita ako at pumunta na lamang sa likod ng lider nila.
"Boss, naputol ang linya ng kuryente sa baseme--"
Kaagad ding natahimik ang lalaking dumating nang makita ako at pumwesto na lamang sa likod ng lider nila.
Ngayon, dose na sila sa harap namin. Mas lumakas ang hagulhol ng mga bata kaya napapikit ako.
Ngumisi ang lalaki sa harap ko.
"Alam mo miss, magaling ka naman e. Pinutol mo na nga linya ng CCTV namin, pinutulan mo pa kami ng kuryente. Daig mo pa meralco ah."
Inikutan ako nito habang tumatawa ang mga tauhan n'ya sa likod.
"Kaso miss, mas magagaling sa'yo ang kinalaban mo." bulong nito sa tainga ko kaya napapikit ako ng mariin.
"Mga wala kayong kwentang tao." mariing bulong ko na gumulat sa kanila.
"Tapang ah. Sumasagot pa!" sigaw ng isang lalaki kaya nagtawanan sila.
"Kayong lahat. Mananagot sa batas. Sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas." gigil na saad ko.
"Ano ka, aboga--"
"Tanga ka ba? Abogado yan. Si Perez. Yung madalas sa tv."
Napanganga silang lahat sa sinabi ng isa sa kanila.
"So.." naagaw ang pansin ko ng lider nila.
"Masarap ba ang isang, abogado?"
Humalakhak silang lahat sa sinabi ng lider nila. Lalong kumulo ang dugo ko.
Mabilis kong hinablot ang lider nila at kinuha ang baril sa ilalim ng damit. Itinutok ko iyon sa ulo n'ya.
"Lumayo kayong lahat! Kung ayaw n'yong patayin ko 'tong hayop na 'to, lumayo kayo!"
Panigurong wala silang ibang kakampi sa likod ko, dahil kumpleto na sila.
Kaagad nilang itinutok ang baril nila sa akin kaya diniinin ko pa ang pagkakahawak sa leeg ng lalaki.
"Ibaba n'yo ang baril n'yo. Kung ayaw n'yong sumabog ang utak nito ngayon." may diin ang bawat salitang sinambit ko.
Nagdadalawang isip nilang binaba ang kanilang baril at kinakabahang tumingin sa akin.
"Tumabi kayong lahat! Alis sa daanan!"
Malaya kong natanaw ang maindoor nang humawi sila. Umikot ako kaya sumunod ang mga bata sa likod ko.
Nagsitakbuhan ang bata palabas ng bahay habang hawak ko pa ang lalaki.
"T-Tita.."
Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Shzane na nasa likod ko pa rin.
"Lumabas ka na Shzane. Bilis!"
Nagdadalawang isip s'yang tumingin sa akin.
"LABAS!"
Narinig ko ang hagulhol n'ya na tumakbo palabas.
Alam kong imposible ko na mailigtas ang sarili ko ngayon. Lumuluha kong tiningnan ang mga lalaki. Hindi ako natatakot sainyo. Tngina.
Hinihigpitan ko pa ang hawak sa leeg ng lider nila. Kailangan ng mga bata ng sapat na oras para makalabas. Kahit anong paraan, sana magawan nila ng paraan na mabuksan ang gate.
God please, help us.
I'm done living my life for myself. All this time, I am only thinking about myself. Wala akong pakialam sa ibang tao. Puno ng lokohan ang buhay ko. Wala akong pakialam kung may naaagrabyado hangga't kumikita ako. Tngina. Nabulag ako ng pera. Tama si Galand, sobrang makasarili ko na. Pero mali s'ya, mukhang hindi ako ang magliligtas sa mundo.
"M-Mikaela!"
Tila bumagal ang mundo ko ng makarinig ako ng putok ng baril kasabay ng boses ni Galand. Nawala na ako sarili ng biglang sunod-sunod na pumasok ang mga pulis sa bahay.
Kaagad kong binitawan ang lalaki at lumingon sa likuran ko at lalong napaiyak. Nagkamali ako, trese ang bilang at hindi dose.
There he is.. si Galand. Sinalo n'ya ang bala na dapat ay sa akin.
"Zero!"
And here I am, crying and shouting his name for the first time.
Chapter 12: Please, help me Hindi ko mapigil ang aking pag-iyak habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Galand. Hindi ko na alam ang nangyari kanina, dahil pati ako, nahimatay sa kabang naramdaman. I am sitting here alone. Kanina ko pa hinihintay ang doctor sa loob ng emergency room na kinaroroonan ni Galand. Ang alam ko, si ate Kim ang doctor na gumagamot kay Galand. At sa kaalamang iyon, ay bahagya akong kumalma. May tiwala ako kay ate. Alam kong hindi n'ya pababayaan si Galand. Pati si Shzane at ang iba pang mga bata, alam kong nandito sila sa loob ng hospital. Paniguradong nasa iisang kwarto sila at inaalagaan. I can't imagine that
Chapter 13: A quarrel for nothing"I'm sorry but I can't do it.""What?!"Umalingawngaw ang boses ni Ms. Sunshine nang sabihin ko sakan'yang hindi ko magagawang hawakan ang kaso n'ya.Bakas sa mukha n'ya ang inis. Marahil ay nanghihinayang s'ya dahil isa ako sa magaling na abogado rito sa bansa."I'm done here, Ms. Sunshine. I'm sorry." tumungo ako sakan'ya at akmang tatayo nang muli s'yang magsalita."Pere-- Attorney Perez! You can't do this! We already agree and talk about this! You can't just reject me!"Napatingin ako sa paligid at napailing nang makitang pinagtitinginan na kami ng mga t
Chapter 14: Anger is no good"Where's President Guzman?"Napatunghay ang babaeng sa front desk at tumingin sa akin. Tumitig s'ya sa akin sandali at mahahalata mo namang kilala n'ya ako."Attorney Perez, good morning." bahagya s'yang nag-bow sa akin kaya tinanguhan ko lang s'ya."Ang about President Guzman, you can't talk to him right now." mahinahong saad nito kaya napakunot ang noo ko."What? I mean, hindi ba pwede? This is really urgent. I need to talk to him for a certain case."Kailangan kong makausap iyon. Hindi ako mag-aaksaya ng oras na sadyain s'ya dito sa kompanya kung hindi naman mahalaga ang ipinunta ko rito."I'm really sorry. But you need to set an appointment with meet Mr. Guzman. Alam kong alam mo iyon dahil isa kang abogado. I'm really sorry, we need to obey the rules."Napaungol ako out of frustration. Umiinit ang ulo ko sa babae sa aking harapan pero alam kong trabaho lang n'
Chapter 15: The starting pointI'm currently waiting for a client here at my office. Ang kliyenteng ito ay nag-set ng appointment sa akin noon pang isang araw pero ngayon ko lang s'ya makikilala.Pinalabas ko na rin ng office si Galand dahil baka makialam na naman s'ya. Mabuti naman at pumayag at pumunta na lamang sa canteen sa baba.Akmang tatayo ako at kukuha ng tsaa nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko."Argh!"Kaagad akong napa-upo sa swivel chair ko at hinilot ang sariling sintido. Lumipas pa ang ilang minuto bago ito tuluyang nawala.Napabuntong-hininga na lamang ako sa nangyari at ipinagsawalang-bahala na. Maya-maya lang ay nakarini
Chapter 16: Won't talk about it"Sabi ko na nga ba e! Kaya mo 'yon. Alam mo bang nagdadalawang-isip pa ako kanina na itulak ka para tulungan 'yong babae?"Nakatitig lang ako kay Galand habang ipaglalandakan n'ya sa mukha ko ang nagawa ko kanina."Ang galing mo talaga! Mukha kang superhero do'n ha!" tumatawang saad nito."Nadedevelop na ang kakayahan mo Mikaela. You're starting to be a real heroine."Ipinadyak-padyak ko lang ang paa ko habang pinapakinggan s'ya."Alam mo bang kinakabahan talaga ako na baka hindi kita mapilit na magbago? Buti na lang!"Bakas ang saya sa mukha n'ya
Chapter 17: Proving innocence while fighting for justice"..ipinapangako kong katotohanan ang lahat ng aking sasabihin. Walang dagdag, walang bawas. Kapag ako ay nagsinungaling at nahuli, malugod kong tatanggapin na ako ay kasuhan ngperjury."Nakamasid lamang ako sa nagsisimula nang trial. This is the time that I need to prove Hugo's innocence. Honestly, nakakapanibago. All this time, pagsisinungaling lamang ang ginagawa ko sa harap ng batas. Iba ngayon, I don't need to make him innocent, but I have to prove his innocence."Prosecutor, start with the interrogation."Mabilis na tumayo ang Prosecutor na naghawak sa kaso ni Hugo. She look confident. Parang siguradong maipapanalo n'ya ang kaso.
Chapter 18: Justice, please shine"Witness, does punching someone on the abodomen can cause death?"Ang testigong doktor naman ang kaharap namin ngayon. Kilala ko ang doktor na ito dahil minsan ko na s'yang nakakwentuhan sa salu-salo ng mga doktor. Isinama ako ni ate. Her name is Caizel. Kasalukuyan s'yang kinakausap ng Prosecutor."Yes. But this case is very rare. Yes, being punched on the abdomen causes someone to have a difficulty in breathing and it also causes severe pain that'll gone afterwards. Death from being punch on the abdomen is very rare."Napangisi ako sa likod ng utak ko. That was a wrong move, Prosecutor. That was in favor with my team."So it is possible, right?"
Chapter 19: Destroy.... what? "Ba't di ka nagdala ng payong? Dapat lagi mong dala 'yon!" bahagyang sigaw sa akin ni Galand kaya inambahan ko s'ya ng suntok. "Alam mo? Hindi naman ikaw yung mababasa e. Ang dami mo pang sinasabi." inis na saad ko at akmang bababa na ng sasakyan ng hawakan n’ya ang siko ko. "Oo na, oo na. Ihahatid muna kita bago ako dumiretso sa 7/21 d'yan sa malapit." Napairap na lang ako nang bumaba s'ya at umikot. Ewan ko ba dito, malapit lang naman pero parang ayaw pa ako ihatid dahil pupunta raw s'yang 7/21. Palibhasa, s'ya lang ang may dala ng payong. Binuksan n'ya ang pinto saka inilahad ang kamay sa akin. "Tayo na."
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"
Chapter 28: Happy Unhappy"SIR Attorney."Nag-bow ako sa harap ni Sir Attorney at bahagyang ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ba s'ya haharapin. Aaminin ko, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang at hiya. Alam kong hindi naging maganda ang asal ko no'ng nakaraan."Bakit n'yo po ako pinatawag?" tanong ko.Ngumiti naman ito ng bahagya saka inilahad sa akin ang upuan sa harapan n'ya kaya umupo ako roon. Napatikhim ako bago muling tumingin sakan'ya.
Chapter 27: You can't hide and run from me"LET us all welcome, Attorney Mikaela Perez!"Napangiti ako ng malaki nang mabanggit na ang pangalan ko ng emcee at kaagad na tumayo. Ito na ang pagkakataon upang maipaliwanag ko ang sarili ko. Napalibot ang mata ko sa mga tao sa harapan. Naroon sina ate, Shzane, Galand, Sean at katabi nila ang ilang-daang tao na naghihintay din ng sasabihin ko.Kapansin-pansin din ang pagliwanag ng paligid dahil sa sunod-sunod na flash mula sa camera ng media. At ngayon, sigurado akong naka-ere ang pangyayaring ito sa buong bansa.Bukod pa rito, nakakatuwa na umattend ang Presidente upang personal akong pasalamatan sa harap ng mga tao. Kasama ko s'yang nakaupo sa stage.
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan