Chapter 18: Justice, please shine
"Witness, does punching someone on the abodomen can cause death?"
Ang testigong doktor naman ang kaharap namin ngayon. Kilala ko ang doktor na ito dahil minsan ko na s'yang nakakwentuhan sa salu-salo ng mga doktor. Isinama ako ni ate. Her name is Caizel. Kasalukuyan s'yang kinakausap ng Prosecutor.
"Yes. But this case is very rare. Yes, being punched on the abdomen causes someone to have a difficulty in breathing and it also causes severe pain that'll gone afterwards. Death from being punch on the abdomen is very rare."
Napangisi ako sa likod ng utak ko. That was a wrong move, Prosecutor. That was in favor with my team.
"So it is possible, right?"
"Yes."
Tumango-tango ang prosecutor sa sinabi ng testigo.
"But let me repeat the same question. Is it not possible for a drunk person to die from being punched on the abdomen?"
Natigilan ako ng marinig ang salitang 'drunk' sa turan n'ya at bahagyang nawala ang pag-ngisi. She's turning things the other way around.
"For a drunk person, yes it is really possible. Lalo na kapag marami ng nainom ang isang tao." ani nito.
Muli akong napatingin kay Hugo na bahagyang nakayuko. Mukhang nawawalan na naman ng pag-asa. Wala yatang tiwala sakin e.
"And based on what you've observed? How many bottle of liquor did the victim intake?"
"About 2 and a half bottle."
"So does a person who take about 2 and a half bottle of liquor can possibly die when punched on the abdomen?"
"Yes. It is possible."
Naglakad-lakad ang Prosecutor sa harap naming lahat.
"How about the poison that the Defense Lawyer is talking about?" bahagya pa itong sumulyap sa akin.
Tumango ang testigong doktor. "We haven't found any trace that the victim take this poison through his mouth."
Napasinghap ang lahat sa nangyari. Bahagya akong napatungo at napakunot-noo. This is hell! Tangina.
"But the confusing part is that his heart is infected. It is really pale. Parang nilason."
Muli akong napaangat ng ulo. Pabitin pa! Aaminin ko kinabahan ako sa unang pahayag n'ya.
"But is it substantiate that there are no traces of poison on the other part of the body?"
"Yes."
Nagpatuloy lamang s'ya sa pagtatanong at wala akong ibang ginawa kundi ang makinig. Aaminin ko, nahihirapan ako sa kasong ito. Iba pala talaga kapag katotohanan ang ipinaglalaban mo. Nakakatakot matalo.
"That's all, your honor."
"Defense lawyer, start with the cross examination."
Napaigtad ako sa pagtawag ng judge sa akin. Hindi ko namalayan na tapos na pala sa pagtatanong ang Prosecutor.
"Yes, your honor."
Mabilis akong tumayo at naglakad sa harap. Mariin akong napapikit at ilang beses na bumuntong-hininga bago ako tuluyang tumingin ng diretso sa testigo.
"Witness, you stated that it is possible for a drunk person to die by being punched on the abdomen, right?" panimula ko.
"Yes." tumango ito sa akin.
"If you're going to make a ratio of it up to 100, what is it?"
Bahagyang napatingin sa taas si Doktora Caizel bago muling tumingin sa akin.
"80-20. 80% that it is possible."
Tumango ako. "So you are saying that there are 20% chance that a drunk person wouldn't die from being punched on the abdomen?"
"Yes."
"So it is not a 100%! Clearly, this statement does not directly states that the accused killed the victim by punching it through his abdomen!" saad ko at bahagyang sumulyap kay Galand na mukhang kinakabahan sa nangyayari.
Bahagya kong pinalagatok ang aking leeg bago muling nagsalita.
"Is is true that there are no traces that he take the poison through his mouth?""Yes." sagot n'ya.
"And you also stated that the victim's heart is really pale, right?"
"Yes. Parang nilason."
Tumango-tango ako sa harap n'ya.
"So you checked the victim's digestive system..."
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ng diretso sa mata ni Doktora Caizel.
"What about the other ways? Isn't it possible that the victim injected the poison to his body?"
Napatingin kaming lahat ng pumalakpak si Galand. Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya napangiwi s'ya at napatungo.
"Yes, that's possible." sagot n'ya.
"So did you check the other ways?"
"No.." napakunot ang noo ko ng biglang tumingala si Doktora at parang nag-iisip. Biglang nanlaki ang mga mata n'ya at napaturo.
"That's right! I've notice the red spot on the victim's chest! It looks like it's been scratch due to itchiness!"
Napukaw ang atensyon nilang lahat, lalo na ang judge na napatuwid pa ng upo. Nakita ko ang mga nanonood na Prosecutor ay bahagyang napailing.
"Is it itchy if you have been injected?"
"Yes. It is."
Sumandal ako sa lamesa ng kinauupuan n'ya bago itinuktok ang daliri doon.
"Is there any possibility that the red spot appear because the victim scratch it due to itchiness that is caused by the injection?"
"Yes."
Umalis ako sa pagkakasandal at tumayo sa gitna.
"It is clearly stated that there is a possibilty that the victim did not die from being punched on the abdomen. And it is not yet proven that the victim did not take any poison as the tests he undergo are not enough. And in additional, the victim is a pediatrician, so it is normal for him to have syringe at home."
-----
Natapos ang pag-uusisa namin sa Doktor. And now, it's Hugo's time. S'ya na ang kailangan naming tanungin.
"Prosecutor, start with the interrogation."
Nakita ko ang paglunok ni Hugo. Mababakas din ang kaba sa kan'yang mukha. Sumulyap ito sa akin kaya nginitian ko s'ya ng malaki at tinanguhan.
Napasulyap ako kay Galand na nakatingin sa akin saka umirap kaya napailing na lamang ako.
Tumayo na si Hugo at umupo na sa dapat kalagyan. Nakapatong ang kamay n'yang nakaposas sa lamesa.
"Nasa'n ka noong namatay ang biktima?" paunang tanong nito.
"S-Sa bahay po ni Raver." halata ang kaba sa boses nito habang sinasabi ang maikling katagang iyon.
"Anong ginagawa mo roon? Magkakilala ba kayo ng biktima?"
Tumango si Hugo. "O-Opo. Matalik ko po s'yang kaibigan."
Naglakad-lakad ang Prosecutor sa harap ni Hugo habang si Hugo ay nakasunod ang tingin dito.
"Bakit ka nandoon?"
"T-Tumawag po kasi sa akin si Raver. Uminom daw po kami."
"Anong oras ka n'ya tinawagan?"
"M-Mga 5:00 po ng hapon."
"At ang dating mo sa bahay ng biktima?"
"8:30 po."
Sunod-sunod ang tanong ng Prosecutor na binigyan naman ni Hugo ng diretsang sagot.
"Bakit inabot ng tatlong oras at kalahati ang pagdating mo sa bahay ng biktima?"
"M-Mayroon po akong trabaho. Alas-otso ang uwi ko. May kalayuan ang bahay ni Raver kaya umabot ng kalahating oras ang b-byahe ko."
Nakita kong seryoso ang mukha ng Judge sa pakikinig. Kilala ko rin ang tagapaghukom na ito. Magaling kumilatis at bihasa na sa ganitong larangan.
"Pagkarating mo sa bahay ay nag-inuman kayo, tama ba?"
"O-Opo."
"Is there any other reason why did Raver ask you to drink?"
Tumango si Hugo. "O-Opo. Sinabi n'ya sa akin na nakipaghiwalay na sa kan'ya si G-Gem, 'yong girlfriend n'ya po ng apat na taon."
Nagpatuloy sa pagtatanong ang Prosecutor hanggang sa madako ang usapan nila sa usapang CCTV.
"Sa kuha ng CCTV, nakita ang biglang pag-usbong ng galit ng biktima. What have you done to provoke him?"
"Ah..." napatungo si Hugo.
"Sinubukan ko s'yang i-comfort. Sinabi ko sakan'ya na baka hindi pa si Gem ang nakatadhana sa kan’ya..."
"And then the victim punched you?"
"O-Opo."
Biglang nagflash muli sa screen sa harap ang kuha ng CCTV noong sinuntok ni Hugo si Raver.
"Anong dahilan ng pagsuntok mo kay Raven?" tanong ng Prosecutor kay Hugo."Ah... e-ewan ko po. Inambahan n'ya ako ng suntok kaya bigla na lang gumalaw ang kamay ko at sinuntok s'ya sa t'yan."
"Inaamin mo bang nasuntok mo s'ya?"
"O-Opo. Walang dahilan para itanggi ko 'yon. S-Saka alam ko sa sarili kong mahina lang ang pwersang naibigay ko doon." anito.
Sumulyap ito sa akin kaya muli ko s'yang tinanguhan. Nag-iwas lang s'ya ng tingin at muling tumungo.
"Matapos iyon, bakit bigla kang nawala?"
Bahagyang tumunghay si Hugo at tumingin sa Prosecutor.
"L-Lumabas po ako para humingi ng tulong dahil ang pamilya ni Raver ay wala pa roon sa bahay nila. P-Pero wala akong mahingan... pagbalik ko... mayroon ng mga pulis sa labas... natakot akong mapagbintangan.."
"Pero bakit? Bakit nagcollapse ang biktima matapos mo s'yang suntukin? And what makes you think na ikaw ang pagbibintangan ng mga pulis?"
Napakunot ang noo ni Hugo sa nangungusap na paraan at parang hindi alam gaawin. Muli itong tumingin sa akin na halatang kinakabahan.
"H-Hindi ko po alam kung bakit s'ya nagcollapse sa m-mahina kong suntok. S-Saka alam ko po sa sarili kong sinuntok ko s'ya noon kaya mayroong posibilidad na a-ako ang mapagbintangan."
"Ibig sabihin ay hindi ka sigurado kung ikaw ba ang may kasalanan sa nangyari dahil hindi mo alam ang dahilan kung bakit nagcollapse ang biktima matapos mo suntukin?"
"H-Hindi po sa ganon. N-Natakot lang talaga akong mapagbintangan." katuwiran ni Hugo.
"Is that so? Then why did you suddenly turn yourself in if you are innocent?"
Napatingin sa akin si Hugo sa tanong na iyon.
"Iyon ang sinabi sa akin ni Attorney Perez. Kapag tumakbo raw ako, huhusgahan ako bilang guilty. At kapag daw nagpakulong ako, poprotektahan n'ya ako gamit ang batas."
----
"Sinaad mo na ang biktima ay mayroong problema sa kasintahan nito tama?"
Ako na ang nakatayo sa harapan ngayon at ako naman ang magtatanong kay Hugo.
"Opo."
"At ito ang dahilan kung bakit ka n'ya inaya sa isang inuman?"
"S-Sa tingin ko po. H-Hindi basta basta umiinom si Raver ng walang dahilan. S-Saka iyon lang ang iniiyak n'ya sa akin na problema noong inaya n'ya akong mag-inom."
Tumango-tango ako at nagpabalik-balik ng lakad sa harap n'ya.
"Bakit ka nga ulit tumakbo palayo imbes na bumalik sa bahay?" tanong ko.
"N-Natakot po akong mapagbintangan na pumatay sa sarili kong kaibigan. L-Lalo na't nagcollapse s'ya m-matapos dumampi ng kamay ko sa tiyan n'ya."
"At bakit mo naman isinuko ang sarili mo matapos iyon?"
Tumitig sa akin si Hugo at umupo ng tuwid. Ibinaba nito ang kamay na nakaposas mula sa lamesa.
"Dahil naniniwala akong papatunayan ng batas na inosente ako."
Tinanguhan ko s'ya at kaagad na humarap sa Judge. Seryoso ang mukha n'ya kaya seryoso ko rin s'yang tiningnan.
"As the accused stated, tinawagan s'ya ng biktima na uminom sa bahay nito dahil nakipaghiwalay ang kasintahan ng biktima. This statement is proven dahil iyon din ang nakasaad sa cellphone ng biktima na natagpuan sa crime scene." paunang saad ko.
"And about the open bottle of poison that is assumed to be unused. It is not yet proven. Think of it, mayroong problema ang biktima at ang lason ay natagpuan sa mismong bulsa nito. Sa ebidensyang ito pa lamang, malinaw na mayroong suicidal thoughts ang biktima. Why would he carry a poison with no reason?" nakita kong napapakunot na ang noo ng Judge na parang napapaniwala na sa sinasabi ko.
"And about the punched on the abdomen, it is clearly stated that the force that is applied on it is a weak one. Hindi iyon sapat para mag-collapse ang biktima bigla."
Bahagya akong humarap kay Hugo at itunuro s'ya.
"And about him running away from the crime scene, it is normal for a person to experience fear if you're the one to watched the victim collapse so suddenly. Another thing, he won't turn himself in if he is not innocent. He'll choose to run away and transfer to a place where no one knows him personally." inilibot ko ang tingin ko sa mga tao dito sa loob.
"But in this case.. the victim chose to clean his name, to trust the law. And you can only trust the law if you are innocent. That's the way it was."
Muli akong humarap sa Judge at tiningnan s'ya ng diretso.
"Please.. let justice shine like a sun in this place. Stop giving darkness in the lives of innocent people."
Chapter 19: Destroy.... what? "Ba't di ka nagdala ng payong? Dapat lagi mong dala 'yon!" bahagyang sigaw sa akin ni Galand kaya inambahan ko s'ya ng suntok. "Alam mo? Hindi naman ikaw yung mababasa e. Ang dami mo pang sinasabi." inis na saad ko at akmang bababa na ng sasakyan ng hawakan n’ya ang siko ko. "Oo na, oo na. Ihahatid muna kita bago ako dumiretso sa 7/21 d'yan sa malapit." Napairap na lang ako nang bumaba s'ya at umikot. Ewan ko ba dito, malapit lang naman pero parang ayaw pa ako ihatid dahil pupunta raw s'yang 7/21. Palibhasa, s'ya lang ang may dala ng payong. Binuksan n'ya ang pinto saka inilahad ang kamay sa akin. "Tayo na."
Chapter 20: We can't, you can "Ang bagyong Himalaya na natagpuan sa loob ng Philippine Area of Responsibility ay inaasahang tatama sa lupa. Inaasahan na magdudulot ito ng pagbaha at malakas na hangin kaya itinaas na ang signal no. 1 sa..." Nakatulala lang ako habang nakatitig sa balita. That's why it's raining so hard yesterday. Mukhang nalipasan na ako ng balita. Kanina pa ako nakaupo rito sa sala. If this typhoon is worth thinking, the thing on my mind is confusing. "M-Mikaela... it's g-getting late.. we're getting late... they'll d-destroy us... pleas
Chapter 21: Let's talk about authority"W-We need your help."Nakatayo ako sa harapan ng isang sundalo. I'm here outside their base because it is forbidden to enter that one. I'm wearing a capote while holding an umbrella to prevent my body from getting wet."Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal na pumunta sa lugar na ito ang kung sino lang?" anito sa akin.Napailing ako. "We really need your help. We need help from your battalion."Tumawa-tawa ito ng ilan pang segundo bago hindi makapaniwalang umiling."Mali ang pinuntahan mo, miss. Hindi ito lugar n
Chapter 22: Something right that looks wrong Damn that President! He's so persistent! Dinadaan n'ya ako sa talino! Lahat ng bagay na lumalabas sa bibig n'ya ay makabuluhan at ang hirap ng lusutan! Isang araw na ang nakalipas simula ng makausap ko ang Presidente at hindi na ako mapakali dito sa condo ko. Maging si Sean at Galand ay ganoon din. If I am the old me, I'll rather choose to run away with ate and Shzane without hesitations. But this is different! I can't just run away and sleep peacefully while my co-citizens are dying. Kunot-noo kong pinapadyak ang paa ko sa s
Chapter 23: Bars"Galand! G-Galand!"Umiiyak akong tumatakbo habang hinahanap si Galand. Kasama ko si Sean at katatapos lang ng bagyo. Last night, while he's trying to save, nagkahiwalay kami. Tanging kami lamang ni Sean ang magkasama."G-Galand!"This place is a total mess. Walang establishmento ang natira. Sa paligid ay mamatatanaw mo ang daan-daang bangkay na nakahiga sa putikan na halos hindi na makilala.
Chapter 24: Where are you, justice?"Welcome back, Attorney Perez!"Napaigtad ako nang iyon ang bumungad sa akin matapos pumasok sa opisina. Unti-unting sumibol sa dibdib ko ang kilig. Ang sarap sa pakiramdam. Sinalubong nila ako at isa-isang tinapik ang aking balikat, habang ang iba ay yumakap sa akin na s'ya namang ginantihan ko."Buti naman nakabalik ka na, Attorney!""Oo nga!"
Chapter 25: A picnic for a rest?"Picnic tayo. My treat. Para makapagpahinga ka naman."Iyan ang salitang sinabi sa akin ni ate kahapon kaya heto kami ngayon, nagpipicnic. Bukod sa aming apat nina Galand ay kasama rin namin si Sean na inanyahahan din ni ate."Ang sarap naman nito ate Kim!" ani Sean habang kumakain ng carbonara kaya napatawa si ate."Maliit na bagay. Dali dali lang n'yan e."Napapangiti na lamang ako sa naririnig na pagmamalaki ni ate. Natawa naman si Shzane at Sean pero si Galand ay napakunot lang ang noo. Napailing na lang ako at bahagyang natawa sa pagmumukha ni Galand. Ayaw na ayaw talaga nitong nakakasama si Sean sa hindi ko malamang dahilan.&nb
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"
Chapter 28: Happy Unhappy"SIR Attorney."Nag-bow ako sa harap ni Sir Attorney at bahagyang ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ba s'ya haharapin. Aaminin ko, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang at hiya. Alam kong hindi naging maganda ang asal ko no'ng nakaraan."Bakit n'yo po ako pinatawag?" tanong ko.Ngumiti naman ito ng bahagya saka inilahad sa akin ang upuan sa harapan n'ya kaya umupo ako roon. Napatikhim ako bago muling tumingin sakan'ya.
Chapter 27: You can't hide and run from me"LET us all welcome, Attorney Mikaela Perez!"Napangiti ako ng malaki nang mabanggit na ang pangalan ko ng emcee at kaagad na tumayo. Ito na ang pagkakataon upang maipaliwanag ko ang sarili ko. Napalibot ang mata ko sa mga tao sa harapan. Naroon sina ate, Shzane, Galand, Sean at katabi nila ang ilang-daang tao na naghihintay din ng sasabihin ko.Kapansin-pansin din ang pagliwanag ng paligid dahil sa sunod-sunod na flash mula sa camera ng media. At ngayon, sigurado akong naka-ere ang pangyayaring ito sa buong bansa.Bukod pa rito, nakakatuwa na umattend ang Presidente upang personal akong pasalamatan sa harap ng mga tao. Kasama ko s'yang nakaupo sa stage.
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan