Chapter 19: Destroy.... what?
"Ba't di ka nagdala ng payong? Dapat lagi mong dala 'yon!" bahagyang sigaw sa akin ni Galand kaya inambahan ko s'ya ng suntok.
"Alam mo? Hindi naman ikaw yung mababasa e. Ang dami mo pang sinasabi." inis na saad ko at akmang bababa na ng sasakyan ng hawakan n’ya ang siko ko.
"Oo na, oo na. Ihahatid muna kita bago ako dumiretso sa 7/21 d'yan sa malapit."
Napairap na lang ako nang bumaba s'ya at umikot. Ewan ko ba dito, malapit lang naman pero parang ayaw pa ako ihatid dahil pupunta raw s'yang 7/21. Palibhasa, s'ya lang ang may dala ng payong.
Binuksan n'ya ang pinto saka inilahad ang kamay sa akin.
"Tayo na."
Inirapan ko lang s'ya at hindi pinansin ang kamay n'ya. Bumaba ako ng mag-isa at sumukob sakan'ya.
"Arte." bulong nito.
Nagsimula kaming maglakad patungo sa kompanya ni Mr. Guzman. Yes, bumalik na ako. Kailangan ko na talaga s'yang makausap regarding sa kaso ng bahay. Ngayon ang oras at araw na sinabi sa akin noong babae sa front desk. Wala na s'yang dahilan para hindi magpakita sa akin dahil may appointment na ako sakan'ya.
Napakunot ang noo ko ng biglang hawakan ni Galand ang balikat ko at hinila ako palapit sakan'ya.
"Nababasa ang balikat ko kaya nilapit kita. Nakikisukob ka lang kaya bawal magreklamo."
Napailing na lang ako sa sinabi n'ya at naglakad na lamang hanggang sa makarating na ako sa kompan’ya. Kaagad akong pumasok doon at dumiretso sa Information.
"Miss, where is President Guzman?"
Napatingin sa akin ang babae at bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Attorney Perez!" bahagya itong yumuko kaya nginitian ko s'ya.
"Si Mr. Guzman?" tanong ko pero bahagya s'yang sumimangot.
"I'm sorry Attorney but Mr. Guzman is not available right now. He has an emergency meeting."
"What?!" mahinang sigaw ko.
Anong Emergency Meeting?! Hindi pwede! I've waited long enough para rito!
"Emergency meeting for what?!" pahabol na saad ko.
Yumuko s'ya sa akin. "I'm really sorry, Attorney. I can't give you the details."
NAIINIS akong lumabas sa komapan’ya ni Mr. Guzman. This can't be! Kailangan ko na s'yang makausap!
Kunot-noo kong tinanaw ang 7/21 sa kabilang kalsada at kitang-kita ko rito si Galand na kumakain ng Large Bite. Kaagad akong sumuong sa ulan at nagtungo sa 7/21.
Tumunog ang chimes ng pumasok ako kaya kaagad na napatingin sa akin si Galand na seryoso sa pagkain. Napakunot ang noo n'ya at maingat na iniwan ang pagkain bago lumapit sa akin.
"Mikaela, bakit basang-basa ka?" mahinang bulong nito pero hindi ko s'ya pinansin at naupo na lamang sa inuupuan n'ya kanina kaya sumunod s'ya sa akin.
"Magkakasakit ka n'yan e!"
Inilabas ni Galand ang bimpo mula sa kan’yang bulsa at ipinunas sa ulo ko. Pinilit kong tanggalin ang bimpo sa ulo ko pero nanatili s'ya sa pagpupunas nito kaya hinayaan ko na lang.
Napatingin ako sa kamay n'yang pumatong sa balikat ko at napatingin sa jacket na inilagay n'ya sa akin.
"Magsuklay ka. Alam kong mayroon kang dala." muli s'yang umupo sa harapan ko. Nakita kong t-shirt na maroon na lamang ang suot n'ya.
Hindi ko na s'ya pinansin at naglabas ng suklay saka sinuklay ang buhok. Ginulo pa kasi.
"Bakit ang bilis mo bumalik? Tapos na agad kayo ni Mr. Guzman?" tanong nito sa akin kaya muling bumalik sa utak ko ang walang hiyang emergency meeting n'ya.
Umiling ako. "Wala. Mayroon daw Emergency Meeting si Guzman." ani ko kaya tumango s'ya.
"Kaya pala badtrip ka."
Tumayo bigla si Galand at umalis. Pagbalik nito ay may dala na s'yang cup noodles. Ipinatong n'ya ito sa tapat ko.
"Eat."
Muli s'yang tumahimik at nagsimulang kumain. Ayan na naman s'ya sa pagtahimik dahil kumakain.
Napailing na lang ako at hinipan ang cup noodles na binili n'ya at kinain.
-----
"Mikaela!" napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng marinig ang boses ni Sean.
Bumukas naman ang pinto ni Galand at lumabas ang ulo. Nang makita n'ya si Sean ay muli s'yang lumabas ng condo n'ya.
"Oh Sean?" tumakbo s'ya palapit sa akin at nakangiting tumigil sa harapan ko.
"Lumabas kayo?"
"Mukha bang hindi?" pasimple kong siniko si Galand dahil sa bulong n'ya na mukhang hindi naman narinig ni Sean.
"Oo, galing kami sa Guzman Corp. Alam mo na, yung about sa kaso ng bahay n'ya."
Napatango naman si Sean. "Gano'n ba? Ayos naman ba?"
Umiling ako. "May Emergecy meeting daw e." ani ko kaya napangiwi s'ya.
"Sayang naman pero nag-dinner na ba kayo?"
Humarap na ako sakan'ya. "Oo e. Ikaw ba?"
"Ay. Mukhang wala na naman akong makakasabay ngayong gabi."
Kumunot ang noo ko. "Lagi kang walang kasabay kumain?"
Tumango s'ya. "Oo. Sanay na din naman." tumawa s'ya bigla.
Napatingin ako kay Galand at sa pinto ng condo ko bago napakagat-labi.
"Gusto mo bang ipagluto kita?"
"Anong ipagluto?!" napaigtad ako at gulat na napatingin kay Galand.
"Hindi ka naman marunong ah!" singhal pa nito kaya sinampal ko ng mahina ang bibig.
"Marunong ako magprito. Ang daldal mo." irap ko sakan'ya.
"Kahit pa! Pangit ang lasa! Huwag na!”
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Sean pero hindi ko iyon pinansin.
"Ako ang masusu--"
"Ako na ang ang magluluto! Ako na!"
-----
"Mikaela, paabot nga ng asin."
Napabuntong-hininga na lang ako at iniabot sakan'ya ang pinapaabot n'ya. Akala ko makakapahinga ako kasi s'ya na ang magluluto pero hindi. Maya't maya ang utos n'ya sa akin na parang ayaw ako paupuin. Akala ko nga prito lang ang lulutuin pero nag-nilagang baboy ampota.
"Last na 'yan ha! Prisinta ka ng prisinta ako rin naman uutusan mo! Bahala ka d'yan! Do'n na ko sa sala."
"Aba--"
Mabilis akong umalis sa kusina at nagtungo sa sala kaya hindi ko na narinig ang sasabihin n'ya. Mabilis akong umupo sa katapat na upuan ni Sean.
"'Nga pala. I heared that you have a new client. How was the trial?"
Sumandal ako sa sofa. "Ayos lang naman. Kayang-kaya."
Tumawa s'ya. "As expected from you."
Hindi direkta pero alam kong compliment iyon kaya napatawa na rin ako ng bahagya.
"How about you? Kamusta ang ating scientific investigator?"
Napabuntong-hininga s'ya. "Ayos din naman. I'm working on something new kaya medyo mahirap. Lalo na't nasa ibang bansa ang mommy at daddy ngayon to meet some other Scientist."
"Ano bang pina--"
Kaagad akong napatayo ng makarinig ng malakas na kalabog mula sa kusina at ganoon rin si Sean. Mabilis akong tumakbo papunta roon at nanlaki ang mga mata nang madatnan si Galand na nakahiga sa sahig at walang malay.
"Galand!"
Kaagad kaming lumapit sakan'ya. Nilapitan naman s'ya kaagad ni Sean at inilalayang tumayo bago n'ya ito bigyan ng piggy-back ride. Kaagad n'ya itong dinala sa kwarto ko at inilapag sa sofa roon.
Kinapa ko ang noo n'ya at wala naman s'yang sakit kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Nakita ni Sean ang reaksyon ko kaya kinapa rin n'ya ang noo nito.
"Baka pagod lang si Zero. Hayaa--"
Napatigil s'ya sa pagsasalita nang biglang hawakan ni Galand ang braso ko. Kaagad ako napatitig sa mukha n'ya at nakitang mulat na s'ya. Napakunot ang noo ko nang makita ang butil ng luha sa mata n'ya.
"M-Mikaela... it's g-getting late.. we're getting late... they'll d-destroy us... please.. let's move..."
Napatitig ako sa kamay n'yang bumitaw sa akin at natulala.
I know it's nonsense but why do I have this feeling that I know what he is talking about?
Chapter 20: We can't, you can "Ang bagyong Himalaya na natagpuan sa loob ng Philippine Area of Responsibility ay inaasahang tatama sa lupa. Inaasahan na magdudulot ito ng pagbaha at malakas na hangin kaya itinaas na ang signal no. 1 sa..." Nakatulala lang ako habang nakatitig sa balita. That's why it's raining so hard yesterday. Mukhang nalipasan na ako ng balita. Kanina pa ako nakaupo rito sa sala. If this typhoon is worth thinking, the thing on my mind is confusing. "M-Mikaela... it's g-getting late.. we're getting late... they'll d-destroy us... pleas
Chapter 21: Let's talk about authority"W-We need your help."Nakatayo ako sa harapan ng isang sundalo. I'm here outside their base because it is forbidden to enter that one. I'm wearing a capote while holding an umbrella to prevent my body from getting wet."Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal na pumunta sa lugar na ito ang kung sino lang?" anito sa akin.Napailing ako. "We really need your help. We need help from your battalion."Tumawa-tawa ito ng ilan pang segundo bago hindi makapaniwalang umiling."Mali ang pinuntahan mo, miss. Hindi ito lugar n
Chapter 22: Something right that looks wrong Damn that President! He's so persistent! Dinadaan n'ya ako sa talino! Lahat ng bagay na lumalabas sa bibig n'ya ay makabuluhan at ang hirap ng lusutan! Isang araw na ang nakalipas simula ng makausap ko ang Presidente at hindi na ako mapakali dito sa condo ko. Maging si Sean at Galand ay ganoon din. If I am the old me, I'll rather choose to run away with ate and Shzane without hesitations. But this is different! I can't just run away and sleep peacefully while my co-citizens are dying. Kunot-noo kong pinapadyak ang paa ko sa s
Chapter 23: Bars"Galand! G-Galand!"Umiiyak akong tumatakbo habang hinahanap si Galand. Kasama ko si Sean at katatapos lang ng bagyo. Last night, while he's trying to save, nagkahiwalay kami. Tanging kami lamang ni Sean ang magkasama."G-Galand!"This place is a total mess. Walang establishmento ang natira. Sa paligid ay mamatatanaw mo ang daan-daang bangkay na nakahiga sa putikan na halos hindi na makilala.
Chapter 24: Where are you, justice?"Welcome back, Attorney Perez!"Napaigtad ako nang iyon ang bumungad sa akin matapos pumasok sa opisina. Unti-unting sumibol sa dibdib ko ang kilig. Ang sarap sa pakiramdam. Sinalubong nila ako at isa-isang tinapik ang aking balikat, habang ang iba ay yumakap sa akin na s'ya namang ginantihan ko."Buti naman nakabalik ka na, Attorney!""Oo nga!"
Chapter 25: A picnic for a rest?"Picnic tayo. My treat. Para makapagpahinga ka naman."Iyan ang salitang sinabi sa akin ni ate kahapon kaya heto kami ngayon, nagpipicnic. Bukod sa aming apat nina Galand ay kasama rin namin si Sean na inanyahahan din ni ate."Ang sarap naman nito ate Kim!" ani Sean habang kumakain ng carbonara kaya napatawa si ate."Maliit na bagay. Dali dali lang n'yan e."Napapangiti na lamang ako sa naririnig na pagmamalaki ni ate. Natawa naman si Shzane at Sean pero si Galand ay napakunot lang ang noo. Napailing na lang ako at bahagyang natawa sa pagmumukha ni Galand. Ayaw na ayaw talaga nitong nakakasama si Sean sa hindi ko malamang dahilan.&nb
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan
Chapter 27: You can't hide and run from me"LET us all welcome, Attorney Mikaela Perez!"Napangiti ako ng malaki nang mabanggit na ang pangalan ko ng emcee at kaagad na tumayo. Ito na ang pagkakataon upang maipaliwanag ko ang sarili ko. Napalibot ang mata ko sa mga tao sa harapan. Naroon sina ate, Shzane, Galand, Sean at katabi nila ang ilang-daang tao na naghihintay din ng sasabihin ko.Kapansin-pansin din ang pagliwanag ng paligid dahil sa sunod-sunod na flash mula sa camera ng media. At ngayon, sigurado akong naka-ere ang pangyayaring ito sa buong bansa.Bukod pa rito, nakakatuwa na umattend ang Presidente upang personal akong pasalamatan sa harap ng mga tao. Kasama ko s'yang nakaupo sa stage.
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"
Chapter 28: Happy Unhappy"SIR Attorney."Nag-bow ako sa harap ni Sir Attorney at bahagyang ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ba s'ya haharapin. Aaminin ko, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang at hiya. Alam kong hindi naging maganda ang asal ko no'ng nakaraan."Bakit n'yo po ako pinatawag?" tanong ko.Ngumiti naman ito ng bahagya saka inilahad sa akin ang upuan sa harapan n'ya kaya umupo ako roon. Napatikhim ako bago muling tumingin sakan'ya.
Chapter 27: You can't hide and run from me"LET us all welcome, Attorney Mikaela Perez!"Napangiti ako ng malaki nang mabanggit na ang pangalan ko ng emcee at kaagad na tumayo. Ito na ang pagkakataon upang maipaliwanag ko ang sarili ko. Napalibot ang mata ko sa mga tao sa harapan. Naroon sina ate, Shzane, Galand, Sean at katabi nila ang ilang-daang tao na naghihintay din ng sasabihin ko.Kapansin-pansin din ang pagliwanag ng paligid dahil sa sunod-sunod na flash mula sa camera ng media. At ngayon, sigurado akong naka-ere ang pangyayaring ito sa buong bansa.Bukod pa rito, nakakatuwa na umattend ang Presidente upang personal akong pasalamatan sa harap ng mga tao. Kasama ko s'yang nakaupo sa stage.
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan