Sa halip na mag-isip nang mag-isip, naisipan ni Keirah na magtungo sa Montevella Corp. Matagal na siyang hindi nakakaapak sa kumpanya ni Davidson kaya malamang ay kakabahan siya. Hindi nga siya nag-kamali. Sa entrance pa lang ng Montevella Corp. Building ay nag-uunahan na ang mga tila daga sa dibdib niya. Napapalunok pa siya ng laway habang tinitingala ang mataas na gusali ng kumpanya. “Kaya ko ‘to! Kakausapin ko lang naman siya, wala naman sigurong mawawala,” pagpapa-lakas niya ng loob sa sarili. Inumpisahan niyang humakbang. Maliliit lang ang mga hakbang na ginagawa niya hanggang makarating ng pintuan. Agad na may sumalubong sa kanyang security guards. Hula niya ay mga bagong guards yun o baka naman datihan na at hindi lang siya natatandaan. Nag-tanong muna ang mga ito ng information niya bago siya pinapasok sa loob. Pansin niyang humigpit ‘ata ang seguridad sa loob ng Montevell Corp. “Good afternoon Miss, Can I speak to Mr. Montevella?” bungad niya sa receptionis
Inip na inip na si Keirah. Nakarating na siya sa dulo ng facebook kaka-scroll. Nag-iisip pa siya kung anong pwedeng pagka-abalahan. Mag-shopping kaya siya? Isama niya kaya si Matmat? Tutal hindi naman na niya nai-papasyal ang inaanak. Tama. Dadalhin niya ito sa Mall at mag-lalaro sila sa arcade. Siguradong magugustuhan yun ni Matmat. Agad niyang tinawagan si Melanie para ipag-paalam si Matmat. Agad namang pumayag ang kaibihan at trusted naman ang mga ito sa kanya. Tamang-tama nga daw ang tyempo niya at naiinip din si Matmat sa bahay. Agad niyang sinundo si Matmat. Sakay ng kotse niya, nag-tungo na sila sa Mall. Bago sila pumunta ng arcade, nag-yaya muna si Matmat manood ng sine. Tyempo naman na showing ang paborito nitong Avengers, kaya naman tuwang-tuwa ang bata. ~~ “SIR? Nasa Mall na po ang Night’s Shadow. We have to go there na po, asap” “Alright. Just one second,” sagot ni Davidson kay Sandra habang inaayos ang necktie sa harap ng salamin. Kakat’wa
“AH!” napangiwi at natigil sa pag-lakad si Davidson at sadyang nagulat nang mula kung saan ay may bumunggo na batang lalake sa tyan niya. Umiiyak ito kaya agad niya itong sinipat kung okay lang ito. Umupo siya sa harapan nito. Baka kasi nasaktan noon nabunggo niya. “Are you okay, little man?” mahinahon niyang tanong sa umiiyak na bata. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at wala naman masyadong tao sa area na yun. “Are you lost?” “T-tita..m-mommy hmmh,” iyak pa rin ng bata. Mukhang nawawala nga ito at binabanggit ang ‘mommy’. “Sandra, anong oras na?” baling niya kay Sandra habang hinahagod ang likod ng bata. “It’s almost seven na po, Sir.” “Mukhang nawawala ang batang ito. Call their staff na male-late tayo ng kaunti,” utos niya kay Sandra habang tumatayo. “Gusto mo bang hanapin natin ang mommy mo?” he asked. Tila nahimasmasan naman ang bata at sumingot-singot na tumango. “Okay. Come with me.” Nang lumayo si Sandra sa kanila para tumawag, inakay na n
"Wait, Keirah!" Lumingon si Keirah. Nakita niya na tumatakbo si Davidson at hinahabol sila ni Matmat. Bahagya nilang binagalan ang pag-lakad. Nakaka-bastos naman kung hindi niya ito papansinin. "Yes?" "Uhm, concert ng Night Shadow? Do you want to come?" hinihingal na sabi nito pagka-lapit. "Ahm, anong oras na eh, inaantok na si Matmat-" "No tita, I'm not." Napangiti si Davidson, nakita niya yun. Hays, mage-excuse sana siya eh kaso hindi nagsisinungaling ang bata. "Sponsor ako ng grupo. I can take you there without paying." "I can buy ticket naman. Pwede ba ang bata don?" tanong niya nang maalala si Matmat. "That's why I'm gonna take you. Sasama kayo sakin para makasama si Matmat." "Tita sige na po." Wala ng nagawa pa si Keirah kundi ang sumama kay Davidson nang mag-pilit si Matmat. Batang ito, pahamak! Imbes na hindi sila mag-kasama ni Davidson eh. Tuloy ngayon, ilang-ilang na siya dahil sa halos na mag-dikit na ang katawan nila ni
"Uhm, can you get your hands off me?" naiilang na utos ni Keirah kay Davidson. Mahinahon lang ang pagkakasabi niya nang hindi naman siya mag-mukhang bastos. Naiilang kasi siya, or let's just say na kinakabahan siya ngayon sa presensya ni Davidson. Weird. Mabilis naman na inalis ni Davidson ang pagkaka-hawak sa kanya. "I'm sorry." Tumahimik na lang si Keirah at tumanaw sa labas ng bintana. Hindi niya masisisi ang sarili kung bakit ganito siya ngayon. Sobrang nasaktan siya noon, ayaw niya lang maulit yun. Ilang minuto lang na byahe, narating agad nila ang bahay nila Matmat. Maingat na kinarga ulit ni Davidson ang bata para hindi magising hanggang sa makapasok sila ng bahay. "Nako, s-sir. Salamat sa pag-hatid niyo po sa kanila," hindi magkandatuto si Melanie habang nakasunod kay Davidson na karga-karga si Matmat papuntang room nito. Nagulat pa si Melanie nang ang mapag-buksan niya ng pintuan ay si Mr. Montevella na buhat-buhat ang tulog niyang anak. "Wa
"Ahm?" nasambit na lamang ni Keirah habang nakatitig sa kotse niya. Katabi niya si Davidson, nakapamewang ito at nakatitig din sa kotse niya. Nakalimutan nilang pareho na hinatid nga lang pala sila nito pauwi at wala itong dalang kotse. "Ahm paano ka babalik sa concert?" maya-mayang tanong niya. Nang sulyapan niya ito, nagtitipa ito sa cellphone. "Hmm, hindi na ako babalik do'n. Si Sandra na lang ang bahala sa lahat," sagot nito habang sinusuksok ang cellphone sa blazer coat na suot. "Ihatid na lang kita? Saan ka ba uuwi?" "Sa condo." Napalunok ng laway si Keirah nang marinig ang condo nito. Dun pa rin kaya ang condo nito? Kung saan unang- 'hays, 'wag na nga lang isipin' saka niya pinutol ang takbo ng isipan. "Doon pa rin?" umiiwas ang tinging tanong niya. "Oo, kaso baka nandun na naman si Alexander. Sa office na lang ako dederetso." Bakas na si hitsura ang pagod ni Davidson. Nangangalumata na rin ito, at pasimple-simpleng humihikab. Napapansin yun ni Kei
"Chocolates," kaagad na bawi ni Keirah at tinago ang pagka-pahiya. Hindi niya inaasahan ng dahil sa sagot niya ay aasarin siya ni Davidson. "Ikaw ha? Sex pala ha," tumatawa ito. Nawala yata ang antok ng loko. "And I didn't expect that question, mister!" singhal niya rito. Ramdam niyang nangangapal ang pisngi niya. She's blushing. "Okay ako naman," aniya. "Alcohol or cigarettes?" "Alcohol. My turn. Did I hurt you that much?" Muntik mai-preno ni Keirah ang kotse, buti na lang at nasa huwisyo siya. Saan yun nanggaling? Kahit na nagmamaneho ay tumingin siya kay Davidson. Nagsalubong ang mga paningin nila. Seryoso na itong nakatitig sa mga mata niya na naghihintay ng sagot. "W-we're just playing right?" sinisigurado niya kung naglalaro pa ba sila ng Q and A. "Yeah. That is a part of this game." "And why do you asking me, if nasaktan mo ako? Kung alam mo naman yung sagot?" "Why did you leave?" At bakit parang kasalanan niya pa yata na umalis siya? "Because I
Three days later... "Akira, kanina ka pa tulala r'yan." Tiningnan lang ni Keirah ang kanyang yaya Lolly. 'Three days na akong tulala, yaya' gusto niyang isagot sa yaya niya, ngunit baka mag-taka ito at baka isipin pa nitong wirdo siya. "Ahm may mga naiisip lang, 'ya," kunwari ay naka-focus ang paningin niya sa mga bulaklak sa hardin nila. Nasa garden kasi siya kanina pa. Naisipan niyang magtambay sa rattan swing na nakakabit roon. Gusto niyang ma-refresh ang utak niya. Akala niya kapag humarap siya sa mga bulaklak ay mare-refresh siya. Pero hindi pala! Shuta! Mababaliw na yata siya kakaisip. Ngayon palang unti-unting nagsi-sync in sa utak niya na confession nga ang ginawa ni Davidson no'ng nakaraang gabi. Tapos hinalikan pa siya nito. Nakakailang halik na 'to sa kanya ah. Ibig sabihin ba no'n mahal pa rin siya nito? 'Oh Keirah, 'wag masyadong marupok baka masaktan ka na naman' "AKIRA!" "Ay yaya! Bakit po?" "Kanina pa kita tinatanong. Ngingiti k