Home / Romance / Match Maker / Chapter 4

Share

Chapter 4

Chapter 4:

Uwaaahhhh! Uwian na, Pambihirang itong mga Classmate ko, Nagkalat sila, Nakakainis Ang dami tuloy namin Lilinisin ni Allia.

Kinuha ko na yung Walis, Atsaka nagsimulang Mag-walis, Ganun din si Allia.

"Kainis naman" Sabi ni Allia, Habang padabog na nagwawalis.

"Ikaw kasi, Ang Daldal mo"

"Nanghihiram kasi ako sayo ng Ballpen, Nakatulala ka lang dyan"

Nagpatuloy na lang ako sa Pag-wawalis at Pag-aayos ng Upuan, Ayaw ko ng Makipagtalo kay Allia.

Kailangan ko nang bilisan Mag-linis dahil alam kong Hinihintay na ako ni Zeki, Atsaka Nakakahiya naman, Ako na nga itong Nagpapatulong Eh!.

"Oh, Ba't Parang nagmamadali ka?"

"Wala"

"O Baka naman may Date ka?"

tinaasan ko lang ng kilay si Allia, Atsaka bumalik sa paglilinis.

Makalipas ang Ilang Minuto, Sa Wakas Natapos na rin.

Agad-agad kong isinukbit ang Bag ko atsaka patakbong Umalis ng Classroom.

"Aia" sigaw ni Allia, Itinaas ko ang isa kong Kamay atsaka winagayway,

"Aia Hera Castro" Hindi ko na sya pinansin dahil nagmamadali na talaga ako.

Panigurado Naghihintay na yun doon, tumakbo pa ako ng Mabilis hanggang sa Marating ko Ang Quadrangle.

Nakita ko sya doon na nakatayo.

Nilapitan ko ito.

"Sorry, Kung pinaghintay kita hah! Cleaners kasi ako"

Naglakad na sya, Palabas ng Gate sinundan ko naman ito.

"Zeki"

Lumingon naman ito.

Papunta na kami ngayon sa ***** University.

"Teka, May plano ka na ba?"

Humarap sya sa akin. hinawakan nya ako sa wrist pagkatapos hinila nya ako papuntang Ice cream parlor.

"Dito, Laging Nandito tumatambay si Miyaka at Mark, Kaya ang plano kailangan mabangga ka ni Miyaka, Basta kailangan mong maging close si Miyaka, Ako naman si Mark, Ok"

"Uhh, Ok" Ngumiti ako dito.

Pumasok na kami sa Ice cream Parlor. Humanap kami ng Bakanteng Table.

"Panigurado, Mamaya Nandyan na sila Miyaka"

"Talaga! Paano mo nalaman?"

"Basta"

Umoorder muna kami, Habang inaantay yung dalawang MagkaIBIGAN.

"Paano mo nakikilala---"

"Shhh, Nandyan na sila"

"Uh, G-ganun ba"

"Tayo na"

Umoorder na sila Ate Miyaka Lumapit naman ako dito, Kailangan matapunan nya ako ng Icecream, Ang Ganda pala talaga ni Ate Miyaka Lalong-lalo na sa personal, Mukha syang Anghel, No wonder kung bakit sya Nagustuhan ni Kuya Mark, Bagay na bagay sila, kung titignan they look like a perfect couple. Kasi Parehas silang gwapo at Maganda. Kaso hindi manlang nila masabi ang *Bump*

"S-sorry Miss, A-are you ok?"

Tinignan ko naman kung sino iyon.

Si Ate Miyaka.

"Ok lang po iyon, Ate Miyaka"

Oppss ang shunga ko,

"kilala mo ko?" Napatingin naman ako kay Zeki, nagha-hand gesture ito.

Nakita ko naman na may suot syang ID. ah iyon pala ang gustong sabihin ni Zeki, sorry kung Shunga ako.

"Ah, Hindi po N-nakita ko lang sa ID nyo"

tumawa naman ito.

"Ganoon ba, sorry talaga"

"Ok lang po talaga Ate Ganda, Alam nyo Ate mukha kang Anghel"

"Haha hindi naman, but thanks"

"Atsaka Ate, Bagay din kayo ni Kuya Pogi" Tinuro ko naman si Kuya Mark, Ngumiti naman sya.

"Ganoon ba, Bestfriend ko sya"

Sabi nya na parang may panghihinayang sa mukha.

"Hindi nga po, Baka naman po Boyfriend, Ayiiie si Ate"

"Ah, What is your name?"

haha iniiba yung topic.

"Aia"

"Oh, Nice meeting you Aia"

"Nice meeting you too"

"You can join, if you want"

"Hindi na po, Ate, Thanks na lang po"

"Ok" Ngumiti lang ito, atsaka Umalis papunta sa table nila.

Bumalik na ako sa Table namin nila Zeki.

"Tsk, Tsk"

"Sorry"

"Tsk. Lipat tayo ng Table"

"Saan?"

"Sa likod nila"

tumayo na nga kami ni Zeki at lumipat ng table.

Chismoso pala itong lalaking ito.

"Busy ka?"

"Yup! May gagawin kasi kaming project nila Aldrin"

"Ganun ba"

Sabi ni Kuya Mark, Tumango naman si Ate.

"Sorry talaga kung hindi kita masasamahan hah! , Para kay nino ba yung regalong bibilhin mo?"

"Kay Misty" Nanahimik naman si Ate Miyaka.

"Ah, I see. Sorry busy talaga ako"

"Ok lang"

Nagkaroon ng matagal na katahimikan, patuloy lang sila sa pagkain ng ice cream.

"Mark, thank you sa libre, But i have to go na, bye"

tumayo ito.

"Wait! hatid na kita"

"Hindi na, nandyan na naman yung sundo ko"

"Ok, ingat ka na lang"

Umalis na si Ate Miyaka.

Kitang-kita ko naman malungkot ang expression ng mukha ni Kuya Mark, Maya-maya Lumabas na rin ito, at umalis.

"Paano na iyan Zeki?" sabi ko dito.

Parehas lang kaming Nakatingin sa isa't isa, Nag-iisip naman kung ano na ang Gagawin namin.

"Uwi na nga lang muna tayo, dapat obserbahan muna natin sila, kailangan makilala natin sila at yung mga tao sa paligid nila"

"So, wala muna tayong moves na gagawin"

"Oo, basta kaibiganin mo lang si Miyaka"

"Ok"

Tumayo na kami.

Bago kami umalis, napansin ko naman yung bracelet. Kinuha ko ito, kay Ate Miyaka siguro ito. sa upuan nya kasi ito nakita.

"Zeki"

Tumingin sya sa akin, pinakita ko sa kanya yung hawak kong bracelet.

"Kay Miyaka?"

"Oo, Naiwan nya siguro" sabi ko dito habang

papalabas ng Ice Cream parlor.

"Mahirap ba ang pagiging Match maker?"

"Well, Medyo mahirap"

"Mahirap, Edi may posibility na hindi ko mapagtagumpayan yung mission ko ngayon at sa mga susunod pa"

"Eh kaya nga tinutulungan kita diba"

nasa park na kami ngayon, kaunti na lang malapit na kami sa bahay, pero Nahagip ng mata ko ang isang babae.

"Zeki, Si Ate Miyaka iyon diba?"

Napatingin naman sya sa itinuturo ko.

"Oo nga, siya nga. Lapitan mo"

"Hah!? Teka A-anong gagawin ko"

"I-comfort mo sya, ibigay mo yung bracelet"

"O-ok"

Huminga naman ako ng malalim, At naglakad papalapit kay Ate miyaka.

Naririnig ko siyang humihikbi. Hinawakan ko yung Shoulder nya.

Kaya naman iniangat niya ang Ulo nya, Para tignan ako.

"Anong g-ginagawa mo dito?"

Kinuha ko naman yung panyo sa Bulsa ko atsaka iniabot sa kanya.

"Ate, Anong problema? Bakit ka po umiiyak?"

"W-wala"

"Ate, pwede mo bang i-share sa akin, para naman gumaan gaan iyan loob mo, wag mong itago o sarilihin iyang problema mo"

Umupo naman kami sa Bench.

"Masakit kasi, friendzone lang kami ni Mark, Matagal ko na siyang gusto, Ang kaso hanggang kaibigan ata talaga ako sa kanya, alam mo ba, nasasaktan ako tuwing may kasama siyang iba, may kahalikan sya at kalandian mga babae. Kilala kasing Cassonova si Mark sa School"

"Alam mo hanggang ngayon, Umaasa pa rin ako na mapapansin nya ko ginawa ko ang lahatlahat, umaasa rin ako na balang araw Mamahalin nya rin ako, Hindi ko pinapansin yung mga nanliligaw sa akin, nirereject ko sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status