Home / Romance / Match Maker / Chapter 5

Share

Chapter 5

Chapter 5: Manhid

"Bakit ba ang sakit-sakit magmahal?"

"Ganoon po talaga Ate pag nag mahal, hindi maiiwasan hindi ka masaktan, at hindi rin maiwasan at di Pag-iyak, That's Why, Love is Painful, Pag nagmahal po kayo dapat handa rin po kayo sa risk na masaktan,Para rin po iyan pagsusugal, Minsan Natatalo o minsan naman Nanalo"

tumango-tango siya,

Nag-punas naman sya ng mga Luha.

"Siguro, Dapat iwasan ko na lang sya"

0.0

nanlaki naman ang Mata ko Doon, No! Hindi pwede!

"Ate, Wag po kayong Mawalan ng pag-asa, Malay nyo Mahal din po nya kau"

"Pero"

"Ate ang pagmamahal pinaglalaban hindi pinapakawalan"

Err. hahaha, Ako nga crush ko si Kai pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, Iniisip ko na baka crush nya rin ako, Hindi naman masamang mangarap diba.

May kinuha naman ako sa bulsa at Iniabot ito sa kanya.

Kinapa nya naman yung bulsa niya.

"Paanong?"

"Naiwan nyo po sa ice cream parlor"

"Ganoon ba, Thank you"

Ngumiti sya at niyakap ako.

"Alam mo bang importante sa akin ang bagay na Ito"

"O sige Aia, thanks sa pag comfort, kailangan ko nang umalis"

"Welcome, Ate Ganda"

Tumayo na kami pareho,

"Nice meeting you Aia"

"Me too, Nice meeting you"

Nag-bow ako dito, Itinaas nya naman ang isa nyang kamay atsaka winagayway.

"Bye Aia"

"Bye din po, ingat po kayo"

nakangiti lang ako, habang pinapanood siyang Umalis, lumapit naman sa akin si Zeki.

"Nice!"

"Thank you"

"Hah!?"

"Thank you sa pagtulong mo sa akin" sabi ko habang nag-lalakad

"Ok"

magkasabay lang kami nitong naglalakad.

"Wag mong sabihin Ihahatid mo pa ako, Naku nakakahiya naman"

Balak nga nya talaga di dapat kakaliwa na sya, wala dumiretso lang sya.

"Ui! nakakahiya naman, wag mo na akong ihatid, sige na, kaya ko naman Eh"

Tumingin sya sa akin.

"Ok"

tapos naglakad na nga sya pabalik, nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad. Huminga naman ako ng malalim at nilanghap ang malinis na hangin, Sa paglalakad ay nakasalubong ko naman si Allia.

Ngumiti ako dito, Inismidan niya naman ako tapos iniwasan niya ko, hinabol ko naman ito at hinawakan sa braso.

"Bestfiie"

"Tss. Bruha ka! Ba't mo ko tinakbuhan kanina? hindi mo manlang ako hinintay"

"Eh kasi Bestfiie, Nagmamadali na talaga ako, May pupuntahan pa kasi ako, sorry na Bestfiie"

"Hmmp. baka naman may nililihim ka na sa Amin, siguro may bf ka na ano?"

"Hindi ah! Alam mo naman Dakilang NBSB ito atsaka sabi mo diba bitter ako"

"Tss. Iniwan mo kasi ako, wala tuloy akong kasabay, Alam mo naman si Chie iba din ang kasabay nya"

"Sino? May bagong bf ba si Chie?"

Umiling na lamang si Allia.

"Aba! ewan ko rin doon sa bruhang iyon, wala naman siyang kinukwento sa akin"

"Sa akin din, wala din siyang nababanggit"

sabi ko naman dito,

"Tara sa inyo"

"Bakit?"

"Movie marathon tayo! tawagan mo si Chie dali"

"Hah! ikaw na lang, wala kasi akong load"

"Nyay! Grabe bestfiie, Isang buwan ka na atang walang load hah!"

"Eh sayang kaya, kaysa pinanglo-load ko ipangkakain ko na lang, wala naman akong napapala sa pagte-text, sayang lang sa load, atsaka nakakapagod kaya mag-pindot"

"Dapat mong paliwanag Bestfiie, kuripot ka talaga haha"

"Hindi ako kuripot, atsaka hindi lang talaga ako mahilig makipagtext"

"Ang sipag mo kasing mag-aral, basa ng libro dito, sulat doon"

"Kailangan talaga iyon Allia, para naman worth it yung pag-papaaral ng magulang ko sa akin, atsaka gusto ko rin Matulungan sila Mama, kailangan pa naman namin ipagamot si Aria" sabi ko habang nag-lalakad, sinabayan nya naman ako.

"Haha, Andrama mo bestfiie"

"Ewan ko sayo Allia, Ikaw ang bitter, bruhang ito!"

"Tss. Whatever" Dumukot naman siya sa kanyang bulsa atsaka kinuha ang kanyang cp.

"Chie"

(Allia naman, makasigaw wagas) sabi ni Chie sa telepono nakaloudspeak kasi ito.

"Punta ka sa bahay nila Aia, Mag-momovie Marathon tayo"

(Busy ako)

"Busy saan? sa pakikipaglandian?" Diretsuhan sabi ni Allia, kaya naman siniko ko ito at mahinang sinabi.

"Siraulo ka talaga Bestfiie"

"Eh totoo naman eh" sabi nito

"Akin na nga" Inagaw ko sa kanya ang kanyang Cellphone.

"Hello Chie"

(Aia, pa--)

"Ok lang Chie, pag-pasensiyahan mo na itong Bestfiie natin, alam mo naman may Red alert ata kaya Mainit ang Ulo"

Natawa naman kaming dalawa ni Chie, habang si Allia ay sinamaan ako ng tingin. nag-bleh na lang ako dito. sarap talagang asarin ni Allia pikunin kasi.

(Sorry talaga best, Di bali sa susunod babawi ako, Promise)

"Ok lang talaga, sige na best, bye bye na maubos pa itong load ni Allia haha"

(Ok, bye, enjoy sa panonood)

Pinatay yung call at iniabot yung cp kay Allia.

"Halika na!" sabi ko dito, magkasabay nga kaming naglakad ni Allia papunta sa bahay.

Pumasok na kami sa bahay.

"Good Afternoon po Tita"

"Good Afternoon din sayo Allia" nakangiting sabi ni mama kay Allia.

"Ma, magmo-movie marathon lang po kami ni Allia"

"Ok, sige lang"

Naghanap na ng cd si Allia na pwede namin panoorin.

"Best, frozen na lang panoorin natin"

"Ayoko, napanood ko na iyon dati"

"The heirs?"

"Wag iyon, eto na lang My sassy girl"

"Sige, sige iyan na lang"

Ipiniplay na nga ito ni Allia at nagsimula na kaming manood.

Miyaka's Pov

Agad akong pumasok sa kwarto ko, Naupo ako sa kama ko, hawak hawak ang cp ko.

Ka-text ko kasi si Mark, Pinagtritripan niya kasi ako.

Inopen ko naman yung laptop ko at nag-log in sa f******k.

Bumungad sa akin ang naakaraming notification, friend requests, at mga messages.

Kadalasan nag-add sa akin ay mga babae, kinakaibigan kasi nila ako dahil kay Mark.

binuksan ko ang notification, Nagtataka lang ako, Bakit ako ang inaaway nila, mga exes ata sila ni Mark, Ano naman kinalaman ko sa pag-brebreak nila? Nag-paulan naman si best ng notification.

Mark Cruz

Ang manhid nya talaga :3

Sino naman kaya iyon? Nakaramdam na naman tuloy ako ng kirot at selos, hindi ko talaga maiwasan.

nag-comment ako sa Status nya.

Miyaka Sy: Psst. Best, Sino iyan?

Ni-like nya yung comment tapos nag-comment din sya.

Mark Cruz: Ikaw

Napaisip naman ako sa sinabi nya, loko talaga itong si Best, pero mukhang seryoso sya. Hay ewan imposible naman siguro iyon diba.

Miyaka Sy: Seriously Best hindi nga--

Iyan sana ang itatype ko ng tumunog ulit ang notification ko, nag-comment ulit si Mark, kaya naman clinick ko ito agad, excited nga ako basahin ang comment nya, kahit nga mga status nya.

Mark Cruz: Haha joke lang aka

gaya nga ng ineexpect ko iyan na naman siya sa biro nya.

Miyaka Sy: Ayan ka na naman sa biro mo kaya madalas akong awayin ng mga Exes mo kasi akala nila.

Mark Cruz: Inaaway ka nila? sino? sabihin mo sa akin ng maturuan ko ng leksyon.

Miyaka Sy: Wag na, Naiintindihan ko naman sila.

Mark Cruz: Mali pa rin yung ginagawa nila sayo.

Mali din kasi ang ginagawa mo, pinaglalaruan mo iyon damdamin nila.

Miyaka Sy: pabayaan mo na nga, Btw pumapag-ibig ka na naman Best, Sino ba iyan malas-- i mean ma-swerteng babae bumihag sa puso mo?

Mark Cruz: Secret, walang clue.

Miyaka Sy: Hmmp Damot mo best.

Mark Cruz: Talk to you on private

Chaina XD: Babe

Miyaka Sy: Hah? Best out na ko bye.

Chaina XD: Babe, sorry

Mark Cruz: Ok na.

Ah si Chaina pala iyon, May pa-secret secret pa sya hmmp.

hindi manlang nya pinansin yung comment ko porket hays! makapag-log out na nga lang.

pinatay ko na yung laptop ko atsaka nahiga sa kama ko, kaya ayokong umasa kay best, kasi alam ko naman hanggang kaibigan lang ang tingin noon sa akin.

Magkatapat lang kami ng bahay ni Mark.

Maya-maya nakatanggap ako ng message.

Mark:

punta ka sa terrace

pumunta naman ako kaagad.

'Best ba't nag-log out ka?'

basa ko sa nakasulat sa white board nya.

kinuha ko rin ang pentel pen at white board ko.

'Inaantok na kasi ako, Best, buti naman at nagkaayos na kayo, so, siya pala hah!

Tinaas ko naman yung white board nakakapagtaka naman kasi habang binabasa nya yung sulat nakakunot ang noo niya.

'Nino, Si Misty?'

sagot naman nya.

Nagsulat ulit ako.

'Hah? best, alam mo hindi kita talaga ma-gets'

'Nevermind'

sagot nya naman.

'Ok, Good night best'

Matutulog na ko, kahit maaga pa, kasi naman lagi akong napapaisip kay best, kaunti na lang mamatay na ako sa selos.

'Night'

sagot nya atsaka sya umalis sa terrace.

hah! problema niya?

Aia's Pov

"Ang saklap naman! kasi naman bakit kasi hindi pa rin sya makapag-move on sa Ex nya, kawawa tuloy yung boy, 2 taon pa ang hihintayin. tsk , tsk"

"Ganoon talaga best, sabi ng direk nila atsaka tanggapin ang masaklap na katotohanan"

"Huhu kawawa talaga sya, kasi naman si jun ji hyun, para pa lang ginawa nya lang panakip butas si boy para makalimutan yung ex niyang namatay"

"Ang ingay mo Aia, Manood ka na nga lang"

Malapit na palang matapos yung palabas, hala sana magkita ulit sila at magkatuluyan.

"Best, nakakaiyak"

"Ang babaw mo naman Aia"

"Hala ayan na! sana magkita na sila, ang shunga naman"

"Ang ingay mo talaga Aia"

Natapos na nga ang palabas, nice naman happy ending, sana ganyan din ang buhay ng iba, laging may happy ending, pero nakakapagtaka kailan pa naging happy ang ending, diba't nakakalungkot ang wakas, paanong naging happy ending? ang gulo naman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status