Home / Romance / Match Maker / Chapter 1

Share

Match Maker
Match Maker
Author: Shinmoon

Chapter 1

Match maker

written by: Shin moon

(Angeline M.)

This Story is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the writer's imagination and are used fictitiously.

Any resemblance to an Actual events or person is Entirely Coincidental.

Oct. 14 2014

Stealing is A crime.

Do not distribute without the writer consent.

Don't claim this as your own Story.

Property of Shinmoon

(Angeline M.)

Match maker

Chapter 1:

"Hah?! Ano Match maker company?"

Tumango naman yung lalaking kausap ko.

"Anong gagawin ko doon?"

Sabi ko sa kanya nakita nya kasi akong umiiyak dito sa lilim ng puno, Pinagdikit nya ang dalawa niyang daliri.

"Err" sagot ko dito na parang naiilang pa at hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.

"Match maker"

"Hah! pinagloloko mo lang ata ako eh!"

"Hindi kita pinagloloko dati na akong employee dito"

Sabi nang lalaking kasing Edad ko lang ata.

"Hahaha... Nakasinghot ka ba? ikaw? sa company nagtratrabaho at your young age hahaha di mo ko maloloko"

"Bahala ka nga ikaw na nga tinutulungan, choosy ka pa, May pasabi-sabi ka pa na 'Oo, kahit anong trabaho, Matulungan ko lang sila Mama at Papa'

Ginaya nya pa ang pagkakasabi ko.

Naglakad na nga yung lalaking may s*ltik na iyon.

"Teka lang!" tawag ko dito. Lumingon naman sya.

"Gusto ko" sabi ko dito na parang nagaalinlangan pa.

"Sige, magkita tayo dito bukas, sasamahan kitang mag-apply" hindi ko alam pero napapayag na din ako sa kanya. Need na need ko kasi ng pera atsaka para makatulong na din ako kila mama.

Pagkatapos tuluyan na siyang naglakad at umalis.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. May ganun ba talagang kompanya? hay! di bale na nga, makauwi na nga lang muna sa bahay.

Aia's Pov

"Ma" Tawag ko dito nang makarating ako sa bahay.

"Kamusta na sya?"

"Eto di pa din maganda ang lagay. Maputla, tapos nawawalan sya ng ganang kumain"

Lumapit ako kay Aria.

"Aria" sabi ko sa kapatid kong may sakit. wala naman kasing pera sila mama para ipa-check up si Aria, tapos nadisgrasya pa si papa sa ibang bansa kanya hindi muna sya pwede magtrabaho.

kaya nga umoo ako sa Alok ni---Err Ano nga pala name nya?

Speaking of name?

Am I rude? for not introducing my beautiful name I'm Aia Hera Castro short for Aia.

Kiniss ko sa Noo si Aria she's already 7 years old.

"Ma, alis po muna ako" paalam ko dito.

"Teka, Hera aalis ka na naman?" sabi ni mama. Hera ang tawag sakin dito sa bahay samantalang Aia naman sa mga kaklase o kaibigan ko.

"Opo"

"Bakit?" nagtatakang tanong nito kung sabagay kauuwi ko lang naman tapos ay aalis na naman ako.

"Ahmm" Hindi ko naman pwedeng sabihin na maghahanap ng trabaho kasi siguradong sermon ang abot ko nito kay Mama. sasabihin na naman nya na 'Ako ang magulang nyo, hayaan iyong ako ang mag-trabaho para matustusan ang mga pangangailangan nyo'

"Ah eh magpapahangin lang po"

Palusot ko rito

"Anak dito ka na lang muna, kailangan ko ng kasama, mamaya atakihin na naman si Aria"

I sigh.

wala akong nagawa kundi ang umupo sa sofa at nanood na lang ng tv.

Ang hirap naman ng buhay. Paano ko matutulungan sila mama?

Aish! kainis talaga!

Match Maker Company? ang pumasok bigla sa isip ko. paano? I mean ano naman kayang trabaho ang Naghihintay sa akin doon, legal ba iyon? baka naman ibebenta nila ang kaluluwa ko.

Gosh! This can't be happening.

Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho?

Ang kaso mahirap makahanap dahil 1st year college pa lang ako. Ano naman klaseng trabaho ang papasukan ko?

Buti pa kong marami akong talent, ni hindi nga ako marunong mag-drawing para maibenta ang gawa ko ni sumayaw.

"Hay" napa-face palm na lang ako, pinatay ko na lang ang tv at nahiga na sa kama katabi ni Aria.

***Kinabukasan

Gaya nga ng napag-usapan nagkita kami nung lalaki.

"Uh"

"Nandyan ka na pala?" sabi nang lalaki.

"Obvious? gusto ko lang palang itanong kung"

Napahinto naman ako bigla, itatanong ko ba? hay nako Aia siraulo ka talaga.

"Illegal ba iyan kasi kung---"

"Hindi iyan illegal, sumunod ka na lang sa akin at si Boss na ang bahalang magpaliwanag ng gagawin mo"

"Ok" nasabi ko na lang dito.

Naghintay naman kami ng masasakyang jeep at doon sumakay.

hindi uso taxi sa amin, tipid ako atsaka 2 linggong allowance ko na ata iyon pambayad ko sa taxi. wag na kayong magulat at magtaka. Purita nga diba. Tahimik lang kami sa byahe.

Well hindi naman kasi ako Madaldal atsaka ano naman sasabihin ko nahihiya nga ako kasi ako na nga itong nangangailangan ng trabaho nakaistorbo pa ako at nagpasama, kapal muks lang ang peg Aia?

libre ko na lang sya mamaya meron pa naman 50 pesos na matitira sa akin well ano naman kayang pagkain ang ililibre ko dito?

Haist! bahala na nga, magdadasal na lang ako na sana madali lang iyon trabaho at matanggap sana ako, please lord magpapakabait na po ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status