HUMINGA nang malalim si Lauren at dahan-dahang gumapang sa buhangin papunta sa deck kung saan nakatali ang yate pabalik sa syudad ng Alveria. Ang mga mata niya ay alerto sa anumang galaw sa paligid na nababalot ng dilim. Tila barado ang daanan ng hangin papunta sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang pusong kanina pa niyang pilit na pinakakalma sa takot na baka ito ay marinig ng mga tauhan.
“Dalian niyo!!” Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa gitna ng katahimikan. Napapikit siya nang mariin at kinagat ang kaniyang labi habang ang mga luha niya ay patuloy na lumalandas sa kaniyang mga pisngi.
“Lauren!” bulong ng isang tinig. Luminga siya sa kaniyang likuran at nakita ang kapatid niyang si Paula, hindi man niya gaanong nakikita ang mukha nito, ay bakas ang takot sa kaniyang tinig. “Huwag kang hihinto, pagbilang ko ng tatlo sabay sabay tayong tatakbo, okay?”
Pinunasan ni Lauren ang kaniyang mga luha at tumango. Isang malalim na paghinga ang muli niyang pinakawalan sa hangin at muling ibinaling sa deck ang mga mata.
“Isa,” rinig niyang bulong ni Paula sa kaniyang likuran.
“Dalawa.” Natanaw niya ang mga tauhan na isa isa nang sumasampa sa yate. Dahan dahan siyang bumangon mula sa pagkakadapa.
“Tatlo!” Bago pa man matapos ni Paula ang salita ay tumakbo sila sa mabilis at kalkuladong paggalaw. Halos tumalon ang puso niya palabas ng kaniyang dibdib nang marating nila ang deck at walang ano ano’y sumakay sa yate nang hindi namamalayan ng mga tauhan.
Dali daling lumingon si Lauren upang tingnan kung nakasunod ba sila Paula, at halos mapasigaw siya sa saya nang makitang nasa likod niya na ang mga ito na hingal na hingal. Pinauna niya sila Paula sa bunker ng yate na nagsisilbing storage room.
Bago siya sumunod ay lumingon siyang muli sa isla at nakita ang isang lalaking nakatayo malapit sa mala-mansiyong bahay na nakatanaw sa kanila, ang lalaking dahilan kung paano sila nakatakas. Kahit sa gitna ng dilim, nakita niya ang kislap ng mga luha nito, at ang masayang ngiti habang pinanonood ang yateng palayo sa isla...
...palayo sa kaniya.
KINUKUTKOT ni Jacob ang gilid ng kaniyang hinlalaki, habang matiyagang naghihintay na umusad ang pila papunta sa mahabang mesa na limang-katao ang layo sa kaniya. Napakamot sa ulo ang kasamahan niya na kaniyang sinusundan at bumaling sa kaniya nang nakangiwi.“Mababa na naman ang pa-sweldo ni Manoy. Mukhang kinatsong na naman ang kalahati,” sabi nito na animo’y pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha, habang pinupunasan ang pawis sa kaniyang noo.Napabuntong hininga na lamang sila nang sabay. Sa tuwing sasapit ang kanilang sweldo, imbis na mapawi ang maghapong pagod na katawan ng tuwa ay parang mas lalo pa nitong dinagdagan ang bigat sa kanilang dibdib.“Next! Dalian ninyo at gabi na!” sigaw ng matabang matanda sa harap, galit nitong tiningnan ang mga kukupad-kupad nilang mga kasamahan. Ngunit sino ba'ng hindi kukupad sa pagtanggap ng sweldong hindi mabigyang katarungan ang k
MARAHANG bumukas ang pinto ng office, kasabay ng pagsara nito ay dumoble ang kalabog sa dibdib ni Jacob. “Jacob Ignacio?” banggit ng lalaking nakatayo sa kaniyang harapan na nakatingin sa papel. Agad na tumayo si Jacob ng tuwid. Sumilip mula sa kaniyang makapal na salamin ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pasok,” maikli niyang sabi at saka tumalikod. Inayos ni Jacob ang nag-iisang polo shirt niya na si Kyla pa ang bumili noong first anniversary nila. Ipinahid naman niya ang namamawis niyang mga palad sa likod ng pantalong nahiram niya sa binatang anak ni Mrs. Dela Vega. May kalakihan ito sa bandang baywang ngunit buti na lamang ay naremedyohan niya ito ng safety pin. Huminga siya nang malalim at saka pumasok sa office ng manager. Bahagyang nabigla si Jacob sa lamig ng nakatodong aircon pagpasok. Nakita niya ang manager sa kaniyang mesa na hindi manlang siya binigyan
HUMINGA nang malalim si Jacob bago damputin ang kaniyang cellphone na halos limang minuto niya nang tinititigan sa ibabaw ng mesa. Pinindot niya ang isang button para mabuhay ang screen, at sa pag-ilaw ay dali dali niya ring ibinagsak ito pabalik sa mesa. Ano pa nga ba ang hinihintay niya? Simple lang, ang pagdating ni Freddie para subaybayan siya sa pakikipagusap. Saka niya lamang napagtanto na ni hindi manlang sinabi ni Freddie sa kaniya ang pangalan ng kumpanyang pinakilala sa kaniya. Tinext niya ang kaibigan ngunit hindi ito nag-reply, sinubukan niya itong tawagan ngunit ang paulit ulit na boses lamang ng operator ang sumagot sa kaniya. Bahala na! Baka mawalan pa ako ng chance dito. Freddie, lagot ka sa’kin kapag ito scam! Muli niyang dinampot ang cellphone at isa isang itinipa ang numerong nakaukit sa itim na card. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jaocb
WALANG PAGAALINLANGANG itinulak ni Jacob ang lalaki paalis sa kaniyang harapan, bagamat halos isang hakbang lamang ang nagawa nito dahil sa tigas ng katawan ng lalaki ay umubra na ito para makaraan siya papunta sa pinto. “Kyla Buenaventura,” usal ng isang tinig. Napatigil si Jacob sa kaniyang paglakad nang magsalitang muli ang lalaki sa kaniyang likuran, mabilis niyang muling hinarap ang lalaki at sinalubong ang nakangisi nitong labi habang ang mga mata ay nasa isang papel. “Current girlfriend. A singer, going abroad this month for a training. Lost his father when she was a child and now she needs to support her ill mother.” Tila ba napako ang mga paa ni Jacob sa sahig, unti unting kumuyom ang kaninag mga palad sa galit. “Sino ba kayo? Paano mo nalaman ang mga ‘yan?!” Bumaling ang mga tingin nito kay Jacob. “We know everything about her as much as we know you. In short, lahat ng kailangan naming impo
INIABOT NI GARETT ang isang kopya ng kontrata kay Jacob. “First and foremost, you’ll need to change your identity, we’ll provide everything with the process. So of course, walang ibang makakaalam nito kundi ako, ikaw, at ang gagawa ng bagong pangalan mo. We’ll erase every record you own, and after you successfully changed all of your information, Jacob Ignacio is no longer a part of this world.” Kahibangan. ‘Yan lamang ang pumasok sa isip ni Jacob pagkatapos marinig ang unang kondisyon ng kaniyang trabaho. “Para saan ito?” tanong niya. “Para sa proteksyon mo,” sagot ni Garett. “H’wag kang mag-alala, ibabalik namin ang lahat pagkatapos ng kontrata, malaya kang muling makakagalaw gamit ang pangalan mo. Magtiwala ka lang sa’min.” Napatawa ng bahagya si Jacob. “Tiwala?” usal nito. “Sa tingin ko ay hindi tayo dapat na mag-usap tungkol sa pagtitiwala.” Ngumiti si Garett. “Tingin ko r
Pinayagan ni Garrett na bumalik si Jacob sa apartment niya upang kumuha ng ilan sa kaniyang mga gamit, sinabihan siya nito na ‘wag nang magdala ng damit o anumang lumang kagamitan sapagkat ang lahat ay ibibigay sa kaniya kapag siya ay bumalik.Madilim at tahimik ang kaniyang kwarto nang buksan niya ang pinto. Nang buksan niya ang ilaw ay ni hindi ito kumurap ng liwanag. Saka lamang niya napansin ang nakapaskil na papel sa kaniyang pinto na may nakasulat gamit ang pentel pen. Ang sulat kamay nito ay halatang nagmamadali at halos sumigaw ang bawat letra sa kaniya.Huli ka nanaman ng bayad! Wala na akong magagawa pa sa kuryente mo!Napabuntong hininga na lamang si Jacob at hinimas ang sumasakit niyang ulo. Dumeretso siya sa banyo upang maligo, basang basa ng pawis ang kaniyang damit sapagkat dalawang kanto ang layo ng kaniyang pinagbabaan dahil ayaw niyang sa tapat mismo siya ng kaniyan
Bumukas ang pinto ng silid ni Jacob. Napangiwi siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mga mata pagkatapos nitong mababad sa magdamag na kadiliman. Hinang hina siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo, halos hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan dahil sa sakit at lamig na naghalo sa kaniyang katawan.Isang pigura ng lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan, hinarangan nito ang liwanag na nagmumula sa labas at isang malalim na buntong hininga ang nagmula sa kaniyang bibig. “Inaasahan kong hindi niyo dinungisan ang mukha niya. The Guavez won’t accept is he’s not presentable.”“Wala kaming ginalaw sa ulo niya ni hibla ng buhok,” sagot ng isa sa mga bumugbog kay Jacob. Narinig niya ang pagsindi ng lighter, at maya maya pa ay pumasok na sa ilong niya ang amoy ng mamahaling sigarilyo.“Dalhin niyo na siya sa rest house, papunta na si Mr. Allen,” utos muli ng kararating
Kumalabog ang pinto ng kotse nang isara ito nang malakas ni Jacob. Hindi siya mapakali sa kaniyang kasuotan dahil bukod sa hindi sanay ang kaniyang katawan na balot ng mga mamahaling tela, hindi niya rin alam kung paano niya dadalhin ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi bagay sa kaniya ang mamahalin at itim na itim na suit at ang necktie na kinailangan pa niyang ipaayos sa matandang lalaki para ito ay makabit sa kaniyang leeg.Nang makasakay sina Garrett sa unahan at ang isang driver, agad silang umalis mula sa hotel. Tinanaw pa sila ng mga staff nito at hindi umalis sa harap ng kanilang building hanggat hindi nawawala sa kanilang paningin ang kotse nila.Iniabot ni Garrett mula sa harapan ang envelope na naglalaman ng kaniyang mga papeles. Nang abutin ito ni Jacob ay saka nagsalita si Garrett. “Nandiyan ang mga tanong na itatanong mamaya, at kailangan mo lang na kabisaduhin ang mga sagot na inilagay rin namin dy
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa
Ramdam ni Jacob ang ihip ng malamig na hangin nang makalabas siya ng building kung saan dinaraos ang meeting ni Mr. Gregory sa mga farmers and fishers unions. Ayaw man niyang iwan ito sa loob, ang pangalan na tumambad sa kaniyang cellphone ay kailangan niyang sagutin.“Garett,” tawag ni Jacob nang sagutin niya ito. Lumayo siya nang bahagya sa building at inilibot ang kaniyang mga mata upang tingnan kung may nakasunod, o nakatingin sa kaniya. “Ano’ng kailangan mo?”“Mr. Jacob, are you having a good time?” May halong pagka-pilyo ang boses ni Garett na alam ni Jacob ang tunog. May binabalak nanaman ito sa kaniya. “I heard the meeting’s going too well. It’s quite disappointing dahil inaasahan ko na magkakagulo sila at sila na mismo ang gagawa ng trabaho na hindi mo magawa gawa.”“Hindi magagalaw ng mga taong nasa
“It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?”“Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito.Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.