MARAHANG bumukas ang pinto ng office, kasabay ng pagsara nito ay dumoble ang kalabog sa dibdib ni Jacob.
“Jacob Ignacio?” banggit ng lalaking nakatayo sa kaniyang harapan na nakatingin sa papel. Agad na tumayo si Jacob ng tuwid. Sumilip mula sa kaniyang makapal na salamin ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pasok,” maikli niyang sabi at saka tumalikod.
Inayos ni Jacob ang nag-iisang polo shirt niya na si Kyla pa ang bumili noong first anniversary nila. Ipinahid naman niya ang namamawis niyang mga palad sa likod ng pantalong nahiram niya sa binatang anak ni Mrs. Dela Vega. May kalakihan ito sa bandang baywang ngunit buti na lamang ay naremedyohan niya ito ng safety pin. Huminga siya nang malalim at saka pumasok sa office ng manager.
Bahagyang nabigla si Jacob sa lamig ng nakatodong aircon pagpasok. Nakita niya ang manager sa kaniyang mesa na hindi manlang siya binigyan ng tingin at patuloy lamang na nagta-type sa kaniyang laptop.
“Upo,” sabi nito. Inilapag ng lalaking tumawag sa kaniya kanina ang papel na sa tingin niya ay ang kaniyang resume. Umupo siya sa upuang nasa harap. Ilang minuto ang makalipas, at ang tanging tunog lamang ng pagtipa ng manager sa keyboard niya ang naririnig sa buong office.
Nang tumikhim si Jacob ay nagulat siya nang biglang tumingin sa kaniya ang manager, tila nagulat din ang mga mata nito na para bang nakalimutan niyang may kasama pala siya sa silid. Kinuha nito ang resume niya at binasa.
“Jacob Ignacio,” banggit nito. Umayos ng upo si Jacob at itinuwid ang kaniyang likod. “You are the twentieth person who applied for the service crew position, tell me one thing why we should hire you instead of the previous applicants.”
Ngumiti ng malawak si Jacob. “Isa po akong masipag at mapagkakatiwalaang empleyado, at anuman po ang ipaga-”
“Ipagawa sa’yo ay susundin mo?” pagpuputol ng manager sa kaniya. Huminga ito ng malalim at saka sumandal sa kaniyang swivel chair. “Sa buong maghapon na ‘to, puro ‘yan ang naririnig ko. Wala na bang iba? Sasabihin niyo na ganiyan pero pag na-delay lang konti ang sweldo idinadaan niyo agad sa welga,” inis nitong sabi.
“H-Hindi po ako-”
“Gano’n? Hindi po ako magwe-welga, at kahit ma-delay po ang sweldo ay hindi po ako magsusumbong sa Department of Labor and Employment? Narinig ko na rin ‘yan.”
Natulala na lamang si Jacob pagkatapos ng mga litanya ng manager sa kaniya. At alam niya rin sa kaniyang sarili na ang mukha niya ay tiyak na nakabusangot na.
Bakit sila nag-hiring kung parang ayaw naman nilang tumanggap?!
“Hindi po ako pwede, Sir?” mahinang tanong niya. Halos magdugo na ang gilid ng kaniyang hinlalaki sa walang humpay niyang kakakutkot kanina pa.
Tumingin muli ang manager sa resume niya, at ilang segundo lamang ay inilapag ito sa kaniyang harapan. “Kung at least marunong ka manlang sana ng pagsasalita ng English, I might consider you. Sayang, perfect na sana ang itsura mo for the job.”
Nanlaki ang mata ni Jacob. “Po? Diba service crew ang inapplyan ko? Bakit po kailangan ng English?”
Tumaas ang kilay ng manager. “Hijo, you need to speak in English when serving the foreign clients. Resto bar ito, hindi Jollibee.”
Sa anim na trabahong inapplyan niya ngayong araw, lahat ay tila naghahanap ng mga bagay na wala siya. Para sa tagabantay ng computer shop ay kailangan nila ng basic computer skills na hindi kailanman natutunan ni Jacob. Sa isang kumpanya bilang janitor ay hinanapan siya ng backer dahil maraming nakapilang mas may edad sa kaniya, maski ang pagiging clown sa birthday party ay pinatos na niya ngunit hindi naman siya magaling magpatawa.
Bagsak na balikat niyang nilisan ang resto bar na huli niyang pinag-applyan sa araw na ito. Tiningnan niya ang resume niya na halos kalahating papel lamang ang napunan dahil wala naman siyang mailagay kun’di ang kaniyang personal information at ang kaniyang contact details lamang.
Natawa na lamang si Jacob sa sinapit, napunta lamang sa wala ang pagtitiis niya ng gutom maghapon at ngayon ay uuwi siyang wala pa ring trabaho.
Pag-uwi niya sa apartment ay laking gulat niya nang makita si Kyla na nakasandal sa gate. Sinalubong siya nito ng malaking ngiti na agad na nagpakalma sa kaniyang pagod na isipan. Bukod sa maganda nitong tinig at busilak na kalooban, maganda rin ang kaniyang panlabas. Sumayaw sa hangin ang kaniyang mahaba at itim na buhok nang tumakbo ito palapit sa kaniya. Nang makarating si Kyla sa kaniyang harapan ay sinunggaban niya ito ng yakap na mahigpit.
“Kumusta? Sabi ni Freddie, umalis ka na raw kila Manoy kaya dito ako dumeretso,” sabi nito habang ang kamay niya ay bumagtas papunta sa kaniyang kamay. Sabay silang naglakad papunta sa loob ng apartment.
“Oo, wala akong mapapala roon. Ni hindi pa ata marunong magkwenta ‘yung matandang ‘yon. Ang sabi dalawang daan kada araw, pagdating ng isang linggo ang sweldo namin tatlong daan lang?” naiiling niyang sumbong. Inilapag ni Jacob ang isang baso ng tubig sa harap ni Kyla.
“Paano ka na? Nakahanap ka na ba ng trabaho ulit?” tanong nito. Saglit na napatigil si Jacob at nag-isip kung sasabihin niya ba ang mapaklang sinapit ngayong araw.
“Meron,” sagot niya. Naghintay si Kyla ng susunod niyang sasabihin. “May tumanggap sa’kin kanina, tatawagan daw nila ako sa Linggo.” Bahagya siyang ngumiti sa kabila ng mabigat na pakiramdam sapagkat nakapagsinungaling siya kay Kyla.
Bakas naman sa mukha ni Kyla na hindi niya rin ito pinaniwalaan, ngunit hindi na niya ito pinansin pa. “Maganda kung ganu’n! Edi hindi pala tayo lalabas sa Linggo?”
“Ha?” Kumunot ang noo ni Jacob. “May napagusapan ba tayong lalabas tayo?” kinakabahang tanong niya dahil wala siyang matandaan na kasunduan nilang lalabas sila.
Ngumiti ng pilit si Kyla. “Sa Monday na ang alis ko, Jacob. Huling araw na natin ang Linggo bago ako lumipad sa Singapore.”
Kasabay ng pag-upo niya sa harapan ni Kyla ang pagkadurog ng kaniyang puso. Saka lang niya naalala na ilang araw na lang pala ang nalalabi sa kanilang dalawa. Itanggi man sa sarili ay nakaramdam siya ng hiya sapagkat naunahan pa siya ni Kyla na makapaghanap ng trabaho gayong siya ang dapat na nangunguna sa pagbuo ng pangarap nila.
“Susundan mo ‘ko, diba?” tanong niya. Kahit alam ni Kyla na malabong mangyari, mataas ang bilib niya kay Jacob.
Tumango si Jacob at ngumiti. “Magugulat ka na lang na may isang sira ulong hihiyaw ng ‘Girlfriend ko ‘yaaaan!’ sa entablado.” Tumawa si Kyla na sinabayan niya. Panandalian silang nabalot ng katahimikan. Tumingin si Kyla sa mga mata ni Jacob, na unti-unting bumaba papunta sa kaniyang labi. Tumayo si Jacob at inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga, ipinikit nila ang kanilang mga mata nang magsara ang pagitan ng kanilang mga labi. Isang marahan at puno ng pagmamahal na halik ang ibinigay ni Jacob. Nang maghiwalay sila ay hindi niya muna inilayo ang kaniyang mukha, at dumeretsong muli ang kaniyang mga labi sa noo ng dalaga.
Napangiti si Kyla. “So, Sunday?” tanong niya.
“Okay, Sunday,” tugon ni Jacob.
Muling binalot ng katahimikan ang kaniyang apartment nang umalis si Kyla. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Jacob at tila ayaw pakawalan ng utak niya ang pag-iisip kung paano pa niya isasalba ang buhay niya kapag umalis na si Kyla.
Nagulat siya nang biglang kumalabog ang pinto, saglit na tumahimik ang kaniyang isipan at dali daling dinampot ang martilyo niya sa tabi ng kaniyang pinto. Patuloy na kumalabog sa mga nagmamadaling katok ang pinto, hindi nagsasalita kung sinuman ang nasa labas kung kaya’t sinilip niya ito sa awang ng kaniyang bintana.
Kumunot ang kaniyang noo nang makita si Freddie na palinga linga sa paligid habang patuloy na pinauulanan ng katok ang kaniyang pinto. Agad naman itong pinagbuksan ni Jacob.
“Pre, ano’ng problema mo?! Gigisingin mo ba si Mrs. Dela Vega?!” sigaw niya rito ngunit nang makita niya ang mukha ni Freddie ay tila takot na takot ito, bakas ang pagkabalisa at naniningkad sa pawis niya ang kaniyang mukha. Itinulak niya papasok si Jacob at saka isinara ang pinto.
“P-Pre, may maganda akong balita,” sabi nito at biglang tumungo sa kaniyang kusina para kumuha ng tubig. Tila parang uhaw na isda niyang tinungga ang pitsel nang tuluy tuloy.
“Alam mo, umuwi ka na. Pagod ako, Fred. Wala akong panahon sa mga kwentong lasing mo.” Lumapit si Jacob sa kaibigan at hinila ito sa braso. Bago sila muling makalapit sa pinto ay pinigil siya ni Freddie.
“Pre, seryoso. Ito na ‘yung inaasam asam mo,” aniya at hinila pabalik si Jacob. Umupo sila sa harap ng mesa kung saan nakapwesto si Kyla kanina. Humingang malalim si Freddie bago siya magsalita. Napapikit na lamang sa inis si Jacob dahil gusto na niyang magpahinga.
“Gusto mo ba ng trabaho?” tanong niya habang seryosong nakatitig sa kaniyang mga mata.
“Natural,” mabilis na sagot ni Jacob. “Bakit? May napasukan ka na ba?”
Lumawak ang ngiti ni Freddie. “Pre, sa’yong sa’yo na ‘to. Gusto ko sana ‘to eh pero hindi ko kaya. Hindi talaga. Kaya ikaw na ibibigay ko,” sabi nito at may dinukot sa bulsa ng kaniyang kupas na pantalon. Iniabot niya ang maliit na calling card kay Jacob.
“Ano ‘to? Number lang talaga? Walang pangalan?” tanong niya. Pinaikut-ikot niya ang itim na card sa kaniyang mga daliri. “Mukhang sosyal, saang basurahan mo ‘to napulot?”
Tumawa si Freddie. “Hindi ko ‘yan napulot sa basurahan. May in-applyan akong trabaho Pre pero kasi ‘di ko kaya ‘yung trabaho eh ikaw alam ko kayang kaya mo kaya sabi ko ‘yung kaibigan ko na lang ang ipapasok ko,” paliwanag nito.
Tiningnan lamang siya ng nagdududa ni Jacob. “Seryoso nga! Tawagan mo ‘yan bukas, ah.”
“Ano ba’ng klaseng trabaho kasi at bakit kaya ko pero ikaw hindi mo kaya?”
“Mas nangangailangan ka, Pre,” seryosong sagot nito. “Ako may asawa na ‘ko. Ikaw mag-isa ka pa rin sa buhay, isa pa napaka bata mo pa, malakas pa katawan mo. Mas kailangan mo ‘yan.”
Napa-ismid naman si Jacob. Hindi niya maitanggi na siya ay natuwa sa itinuring ng kaibigan. “Salamat, Pre.”
Nakakitang muli ng liwanag si Jacob. Tila sinasabi nitong hindi siya kinukunan ng pag-asa, kun’di dinaragdagan pa. Umaasa siya na sa trabahong ito, makakasunod siya kay Kyla sa Singapore at doon nila tutuparin ang pangarap na kanilang inaasam.
HUMINGA nang malalim si Jacob bago damputin ang kaniyang cellphone na halos limang minuto niya nang tinititigan sa ibabaw ng mesa. Pinindot niya ang isang button para mabuhay ang screen, at sa pag-ilaw ay dali dali niya ring ibinagsak ito pabalik sa mesa. Ano pa nga ba ang hinihintay niya? Simple lang, ang pagdating ni Freddie para subaybayan siya sa pakikipagusap. Saka niya lamang napagtanto na ni hindi manlang sinabi ni Freddie sa kaniya ang pangalan ng kumpanyang pinakilala sa kaniya. Tinext niya ang kaibigan ngunit hindi ito nag-reply, sinubukan niya itong tawagan ngunit ang paulit ulit na boses lamang ng operator ang sumagot sa kaniya. Bahala na! Baka mawalan pa ako ng chance dito. Freddie, lagot ka sa’kin kapag ito scam! Muli niyang dinampot ang cellphone at isa isang itinipa ang numerong nakaukit sa itim na card. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jaocb
WALANG PAGAALINLANGANG itinulak ni Jacob ang lalaki paalis sa kaniyang harapan, bagamat halos isang hakbang lamang ang nagawa nito dahil sa tigas ng katawan ng lalaki ay umubra na ito para makaraan siya papunta sa pinto. “Kyla Buenaventura,” usal ng isang tinig. Napatigil si Jacob sa kaniyang paglakad nang magsalitang muli ang lalaki sa kaniyang likuran, mabilis niyang muling hinarap ang lalaki at sinalubong ang nakangisi nitong labi habang ang mga mata ay nasa isang papel. “Current girlfriend. A singer, going abroad this month for a training. Lost his father when she was a child and now she needs to support her ill mother.” Tila ba napako ang mga paa ni Jacob sa sahig, unti unting kumuyom ang kaninag mga palad sa galit. “Sino ba kayo? Paano mo nalaman ang mga ‘yan?!” Bumaling ang mga tingin nito kay Jacob. “We know everything about her as much as we know you. In short, lahat ng kailangan naming impo
INIABOT NI GARETT ang isang kopya ng kontrata kay Jacob. “First and foremost, you’ll need to change your identity, we’ll provide everything with the process. So of course, walang ibang makakaalam nito kundi ako, ikaw, at ang gagawa ng bagong pangalan mo. We’ll erase every record you own, and after you successfully changed all of your information, Jacob Ignacio is no longer a part of this world.” Kahibangan. ‘Yan lamang ang pumasok sa isip ni Jacob pagkatapos marinig ang unang kondisyon ng kaniyang trabaho. “Para saan ito?” tanong niya. “Para sa proteksyon mo,” sagot ni Garett. “H’wag kang mag-alala, ibabalik namin ang lahat pagkatapos ng kontrata, malaya kang muling makakagalaw gamit ang pangalan mo. Magtiwala ka lang sa’min.” Napatawa ng bahagya si Jacob. “Tiwala?” usal nito. “Sa tingin ko ay hindi tayo dapat na mag-usap tungkol sa pagtitiwala.” Ngumiti si Garett. “Tingin ko r
Pinayagan ni Garrett na bumalik si Jacob sa apartment niya upang kumuha ng ilan sa kaniyang mga gamit, sinabihan siya nito na ‘wag nang magdala ng damit o anumang lumang kagamitan sapagkat ang lahat ay ibibigay sa kaniya kapag siya ay bumalik.Madilim at tahimik ang kaniyang kwarto nang buksan niya ang pinto. Nang buksan niya ang ilaw ay ni hindi ito kumurap ng liwanag. Saka lamang niya napansin ang nakapaskil na papel sa kaniyang pinto na may nakasulat gamit ang pentel pen. Ang sulat kamay nito ay halatang nagmamadali at halos sumigaw ang bawat letra sa kaniya.Huli ka nanaman ng bayad! Wala na akong magagawa pa sa kuryente mo!Napabuntong hininga na lamang si Jacob at hinimas ang sumasakit niyang ulo. Dumeretso siya sa banyo upang maligo, basang basa ng pawis ang kaniyang damit sapagkat dalawang kanto ang layo ng kaniyang pinagbabaan dahil ayaw niyang sa tapat mismo siya ng kaniyan
Bumukas ang pinto ng silid ni Jacob. Napangiwi siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mga mata pagkatapos nitong mababad sa magdamag na kadiliman. Hinang hina siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo, halos hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan dahil sa sakit at lamig na naghalo sa kaniyang katawan.Isang pigura ng lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan, hinarangan nito ang liwanag na nagmumula sa labas at isang malalim na buntong hininga ang nagmula sa kaniyang bibig. “Inaasahan kong hindi niyo dinungisan ang mukha niya. The Guavez won’t accept is he’s not presentable.”“Wala kaming ginalaw sa ulo niya ni hibla ng buhok,” sagot ng isa sa mga bumugbog kay Jacob. Narinig niya ang pagsindi ng lighter, at maya maya pa ay pumasok na sa ilong niya ang amoy ng mamahaling sigarilyo.“Dalhin niyo na siya sa rest house, papunta na si Mr. Allen,” utos muli ng kararating
Kumalabog ang pinto ng kotse nang isara ito nang malakas ni Jacob. Hindi siya mapakali sa kaniyang kasuotan dahil bukod sa hindi sanay ang kaniyang katawan na balot ng mga mamahaling tela, hindi niya rin alam kung paano niya dadalhin ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi bagay sa kaniya ang mamahalin at itim na itim na suit at ang necktie na kinailangan pa niyang ipaayos sa matandang lalaki para ito ay makabit sa kaniyang leeg.Nang makasakay sina Garrett sa unahan at ang isang driver, agad silang umalis mula sa hotel. Tinanaw pa sila ng mga staff nito at hindi umalis sa harap ng kanilang building hanggat hindi nawawala sa kanilang paningin ang kotse nila.Iniabot ni Garrett mula sa harapan ang envelope na naglalaman ng kaniyang mga papeles. Nang abutin ito ni Jacob ay saka nagsalita si Garrett. “Nandiyan ang mga tanong na itatanong mamaya, at kailangan mo lang na kabisaduhin ang mga sagot na inilagay rin namin dy
Sa loob ng silid na pinasukan nila, ay katulad din ng ganda ng living room ang buong paligid. Walang mapaglagyan ni alikabok o kahit isang hibla ng buhok ang napakaputing paligid. Sa gitna ng kwarto ay may isang puting table, doon naupo si Mrs. Guavez, sa harap noon ay nakahelera ang mga upuan na may mga numerong nakadikit sa kanilang sandalan. Napagtanto nilang lahat na ang mga numerong iyon ay ang numerong nakalagay sa kanilang application form. Samantala, silang mga aplikante ay naupo sa nakadesigna na upuan base sa kanilang numero.Naupo si Jacob sa pang-limang upuan sapagkat iyon ang nakalagay sa kaniyang applicationg form. Inayos niya ang kaniyang suit at tuwid na umupo upang magmukhang propesyunal. Gayon din ang ginawa ng iba, at ang kaibahan nila kay Jacob, ay kahit hindi nila subukan ay mukha na silang propesyunal samantalang siya ay halatang nagpupumilit lamang dahil sa mali niyang postura sa pag-upo, at sa paraan kung paano niya iposisyo
Hindi makapaniwala si Jacob na isa siya sa mga natanggap na aplikante. Sa dinami rami nila na initerview, at base pa lamang sa itsura ng karamihan sa mga ito, hamak na mas presentable at mukhang matataas ang pinag-aralan ng iba kaysa sa kaniya kahit sa unang tingin pa lang.Inabot ni Jacob ang kamay ni Mrs. Guavez, hindi niya namalayan na nahigpitan niya ang pagtanggap dito kung hindi pa napababa ang tingin ni Mrs. Guavez sa kanilang kamay. Agad naman niya itong binitiwan. “P-Pasensya na po, masayang masaya lang ako,” sabi niya. Sinuklian siyang muli ng matamis na ngiti nito at tinapik ang kaniyang balikat.“Welcome to our family. I will just attend a meeting and my daughter will the the one to assist you in your quarters. Please feel free to ask her questions,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi alam ni Jacob ang dapat niyang maramdaman, mayroon sa kaniyang parte na masaya dahil sa unang pagkakataon sa k
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa
Ramdam ni Jacob ang ihip ng malamig na hangin nang makalabas siya ng building kung saan dinaraos ang meeting ni Mr. Gregory sa mga farmers and fishers unions. Ayaw man niyang iwan ito sa loob, ang pangalan na tumambad sa kaniyang cellphone ay kailangan niyang sagutin.“Garett,” tawag ni Jacob nang sagutin niya ito. Lumayo siya nang bahagya sa building at inilibot ang kaniyang mga mata upang tingnan kung may nakasunod, o nakatingin sa kaniya. “Ano’ng kailangan mo?”“Mr. Jacob, are you having a good time?” May halong pagka-pilyo ang boses ni Garett na alam ni Jacob ang tunog. May binabalak nanaman ito sa kaniya. “I heard the meeting’s going too well. It’s quite disappointing dahil inaasahan ko na magkakagulo sila at sila na mismo ang gagawa ng trabaho na hindi mo magawa gawa.”“Hindi magagalaw ng mga taong nasa
“It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?”“Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito.Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.