INIABOT NI GARETT ang isang kopya ng kontrata kay Jacob. “First and foremost, you’ll need to change your identity, we’ll provide everything with the process. So of course, walang ibang makakaalam nito kundi ako, ikaw, at ang gagawa ng bagong pangalan mo. We’ll erase every record you own, and after you successfully changed all of your information, Jacob Ignacio is no longer a part of this world.”
Kahibangan. ‘Yan lamang ang pumasok sa isip ni Jacob pagkatapos marinig ang unang kondisyon ng kaniyang trabaho. “Para saan ito?” tanong niya.
“Para sa proteksyon mo,” sagot ni Garett. “H’wag kang mag-alala, ibabalik namin ang lahat pagkatapos ng kontrata, malaya kang muling makakagalaw gamit ang pangalan mo. Magtiwala ka lang sa’min.”
Napatawa ng bahagya si Jacob. “Tiwala?” usal nito. “Sa tingin ko ay hindi tayo dapat na mag-usap tungkol sa pagtitiwala.”
Ngumiti si Garett. “Tingin ko r
Pinayagan ni Garrett na bumalik si Jacob sa apartment niya upang kumuha ng ilan sa kaniyang mga gamit, sinabihan siya nito na ‘wag nang magdala ng damit o anumang lumang kagamitan sapagkat ang lahat ay ibibigay sa kaniya kapag siya ay bumalik.Madilim at tahimik ang kaniyang kwarto nang buksan niya ang pinto. Nang buksan niya ang ilaw ay ni hindi ito kumurap ng liwanag. Saka lamang niya napansin ang nakapaskil na papel sa kaniyang pinto na may nakasulat gamit ang pentel pen. Ang sulat kamay nito ay halatang nagmamadali at halos sumigaw ang bawat letra sa kaniya.Huli ka nanaman ng bayad! Wala na akong magagawa pa sa kuryente mo!Napabuntong hininga na lamang si Jacob at hinimas ang sumasakit niyang ulo. Dumeretso siya sa banyo upang maligo, basang basa ng pawis ang kaniyang damit sapagkat dalawang kanto ang layo ng kaniyang pinagbabaan dahil ayaw niyang sa tapat mismo siya ng kaniyan
Bumukas ang pinto ng silid ni Jacob. Napangiwi siya sa liwanag na tumama sa kaniyang mga mata pagkatapos nitong mababad sa magdamag na kadiliman. Hinang hina siyang umayos ng kaniyang pagkakaupo, halos hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan dahil sa sakit at lamig na naghalo sa kaniyang katawan.Isang pigura ng lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan, hinarangan nito ang liwanag na nagmumula sa labas at isang malalim na buntong hininga ang nagmula sa kaniyang bibig. “Inaasahan kong hindi niyo dinungisan ang mukha niya. The Guavez won’t accept is he’s not presentable.”“Wala kaming ginalaw sa ulo niya ni hibla ng buhok,” sagot ng isa sa mga bumugbog kay Jacob. Narinig niya ang pagsindi ng lighter, at maya maya pa ay pumasok na sa ilong niya ang amoy ng mamahaling sigarilyo.“Dalhin niyo na siya sa rest house, papunta na si Mr. Allen,” utos muli ng kararating
Kumalabog ang pinto ng kotse nang isara ito nang malakas ni Jacob. Hindi siya mapakali sa kaniyang kasuotan dahil bukod sa hindi sanay ang kaniyang katawan na balot ng mga mamahaling tela, hindi niya rin alam kung paano niya dadalhin ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi bagay sa kaniya ang mamahalin at itim na itim na suit at ang necktie na kinailangan pa niyang ipaayos sa matandang lalaki para ito ay makabit sa kaniyang leeg.Nang makasakay sina Garrett sa unahan at ang isang driver, agad silang umalis mula sa hotel. Tinanaw pa sila ng mga staff nito at hindi umalis sa harap ng kanilang building hanggat hindi nawawala sa kanilang paningin ang kotse nila.Iniabot ni Garrett mula sa harapan ang envelope na naglalaman ng kaniyang mga papeles. Nang abutin ito ni Jacob ay saka nagsalita si Garrett. “Nandiyan ang mga tanong na itatanong mamaya, at kailangan mo lang na kabisaduhin ang mga sagot na inilagay rin namin dy
Sa loob ng silid na pinasukan nila, ay katulad din ng ganda ng living room ang buong paligid. Walang mapaglagyan ni alikabok o kahit isang hibla ng buhok ang napakaputing paligid. Sa gitna ng kwarto ay may isang puting table, doon naupo si Mrs. Guavez, sa harap noon ay nakahelera ang mga upuan na may mga numerong nakadikit sa kanilang sandalan. Napagtanto nilang lahat na ang mga numerong iyon ay ang numerong nakalagay sa kanilang application form. Samantala, silang mga aplikante ay naupo sa nakadesigna na upuan base sa kanilang numero.Naupo si Jacob sa pang-limang upuan sapagkat iyon ang nakalagay sa kaniyang applicationg form. Inayos niya ang kaniyang suit at tuwid na umupo upang magmukhang propesyunal. Gayon din ang ginawa ng iba, at ang kaibahan nila kay Jacob, ay kahit hindi nila subukan ay mukha na silang propesyunal samantalang siya ay halatang nagpupumilit lamang dahil sa mali niyang postura sa pag-upo, at sa paraan kung paano niya iposisyo
Hindi makapaniwala si Jacob na isa siya sa mga natanggap na aplikante. Sa dinami rami nila na initerview, at base pa lamang sa itsura ng karamihan sa mga ito, hamak na mas presentable at mukhang matataas ang pinag-aralan ng iba kaysa sa kaniya kahit sa unang tingin pa lang.Inabot ni Jacob ang kamay ni Mrs. Guavez, hindi niya namalayan na nahigpitan niya ang pagtanggap dito kung hindi pa napababa ang tingin ni Mrs. Guavez sa kanilang kamay. Agad naman niya itong binitiwan. “P-Pasensya na po, masayang masaya lang ako,” sabi niya. Sinuklian siyang muli ng matamis na ngiti nito at tinapik ang kaniyang balikat.“Welcome to our family. I will just attend a meeting and my daughter will the the one to assist you in your quarters. Please feel free to ask her questions,” sagot naman nito sa kaniya. Hindi alam ni Jacob ang dapat niyang maramdaman, mayroon sa kaniyang parte na masaya dahil sa unang pagkakataon sa k
Isang mainit na tsaa ang inilatag ni Nanay Sol sa mesa ng kumikintab na living room ng mansyon. Wala ni isa sa kanilang tatlong bagong bodyguards ang kumuha ng para sa kanila sapagkat nakaupo sa kanilang harapan ay ang Presidente ng bansa.“Ayaw niyo ba ng tsaa? Gusto niyo ba ng juice? Kape?” tanong nito nang mapansin na hindi nila ginagalaw ang inihanda sa kanila. “Nanay Sol, ipaghanda mo sila ng wine, baka magustuhan nila.”“H-Hindi na po!” agad na sagot ni Jacob. Napukaw naman niya ang lahat ng atensyon ng nasa living room. Ang mga tsokolateng mata ng Presidente na katulad ng sa babaeng naghatid sa kanila kanina ay dumako rin kay Jacob. “Sigurado ka, hijo? Mahaba haba ang pag-uusapan natin kaya baka kailanganin niyo ng maiinom.” Maski ang boses na malumanay ni Mrs. Guavez ay siya ring nasa boses ng Presidente. Aaminin ni Jacob na hindi talaga niya gaanong kilala ang Presidente
“Mr. Paul Domingo, you can go.” Umangat ang kanilang mga tingin kay Lauren nang magsalita ito pagkatapos ng mahabang katahimikan magmula nang umalis si Mr. Gregory. Nagsalit naman ang kanilang mga tingin sa isa’t isa, at kahit nag-aalinlangan ay tumayo si Paul para umalis.“Excuse me po Ma’am,” sabi nito at saka pumanhik muli sa kaniyang kwarto.Isinara ni Laurena ng kaniyang binabasang papers na naglalaman ng mga resume ni Jacob at ni Sid. Mataman naman itong tumingin sa kanila na ikinakaba ng dalawang naiwan na lalaki. “You said you two want to be my Dad’s personal bodyguard, right? Do you have an idea of what you’re going to deal with in case one of you will be designated to that position?”Walang sumagot sa kanilang dalawa. Nanatili ang mga mata ni Jacob kay Lauren samantalang napayuko naman si Sid at ibinaba ang tingin sa sahig. Bumuntong hini
Namamawis na ang mga palad ni Jacob habang hinihintay na pumunta si Sid sa shooting range. Hindi mapakali ang kaniyang mga paa at kamay dahil sa matinding kaba na kaniyang nadarama. Kung hindi siya magtagumpay sa unang test na iyon, agad na magiging dehado ang pagiging kandidato niya sa posisyon ng pangunahing bodyguard ng Presidente at natitiyak niya rin na ikapapamahak ito ni Kyla. Nang makatapak si Sid sa harap ng mesa kung saan nakalatag ang iba’t ibang baril at mga bala ay isinuot niya ang kaniyang eye protection at headphone. Tumingin ito sa Presidente at tinanguan siya nito bilang pagsasabi na maaari niya nang damputin ang baril na nais niya. Matagal na tumingin si Sid sa mga nakalatag na baril, at sa huli ay pinili niya ang isang simpleng pistol. Kumuha siya ng tatlong bala at saka ito inilagay sa magazine. Huminga nang malalim si Sid, at saka itinaas ang baril at itinutok sa metal na hinulmang tao na limang metro ang layo sa kaniya. Dah
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa
Ramdam ni Jacob ang ihip ng malamig na hangin nang makalabas siya ng building kung saan dinaraos ang meeting ni Mr. Gregory sa mga farmers and fishers unions. Ayaw man niyang iwan ito sa loob, ang pangalan na tumambad sa kaniyang cellphone ay kailangan niyang sagutin.“Garett,” tawag ni Jacob nang sagutin niya ito. Lumayo siya nang bahagya sa building at inilibot ang kaniyang mga mata upang tingnan kung may nakasunod, o nakatingin sa kaniya. “Ano’ng kailangan mo?”“Mr. Jacob, are you having a good time?” May halong pagka-pilyo ang boses ni Garett na alam ni Jacob ang tunog. May binabalak nanaman ito sa kaniya. “I heard the meeting’s going too well. It’s quite disappointing dahil inaasahan ko na magkakagulo sila at sila na mismo ang gagawa ng trabaho na hindi mo magawa gawa.”“Hindi magagalaw ng mga taong nasa
“It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?”“Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito.Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.