CHAPTER 35 (PART 1) “L ust is just temporary. Madalian lang ‘yan. Sooner or later, makakalimutan mo rin.” Naglakad siya papunta sa pwesto nito para kunin sa bedside drawer ang envelope na ibinigay dati sa kanya ni CEO Vesarius. “Lalo pa’t kinamumuhian mo ako. We are both consisting adult, calm your balls.” Sinilip niya ang mga dokumento para siguruhing kompleto pa ang mga iyon. Wala na rin naman siyang balak iwan si Nadia sa Pilipinas, mas mabuting ayusin niya na rin ang mga dapat ayusin. Gusto niyang makausap si Jonelyn kahit ipagtabuyan pa siya nito. “Kahit kailan ba hindi ka nagka-interes sa akin?” tanong nito sa tonong banas, nasagi ang ego bilang lalaki. “I enjoyed being with you.” Nagkibit-balikat siya. “You gave me your virginity,” tiim-bagang na pagpupumilit ni Castiel na para bang may gusto itong patunayan sa kanya. “I always curious about s-ex. Halos kalahati ng buhay ko, napapalibutan ako ng mga libera
CHAPTER 35 (PART 2) “Joana, pasok!” malakas na sigaw ni Castiel sa babae nang makita ang paglabas nito sa front door ng mga Manigbas. Pilit niyang hinaharangan ang gate upang hindi makalampas sa kanya si Lucia Interino na pumuputok na ang butsi dahil nalaman na yata ang pagtindig ni Joana na nakapanig sa kanila. “How dare you, Revamonte? Huwag mo akong pangunahan sa anak ko,” tinampal ng ginang ang kanyang kamay at pinagduduro ang babaeng nakatanga lang. Ano pa bang ginagawa nito roon at hindi pa siya sinusunod? “Leave!” wika niya sa kalmado ngunit malamig na boses na ikinaatras ni Mrs. Interino. “Hindi niyo magugustuhan na pigtasin ang pasensya ko.” “Yabang mo, ah?” Itinulak siya ng kasamang bodyguard ni Lucia Interino na hindi niya man lang ikinatinag sa kinatatayuan. “I’m warning you, Man. Gusto mo ba ulit mabalian ng buto katulad ng dati? I can send you again to emergency room.” Isa ang lalaking na
CHAPTER 36 “You ready, Buddy?” Sumilip si Joana sa living room nang marinig ang masayang boses ni Castiel. Nakaluhod ito sa harap ni Kismo habang tinatali ang sintas ng sapatos ng bata. “Opo. May family na talaga ako eh.” Ngingisi ang bata nang sunod-sunod itong tumango. Nag-apiran pa ang dalawa bago muling ipinagpatuloy ni Castiel ang pagtatali ng sintas. Pansin niya ang pagbabago ng mood ng lalaki halos isang linggong pananatili niya sa penthouse nito. Wala na ang kunot na kunot nitong noo. Madalas ay mahinahon na ang pagkausap sa kanya na minsan pa nga ay napapaisip siya kung nilalambing ba siya nito dahil iyon ang nagiging tono. Pansin niya rin na mas naging maingat ito sa mga salitang binibitawan. Siguro dahil iyon sa paghagulhol niya rito sa bahay ng mga Manigbas. Biniro ba naman siya na kung paano kung gawin daw sa kanya ang ginawa niya kay Lucia. Gigil talaga siya dahil parang pinagbibintangan siya nitong
CHAPTER 37 Sigurado si Joana na magkaka-stiff neck siya sa pagkakatuod ng kanyang leeg para huwag lang malingon si Castiel habang kumakain sila ng pananghalian. Kahit kasi pinapakain nito sina Nadia at Kismo ay ramdam niya pa rin ang paninitig nito sa kanya. “Mommy, Daddy said we’re going to my other Mama Lola and Papa Lolo,” wika ni Nadia habang hawak-hawak nito ang fried chicken na halos buto na lang ang tira. “Yeah. Didiretso na tayo roon. Why?” “I’ll ride a horse, Mommy.” “No.” Ang bata-bata pa ng bulilit, gusto na agad umangkas sa kabayo. “But daddy already said yes.” “And I said no.” Nanghahaba ang nguso ni Nadia na hinarap nito si Castiel at maarteng nagpakampi pa. “Daddy, ayaw ni Mommy. Convince her po na.” “Joana,” malalim ang boses na wika ni Castiel na nagpatayo ng mga balahibo niya sa batok. “Hindi. Ang bata-bata pa niyan. Paano kung mahulog siya?” Hindi
CHAPTER 38 Maluha-luha ang mga magulang ni Castiel nang makilala ng mga ito si Nadia. Nangunguna si Auntie Clara sa pagsalubong sa kanila at agad na pinuntirya ang mga bata, p inaghahalikan at halos pisain na ng yakap. "You look like your dad when he was little," wika ni Cassandra--na Mommy Cas na raw ang itawag ni Joana--kay Nadia habang p inaghahalikan rin ito sa pisngi. Tinapik ni Xenon sa balikat si Castiel, bakas ang pagiging proud sa mukha ng matandang Revamonte. Kapagkuwan ay siya naman ang hinarap nito. "Joana, maliit ang ngiti nito sa mga labi bago siya niyakap. "Hindi kita na-welcome sa pamilya nang ikinasal kayo dahil hindi kita kilala. Welcome to the family, Joana, 'nak." Sa ilang sandali ay hindi siya nakagalaw dahil sa init ng yakap nito. Hindi na Jonelyn anv tawag nito sa kanya. Kailan ba siya niyakap ni Marcos ng ganon? Wala siyang matandaan dahil sa tuwing makikita siya niyon ay kung hindi nakabusangot ay matalim naman ang tingin sa kanya na parang palagi siy
CHAPTER 39ESPEGEEE!!!!A hearty laugh filled the whole room. Naniningkit pa ang mga mata ni Revamonte habang humahalakhak. Napa-iwas siya ang tingin nang mas bumaba ang kumot sa kakagalaw nito. Susko po! Makikita niya ang nagpapatirik ng kanyang mga mata ng wala sa oras. "Bahala ka nga riyan!"Nag-iinit ang mga pisnging kumilos siya para bumaba mula sa malaking kama. Baka matentasyon pa siya at bigla na lang hilahin ang kumot na iyon para matingnan kung malaki pa rin ba?Hinagip ni Castiel ang kanyang palapulsuhan at sa isang iglap ay naibalik siya nito sa pagkakahiga. "Where are you going?" Pinapangapusan siya ng hininga nang halos nakakubabaw na ang kalahati ng katawan ni Castiel sa kanya. Hindi lang iyon, nakakapangapos naman talaga ng hininga ang kagwapuhan ni Castiel. Mistulang nililok iyon ng magaling na iskultor. Mata pa lang nito ay nakakapanginig tuhod na. "M-Maghihilamos." Nakapa niya ang mata at bibig dahil baka may muta pa siya at panis na laway. Kumislap sa pagka-
CHAPTER 40Namamawis ang kamay ni Joana habang nakaupo sa isa sa mga lounge ng visiting area ng Bicol Provincial Jail. Malakas ang kabog ng kanyang dibd ib ngunit hindi niya naman naiisip na umatras. Kanina pa siya tinatanong ni Mang Toti, na siyang kasama niya pagpunta sa Provincial Jail, kung sigurado ba siya sa gagawin niya. Oo, palagi ang kanyang sagot dahil nasa Maynila pa lang ay disidido na siyang harapin ang mga iniwan niya. Kailangan niyang umabante kahit alam niyang mahirap. Nag-angat siya ng paningin nang bumukas ang pinto sa dulong bahagi ng silid na iyon. Bumakas ang pangugulila sa mata ni Luis, nakipagtitigan sa kanya. Kapagkuwan ay nawala ang lambong sa mga mata nito nang mapagtantong hindi siya ang taong gustong-gusto nitong makita. "Bakit nandito ka?" malamig nitong tanong at parang robot na umupo sa harap niya. Bukod sa pagiging balbas-sarado at malagong buhok, pansin niya rin ang pamamayat nito kumpara dati."I-I want to talk to you."Nanatiling malamig ang mukh
CHAPTER 41 Kalahating oras pa lang sila nasa byahe ngunit pakiramdam ni Joana ay taon na ang binibilang niya na nasa kalsada sila. Malakas ang tahip ng kanyang dibd ib habang nasa mga kamay ang maliit na papel na naglalaman ng mensahe galing sa kanya kapatid. Jonelyn said sorry to her. Hindi man personal na narinig niya iyon mula sa bibig ng kapatid, alam niyang sinsero iyon. Sinong hindi kung kahit sa pasikretong mensaheng iyon ay nagawa nitong isingit ang salitang iyon. She never holds a grudge against her twin sister. She felt responsible, instead. Sumama man ang loob niya ngunit hindi umabot na naisip niyang gantihan ang mga ito. “Mang Toti, di ba kapitbahay kayo ni Kismo noon?” Sinilip siya ng driver sa rearview mirror. “Opo, Ma’am. Bakit po?” “May napansin po ba kayong kahina-hinalang umaali-aligid sa bahay nila noon?” “Tungkol po ba ito Ma’am sa mga nagtangkang kidnap-in ang bata?” N