CHAPTER 2 ‘Joana, please. Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. Baka kapag hindi ko ‘to ginawa, mamamatay ako.’ Iyon ang mga salitang binitawan ni Jonelyn nang makiusap ito sa kanya na pansamantalang palitan niya ito sa pagpapakasal kay Castiel Revamonte. Hindi na raw nito kinakaya ang pagmamanipula ng kanilang mga magulang sa buhay nito. Naiintindihan niya ang kapatid dahil iyon din ang dahilan kung bakit sa edad na disi-otso ay naglayas siya sa bahay nila. Binuhay niya ang sarili, pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Lumipad siya papunta ng Canada para doon mag-aral ng kolehiyo. Noon pa man ay siya na ang rebelde sa pamilyang Interino. Siya ang matigas ang ulo, palasagot at pilya. Habang si Jonelyn naman ang mabait na anak, masunurin.Magkaibang-magkaiba sila mula sa pananamit at sa ugali. Mabuti na lang at nasa Maynila na siya nang umiiyak na tumawag ang kanyang kapatid. Agad siyang nag-file ng leave sa Vesarius Airline
Huling Na-update : 2022-06-21 Magbasa pa