CHAPTER 5
Hindi maalis ni Castiel ang mga mata sa babaeng kaharap habang nakikipagtawanan ito kay Kismo na puno ng dungis ang bibig dahil sa kinakain na spaghetti ng sikat na fast food restaurant.
Malakas ang hinala niya na hindi ito si Jonelyn na ex-girlfriend niya noong college. Mula sa pananamit nito, sa pananalita, sa kilos at ugali…maging sa puri nito.
The woman was a virgin when he took her!
Impossibleng birhen pa si Jonelyn dahil kita ng dalawang mata niya na may nangyari sa pagitan nito at ng bestfriend kuno nito na pinagseselosan niya noon.
Maraming tanong sa isip niya at gustong-gusto na niyang komprontahin ang babae. Dangan lamang ay pinipigilan niya ang sarili dahil baka mas magkaroon ng malalim na komplikasyon kapag nagpadalus-dalos siya.
Mahaba pa naman ang pasensya niya para maghintay sa resulta ng imbistigasyon ng kaibigan niyang si Pink.
Nang sabihin niya kay Amara Stephanie na gusto niyang magseryoso at magtayo ng sariling pamilya kasama si Jonelyn, sigurado siya roon. Sumagi sa isip niya ang dalawang batang kamukha niya o kaya magkahalong mukha nila ni Jonelyn.
Mamahalin at aalagaan ang mga iyon ng asawa katulad ng kung paano nito asikasuhin si Kismo.
“Mama, tenkyu sa espageyte. Sa ‘yo rin, Tito Cast.”
Natatandaan na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang bata. Nakita niya na ito noon kasama ni Luis nang bagong uwi pa lamang siya sa Camarines Sur.
“Gusto mo pa? Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin dito?” Wala siyang ideya kung kanino talagang anak ang bata. Hindi siya kumbinsido na anak ito ng pinsan ng babae. With all of her lies, he knew well.
“I’ll buy him an Ipad,” ang kamukha ni Jonelyn ang sumagot.
Tumaas ang sulok ng labi niya bago mabagal na isinandal ang likod sa upuan. “Saan ka kukuha ng pera?”
Hindi lingid sa kaalaman niya na simula nang ikasal sila ay wala na rin ang mga credit cards nito at pinagbawalan na ng mga magulang na gumasta gamit ang pera ng mga Interino. Ayaw niyang makialam sa isyung pampamilya kaya lang ay hindi niya naatim nang matyempuhan niyang sasaktan sana ito ng sariling ama.
Nagbukas siya ng bangko para sa allowance nito buwan-buwan. Wala din kasing trabaho ang babae kahit noon pa man na dalaga ito.
“Sa allowance ko.”
Mas tumaas ang sulok ng labi niya sa pagka-amuse rito. “Meron pa?”
“Oo naman? Anong akala mo sa akin, gastador?”
Mas nakumpirma niyang hindi ito ang ex-girlfriend niya dahil maluho si Jonelyn.
Hindi na siya nakipagtalo pa bagkus ay itinuon na lang niya ang tingin kay Kismo. Nang matapos silang kumain ay sinamahan niya ang mga ito sa tindahan ng mga gadget. Buhat-buhat niya ang bata at naglibot-libot habang kausap ng asawa niya ang agent para sa mga latest version ng Ipad.
“Gusto mo niyan?” tanong niya sa bata nang mapansin na nakatingin ito sa mga remote control car na naka-display sa dulong bahagi ng store.
Umiling si Kismo, may lungkot sa mga mata. Binigyan na raw ng mama nito.
“Bad ba ako, Tito Cast?”
Ibinaba niya ang bata sa upuan at pinagmasdan ng husto. “May ginawa ka bang mali?”
Pinaglaruan nito ang kamay at ilang beses na sumulyap sa kanya. “Minsan iisip ko di ko mama si Mama ko.”
Kumunot ang noo niya, hindi nakuha agad ang sinabi nito.
“Ang bait kasi ni Mama ko ngayon. Lab ko pa rin siya kahit papalo niya ako dati.”
Umupo siya sa harapan nito at itinuro si Jonelyn. “Sinong mama mo? Siya?”
“Opo. Mama ko po pangalan Jonelyn Interino tapos papa ko pangalan Luis Argones.”
Saglit siyang natigilan sa nalaman. Anak ni Jonelyn si Kismo kay Luis? At alam iyon ng babaeng kasama nila ngayon. Hindi ito magsisinungalin tungkol kay Kismo kung wala itong alam.
“Sabi sa akin ni Mama dati salot daw po ako. Bad ang salot di ba? Palagi niya ako palo tapos galit siya sa akin dahil sira ku daw buhay niya. Di ko naman alam ‘yun.”
Gumuhit ang awa sa dibd ib niya nang mas lumungkot ang mata ng bata. Pati ang boses nito ay nasasaktan sa murang edad.
“Pero ngayon bait na siya. Bait-bait na talaga. Lab ko siya. Pero di siya mama ku kasi iba amoy niya. Tapos wala siyang nunal dito. Lagi ko siya ki-kiss do’n kapag tulog siya.” Itinuro nito ang parte ng sintido na malapit na sa tainga.
“Your mom loves you too.” Iyon lang ang nasabi niya dahil hindi pa tuluyang pumapasok sa utak niya ang nalaman sa bata.
Ilang sandali itong natahimik bago tumango. Nagpaalam ito sa kanya na lalapitan ang ina nang pinaypay ng babae ang bata. Ipapakita yata ang gadget na napili.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng tumunog iyon. Email sa kanya ni Pink ang dumating. Binuksan niya iyon at pinasadahan ng tingin.
Maraming impormasyon ang nakalagay ngunit isa lang ang agad na hinanap ng kanyang mga mata.
“Joana Interino,” the name rolled in his mouth like it was made for him to say that name over and over again.
Nagtagis ang mga bagang niya nang maghalu-halo ang saya, pagkadismaya at galit sa kanyang sistema nang makumpirmang niloloko nga lang siya ng babae. Inaasahan naman na niya iyon subalit, iba pa rin talaga kapag may patunay na na pinaikot siya ni Jonelyn at Joana.
The two are d-mn twins, freaking obvious—f-ck!
Bumalik sa utak niya nang muli niya itong makita matapos ang napakaraming taon sa engagement party na hinanda ng mga magulang nila. She was shy and timid. Hindi makatingin sa kanya.
But on the day of their wedding, nakangisi sa kanya ang babae. Sinusura at palaban na sinikmurahan siya nang pagbantaan niyang magiging impyerno ang buhay nito sa kanya.
Bakit ba hindi agad siya nagduda na ibang tao ang kasama niya?
PAIRAP na nagbawi si Joana ng tingin kay Castiel na buhat-buhat si Kismo. Gusto niya na naman itong kutusan sa pagtatanong kung saan niya kukunin ang pambili niya ng Ipad sa pamangkin niya. Naalala na naman niya nang harap-harapang tinawag siya nito na gold digger.
Iyon yata talaga ang tingin nito kay Jonelyn na kinaiinisan niya dahil matipid ang kapatid niyang iyon. Palagi nga siyang hinahatian ng baon kapag hindi siya binibigyan ng mga magulang nila.
Kung ayaw nitong pagalawin ang allowance na ibinibigay nito, may pambili naman siya. Kaya na niyang bumili ng limang bahay at kotse sa ipon niya. Bukod kasi sa magarang magpasweldo ang Vesarius Airlines, marami rin incentives at benefits ang mga empleyado roon kaya wala siyang masyadong pinagkakagastusan.
Sampalin niya ito ng pera niya, eh. Arogante talaga kahit masarap sa kama. Yum!
Nag-init ang kanyang mga pisngi nang sumagi sa isip niya ang pinaggagawa nilang dalawa ni Castiel nang nagdaang mga gabi at umaga. Nawala na sa isip niya ang mga konsekwensya sa mga ginagawa niya.
She felt loved and important in the arms of her twin sister’s husband.
Sa bawat haplos at h alik nito ay ramdam niya na siya ang pinakamaganda, na may silbi ang buhay niya. Hindi lang basta patapon at walang kwenta katulad ng palaging sinasabi sa kanya ng mga Interino.
Pasulyap-sulyap pa rin siya kina Castiel at Kismo habang kinakausap siya ng staff. Para itong mag-ama na nagbo-bonding habang hinihintay ang mommy na matapos magshopping.
Siya ang mommy. Lihim siyang natawa kahit alam niyang nagfe-feeling na naman siya. Kung may magiging mommy man ng mga anak ni Castiel ay si Jonelyn iyon at hindi siya.
Nagustuhan ni Kismo ang latest version ng Ipad na inoffer sa kanya ng ahente. Nakakapit pa rin sa kanya ang pamangkin nang magbayad siya sa cashier. Si Castiel ay naroroon pa rin sa pinag-iwanan ni Kismo, kunot ang noo habang nakatingin sa cellphone nito.
Kung ano man ang nabasa nito sa cellphone ay iyon ang nagpabago ng mood ng lalaki.
Walang itong kangiti-ngiti nang lumabas sila ng tindahan. Hindi na rin nito binuhat si Kismo at parang walang kasama na naglalakad. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni Kismo dahil maligaya ito sa bago at kauna-unahan nitong gadget.
Nawala ang ngiti niya para sa pamangkin nang mamataan niya ang dalawang taong kalalabas pa lamang ng boutique.
Awtomatikong hinawakan niya si Kismo para itago sa likod niya.
“Who is this kid, Jonelyn?” mabagsik ang mga matang tanong ni Marcos Interino sa kanya.
CHAPTER 6 Mabilis na tumakbo si Kismo papunta kay Castiel nang hinila siya ng ama palayo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa kirot dulot ng kamay nitong mistulang bakal sa diin. “What are you doing, Jonelyn?” singhal nito nang tumigil sila sa parting walang masyadong tao. “Hindi mo na nga nakukunan ng pera ang asawa mo, ipinakita mo pa ang batang iyon sa kanya.” “Hindi ko sinasadya, Pa.” “Tonta! Nanlamig sa ‘yo ang asawa mo dahil may anak ka sa iba. Kaya hindi sinusunod ang gusto mo.” Kailan pa niya naging kagustuhan ang humingi ng milyones kay Castiel? Mas dumiin ang pagkakahawak ni Marcos sa kanyang braso at mas naging mabagsik ang tabas ng mukha. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo na ipalaglag ang batang iyon dahil magdadala lang ng kamalasan. Tingnan mo ang nangyari! Kapag sinabi ko sa asawa mo ang mga ginawa mo noon, pupulutin ka sa putikan. Huwag mo kaming subukan ng mama mo. Magkaroon ka ng utang na loob
CHAPTER 7 Palipat-lipat ang tingin tingin ni Kismo sa kanya at sa babaeng nasa harap niya—magkamukhang-magkamukha silang dalawa. “Dalawa mama ko?” mangiyak-ngiyak na sambit ng bata habang nakatingala pa rin sa kanila. Nabaling rito ang tingin ni Jonelyn at binigyan ng matalim na tingin si Kismo. Nanlalaki ang mga mata nito at napayuko. “Balik sa kwarto mo. Hindi ba’t ilang beses kong sinabi sa ‘yo na huwag kang sasabat sa usapan ng matatanda?” singhal dito ng kakambal niya. Napalunok si Kismo at tumingin muna sa kanya bago naluluhang tumakbo papasok sa kwarto nito. “Jonelyn, don’t be hard on him.” “Masyado siyang pasaway. Anyway, kumusta ka na?” Sa ilang sandali ay nabigla siya sa pagbabagong ng tono ng pananalita nito.Iba na nga si Jonelyn.Hindi na ito ang mahiyain at hindi makabasag-pinggan na kapatid niya. Siguro kapag kaharap ang ibang tao ay ganon pa rin ang ipinapakitang ugali nito. Ngunit sa klase ng pak
CHAPTER 8 Nanlalatang nakipagsabayang lumabas si Joana mula sa conference room ng Vesarius Airlines. Nagpatawag kasi ng meeting ang big boss nila para sa ilang concern ng airlines katulad ng paglilipat ng pwesto ng mga piloto. Last week, she requested to be assigned at Vesarius Airline in Canada. Wala na siyang dahilan pa para manatili sa Pilipinas. Gusto niyang makalayo na sa bansang itong dahil pinapaalala lamang sa kanya ang mga namagitan sa kanila ng lalaking hindi naman niya pag-aari. “Are you okay?” Napalingon siya sa kapwa piloto na si Ejay nang muntikan nang bigla na lang siyang nahilo. Humawak siya sa hamba ng escalator at ipinikit ang mga mata. Ilang araw na niya iyong nararamdaman. Sa kagustuhang huwag maalala si Castiel, sunod-sunod niyang tinanggap ang mga flights ng mga piloting nag-off duty. Nabigla yata ang katawan niya dahil ilang buwan din siyang walang ginagawa sa Rancho Revamonte. “Dalhin kita sa clini
CHAPTER 9 Bakas ang kadiliman sa mga mata ni Castiel ng salubungin niya ang tingin nito. Kung galit iyon o kung ano pa man ay hindi na niya dapat pang pag-aksayahan ng panahon na alamin. Parang walang nakita na iniwas niya ang tingin at normal ang kilos na dumiretso sa buffet table. Bumalik ang takam niya sa mga seafoods nang magsimula siyang kumuha ng mga iyon. Inignora niya ang matalim na sulyap sa kanyang likuran at itinuon ang buong atensyon. “Hey.” Gulat na nabitawan niya ang kitchen thongs nang bigla na lang may nagsalita sa tabi niya. Nang magtaas siya ng paningin, ang nakangiting si Ejay ang nakita niya. Akala niya si Castiel. “Nahihilo ka pa rin ba? Nanginginig ang kamay mo?” Nang bumaba ang mga mata niya sa mga kamay, saka pa lamang niya napagtanto kung gaano siya katensyonado. “Okay lang ako.” “May problema ba? Magugulatin ka yata ngayon. Let me help you with that.” K
CHAPTER 10 Lumagabog ang pintuan ng suite ni Joana nang makapasok siya roon.She left Castiel in the hallway smells stinky because of her vomit. Kasalanan naman ng lalaki dahil may sapak yata sa utak na kinarga pa siya pabaliktad. Bumaliktad din tuloy ang sikmura niya.Mariin na kumapit siya sa kanto ng lababo nang maramdaman niya muli ang pagtaas ng kanyang sikmura. Nailabas niya na yata lahat ng kinain niya pati na rin kaninang umaga.Nabigla yata talaga ang katawan niya sa sunod-sunod niyang trabaho. Kailangan niya sigurong magpatingin sa doktor at magpahinga na rin.Agad siyang sumampa sa malambot na kama matapos makapaghilamos. H inubad niya ang kanyang suot na sandals pati na rin ang dress at saka basta na lang iyon itinapon sa kung saan. Narinig niya ang pagkatok sa labas. Naghalo ang pagod at pagkahilo sa kanyang sistema na hindi niya na pinagkabaalahan pang alamin kung sino man iyon.Kinabukasan, iyon na naman ang katok sa kanyang pintuan. Naririnding bumangon siy
CHAPTER 11 Kinuha ni Castiel sa backseat ng kanyang sasakyan ang mga pinamiling pasalubong galing Maynila. Ilang sandali niyang pinakatitigan ang ancestral home, partikular na ang veranda na siyang kwarto nila ng asawa. Kapagkuwan, hiniwalay niya ang paper bag na para rito at kay Kismo. Sa pananatili ng bata sa kanila, marami siyang natuklasan sa babaeng nagpapanggap na asawa niya. Mabunganga lang at talagang palaban pero mabait sa bata. Kung ituring nito si Kismo ay parang sariling anak.Ah, that kid! Kismo brought different joy to him these past few days. Pumunta siya sa Maynila para asikasuhin ang ibang negosyo ng kanyang pamilya at para na rin makapag-isip sa dapat gawin. Hindi siya makapag-isip ng tamas a tuwing nakikita ang mukha ni Joana.Naghahalo ang inis at pagkagusto niya para rito. Hindi niya alam kung papakinggan niya ba ang bahagi ng kanyang sistema na nagsusumigaw na hayaan na lang ang babae o paibabawin ang pagkamuhi niy
CHAPTER 12 “Shot! Shot! Shot!” Itinaas ni Joana ang shot glass bago sumigaw at ini-straight iyon. Malakas siyang tumawa at itinuro ang babaeng kalaban sa inimun. “Wala ka pala eh.” Sigawan ulit ang mga taong nakapaligid sa kanila nang bumagsak mestisa. Lagapak ang mukha sa mesa at gulo-gulo ang buhok. Nakailan na siyang shot at mahilo-hilo na rin siya. Ngunit tuloy pa rin ang ligaya niya nang gabing iyon. Umatungal siya ng iyak kanina, ngayon ay magpapakalasing siya hanggang sa mawalan ng ulirat. “Sino pa ang lalaban? Wala na? Mahina!” Umisang inom pa siya sa shot glass at nagtaas ng gitnang daliri sa lahat kasabay ng pagpapatugtog ng DJ ng nakakaindak na musika. Nagsigawan ang mga parokyano ng bar at binaha ng tao ang dance floor ng lugar. Iginiling niya ang baywang ay nakipagsabayang sumayaw sa mga kaibigan. “Lasing ka na!” pasigaw na wika ni Ejay malapit sa kanyang tainga. “H
CHAPTER 13ESPEGEE!!! Joana found herself writhing in pleasure as Castiel keeps lapping and licking her p-ssy. Her head was placed against her pillow and her back was arching from time to time. Ang pagsiil ng h alik sa kanya ni Castiel kanina ay nagpalunod sa kanya. Nang buhatin siya nito papasok sa kanyang inuokupang suite ay tuluyan na siyang nawala sa katinuan. Hindi na niya inisip na galit nga pala siya rito dahil sa pambubugbog nito kay Ejay. Na iniiwasan niya nga pala ito dahil may kasalanan sila ni Jonelyn. Higit sa lahat, iniiwasan niya nga pala ito dahil asawa ito ng kanyang kakambal na kahit mahal niya ay hindi siya manunulot. Pero sadyang marupok siya at kinain ang mga panenermon sa sarili! Nagpakatanga siya kay Revamonte at hinayaan itong may mangyari na naman muli sa kanila. “Cast,” she moaned when he flicks his tongue inside her, sending a tingling sensation in every piece of her system. “Cast oh…”
EPILOGUE 8 YEARS LATER “Happy Birthday, Baby!” “Thank you, Mom.” Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ni Celine at mangiyak-ngiyak na nagsalita. “You’re so grown up now. Where did the years go? Eighteen ka na. Sa susunod, magkaka-boyfriend na. Mag-aasawa, magkaka-baby na rin.” “Mom,” reklamo ni Celine sa kanya. “You’re so advance naman mag-isip. Emosyonal na pinunasan niya ang mga luha at natawa. It’s Celine’s eighteenth birthday. Hinandaan ng engrandeng debut ang panganay na apo ng mga Revamonte sa mansyon. Ang ganda-ganda ng baby Celine niya sa yellow ball gown nito. Parang prinsesa. Datil ang ang liit-liit pa lang nito at iyak nang iyak. Sinasabayan niya pa dahil hindi siya marunong mag-alaga ng bata nang mga panahong iyon. Datil ang ang kulit-kulit nito, pilyang-pilya at nakikipagrambulan sa mga kaklase noong grades school. Pero ngayon, malaki na si Celine, Responsible, matalino, hindi siya bi
PERFECT MISTAKE 55 Killian smiled at Celine when the little girl saw him in front of her classroom. Nanunubig ang mga matang nagtatakbo ito papunta sa kanya. “Daddy!” hagulhol ni Celine nang literal na itinapon nito sa kanya ang sarili para yakapin siya ng mahigpit. “Hey,” puno ng lambing na hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. His baby. Celine is his. Totoong sa kanya at hindi lang dahil gusto nitong maging daddy siya. Bakit hindi niya agad na anak niya si Celine? Noon pa man naramdaman na niya ang lukso ng dugo rito nang unang beses nilang nagkita. Pero inisip niya na dahil lang kapatid niya rin ito sa ama. Hindi ito kay Castiel nagmana, sa kanya. Siya ang kamukha ng baby niya at hindi ang daddy niya o si Nadia. “Daddy, thank you po sa pagpunta. Sama ka na po sa akin sa house.” Maingat niyang iniluhod ang isang tuhod sa lupa at pinakatitigan ang anak. Mine-memorya niya ang mukha ni Celine
PERFECT MISTAKE 54 Nangingig pa ang mga kamay ni Rosey nang kunin niya ang inabot ni Thor na panyo upang punasan ang kanyang mga luha. “You okay?” mahinahon nitong tanong sa kanya at bahagya pang yumuko upang silipin siya. Sumigok-sigok pa siya bago tumango sabay punas ng luha. Kapagkuwan ay tiningala niya ang lalaki, humihingi ng pasenysa ang mga mata. Thor chuckled and pinched her cheek. “It’s fine.” Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hinalikan niya na lang basta si Thor kanina. “S-Sorry, Thor. B-Baka magalit… ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya.” “It’s fine, Rose. Sasabihin ko naman na sa kanya. If ever there is a problem and I need your help, tatawagan kita.” He blew a hard breath and laughed again. “At least, tapos na ako sa utos ni Kien Massimo. One down, more to go from others.” Naawa kay Thor na lumabi siya. “Okay lang ba sa ‘yong inuutus-utusan ka ng mga ‘yon?
PERFECT MISTAKE 53 Hindi mapakali—pabalik balik sa paglalakad si Killian habang hinihintay na magising si Rosemarie. Tuluyan itong hinimatay sa taas ng lagnat. He felt so guilty taking her multiple times despite he knew the woman was unbelievably tight. Obviously, his flower doesn’t have any sexual intercourse for years. Halos maulol siya nang madiskubre iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na angkinin ito nang paulit-ulit. Adik na adik siya, kaunting galaw lang nito kagabi sa tabi niya, nabubuhay ulit ang init sa kanyang katawan. Gadamnit! He’s addicted and so in love with her. Papakasalan niya na ito, wala na talaga siyang pakialam kung may nakaraan ito at ang daddy niya. Babanggain niya ang lahat ng tututol. H umalik siya sa noo ni Rose bago napagdisisyunang kukuha lang saglit ng kape sa labas. Wala pa siyang kahit almusal man lang. Sinugod niya agad si Rosey sa hospital nang makitang nagdidiliryo
PERFECT MISTAKE 52ESPEGEE!!! Small moans were coming from Rosey’s mouth while Killian’s long fingers rubbed her femininity. Every move of his fingers creates an unexplainable sensation. “Wet. D-mn wet,” may gigil nitong bulalas habang nasa ibabaw niya. Katulad nang kung paano ito nanggigil kanina nang makitang magkasayaw sila ni Dwight sa dance floor. In front of the guest, he rudely stole her from Dwight’s arms and dragged her out of the hall. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagpalitan ng maiinit na h alik dito sa loob ng kotse—sa parking lot. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Killian. Dumilim ang mga mata nito sa pagnanasa nang kusa niyang iginalaw ang balakang upang ikiskis ang sarili sa daliri nito. “Uh…” Umuklo ito sa kanya hanggang sa lumapat ang mainit nitong labi sa kanyang leeg. She heard him sniff before s ucking the most sensitive part of her neck. “Ahh…” Inilipa
PERFECT MISTAKE 51.2 Kung hindi pa sumulpot ang staff sa bungad ng veranda, hindi pa makakalma si Nadia. Mahigpit siya nitong niyakap habang panay ang sabi ng ‘sorry’ sa kanya. “Our guest arrived, Ma’am Nady.” “Thank you, Gine. Handa na rin ba ang cake?” parang walang nangyaring balik sa pagiging sopistikada ang ekspresyon ng kapatid ni Killian. “Yes, Ma’am. Two different flavors just like what you instructed to us.” Nang tuluyan silang makapasok sa loob, narinig niya agad ang masaya ngunit umiiyak na boses ni Tita Joana. Napakurap-kurap siya nang makita niya ang dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha. Pareho silang nakanganga ni Celine sa dalawang babae habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. “Mommy, bakit po dalawa ang Mama-Ganda? Panaginip ba ‘to?” “Kismo,” tawag ng babae—na sigurado siyang si Tita Joana dahil sa suot nito—matapos humiwalay sa mahigpit na yakap ng kakambal. “Thank you so much for bringing her to me.” Ma
PERFECT MISTAKE 51.1 It’s Joana Revamonte’s birthday. Sa Almeradez Hotel piniling mag-celebrate ng ginang. Tinawagan nito si Rosey nang nakaraan para sabihing na dumalo siya at isama si Celine. Ilang buwan na rin na hindi sila nag-uusap ng babae. Minsan, naiisip niya na galit din ito sa kanya dahil tinawag niya itong makasarili. Napagtanto niyang mali siya roon. Dahil kahit sinong ina ay magiging makasarili para sa kapakanan ng anak. “Wow, Mommy. I love the lights.” Mahina siyang natawa at hinaplos ang buhok ni Celine. “That’s chandelier, Baby. Di ba may ganyan din sina Papa-Uncle mo?” “Opo, pero hindi ko pa nakikitang may light.” Hinawakan niya ang kamay ni Celine nang pumasok sila sa entrada ng Almeradez Hotel. “Mama Ganda,” excited na sigaw ni Celine at sinalubong ng yakap ang birthday celebrant. “Hey, Celine. Ang ganda naman ng baby ko.” Yumuko ang ginan
PERFECT MISTAKE 50 “Where have you been?” tanong ng malamig na boses sa kanyang likuran. Kalmadong kinuha niya ang bag sa backseat ng kotse at hinarap si Killian na prenteng nakasandal sa poste ng teresa ng kanyang bahay. “Nag-overtime ako. Nasaan si Celine?” Humithit ito sa sigarilyong may sindi na nakaipit sa daliri nito. “You’ve been working overnight theses past few days. Don’t you think you’re being a good example to our daughter?” “Nag-usap na kami tungkol dito dati pa.” Dumaan siya sa gilid nito bago pa man makasagot sa kanya. “Celine understands you,” sunod nito hanggang kusina, “but how long? Pati umaga hindi ka na niya nakikita. You always leave early.” “Ang dami kong trabahong inaasikaso, Kil.” Nagtataka siya kung bakit katulad niya, nanatiling kalmado ang boses ni Killian. Parang pigil na pigil na maging galit ang tono. “Have you eaten?” Napapiki
PERFECT MISTAKE 49.2 “Daddy, bakit po tulala ikaw?” Umakyat si Celine sa kandungan niya habang nakahiga siya sa lounge chair kaharap ng malawak na dagat. “Kanina pa po ako salita nang salita, hindi ka naman nakikinig sa akin.” Bumangon si Killian at inayos si Celine sa pagkakaupo nito. “Sorry, Peanut. Where’s your mom?” “Hindi pa po nalabas sa villa.” Tumingala ito na parang nag-iisip. “May sakit po si Mommy ko, Daddy? Hindi po kasi siya nagi-smile. Tapos iyong lakad niya parang pilay siya. Masakit ba body niya?” Hindi agad nakapagsalita si Killian. Titig na titig siya kay Celine. May kung ano sa kanya na hinahanap sa mukha ng bata. Subalit, kahit anong titig niya rito ay hindi niya masabi kung ano. There’s something in him that wants to confirm about Rose’s reaction through Celine. “Daddy,” may tono na ang reklamo ni Celine. Kulang na lang ay pumadyak ito. “You and Mommy are so weird talaga po t