"Hello." Magalang na bati ni Zyaire sa mama ni Lyresh. "Hindi ko alam kung anung napagkasunduan niyo ng anak ko pero ang ayoko lang ay masaktan nanaman siya uli. Nawala na sa kanya ang baby niyu Zyaire wag mo na sana pang dagdagan ang bigat sa kalooban niya. Alam kong mahirap din para sayo dahil wala kang maa lala sa nakaraan niyo pero ina lang ako na tanging kaligtasan at kaligayahan ng anak ang asam. Matanda na ako sana wag mong saktan uli ang anak ko.." Taimtim ang bawat salitang pinapakawalan ng matanda. Nakikinig lang naman si Zyaire dahil hindi niya malaman ang isasagot rito. "I will try my best pero hindi ako nangangako. Kagaya ng sinabi mo wala akong maa lala sa aming dalawa. Ang pwede ko lang ipangako.. Hindi ko na siya pagbubuhatan pa ng kamay.." May sinseridad man sa tinig ni Zyaire ay huli na. "Pinagbuhatan mo ang anak ko?? Anung klase kang lalaki?? Kahit pa anung dahilan wala kang karapatan saktan siya. Hindi ko nga siya padapuan sa lamok nung baby pa siya tapos ika
[LYRES FONTANILLA] Dumating ang gabi at ngayon katabi ko si Zyaire pero magkatalikuran kami. Iniisip ko kung anung iniisip niya. Iniisip ko kung anung nararamdaman niya. Gusto ko siyang yakapin pero wag na lang. Hindi ko malaman kung anung gusto ko sa mga oras na to. Nababagabag ang kalooban ko. Nag aalala ako kay mama. Hindi dapat siya nahihirapan o nasasaktan ng dahil sa akin. Huminto ang isip ko ng maramdaman ko ang haplos ni Zyaire sa aking likuran. Minsan iniisip ko kung anung dahilan ng pakikipag talik niya sa akin. Dala ba ito ng pagmamahal o tawag lang ng laman. Saan man duon wala akong choice kundi tanggapin. Ako ang nagpumilit sa ganitong set up. Lalaki lang siya at hindi makakatagal kung may kasamang babae sa isang kwarto. Anu pa nga bang pag iisipan niya kung nakahain na sa kanya ang putahing gusto niya hindi ba. Susunggaban mo itong hindi hamak. Lalaki lang siya na may nature na madala sa tawag ng laman. Pero lalaki din naman siya na may kakayahang magmahal hindi ba
[FIERO GRECO] "Anu bang atin, Stefano? Anu tong hindi mo masabi sa phone at talagang gusto mo in person pa?" "Mag reresign na ako Fiero.. Gusto kong magsimula kami ng bago ni Yanah malayo sa lahat ng ito. Alam mo naman siguro kung anung pinagdadaanan ng pagsasama namin ngayon." "Hindi mo pwedeng ilayo ang bata kay Zyaire, Stefano. Hindi ako papayag.." Pagmamatigas ko. "Alam ko Fiero. Hindi naman ako walang pusong tao para ipagkait sa bata ang tunay niyang ama. Babalik kami kapag pwede na. Kapag handa na si Zyaire na maging ama.." Napahinto ako at napatingin lang sa kanya ng diretso. May punto din naman siya. Karapatan niyang magpasya sa ikabubuti nilang mag asawa. Minsan ko na itong ginawa kaya naiintindihan ko siya. "Kailan nyu balak umalis? At saan naman kayo maglalagi? Hindi ka na iba sa akin Stefano at tinuring na kitang parang nakababatang kapatid." FAST FORWARD>>> Agad din akong bumalik ng mansion after ng pag uusap namin ni Stefano. Kailangan malaman ni Lyresh ang pag b
[NARRATOR]Ang araw para mabunyag ang lahat ay dumating na. Tadhana na marahil ang gumawa ng paraan para malaman ni Lyresh ang tungkol sa batang nabuo ng kataksilan. Puno ng poot ang kanyang puso na nagpunta kay Yanah. Magkakahalong emosyon ang nababalot sa mga oras na ito kay Lyresh. Madaming tanong sa utak niya ang hindi mabigyan ng kasagutan. Lulan ng kanyang sasakyan kasama si Fiero walang humpay ang pag tulo ng mapait na luha sa kanyang pisngi. Parang rumaragasang tubig, naghihinagpis ang kanyang kalooban."Fiero.. Anong-" Bago pa man matapos ni Stefano ang sasabihin nakuha na ang kanyang atensyon ni Lyresh. Salubong ang kilay nitong napatingin sa direksyon ni Lyresh. "Asan ang asawa mo?" Bakas sa mukha nito ang namumuong bagyo kasabay ng tinig na parang kulog. Hindi agad gumana ang utak ni Stefano para masagot si Lyresh. Tila nakutuban niya na kung anong pakay nito. "Asan sinabi ang asawa mo?? Asan si Yanah?" Bahagya ng tumaas ang boses nito na ikinabahala ni Stefano. "Calm
[NARRATOR] Bago pa man matuluyan si Zyaire dumating ang mga police marahil naireport ito isa sa mga guess sa bar ng magsimula ang gulo. Mabilis na nakatakas si Don Augustu kasama ang kanyang mga tauhan. Dinala naman si Zyaire sa malapit na hospital. Nagmistulang longganisa ang mukha nito at halos mapuno ng galos ang buong katawan. [LYRESH FONTANILLA] Pabalik na kami ni Fiero ng mansion. Wala kong naging imik habang nasa sasakyan kami. "Are you going to tell it?" Turan ni Fiero na bumasag sa katahimikan. "For what?? Will I get justification sa ginawa niyang hindi naman niya maalala?? Makukuha ko ba ang sagot na gusto ko? Anu pang dapat kong gawin Fiero?? This is too much.." Muli kong hikbi. Sumasakit na ang ulo at mata ko kaiiyak. Pero di hamak na walang kasing hapdi ang puso ko sa mga oras na to. Paano itong nagawa sa akin ni Zyaire? Anu bang mas masakit? Ang masaktan niya ako kasi hindi niya ako ma alala o ang saktan ako ng pagtataksil niya dahil LASING SIYA??? Dahil a
[LYRESH FONTANILLA]Isang linggo na ang lumipas simula ng madala rito sa hospital si Zyaire. Araw araw akong nasa tabi lang niya pero kasabay din nun ang walang tigil na pag iisip ng utak ko kung paanu niya ako nagawang pagtaksilan. Paulit ulit tumatakbo sa isip ko kung anung sasabihin sa kanya pag gising niya. Paano ko siya pakikitunguhan matapos kong malaman ang mga panloloko niya? Kaya ko pa bang makasama siya? Ipagpapatuloy ko pa ba ang katangahang ito o susuko na lang at lalayo kasama si mama. Magsisimula kami ng bago. Malayo sa lahat ng ito. Habang pinagmamasdan si Zyaire nakita ko ang paggalaw ng daliri nito. Nagitlag ako, tumayo at agad na tinawag ang nurse. Nagkakamalay na ba siya? Ilan sandali pa at dumating ang Doctor kasama ang kaninang nurse na umaksyon. Nakatingin lang ako sa kanila habang sinusuri si Zyaire. "What happened here?" Tanong ni Fiero ng dumating siya at maabutan kaming nagkukumpulan. "Gumalaw siya kanina so pinatawag ko ang Doctor niya." "Ly-lyresh.."
[ZYAIRE TORRICELLI] Bumalik na nga lahat ng alaala ko pero hindi pa sapat ang lakas ko para mayakap ang nag iisang babaeng minahal at mamahalin ko ng husto. Sa bawat pananatili niya saking silid ramdam kong may kakaiba sa kanya. Parang malayo ang loob nito pero hindi ko siya masisisi marahil dulot ito ng pagkakaroon ko ng amnesia. Higit sa lahat ang bumalik ako kay Luna matapos ang engkwentro namin ng kapatid ni Augustu imbis sa piling niya. Isa akong hangal at nawaglit siya sa isip ko. Marahil ito ang dahilan kung bakit malayo ngayon ang loob sa akin ni Lyresh. Nasasaktan ako para sa kanya ng maalala ko ang muling pag tata lik namin ni Luna nung mga panahong wala akong maalala kundi ang ex ko. Nangingitngit ako ng husto ng maalala ang muling panlilinlang sa akin ni Luna. Humanda siya sa akin sa oras na manumbalik lahat ng lakas ko. "Lyresh.. I'm so sorry for everything.. Let me fix everything when I fully recovered.." Sambit ko sa kanya ng maupo ito sa tabi ko. "I don't think
"Mabuti pang siya ang tanungin mo.." Dugtong ko pa. Karapatan ni Lyresh na sa kanya manggaling ang lahat. Kahit hindi sabihin ni Lyresh ang tunay niyang nararamdaman hindi nga naman manhid si Zyaire para hindi ito mapansin. "I doubt she won't tell because of my fucking condition.." Iritang saad nito pero wala akong magagawa. Lasapin niya lahat ng resulta ng kagaguhan niya. Wala pa ito sa mga pinag dadaanan ngaun ni Lyresh. "Then bilisan mong gumaling.." Sumilay ang punit niyang mukha sa sinabi ko. Mabuti nga iyan sayo. You deserved it all. Pahayag ko sa utak ko. Magkaroon pa kaya sila ng chance na bumalik sa dati after all?? FAST FORWARD>>> Kinailangan kong dagdagan ang mga tauhan sa palibot ng mansion para makasiguro sa kaligtasan ng lahat. Tuso si Don Augustu at nagawa niyang malinlang ang makapangyarihan na mga yakuza. Sinong maglalakas loob na traydurin si Mr. Takahashi, ang leader ng mga ito. Pag igihan niya ang pagtatago dahil mata lang ang walang latay sa oras na matagp