[NARRATOR]Ang araw para mabunyag ang lahat ay dumating na. Tadhana na marahil ang gumawa ng paraan para malaman ni Lyresh ang tungkol sa batang nabuo ng kataksilan. Puno ng poot ang kanyang puso na nagpunta kay Yanah. Magkakahalong emosyon ang nababalot sa mga oras na ito kay Lyresh. Madaming tanong sa utak niya ang hindi mabigyan ng kasagutan. Lulan ng kanyang sasakyan kasama si Fiero walang humpay ang pag tulo ng mapait na luha sa kanyang pisngi. Parang rumaragasang tubig, naghihinagpis ang kanyang kalooban."Fiero.. Anong-" Bago pa man matapos ni Stefano ang sasabihin nakuha na ang kanyang atensyon ni Lyresh. Salubong ang kilay nitong napatingin sa direksyon ni Lyresh. "Asan ang asawa mo?" Bakas sa mukha nito ang namumuong bagyo kasabay ng tinig na parang kulog. Hindi agad gumana ang utak ni Stefano para masagot si Lyresh. Tila nakutuban niya na kung anong pakay nito. "Asan sinabi ang asawa mo?? Asan si Yanah?" Bahagya ng tumaas ang boses nito na ikinabahala ni Stefano. "Calm
[NARRATOR] Bago pa man matuluyan si Zyaire dumating ang mga police marahil naireport ito isa sa mga guess sa bar ng magsimula ang gulo. Mabilis na nakatakas si Don Augustu kasama ang kanyang mga tauhan. Dinala naman si Zyaire sa malapit na hospital. Nagmistulang longganisa ang mukha nito at halos mapuno ng galos ang buong katawan. [LYRESH FONTANILLA] Pabalik na kami ni Fiero ng mansion. Wala kong naging imik habang nasa sasakyan kami. "Are you going to tell it?" Turan ni Fiero na bumasag sa katahimikan. "For what?? Will I get justification sa ginawa niyang hindi naman niya maalala?? Makukuha ko ba ang sagot na gusto ko? Anu pang dapat kong gawin Fiero?? This is too much.." Muli kong hikbi. Sumasakit na ang ulo at mata ko kaiiyak. Pero di hamak na walang kasing hapdi ang puso ko sa mga oras na to. Paano itong nagawa sa akin ni Zyaire? Anu bang mas masakit? Ang masaktan niya ako kasi hindi niya ako ma alala o ang saktan ako ng pagtataksil niya dahil LASING SIYA??? Dahil a
[LYRESH FONTANILLA]Isang linggo na ang lumipas simula ng madala rito sa hospital si Zyaire. Araw araw akong nasa tabi lang niya pero kasabay din nun ang walang tigil na pag iisip ng utak ko kung paanu niya ako nagawang pagtaksilan. Paulit ulit tumatakbo sa isip ko kung anung sasabihin sa kanya pag gising niya. Paano ko siya pakikitunguhan matapos kong malaman ang mga panloloko niya? Kaya ko pa bang makasama siya? Ipagpapatuloy ko pa ba ang katangahang ito o susuko na lang at lalayo kasama si mama. Magsisimula kami ng bago. Malayo sa lahat ng ito. Habang pinagmamasdan si Zyaire nakita ko ang paggalaw ng daliri nito. Nagitlag ako, tumayo at agad na tinawag ang nurse. Nagkakamalay na ba siya? Ilan sandali pa at dumating ang Doctor kasama ang kaninang nurse na umaksyon. Nakatingin lang ako sa kanila habang sinusuri si Zyaire. "What happened here?" Tanong ni Fiero ng dumating siya at maabutan kaming nagkukumpulan. "Gumalaw siya kanina so pinatawag ko ang Doctor niya." "Ly-lyresh.."
[ZYAIRE TORRICELLI] Bumalik na nga lahat ng alaala ko pero hindi pa sapat ang lakas ko para mayakap ang nag iisang babaeng minahal at mamahalin ko ng husto. Sa bawat pananatili niya saking silid ramdam kong may kakaiba sa kanya. Parang malayo ang loob nito pero hindi ko siya masisisi marahil dulot ito ng pagkakaroon ko ng amnesia. Higit sa lahat ang bumalik ako kay Luna matapos ang engkwentro namin ng kapatid ni Augustu imbis sa piling niya. Isa akong hangal at nawaglit siya sa isip ko. Marahil ito ang dahilan kung bakit malayo ngayon ang loob sa akin ni Lyresh. Nasasaktan ako para sa kanya ng maalala ko ang muling pag tata lik namin ni Luna nung mga panahong wala akong maalala kundi ang ex ko. Nangingitngit ako ng husto ng maalala ang muling panlilinlang sa akin ni Luna. Humanda siya sa akin sa oras na manumbalik lahat ng lakas ko. "Lyresh.. I'm so sorry for everything.. Let me fix everything when I fully recovered.." Sambit ko sa kanya ng maupo ito sa tabi ko. "I don't think
"Mabuti pang siya ang tanungin mo.." Dugtong ko pa. Karapatan ni Lyresh na sa kanya manggaling ang lahat. Kahit hindi sabihin ni Lyresh ang tunay niyang nararamdaman hindi nga naman manhid si Zyaire para hindi ito mapansin. "I doubt she won't tell because of my fucking condition.." Iritang saad nito pero wala akong magagawa. Lasapin niya lahat ng resulta ng kagaguhan niya. Wala pa ito sa mga pinag dadaanan ngaun ni Lyresh. "Then bilisan mong gumaling.." Sumilay ang punit niyang mukha sa sinabi ko. Mabuti nga iyan sayo. You deserved it all. Pahayag ko sa utak ko. Magkaroon pa kaya sila ng chance na bumalik sa dati after all?? FAST FORWARD>>> Kinailangan kong dagdagan ang mga tauhan sa palibot ng mansion para makasiguro sa kaligtasan ng lahat. Tuso si Don Augustu at nagawa niyang malinlang ang makapangyarihan na mga yakuza. Sinong maglalakas loob na traydurin si Mr. Takahashi, ang leader ng mga ito. Pag igihan niya ang pagtatago dahil mata lang ang walang latay sa oras na matagp
Dumating ang sunod na araw at umaga pa lang bumangon na ako para simulan ang pagpasok ng trabaho. Pagdating ko ng building wala ako sa aking sariling tinahak ang aking opisina. Hindi nawawala sa tabi ko si Fiero simula pa kanina sa sasakyan pero hindi nito ibinuka ang bibig kahit para sa isang salita. Marahil dama din niya kung ano ang nasa kalooban ko. Marahil batid niyang kailangan ko ng katahimikan at mag isang harapin ang sariling kinatatakutan. "Mrs. Torricelli.. I'm so sorry to disturb you but your meeting will start in 30 minutes.." Si Suri ito ang aking assistant. "Sabibin mo cancell ang meeting.." Ikinagulat namin pareho ang pagsingit ng isang pamilyar na boses. Si Zyaire ngayon ay nasa harap ko. "Susunod na ako, Suri.. Ako ang boss mo kaya ako lang ang pakikinggan mo.." Ma awtoridad kong hayag. Hindi man ako nakatingin alam kong nag iwan ito sa kanya ng malinaw na utos. "No! Leave us alone for a minute.." Giit ni Zyaire pero diko siya pinansin. Palabas na ako ng mahawa
[ZYAIRE TORRICELLI] Habang nasa sasakyan at nililibot ang buong sulok ng lugar para mahanap si Lyresh sumagi sa isip ko ang baby namin. Did she tell na namatay ang anak namin? Tumulo ang mapait kong luha sa mabigat na katotohanang yun. Wala akong kwentang ama. Hindi ko naprotektahan ang sarili kong anak at ako.. Ako ang may kasalanan ng lahat.. Paano nangyari ang lahat? Paanung nawala ang baby? Bigla akong nag isip ng malalim. Inalala ko ang mga nagdaang araw. Anung ginawa ko??"Fiero.." Nanghihinang tawag ko saking katabi. "Yes, Zyaire?" "Paanong.. Paanong nawala ang anak namin ni Lyresh?? HOW??" Sumilay ang pait sa mukha ko at patuloy na umagos ang luhang dulot ng pighati at pagkatalo sa mismong sarili ko. "Nalaman ni Lyresh na ikakasal ka kay Luna kaya nakunan siya.. Hindi niya kinaya ang sunod sunod na dagok ng buhay sa kanya. Hindi ka nakarating ng kasal niyo.." Sa sinabi niya naalala ko ang araw na tinambangan kami ng mga hindi kilalang tao na puros nakaitim at may takip
[NARRATOR] Natrace nila Zyaire kung saang lugar ang huling pakikipag usap niya kay Don Augustu pero bago pa man sila makarating duon ay nakaalis na ang mga ito. "FUCK!! Saan niya dinala ang asawa ko?" Galit na galit na sigaw ni Zyaire. Naninigas at nanginginig na kinuyom ang kanyang mga palad. Malakas na dumapo ang kanyang kamao sa pader kung saan nakita niya ang ilang lubid. Marahil isa ito sa mga ginamit para maigapos ng husto si Lyresh. "Mata lang niya ang walang latay, FIERO sa oras na kantiin niya si Lyresh!! MATA LANG ANG WALANG LATAY.." [EMMA GRECO] "Asaan ba ang anak ko, Emma at bakit wala pa siya dito sa bahay?? Anung oras na, Emma.." Alapap na tanong ni Tita. Kunot ang mukha kong hindi malaman kung anung sasabihin sa kanya. Kanina ko pa hawak ang phone ko at nag aantay ng tawag ni Fiero pero lumipas na ang ilang oras. Wala pa din siyang balita. "Hinahanap na po siya nila Don Zyaire. Kumalma po kayo.." Pagpapanatag ko sa kanya pero hindi ito epektibo. "Paano akong ka