Share

Chapter 04

Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. "You called an ambulance?"

"Yes, we're on our way..."

Pinatay ko na agad ang tawag at tumakbo na pababa sa emergency room. alam kong dito pupunta ang ambulansya dahil ito naman ang number 1 trauma center sa bansa.

"Jayde!"

Narinig kong tinawag ako ni Yuan at nararamdaman ko rin na nakasunod sya sa akin habang tumatakbo ako pero hindi ko siya pinansin. Alam kong bawal tumakbo sa ospital pero hindi ko mapigilan gayong alam ko na nasa bingit ng kamatayan ang nanay ko at may balak itong sundan ang kapatid ko sa impyerno.

Nang makarating ako sa ER ay kakarating lang din ng ambulansya. Lumabas doon si Daddy, sumunod si Mommy na nakahiga sa stretcher.

"What happened?" Lumapit ako sa kanila.

"Emma Silvestre, 48. Attempted Suicide. She was found unconcious lying on the floor with a weak pulse as her mouth foams."

Napasabunot ako sa buhok ko. "Fuck!" I hissed.

"Mommy, fight for me, please? Don't die..." Pakiusap ko sa nanay kong walang malay na balak pa yatang sundan ang kapatid ko sa impyerno.

Susunod pa sana ako para ma-examine si mommy pero may humila sa braso ko. Akaa ko si Yuan dahil sinundan niya ako kanina pero hindi. Laking gulat ko nang makita si Owen sa harap ko.

"What the..."

"As far as I know, it is forbidden for a doctor to treat people close to them because there is a chance that they may be driven by their emotions which will cause them to fail to save that person's life."

Napayuko ako. kahit nagtaaka ako kung bakit niya alam ang mga gano'n na patakaran sa ospital kahit na hindi naman siya doktor ay hindi na ako nagtanong pa.

Tama siya... Malamang ay hindi ko pa maligtas si Mommy. Sobrang emosyonal ko ngayon at hindi magfu-function ng magi ang utak ko dahil pag pamilya na ang usapan, sobrang hina ko...

Mahinang-mahina ako...

Napaayos ako ng upo nang may mag-abot na kape sa akin. tinanggap ko ang kape na binili ni Owen at tumulala ulit.

Ano ba naman kasi ang nasa isip ni Mommy para patayin ang sarili niya? Hindi na nakakatuwa dahil hindi naman ganoon ang mindset ni Mommy. Kung may mabigat naman siya problema ay alam niyang hindi pagpatay sa sarili ang solusyon.

"It's your company."

Napaangat ang tingin ko kay Owen nang magsalita siya. "What do you mean?"

Humigop siya sa kape niya at sumandal sa upuan. "Your company is slowly falling apart. I mean, it's still standing but it's losing investments. Ang mga investors ay masyadong nawili sa pagpapatakbo ng ate mo sa kumpanya kaya noong ang mommy mo na ulit ang umupo ay nagdududa na sila. There's a chance nahindi na sila bumalik kapa nalaman nila ang nangyari sa Mommy mo."

Napabuga ako ng hangin bago tumayo. "Thank's for the coffee."

Hindi siya sumagot. Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Tumalikod na ako sa kanya dahil baka halikan ko siya dyan kapag hindi siya tumigil kakatitig saain. Pakiramdam ko hinuhubaran niya ako sa mga titig niya.

Nanlaki ang mata ko at tumayo lahat ng balahibo ko. Jusko! aama na 'yan Jayde! Muntik nang mamatay ang nanay mo tapos ang landi-landi mo pa rin!

Umiling ako at isinantabi muna ang kalandian ko. Kailangan kong makausap si Daddy tungkol sa kumpanya at tanungin siya kung ano ang maitutulong ko.

"What the actual fuck?"

Doktor nga sabi ako eh!

"Mi Princesa, I couldn't take it anymore. I am so stressed with my company right now and I couldn't afford to handle another one kung sakaling mapupunta sa pamamangalaga ko ang kumpanya ng nanay mo."

Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa bench dito sa visitors lounge.

"Then what about me? Paano naman ako? Wala akong kaalam-alam sa mga pinaggagawa ninyo. Buti sana kung ang paggamot at pag-aalaga kay Mommy ang ibibigay niyo sa aking responsibilidad, pero hindi. I don't know a single thing on how to run a company!"

"Jaydie, I know why your mom did this to herself. She thinks that she is not a good mother—"

I chuckled, "I mean, where's the lie?"

"Jaydie," napatingin ako sa kanya. "You're mother did everything para lang kaibigan sa inyo lahat ng pangangailangan niyo. Lahat ng gusto niyo ay binibigay―"

Umiling ako, "She gave everything. she gave what's best for us, but that doesn't mean she DID everything. She DID NOT gave her best para maging mabuting nanay sa aming dalawa. Kasi kung totoo ngang nangyari iyon, hindi ito mangyayari sa atin."

“She did great for giving us our needs. Hindi kami naghirap sa buhay namin dahil naibigay nga niya lahat ng pangangailangan namin. Hindi siya naging mabuting ina dahil hindi naman siya gumanap man lang kahit sandali para maging mabuting ina! Isipin niyo man na wala akong utang na loob dahil pinagsasalitaan ko ng masama ang nanay ko na walang ginawa kung hindi ang bigyan kami ng maganda, magarbo, at maayos na buhay, kasi dad… Hindi namin kailangan ng magagarbong damit, masarap na pagkain, magandang eskwelahan kung hindi naman namin nararamdaman na mahal kami ng nanay namin…:

All we need is love, but that simple feeling just can’t be given for free, huh?

“Mommy!”

“Hey sweetie, how’s school?”

“I did great, mom. Meron po kaming event sa Saturday, family day daw po…”

“Oh, baby. I can’t come. I’m busy closing a deal with foreign investors on Saturday. Don’t worry, your yaya will come with you.”

Busy…

“Mommy, look oh! May star si Jaydie…”

“Oh my God! Why do you look like that? You're all covered in mud! Go change, immediately!”

Perfectionist…

“Ate? Are you okay?” I found her on the stairs, crying.

“Si, hermana. Ate’s okay. It’s already late, you should sleep…”

“She is not doing well enough! Ano na lang ang sasabihin ng iba sa pamilya natin? Si Jaydie nga ay hindi pa makapasok sa honor!”

Grade conscious…

“The kids need you!”

“I told you, I’m busy. May mga yaya nama sila, kaya na nila iyon! Hindi ko sila binabayaran para sa huli ay ako lang ulit ang mag-alaga sa mga anak ko!”

I wiped the tears on my face before I flashed a fake smile and ran towards Kate and Yuan who were already waiting at our door.

All she did was nothing but hurt everyone in this family…

Bumalik ako sa lounge para tingnan kung nandoon pa si Owen kaso ay wala na siya. Nagkibit-balikat nalang ako at tumungo sa locker room.

Nakita ko si Yuan na nagbibihis kaya kinalabit ko siya.

“Hey! How’s your mother?”

A grimace flashed all over my face. I shrugged, “Well, she’s kinda okay, for now. Hindi pa siya nagigising para i-explain sa amin ang misyon niyang sundan si Ate Skye sa impyerno.”

“Jaydie!”

Natawa ako sa reaksyon niya. Kahit kailan talaga, never siyang sumang-ayon sa lahat ng sinasabi ko.

“Hey, hey!” hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis niya.

“Ano yun?”

I flashed a sweet smile and made my eyes look cute. “Uhm…”

“Cut the crap, Matilda. Mukha kang asong ulol.”

Inirapan ko siya at padabog na umupo sa bench. “Pwede bang ikaw na lang ang magbantay kay Bloody?”

Nakita kong napakunot ang noo niya. Napabuga ako ng malalim na hininga. “The one who died multiple times at the OR table last night?”

Nanlaki ang mata niya at napangiti. “Really?” I nodded.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Thank you, thank you, Jaydie!”

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

“What the…”

Napalingon ako sa pinto at nakita doon si Owen na kasama si Sean, ang isa pang surgical intern na kasama namin.

“Sinasabi ko na nga ba eh! May tinatagong pagnanasa ka talaga kay Jaydie, Yuan eh!”

Nakatanggap siya ng batok kay Owen na seryoso ang tingin sa akin. Wait, sa akin ba talaga? Bakit naman?

“Shut the fuck up.”

“Aray ko, Kuya naman! Palagi ka nalang nananakit!”

Tinignan ako ni Owe at tumango. “Your mother is already awake. She’s looking for you.”

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Yuan at lumapit na kay Owen. “Thank you for informing me.”

Hindi siya sumagot kaya napangiwi ako. Tumingin ako kay Yuan at tinuro siya, “Si Bloody Brady, ah!”

“Ako na bahala.”

“Ha? Bakit mo binigay kay Yuan? Madaya! Ako dapat ‘yun eh!”

Hindi ko na pinansin si Sean at nagtungo na lang ako papunta sa room ni Mommy. Naramdaman kong nakasunod sa akin si Owen kya napalingon ako sa kanya.

“Sasama ka sa kwarto ni Mom?”

Hinigit niya ako sa braso na ikinasinghap ko. May kinuha siya sa bulsa niya, isa iyong panyo at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang punasan niya ng marahan gamit ng panyo ang labi ko.

“Tell him to find a new lot. This is already my property…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status